NEW
Font size
WorksheetsKasaysayan ng Pamahalaan sa Pilipinas
Total questions: 42
Worksheet time: 22mins
Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa pamahalaang militar?
Pangulo
Pangalawang Pangulo
Gobernador Militar
Gobernador Sibil
Kailan naitatag sa Pilipinas ang Partido Federal upang payapain ang mga Pilipinong mag-alsa laban sa Amerikano?
Pebrero 6, 1901
Mayo 7, 1899
Disyembre 23, 1900
Agosto 14, 1898
Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
Wesley Merritt
William H. Taft
William Mckinley
Jacob Schurman
Anong uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar?
Pamahalaang Taft
Pamahalaang Militar
Pamahalaang Sibil
Pamahalaang Schurman
Ang gobernador militar ay may kapangyarihang maliban sa isa. Ano ito?
Tagapaghukom
Tagapagbatas
Tagapagpaganap
Tagapagpahayag
Ipinag-utos ni Pangulong McKinley ang pagpapairal ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas sapagkat ito ang hinihingi ng pagkakataon dahil hindi pa mapayapa ang panahon. Kung ikaw sang ayon ka ba sa desisyon ni Pangulong McKinley?
Oo, para sa kapayapaan, kaayusan at katahimikan ng bansa
Hindi, dahil sunud-sunuran na ang mga Pilipino sa mga militar
Oo, para sa katahimikan ng mga mayayaman lamang
Wala sa nabanggit
Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang sibil sa bisa ng Patakarang _____.
Pilipinisasyon ng Pilipinas
Pilipino Muna
Pilipinas ay para sa mga Pilipino
Makataong Asimilasyon
Sa ilalim ng batas na ito naitatag ang Unibersidad ng Pilipinas
Batas bilang 1870
Batas Jones
Wala sa nabanggit
Lahat ng nabanggit
Matapos ang mahigit sa tatlong daang pagkaalipin sa mga Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa ating bansa. Ano kaya ang nangyari kung sakaling hindi dumating ang mga Amerikano sa ating bansa?
Patuloy ang pagka alipin ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol
Maraming pagbabago ang nangyari kailanman ay hindi naranasan sa pamahalaang Espanyol
Lahat ng nabanggit
Wala sa nabanggit
Anong uri ng Asamblea na nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong makisali sa pamamalakad sa pamahalaan?
Asamblea ng Pilipinas
Asamblea ng Estados Unidos
Asamblea ng Saksi
Wala sa nabanggit
Nahalal bilang Ispiker ng Mababang Kapulungan.
Manuel L. Quezon
Jose Rizal
Sergio Osmenia Sr.
Manuel A. Roxas
Inihanda ang pamahalaang militar ang pundasyon ng pamahalaang sibil, isa sa mga ito ay ang pagbubukas ng mga paaralang pampubliko na ang unang guro ay mga sundalong Amerikano. Kung sakaling ikaw ang tumayong guro noong panahon na iyon, magsisilbi ka bang tunay sa mga Pilipino na hindi mo naman kadugo?
Hindi, dahil hindi ko naman sila kadugo
Oo, dahil bukas sa kalooban ko ang tumulong bagamat hindi ko sila kadugo
Gustuhin ko kung may pera na ibibigay nila.
Hindi
Ang Estados Unidos ay inihanda ng pamahalaang militar ang pundasyon ng pamahalaang sibil maliban sa isa. Ano ito?
pagtatag ng mga hukuman
pagbukas ng mga paaralang pampubliko
pagtatag ng bagong pamahalaan sa bansa
pagpatayo ng mga pribadong gusali
Sino ang napiling Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal at pinamunuan niya ang pagbuo ng Saligang Batas ng 1935?
Claro M. Recto
Franklin Delano Roosevelt
Manuel Roxas
Manuel L. Quezon
Kailan nabuo ang Saligang Batas ng 1935?
Hulyo 10, 1934
Pebrero 8, 1935
Mayo 13, 1945
Pebrero 13, 1935
Ang mga nilalaman ng Saligang Batas ng 1935 ay halos mula sa Saligang Batas ng Estados Unidos maliban sa pagkakaroon ng isang ______________.
Kapulungan sa Lehislatura ( Unicameral National Assembly )
Kumbensyong Konstitusyonal
Mataas na Kapulungan
Wala sa nabanggit
Paano nabuo ang Saligang Batas ng 1935?
Sa pamamagitan ng probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na magkaroon ng pagsasarili ang bansa
Sa pamamagitan ng pag-sang ayon ng sambayanang Pilipino
Sa pamamagitan ng proseso na dapat mangyari upang makalaya ang Pilipinas
Lahat ng nabanggit
Ano ang magiging epekto kung patuloy ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga dayuhang produkto o stateside?
Pag-angat ng produkto ng mga Pilipino
Pagbagsak ng ekonomiya at industriya ng bansa
Wala sa nabanggit
Lahat ng nabanggit
Pangunahin simulain ni Pangulong Quezon sa kanyang pamamahala ang pangunguna ng pamahalaan kaysa pulitika; at patakarang walang mamamayan na mula sa punong tagapagpaganap hanggang sa pinakamaliit na mamamayan ang mas mataas kaysa batas. Bakit kaya ito ang unang simulain na ipinatupad ni Pangulong Quezon. Ano sa palagay ninyo?
