WorksheetsGeography and History Quiz
Total questions: 25
Worksheet time: 9mins
Anong kosepto ang tumutukoy sa pag-aaral ng tao, kanilang kapaligiran, at mga likas yamang maari niyang magamit upang mabuhay?
Demograpiya
Kartograpiya
Heograpiya
Topograpiya
Anong temang heograpikal ang ginagamit sa pagtukoy ng kinaroroonan at distribusyon ng tao at lugar sa daigdig?
Lokasyon
Lugar
Paggalaw
Rehiyon
Ano ang tumutukoy sa paniniwalang ang buong sansinukob ay nalikha ng makapangyarihang nilalang?
Creationism
Hinduism
Buddhism
Islam
Ano ang tawag sa mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang polo?
Latitud
Longhitud
Meridian
Parallel
Ano ang sukat ng isa sa mga mahalagang parallel na Tropic of Capricorn?
23.5o S
23.5o N
23.5o E
23.5o W
Sinong heneral ng mga Romano ang nagpaalis kay Hannibal sa Italya?
Heneral Cato
Heneral Scipio
Heneral Pyrrhus
Heneral Caesar
Anong lungsod sa hilagang Aprika ang nakatunggali ng mga Romano sa Punic War?
Corinth
Tuscany
Carthage
Pharsalus
Sinu-sino ang bumubuo sa unang Triumvirate na naglayong ibalik ang kaayusan sa imperyong Romano?
Crassus, Caesar, Pompey
Cato, Brutus, Cassius
Anthony, Octavian, Lepidus
Marius, Sulla, Tiberius
Ano ang winika ni Julius Ceasar upang ipamalita ang kanyang matagumpay na pagsakop sa ilang mga lupain?
Veni Vedi Veci
Veni Vidi Vici
Vini Vidi Vici
Vini Vedi Veci
Kaninong puwersa ang nagwagi sa Labanan sa Thermopylae?
Knossos
Darius
Miltiades
Leonidas
Ano ang naidulot ng Bourgeosie sa sistema ng pamamahala sa kalakhang Europa?
Natigil ang sistemang pyudalismo.
Umunlad ang kalakalan at industriya.
Napaunlad ang kaisipang liberalismo.
Nagbago ang katayuan ng monarkiya.
Paano umusbong ang Merkantilismo sa Europa?
Sa layuning pang-industriya at pangkalakalan.
Sa layuning pang-pamilya at pagnenegosyo ng mga maharlika.
Sa layuning pang-ekonomiya at pampolitika na aspeto ng lipunan.
Sa layuning pang-agrikultura at pang-sosyal na aspeto ng lipunan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sanhi ng pagsilang ng Renaissance sa Europa?
Estratehikong lokasyon
Sentro ng karunungan
Maharlikang angkan
Kaugnayan sa Gresya
Alin sa mga sumusunod ang salik sa paglakas ng monarkiya sa Europa?
Renaissance
Simbahang Katoliko
Merkantilismo
Bourgeoisie
Anong panahon nang magsimulang maglayag at tumuklas ng mga bagong lupain at rutang pangkalakalan ang mga Europeo.
1500
1600
1700
1900
Paano nangyari ang Boston Massacre?
Pagpapatibay ng Tea Act.
Pagpapawalang bisa sa Townshend Act.
Pagtutol ng mga Amerikano sa Stamp Act.
Pagpatay ng mga Briton sa limang Amerikano.
Anong antas ng lipunan sa Pransya ang binubuo ng mga Maharlika?
Unang Estado
Ikalawang Estado
Ikatlong Estado
Ikaapat na Estado
Anong buwan at taon nang sakupin ng Japan ang Manchuria?
Setyembre 1931
Setyembre 1932
Setyembre 1933
Setyembre 1934
Kailan nakipagtulungan si Mussolini kay Hitler sa pamamagitan ng pagdeklara ng laban sa Great Britain at France?
Hunyo 10, 1940
Hulyo 10, 1940
Agosto 10, 1940
Setyembre 10, 1940
Anong taktika ang ginamit ng mga bansa sa kanlurang prontera?
Trench Warfare
Missile Defense
Nuclear Weapon Warfare
Flamethrower
Anong konsepto ang tumutukoy sa mga bagay na mahalaga sa ikabubuhay ng tao?
Alokasyon
Kagustuhan
Pagkonsumo
Pangangailangan
Ano ang tawag sa unang dalawang lebel ng herarkiya ng pangangailangan ayon kay Maslow?
Basic Order Needs
Common Order Needs
Middle Order Needs
Higher Order Needs
Ito ay isang agham panlipunan na nag-aaral sa mga kilos at asal ng isang indibidwal, kung paano nito sinosolusyunan na matugunan ng limitadong resorses ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
Ekonomiks
Kakapusan
Political Economy
Political Science
Alin sa mga sumusunod na aralin ang may kaugnayan sa ekonomiks kung saan ito ay nakatutulong upang mas madaling maipaliliwanag ang iba't ibang economic phenomena sa pamamagitan ng mga grap, tsart, o talahanayan at paggamit ng mga mathematical equation.
Agham
Lohika
Matematika
Pilosopiya
Ito ay isang sitwasyon na handa kang magkompromiso sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng isa para sa iba.
Kakapusan
Opportunity cost
Production Possibility Frontier (PPF)
Trade off
