NEW
Font size
WorksheetsQUIZ - ARALING PANLIPUNAN 7
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
May pagkakaiba – iba sa pananampalataya ang mga pangkat etnolinggwistiko sa Timog-Silangang Asya na nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Isang halimbawa nito ay ang paniniwala na ang pinakalayunin sa buhay ay ang makamit ang tinatawag na "enlightenment" o Nirvana. Anong relihiyon ang tinutukoy nito?
Budismo
Hinduismo
Islam
Kristiyanismo
Ang likas na yaman ay pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan ng kaunlarang pangkabuhayan. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa kampanya sa pangangalaga ng likas na yaman?
Likas-kayang paggamit at pagpapahalaga sa likas na yaman ng bansa.
Paggamit ng mga likas na yaman nang walang pag-aalala para sa kapaligiran.
Patuloy na pagpapalaganap ng hindi wastong paggamit ng mga likas na yaman.
Paggamit ng mga yaman nang hindi isinasaalang-alang ang mga posibleng maging epekto nito.
Bilang kasapi ng isang komunidad, paano mo maisasagawa ang aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkalikasan upang makatulong sa paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran?
Magputol ng puno para sa sariling gamit basta’t hindi ito nakikita ng iba.
Iwasan ang pakikilahok sa mga aktibidad kung wala namang direktang epekto sa sarili.
Manatiling tahimik at hayaan na lamang ang mga opisyal ng barangay ang umaksyon sa isyu.
Hikayatin ang kapwa mamamayan na sumali sa mga gawaing pangkalikasan at magsagawa ng regular na paglilinis sa paligid.
Nagkaroon ng ugnayang pangkapangyarihan ang mga Asyano sa Timog Silangangang Asya. Ilan sa mga patunay nito ay ang sumusunod: I. Ginamit ng mga imperyo tulad ng Khmer at Majapahit ang kalakalan bilang isang paraan upang mapalawak ang kanilang sakop at impluwensya II. Ang kalakalan ang naging dahilan ng pag-unlad ng mga makapangyarihang lungsod-estado tulad ng Malacca at Ayutthaya na naging sentro ng kalakalan at kultura. III. Ang mga kaharian ng Srivijaya sa Indonesia at Funan sa Cambodia ay nagsilbing mga sentro ng kalakalan na nagkokontrol sa mahahalagang rutang pandagat sa pagitan ng India at China. IV. Ang mga lokal na pinuno ay nakipag-alyansa sa mga banyagang mangangalakal mula sa China, India, at Gitnang Silangan na nagbigay-daan sa kanila na palakasin ang kanilang ekonomiya. Mula sa kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?
Ang kalakalan ay nagsilbing pangunahing kasangkapan sa paghubog ng ugnayang pangkapangyarihan sa Timog-Silangang Asya.
Ang kalakalan ang nagpalakas ng pamamahala ng bawat bansa sa pagbabawas ng teritoryong nasasakupan.
Ang kalakalan ang naging daan sa pagpapanatili ng tradisyunal na pamumumuhay ng mga Asyano.
Ang kalakalan ang naging susi sa pagbagsak ng mga kaharian sa Timog Silangang Asya.
Paano nakaaapekto ang katangiang pisikal ng Timog Silangang Asya sa distribusyon ng populasyon at ekonomiya ng rehiyon nito?
Ang mga lambak at kapatagan ay kadalasang hindi naaangkop para sa agrikultura kaya't kakaunti ang mga taong naninirahan sa mga lugar na ito.
Ang mga disyerto sa Timog Silangang Asya ay nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng agrikultura na siyang nagiging sentro ng ekonomiya at populasyon.
Ang mga bundok sa rehiyon ay nagiging dahilan ng mataas na densidad ng populasyon dahil maraming tao ang naninirahan sa matataas na lugar para sa mas malamig na klima.
