NEW
Font size
WorksheetsPanrehiyong Pagtatasa para sa Kalagitnaang Taon sa Filipino 2
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ano ang mga tunog na bumubuo sa salitang lapis?
/la/ /pis/
/la/ /pi/ /s/
/l/ /a/ /pi/ /s/
/l/ /a/ /p/ /i/ /s/
Ano ang tunog ng mga katinig sa salitang pamilya?
/m/ /l/ /y/
/p/ /m/ /y/
/p/ /m/ /l/
p/m/ /l/ /y/
Ang bata ay may dalang lata. Ano ang magkatugmang salita sa pangungusap?
bata - dala
bata - lata
dala - lata
ay - lata
Pagsamahin ang mga salitang magkakatugma mula sa pangkat:(puno, saging, tula, lupa) Alin ang tamang pares?
puno – saging
lupa – tula
saging – tula
puno – lupa
Paborito kong basahin ang aklat ng mga alamat. Ano ang mga pantig na bumubuo sa salitang aklat?
akl-at
a-k lat
ak-lat
a-k-lat
Aling pangkat ng mga salita ang may dalawang pantig? I. apoy palaso bato II. baso, kahon, talon III. kamay, sayaw, krus IV. dyanitor, guro, plato
I
II
I at II
III at IV
Si Ate ay inutusan ni Nanay na bumili ng prutas sa palengke. Alin sa sumusunod ang dapat niyang bilhin?
atis at talong
okra at patola
papaya at saging
sitaw at ampalaya
Maraming nakahandang pagkain sa mesa. Nakasuot ng bagong pulang damit si Maya. May regalong iniabot ang kaniyang Mama. Masayang-masaya si Maya. Ano kayang pangyayari ang naganap kay Maya?
Kaarawan ni Maya
Araw ng Pista kila Maya
Dumating ang Papa ni Maya
Kaarawan ng Mama ni Maya
Ang mga mag-aaral ay natututong bumilang at bumasa sa pamamagitan ng pagpasok sa _________. Aling salita ang bubuo sa pangungusap?
palayan
paaralan
pamayanan
pamahalaan
Piliin ang pangkat ng mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao? I. aso, puso, lata II. lolo, tatay, ate III. lapis, aklat, aso IV. tito, mama, lola
II
III at I
II at IV
II at III
Alin sa sumusunod ang pangkat ng mga salita ang tumutukoy sa lugar?
aklat, baso, paaralan
bukid, parke, palengke
kahon, ospital, larawan
bola, panahon, larawan
Alin sa mga salita ang hindi kabilang kung pagbabatayan ang kasarian ng pangngalan?
tatay
lola
kuya
ama
Sina Lucaz at Cypher ay magkaklase. _____ ay pawang mga nasa ikalawang baitang? Ano ang wastong panghalip panao ang maaaring ipalit sa may salungguhit na mga salita?
Ako
Siya
Sila
Tayo
Namili kami ng gamit pang-eskwela sa National Bookstore. Ano ang salitang pananong na maaaring sagutin ng may salungguhit na salita sa pangungusap?
Saan
Sino
Ilan
Bakit
Si Don ay may malawak na lupain sa probinsiya. Anong salitang naglalarawan ang ginamit sa pangungusap?
Don Juan
lupain
malawak
probinsiya
Nagmamaneho ng tren si Kuya Amboy. Alin ang salitang kilos sa pangungusap?
Amboy
Kuya
nagmamaneho
tren
Bumuo ng payak na pangungusap na nagpapahayag ng utos gamit ang mga salita sa kahon: walis, likod-bahay, kumuha, ka, ng, sa
Kumuha ka ng walis sa likod-bahay?
Kumuha ka ng walis sa likod-bahay!
Kumuha ka ng walis sa likod-bahay.
Kumuha ka ng walis sa likod-bahay;
Kaarawan ng iyong Lola, paano mo siya babatiin. Bumuo ng pangungusap na pagbati mula sa mga salitang nasa kahon: po, kaarawan, Lola, maligayang.
Maligayang kaarawan po Lola!
Maligayang kaarawan po Lola?
Maligayang kaarawan po Lola;
Maligayang kaarawan. po lola.
Masayang nagkuwento si Ana sa kaniyang karanasan. Alin sa sumusunod ang dapat niyang sabihin?