Mas mahalaga ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa sa pulitika
Mahirap man o mayaman walang mas nakakataas sa batas
Ang pamamahala niya sa mga tao ang naging sentro ng kanyang programa o adhikain
Lahat ng nabanggit
Kailan pinatayo ang Pamantasan ng Pilipinas? ( paaralang pangkolehiyo )
Hunyo 18, 1908
Hulyo 19, 1909
Hunyo 12,1898
Wala sa nabanggit
Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano?
Buddist
Thomasites
Wala sa nabanggit
Lahat ng nabaggit
Ano ang simbolo ng pananakop ng Amerikano?
relihiyon
Ingles
paaralan
pambayan
Alin sa sumusunod ang simbolo ng pananakop Amerikano?
simbahan
paaralan
espada
krus
Ang sumusunod ay ipinatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa.
Libre ang pag-aaral sa mga paaralang pambayan
Ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika
Itinuro ang relihiyon at wikang tagalog
Ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo
Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na maging isang pangulo ng bansa. Pagtutuunan mo rin ba ng pansin ang pagbabago sa tranportasyon at Komunikasyon tulad sa panahon ng mga Amerikano?
Hindi, dahil hindi kailangan,mas uunahin ang tungkol sa pagkain
Oo, sapagkat isa sa mga ito ang kinakailangan sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa
Oo, dahil naayon sa makabagong teknolohiya
Wala sa nabanggit
Isang malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano ang paglitaw ng kolera at bulutong sa Maynila at iba pang karatig pook, na kung ihahalintulad sa ngayon na nararanasan ang pandemya sa buong mundo. Ano kaya ang mangyayari kung hindi magpapatupad ang mga kawani ng Kalusugan upang hindi ito kumalat?
Unti- unting mamatay ang mga tao
Mawawalan ng trabaho ang lahat ng mga tao
Babagsak ang ekonomiya at industriya ng buong bansa
Lahat ng nabanggit
Kailan lubusang nasakop ng mga Hapones ang Maynila?
Enero 2, 1942
Pebrero 20, 1942
Mayo 4, 1942
Mayo 6, 1942
Ano ang hiniling ni Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika kay Pangulong Manuel Quezon pagkatapos masakop ng mga Hapones ang Maynila?
Ipagpatuloy niya ang pamumuno sa pakikipaglaban.
Sumuko na siya sa mga Hapones.
Ilikas niya ang pamahalaang Commonwealth at kanyang pamilya sa Amerika.
Wala sa mga nabanggit.
Sino ang naatasan bilang kapalit ni Heneral MacArthur na lananan ang mga Hapones?
Heneral Jonathan Wainwright
Heneral William Howard Taft
Heneral Luke Edward Wright
Heneral Henry Clay Ide
Paano naranasan ng mga sundalo sa Corregidor ang bagsik ng mga sundalong Hapones?
pagpaparanas ng Martsang Kamatayan
walang tigil na pagbobomba sa kanila
pagsunog sa mga kuta nila
Lahat ay tama.
Noong Mayo 5, 1942, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng makakaya sa pagtatanggol sa Corregidor. Ano resulta ng pakikibaka nila sa mga sa Hapones?
Umurong sila sa labanan upang hindi mamatay.
Tumulak sila at nagtago sa kabundukan.
Ipinagpatuloy nila ang pakikipaglaban.
Nagapi pa rin sila ng mga Hapones.
Sa iyong tingin, bakit kaya nagtatag ng pangkat gerilya ang mga sundalong Pilipino sa laban sa Corregidor?
Upang humiwalay sila sa pangkat ng Amerika.
Upang maisalba ang sarili sa kamatayan.
Upang makamit ang hinahangad na kalayaan.
Upang makakuha ng pagkain
Alin sa mga sumusunod ang motibo ng mga Hapones sa pagsakop sa Pilipinas?
Upang may paglagyan ng kanilang lumalaking populasyon.
Upang magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal.
Upang may makukuhanan ng mga likas na yaman.
Lahat ay tama.
Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic dahil sa ______.
Ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
Pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
Pilipino lahat ang namumuno.
Laruang Puppet ang paboritong nilang laro.
Ano ang naging epekto ng ekonomiyang pandigmaan sa panahon ng mga Hapones?
Nagkaroon ng kasaganaan sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Maraming trabaho ang ipinatupad ng mga Hapones.
Nagkaroon ng kakulangan sa mga pangunahing produkto.
Umunlad ang aspetong agrikultura sa Pilipinas.
Ang heneral ng Amerika na bumalik kasama ang mga hukbong Amerikano na lulupig sa
mga Hapon.
Heneral Hideki Tojo
Heneral Douglas MacArthur
Heneral Edward King
Heneral Jonathan Wainwright
Kailan bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapon?
Mayo 5, 1942
Mayo 6, 1942
Mayo 7, 1942
Mayo 8, 1942
Siya ang lider ng samahang gerilya sa Panay.
Tomas Confessor
Tomas Cabili
Koronel Ruperto Kangleon
Wenceslao Q. Vinzons
Isang kilusang may katulad na simulain ng mga gerilya na binuklod ng mga
magsasakang labis na naghirap.
KKK
Gerilya
HUKBALAHAP
USAFFE
Ang pinuno sa kilusang HUKBALAHAP na itinatag laban sa mga Hapones.
Luis Taruc
Jesus Lava
Jose Banal
Lahat ng nabanggit ay tama
Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga Hapones.
HUKBALAHAP
Gerilya
Makapili
KALIBAPI
Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?
Pamahalaang Parlamentaryo
Pamahalaang Demokratiko
Pamahalaang Totalitaryan
Pamahalaang Komonwelt
