wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quarter AP 9 Reviewer

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo sa Batas ng Demand?

a)

Kapag mataas ang presyo mataas ang demand

b)

Kapag mataas ang presyo mababa ang demand

c)

Kapag mataas ang demand madami gustong bumili

d)

Kapag mababa ang presyo mababa ang suplay

2.

Paano ipinapakita ang ugnayan ng presyo at quantity demanded?

a)

Kulang

b)

Magkasalungat

c)

Pantay

d)

Positibo

3.

Piliin ang tamang pagpapakahulugan sa Konsepto ng Demand?

a)

Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer

b)

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang presyo o halaga

c)

Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makabibili ng lahat ng pangangailangan

d)

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang igabili ng mga produser sa iba’t ibang presyo

4.

Alin sa mga konsepto ang nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat na ugnayan ang presyo at demand. Kapag mas mababa ang presyo ng produkto mas nagiging malaki ang kakayahan ng kita na mamimili ng makabili ng produkto.

a)

Demand

b)

Income Effect

c)

Substitution effect

d)

Variable effect

5.

Alin ang katotohanan sa mga sumusunod kapag mababa ang presyo ng mga produkto?

a)

Bumababa ang demand nito

b)

Naghahanap ng pamalit mamimili

c)

Nananatili ito

d)

Tumaas ang demand ng mamimili

6.

May iba pa bang salik o dahilan kung bakit nagbabago ang demand ng mga mamimili. Alin ang hindi kabilang sa dahilan ng pagbabago ng demand ng isang produkto?

a)

Bilang ng mamimili

b)

Ekspektasyon

c)

Kita

d)

Teknolohiya

7.

Kung ang demand function mula sa demand schedule para sa cookies ay Qd = 300 – 20P, kapag ang P = 1. Ano sa palagay mo ang magiging Qd o quantity demanded nito?

a)

150

b)

180

c)

280

d)

450

8.

Si Andrei ay limang taong pa lamang paano dapat ituro sa kanya ang matalinong pagdedesisyon sa paggasta sa pagtugon ng kanyang demand sa kendi?

a)

Bilhin ang lahat ng kendi na kayang bilhin ng kanyang pera

b)

Bumili lamang ng isa o dalawa sa pinakagusto niyang kendi at ihulog sa alkansya ang matitira

c)

Umiyak at humingi ng karagdagang pera kay kuya upang makabili ng mas maraming kendi

d)

Hindi na lang bibili ng kendi at tiisin ang kagustuhan niyang magkaroon nito

9.

Alin uri ng mga produkto na tumataas ang demand sa mga ito kapag kasabay ng pagtaas ng kita ng tao?

a)

Complimentary goods

b)

Inferior goods

c)

Normal goods

d)

Substitute goods

10.

Ano ang totoong nagaganap sa pamilihan kapag tumaas ang presyo ng produkto?

a)

Bababa ang suplay

b)

Kulang ang suplay

c)

Pantay lamang

d)

Tataas ang suplay

11.

Aling konsepto ng suplay na kung saan isinasalarawan ito sa pamamagitan ng grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?

a)

Supply curve

b)

Supply function

c)

Supply schedule

d)

Supply

12.

Alin sa mga salik ang nakakaapekto sa sitwasyong nakapagdudulot ng mabilis na produksyon at pagtaas ng bilang ng produkto?

a)

Ekspektasyon sa presyo

b)

Pagbabago sa Teknolohiya

c)

Pagbabago sa Bilang ng nagtitinda

d)

Pagbabago sa halaga ng produksyon

13.

Ano ang tawag sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?

a)

Demand

b)

Ekwilibriyo

c)

Produksiyon

d)

Suplay

14.

Kailan nagaganap ang pagkilos o paggalaw ng kurba pakaliwa?

a)

Kapag katamtaman ang presyo

b)

Kapag mababa ang suplay

c)

Kapag mataas ang suplay

d)

Wala sa nabanggit

15.

Sa pamumuhunan, ang isang matalinong negosyante ay may malawak na kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang matalinong negosyante?

a)

May kakayahang umangkop sa mga makabagong paraan ng produksyon

b)

Mapagmasid sa galaw ng demand, suplay at presyo sa pamilihan

c)

Mapanuri sa ginagawang produkto upang mapanatili ang kalidad nito

d)

Naglalagak ng puhunan sa mga produktong walang tiyak na suplay

16.