Kanina ka pa ba naghihintay, Jhea?
Jea, pakisarado ang pinto sa banyo.
Kumain kami sa Jollibee kanina.
Ang sakit ng tuhod ko, nadapa ako kanina!
Aling pantukoy ang akma sa larawan ng mga batang mag-aaral na nakaupo sa mga upuan sa silid-aralan?
Ang
Ang mga
Si
Sina
Isang umaga, nakasalubong mo ang iyong guro. Ano ang wastong pagbati sa kaniya?
Oh hi ma’am!
Bakit maaga ka?
Nandito ka pala Ma’am?
Magandang umaga po, Ma’am.
Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutin ang tanong tungkol dito. Ang Nawawalang Bolpen Hindi mapakali si Sara sa kaniyang upuan. Inilabas niya ang lahat ng laman ng kaniyang bag. Binuklat-buklat niya ang kaniyang aklat at mga kuwaderno. Sinilip niya ang ilalim ng kaniyang desk. Palakad-lakad din siya sa silid-aralan, habang nakatingin sa sahig. “Nawawala ang aking bolpen. Maaari bang makahiram ng isa mong bolpen, Mateo?”, pakiusap ni Sara. Nagtataka si Mateo habang nakatingin sa sabitan ng ID ni Sara. Alin sa mga tauhan sa kuwento ang higit na naging mahalaga sa pag-unlad ng kuwento?
Bolpen
Guro
Sara
Mateo
Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutin ang tanong tungkol dito. Ang Nawawalang Bolpen Hindi mapakali si Sara sa kaniyang upuan. Inilabas niya ang lahat ng laman ng kaniyang bag. Binuklat-buklat niya ang kaniyang aklat at mga kuwaderno. Sinilip niya ang ilalim ng kaniyang desk. Palakad-lakad din siya sa silid-aralan, habang nakatingin sa sahig. “Nawawala ang aking bolpen. Maaari bang makahiram ng isa mong bolpen, Mateo?”, pakiusap ni Sara. Nagtataka si Mateo habang nakatingin sa sabitan ng ID ni Sara. Ano ang naging suliranin ng pangunahing tauhan?
Nawawala ang kaniyang aklat.
Nawawala ang kaniyang bolpen.
Hindi makita ang kaniyang kagamitan.
May kumuha ng kaniyang uniforme at sapatos.
Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutin ang tanong tungkol dito. Ang Nawawalang Bolpen Hindi mapakali si Sara sa kaniyang upuan. Inilabas niya ang lahat ng laman ng kaniyang bag. Binuklat-buklat niya ang kaniyang aklat at mga kuwaderno. Sinilip niya ang ilalim ng kaniyang desk. Palakad-lakad din siya sa silid-aralan, habang nakatingin sa sahig. “Nawawala ang aking bolpen. Maaari bang makahiram ng isa mong bolpen, Mateo?”, pakiusap ni Sara. Nagtataka si Mateo habang nakatingin sa sabitan ng ID ni Sara. Kung ikaw ang pangunahing tauhan, tama ba ang naging tugon niya sa kaniyang suliranin?
Oo, dahil hindi siya umasa sa iba.
Hindi, dahil may mas mabuting paraan.
Hindi, dahil naging pabaya siya sa kaniyang gamit.
Oo, dahil nakatulong iyon sa paglutas ng problema.
Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutin ang tanong tungkol dito. Ang Nawawalang Bolpen Hindi mapakali si Sara sa kaniyang upuan. Inilabas niya ang lahat ng laman ng kaniyang bag. Binuklat-buklat niya ang kaniyang aklat at mga kuwaderno. Sinilip niya ang ilalim ng kaniyang desk. Palakad-lakad din siya sa silid-aralan, habang nakatingin sa sahig. “Nawawala ang aking bolpen. Maaari bang makahiram ng isa mong bolpen, Mateo?”, pakiusap ni Sara. Nagtataka si Mateo habang nakatingin sa sabitan ng ID ni Sara. Bakit kaya natawa si Mateo matapos makita ang bolpen ni Sara?
Nakita ni Mateo ang bolpen sa ID ni Sara.
Nasa ulo ni Sara ang bolpen.
Itinago ni Mateo ang bolpen.
Pinaglalaruan niya ang bolpen.