Ang mga kapuluan ng rehiyon ay nagtataguyod ng magkakaibang kalakalan at komersyo dahil pinapadali ng mga daungan at baybayin ang pag-aangkat at paglul
Napansin mo na ang iyong kaklase na kabilang sa pangkat-etniko ng mga Badjao ay nakararanas ng pambubulas mula sa ilan ninyong kamag-aral dahil sa maling paniniwala na sila ay namamalimos lamang. Ano ang iyong magiging hakbang upang matigil ang ganitong uri ng diskriminasyon at pambubulas laban sa kanya?
Huwag makialam sa sitwasyon at iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga nambubulas upang hindi na lalong lumala ang isyu.
Sabihin agad ang pangyayari sa mga guro o guidance counselor upang sila ang makialam at magpatupad ng mga hakbang upang matigil ang pambubulas.
Kausapin ang mga nambubulas nang tahimik at ipaliwanag sa kanila ang tunay na sitwasyon ng mga Badjao at ang epekto ng kanilang pangungutya.
Gumawa ng petisyon na naglalaman ng suporta para sa biktima at hikayatin ang mga kaklase na pumirma upang ipakita ang kanilang pagsalungat sa pambubulas.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng mga Asyano sa kanilang pamilya?
Ang mga Asyano ay nagbibigay ng pabor sa pagiging independiyente at paghihiwalay ng kanilang mga anak sa edad na labingwalo.
Ang mga Asyano ay sumusunod sa isang pamumuhay na hindi nagbibigay ng halaga sa mga tradisyonal na ritwal at seremonya para sa kanilang pamilya.
Ang mga Asyano ay nagtatalaga ng mas kaunting oras para sa kanilang pamilya upang makapaglaan ng mas maraming oras sa kanilang mga propesyonal na tungkulin.
Ang mga Asyano ay karaniwang pinalawak na pamilya na nagtataguyod ng kolektibong responsibilidad at suporta sa isa’t isa sa kabila ng personal na pagsasakripisyo.
Nagkakaiba-iba ang estruktura ng lipunang pang-uri sa Timog-Silangang Asya batay sa konteksto ng bawat bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na pangunahing salik sa pagkakahati-hati ng mga uri sa lipunan?
Kasaysayan
Kultura
Lipunan
Politika
Ang Timog Silangang Asya ay tahanan ng iba't ibang pangkat etnolinggwistiko na may kani-kaniyang tradisyon, paniniwala at relihiyon. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkakaiba-iba ng relihiyon maliban sa isa, alin ito?
Pagkakaiba-iba ng kultura at etnisidad
Kasaysayan ng kalakalan at kolonisasyon
Pagkakaroon ng iisang wika sa buong rehiyon
Paghahalo ng iba't ibang paniniwala (Syncretism)
May mga bansa sa Timog Silangang Asya na naniniwala na dapat ay isa lamang ang asawa. Ano ang tawag sa sistemang ito?
Egalitarian
Monogamy
Polyandry
Polygamy
Si Joshua ay palaging handang tumulong at ipagtanggol ang kanyang pamilya lalo na kapag may nang-aapi o nananakit sa kanila. Anong uri ng pagpapahalaga ang ipinapakita ni Joshua?
Mutual Support
Close Family Ties
Respect for elderly
Care for Relationship
Paano mo maiaangkop ang nagbabagong gampanin at ugnayan sa loob ng pamilya sa konteksto ng modernong lipunan upang mapanatili ang pagkakaisa at mabisang komunikasyon?
Gamitin ang mga bagong teknolohiya at plataporma upang mapabuti ang komunikasyon at koordinasyon sa loob ng pamilya.
Panatilihin ang mga tradisyunal na gampanin at responsibilidad sa pamilya kahit na may mga pagbabago sa modernong lipunan.
Panatilihin ang mahigpit na hierarchical structure sa pamilya kung saan ang mga magulang lamang ang nagbib
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang hindi gampanin ng pamilya?
Ang pamilya ay yunit ng produksiyon.
Ang pamilya ay yunit ng pagmamahal.
Ang pamilya ay yunit ng reproduksiyon.
Ang pamilya ay yunit ng sosyalisasyon.
Sino ang antropologong Amerikano na naniniwala na ang mga Austranesian ang mga unang tao sa Pilipinas batay sa kaniyang Nusantao Trading and Communication Network Hypothesis?