Bilang negosyante, paano ka makatutugon sa pagbabago ng mga salik ng suplay?

a)

Kailangang pagtuunan ng masusing pag – aaral ang pamamalakad at humingi ng payo sa mga eksperto

b)

Samantalahin ang kagipitan o kakulangan

c)

Tumatanggap na lang ng kita

d)

Hayaang malugi ang negosyo

17.

Alin sa palagay mo ang magaganap sa suplay kapag tumaas ang presyo ng softdrinks mula Php 20 na ngayon ay naging Php 28?

a)

Bababa

b)

Kulang

c)

Pantay

d)

Tataas

18.

Kung ikaw ay magiging isang prodyuser, ano ang gagawin mo upang mabilis na maipagbili ang iyong mga paninda o produkto?

a)

Bababaan ang presyo

b)

Tataasan ang presyo

c)

Itatago ang produkto

d)

Palalawigin ang produksyon

19.

Ano ang instrumento na ginagamit sa pamilihan upang maging ganap ang palitan?

a)

Kita

b)

Pera

c)

Presyo

d)

Produksyon

20.

Paano naipapakita ang ekwilibriyo sa pamilihan?

a)

Kapag nakapagtatamo ng kasiyahan ang parehong mamimili at prodyuser

b)

Kapag hindi balanse ang quantity demanded at quantity supplied

c)

Kapag madami ang suplay kaysa sa demand

d)

Kapag may kakulangan sa suplay

21.

Ano ang napagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser?

a)

Ekwilibriyo

b)

Ekwilibriyong dami

c)

Ekwilibriyong presyo

d)

Disekwilibriyo

22.

Saang lugar nagtatagpo ang mga mamimili at prodyuser?

a)

Department store

b)

Pamilihan

c)

Daungan

d)

Pasyalan

23.

Alin sa mga sumusunod ang uri ng pamilihan sa ilalim ng pamilihang may hindi ganap na kompetisyon, kung saan iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto?

a)

Monopsonyo

b)

Monopolyo

c)

Monopolistic Competition

d)

Oligopolyo

24.

Sino ang ekonomistang nagpahayag sa kanyang aklat na “An Inquiry Into the Nature and Cause of the Wealth of Nation” na sa kanyang pananaw tungkol sa katotohanan ng pagkakaroon ng kartel?

a)

Adam Smith

b)

David Ricardo

c)

Karl Marx

d)

Thomas Robert Malthus

25.

Ang Monopsonyo ay kabilang sa pamilihang may hindi ganap na kompetisyon. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan ukol dito?

a)

Iisa lamang ang prodyuser o nagtitinda

b)

Iisa lamang ang konsyumer

c)

Maraming prodyuser na nagbebenta

d)

May ilan ang prodyuser at nagbebenta ng magkatulad na produkto

26.

Piliin ang pinakatamang kahulugan ng Estraktura ng Pamilihan?

a)

Dito nagtatagpo ang prodyuser at konsyumer

b)

Ito ay balangkas na umiiral sa sistema ng merkado at doon makikita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser

c)

Ito ay tumutukoy sa dami, handa at kayang ipagbili ng prodyuser

d)

Dito nagaganap ang bentahan

27.

Kung ang Price ceiling ay kilala bilang maximum price policy, saan naman kilala ang Price floor?

a)

Maximum tolerance

b)

Minimum price policy

c)

Price discrimination

d)

Price elasticity

28.

Bakit ipinatutupad ang Minimum Wage Law sa bansa?

a)

Makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang sweldo

b)

Makilala ang mga manggagawa

c)

Mabigyan ng trabaho ang mga tao/ manggagawa

d)

Lahat ng nabanggit

29.

Alin sa mga sumusunod ang katotohanan kung bakit ipinatutupad ang price freeze?

a)

Tumaas ang presyo

b)

Mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante

c)

Makapagbenta ng marami

d)

Upang hindi malugi

30.

Sa panahong may kalabisan o surplus ng mga produkto sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagiging gampanin ng pamahalaan?

a)

Tagabili

b)

Supplier

c)

Tagapamagitan

d)

Tagatago