Johann Blumenbach
Peter Bellwood
Peter Solheim
Wilhelm G. Solheim II
Anong konklusyon ang mahihinuha dito?
Ang mga Austronesian ay magagaling na negosyante.
Ang mga Austronesian ay nagpapakita ng kakayahan sa pamimirata.
Ang mga Austronesian ay nagpapakilala ng sopistikadong kakayahan sa paglalayag.
Ang mga Austronesian ay may mahusay na kasanayan sa pagbuo ng sasakyang pandagat.
Paano mo maipaliliwanag ang pangunahing impluwensiya ng mga Imperyong Maritima sa paghubog ng kasalukuyang ekonomiya ng Timog-Silangang Asya?
Pagbuo ng mga bagong pantalan at daungan upang mapabilis ang internasyonal na kalakalan.
Pagpapanatili ng mga tradisyonal na ruta ng kalakalan na dati nang ginamit ng Imperyong Maritima.
Pagsasagawa ng mga patakaran na nagtataguyod ng proteksyonismo upang mapanatili ang lokal na industriya.
Pag-aalaga sa mga lokal na agrikultura at manu-manong industriya upang mabawasan ang pag-angkat ng mga produkto.
Bilang pinuno ng samahan ng mag-aaral sa Araling Panlipunan, ano ay iyong gagawin upang maipamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Imperyong Maritima?
Iwasan ang mga talakayan at proyekto na nauugnay sa Imperyong Maritima dahil sa kakulangan ng interes.
Mag-organisa ng isang exhibit sa paaralan na naglalaman ng mga impormasyon at artifacts na nauugnay sa Imperyong Maritima.
Gumawa ng mga proyekto na nagbibigay-diin sa modernong teknolohiya at hindi na isasama ang mga aspeto ng Imperyong Maritima.
Maglaan ng oras upang magbasa ng mga kasaysayan tungkol sa mga sinaunang imperyo ngunit hindi ibabahagi ang kaalaman sa iba.
Anong konklusyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
Ang migrasyon ay susi tungong modernisasyon.
Naging makabuluhan ang migrasyon sa paglago ng mga bansa sa Asya.
Ang migrasyon ang naging daan sa pagkakaisa ng mga Asyano tungo sa pag-unlad.
Ang migrasyon ay mahalagang salik sa kaunlarang pangkabuhayan ng Timog-Silangang Asya.
Bakit itinuturing na mahalaga ang Teoryang Austronesian Migration sa paghubog ng kasaysayan ng Timog-Silangang Asya?
Dahil inilalarawan nito kung paano sinakop ng mga Austronesian ang buong Asya gamit ang kanilang malalaking hukbo
Dahil ipinakita nito kung paano ang mga Austronesian ang naging unang mga manlalakbay na nakarating sa Europa.
Dahil ipinaliwanag nito ang pagkakaroon ng magkakatulad na mga relihiyon sa iba't ibang bansa sa Timog-Silangang Asya.
Dahil nagpapaliwanag ito kung paano naipakalat ng mga Austronesian ang kanilang wika, kultura, at teknolohiya sa agrikultura at pangingisda sa iba't ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya
Paano nagkaroon ng impluwensyang kultural ang mga kabihasnang Srivijaya, Madjapahit, at Malacca sa kanilang mga nasasakupan?
Pagpapakilala ng teknolohiyang Kanluranin
Pagpapakalat ng sistemang pampulitika ng Tsina
Pagpapalaganap ng relihiyong Islam at Hinduismo
Paggamit ng mga wikang Latin at Griyego sa edukasyon
Ang Angkor Wat ay pinakanakamamanghang templo na itinayo ng mga Khmer. Paano ito nakatulong sa pagbuo ng kultura at relihiyon sa Imperyong Khmer?
sa pamamagitan ng pagiging sentro ng kalakalan
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga paaralan at unibersidad
sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga arkitekturang estilo ng Tsina
sa pamamagitan ng pagsasama ng mga elemento ng Hinduismo at Budismo
Ang Imperyong Srivijaya ay isang sinaunang kahariang Malay na naghari sa Sumatra, Indonesia. Ano ang naging epekto ng pag-angat ng Imperyong Srivijaya sa kalakalan at kultura sa Timog-silangang Asya?
Nagdulot ito ng mataas na antas ng pagsasanay at edukasyon sa rehiyon.
Nagbigay ito ng mataas na antas ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Nagdulot ito ng mataas na antas ng impluwensiya ng Budismo sa rehiyon.
Nagbigay ito ng mas mataas na antas ng kalakalan at pakikipagkalakalan sa Timog-Silangang Asya
Ang Funan ay ang sinaunang estado ng Cambodia na pinaniniwalaang naging kauna-unahang maunlad na ekonomiya sa Timog-Silangang Asya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
Ang Funan ay nagpakilala ng iba’t ibang mga inobasyon at makabagong pamamaraan sa pagsasaka.
Ang Funan ay kilala sa kanilang makabagong sistema ng irigasyon na nagpalago sa kanilang agrikultura na naging batayan ng kanilang ekonomiya
Ang Funan ay naging mahalagang sentro ng kalakalan sa rehiyon na nag-uugnay sa mga kalakal mula sa Tsina at India na nagpalakas sa kanilang ekonomiya.
Ang pagkakaroon ng maayos na pamahalaan at impluwensiya ng mga relihiyon tulad ng Hinduismo at Budismo ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng kanilang kultura at lipunan
Alin sa sumusunod na aspeto ng kabihasnang Pagan ang nagbigay ng pinakamalaking kontribusyon sa kanilang pag-unlad bilang isang makapangyarihang estado sa Timog-Silangang Asya?
Ang kanilang mga sistema ng irigasyon at agrikultura ay nagdulot ng maunlad
na pamumuhay
Ang kanilang estratehiya sa pakikipagkalakalan sa mga kalapit na rehiyon ay nagbunsod ng maunlad na komersyo
Ang pagpapalaganap ng Budismo at pagtatayo ng mga templo ay nagpatibay ng kanilang relihiyon, kultura at sining.
A. Ang kanilang kahusayan sa pakikidigma at pananakop ng mga kaharian ay nagpakita ng kanilang malawak na kapangyarihan.
Ang heograpikal na pagkakahati ng Timog-Silangang Asya ay may mga pangunahing epekto sa mga aspeto ng buhay at kasaysayan ng rehiyon. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang?
Ang heograpikal na pagkakahati ay nag-ambag sa pagbuo ng pare-parehong kultura
at paniniwala.
Ang heograpiya ay nagbigay ng masaganang likas na yaman tulad ng mga ilog at fertile plains na naging batayan ng agrikultura.
Ang heograpikal na pagkakahati sa pagitan ng mga kalupaang bansa at mga kapuluan ay nagdulot ng pagkakaiba-iba sa mga kultura, wika, at tradisyon.
Ang lokasyon ng Timog-Silangang Asya ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga makapangyarihang kaharian tulad ng Srivijaya at Funan.
Sa proseso ng pananakop, karaniwang ang una nilang ginagawa ay pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na nila ang loob ay saka nila isasakatuparan ang tunay nilang hangarin na pagsamantalahan at pakinabangan nang husto ang likas na yaman ng kolonya, magtatatag ng pamahalaang kolonyal at magtatakda ng paniningil ng buwis at magsasagawa ng mga batas na makabubuti sa mga mananakop. Sa anong paraan kabilang ang pahayag na ito?
Imperyalismo
Kolonyalismo
Protektorado
Sphere of Influence
Ang pokus ng pananakop ay makontrol ang politikal at ekonomikal na institusyon ng mas mahihinang bansa. Dahil dito kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno at nauubos ang mga likas na kayamanan ng mga bansa sa ilalim ng isang imperyo. Sa anong pamamaraan kabilang ang pahayag na ito?
Kolonyalismo
Imperyalismo
Protektorado
Sphere of Influence
Sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo, maituring na isang makapangyarihang estado ay kinakailangang nagtataglay ng isang matatag na institusyong politikal at matibay na pagkakakilanlang kultural. Anong uri ng imperyalismo ang gumagamit ng pamamaraan kung saan ang isang mahinang bansa ay pinamumunuan ang sarili nito subalit nananatili itong nasa ilalim ng kontrol ng mas makapangyarihang bansa?
Kolonyalismo
Protektorado
Economic Imperialism
Sphere of Influence
Bago ang pagtuklas at pananakop ay may ugnayan nang nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano. Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang pinaka-tagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakalan sa Asya. Anong ruta ang nagsisimula sa China at binabagtas ang mga disyerto ng Samarkand at Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos sa Lungsod ng Constantinople?
Hilagang Ruta
Gitnang Ruta
Timog na Ruta
Timog-Silangang Ruta
Nagsimula ang dakilang panahon ng eksplorasyon o ang panahon ng ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo noong ika-15 siglo.Ang eksplorasyong ito ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas sa mga bagong lupain?
Upang mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng mga bansang Europeo.
Upang maprotektahan ang kalikasan ng mga hindi pa natutuklasang lupain
Upang mapalawak ang kaalaman ng mga Europeo sa sinaunang kultura ng Asya
Upang magkaroon ng mga bagong ruta ng kalakalan at mapalawak ang kapangyarihan ng mga bansang Europeo.
May dalawang bansa: Isa ay direktang sinakop at pinamunuan ng dayuhan, at isa nama’y pinanatili ang lokal na lider ngunit kinontrol ang ekonomiya nito.Alin ang pinakamainam na paliwanag sa pagkakaiba ng kolonyalismo at imperyalismo batay sa halimbawa?
Kolonyalismo – hindi pinamumunuan, Imperyalismo – sinasakop
Wala silang pagkakaiba dahil pareho itong pamamaraan ng pananakop.
Kolonyalismo – pananakop ng teritoryo lang, Imperyalismo – pananakop ng kultura
Kolonyalismo – tuwirang kontrol sa politika at ekonomiya, Imperyalismo – hindi
direktang kontrol
Sa pagsusuri, lumalabas na ang pangunahing layunin sa pagsikap na makapunta ang mga Europeo sa Asya ay pang-ekonomiya. Noong panahon ng kolonyalismo, ang mga kolonya ay pinagkukunan ng hilaw na materyales at pamilihan ng produkto. Paano ito nakaapekto sa lokal na ekonomiya ng mga kolonya?
Umunlad ang sariling industriya ng mga mahihinang bansa
Naging sentro ng global trade ang mga bansang kolonya
Naging dependent sa mga dayuhang produkto at sistema
Lumaya sa pananakop at nagtatag ng sariling pamahalaan
Kinilalang Age of Discovery ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo kung saan nahimok ang mga Europeo na magtamo ng yaman at katanyagan, kasabay ng pagpapalaganap ng Katolisismo. Sa paanong pamaaraan ipinakita ang epekto
ng imperyalismo?
Pinayagan ng Kanluranin ang kalayaan sa ekonomiya
Nagdulot ito ng pag-unlad sa kalusugan ng mga katutubo
Nakontrol ng Kanluranin ang kabuhayan ng mga kolonya
Nakatulong ito sa pagiging makabayan ng mga mamamayan
Tulad ng unang yugto, ang ikalawang yugto ng imperyalismo ay pinasigla nang magkahalong tunggaliang politikal, mga dahilang ideolohiya, pangangailangang pang-ekonomiya. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagkakaroon ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo, alin ang hindi kabilang?
Pangangailangan ng mga hilaw na materyales para sa pamilihan
Paniniwala sa teoryang Social Darwinism
Pang-aalipin ng mga British sa Amerika
Pag-unlad ng mga imbensyon na nakatulong sa mabilis na produksyon ng mga produkto
Ang Pilipinas bilang kolonya ng Espanya mula 1565 hanggang 1898 ay napasailalim sa kapangyarihan ng Estados Unidos matapos ang Digmaang Espanyol-Amerikano sa bisa ng Treaty of Paris, kapalit ng halagang $20 milyon. Bakit nakibahagi ang Estados Unidos sa kompetisyon ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo?
Dahil sa pangangailangan ng mga ginto
Dahil sa paniniwalang ‘Manifest Destiny’
Dahil sa pangangailangan ng mga hilaw na materyales
Dahil sa pangangailangan ng mga hilaw na materyales at Manifest Destiny
Ang pagtuklas ng mga Europeo ng daan papuntang Silangan na dumadaan sa Kanluran ay nagbigay-daan para manakop sila ng mga teritoryo sa Asya na una nilang natuklasan. Alin sa sumusunod na mga bansang Europeo ang kauna-unahang naglunsad ng eksplorasyon sa mga kalupaan at karagatan sa Silangan?
Spain
Portugal
Netherlands
France
Paano maipapakita ang mga prinsipyo at estratehiya na ginamit ni Sukarno sa kanyang paglaban para sa kalayaan ng Indonesia sa mga modernong kilusan ng nasyonalismo sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Ang paggamit ng mga militar at sandatahang lakas ay hindi na magagamit sa mga bansang hindi nakakaranas ng parehong uri ng pananakop.
Ang paggamit ng kolaborasyon ng iba't ibang mga pangkat ay hindi akma sa mga bansa na may iba't ibang etniko at relihiyon na naghahangad ng pagkakaisa.
Ang paggamit ng dahas at lakas upang makamit ang kalayaan ay hindi magagamit sa mga bansang may makatarungang proseso ng halalan at pamamahala.
Ang pagsasama-sama ng iba't ibang grupo at paggamit ng diplomatikong paraan sa paghikayat ng internasyonal na suporta ay magagamit ng ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya upang mapanatili ang kanilang pambansang pagkakakilanlan at kalayaan.
Naiwasan ng Thailand (dating Siam) ang makolonisa ng mga Europeo.Ang Thailand na nasa pagitan ng Burma na kontrolado ng mga British at Indochina na kontrolado naman ng mga Pranses ay nagsilbing buffer zone. Ang sumusunod ay mga epekto ng ikalawang yugto ng imepryalismo sa Thailand maliban sa isa,alin ito?
Hindi naging kaakit-akit ang lokasyon sa mga Europeo upang tuwirang ikolonisa ang Thailand.
Tumindi ang alitan at hidwaan sa pagitan ng France at Great Britain sa pagsakop sa Thailand.
Naipamalas ng mga Siamese sa mga Europeo na kaya nilang pangasiwaan ang kanilang sarili.
Naipatupad ang repoma sa bansa kasama ang pagsasamoderno ng sistemang legal, estrukturang administratibo, militar, at higit sa lahat ang paglikha ng mapang-saklaw ang kabuuang Thailand
Ang ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin ay tinaguriang panahon ng “high imperialism” o kasagsagan ng Imperyalismo bunsod ng pagpapaligsahan ng mga bansang kolonyal sa pag-angkin ng mga lupain lalo na sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya at Africa. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto nito sa mga bansang nasakop?
Pang-aabuso,pang- aalipin at pagkamkam ng mga likas na yaman sa mga teritoryong kanilang sinakop
Itinuring lamang na mga tagasunod at hindi tunay na mamamayan sa sariling bayan.
Maraming tradisyon at paniniwala ang itinuring na “mababang uri” o “di sibilisado.”
Nagdulot ito ng diskriminasyon na patuloy na nararamdaman kahit sa makabagong panahon
Upang mas mapadali ang pagsulong ng mga patakaran at mga batas ng Espanya, ibinukas nila sa mga tradisyunal na pinuno ang posisyon ng Gobernadorcillo at Cabeza de Barangay. Alin sa mga patakaran na ipinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas noon ang makikita pa rin ang pagkakahawig ng konsepto sa sistemang pang-ekonomiya natin ngayon?
Encomienda
Polo Y Servicio
Reduccion
Tributo
Ang Pilipinas ay tuwirang pinamahalaan ng mga Espanyol simula noong 1565. Gabay ng patakarang asimilasyon, ipinangaral ng mga misyonerong Espanyol ang kanilang relihiyon, sining, eskultura, pagpipinta, musika, at pati na pang-araw-araw na gawi at pamumuhay. Sa ganitong paraan, nakuhang mapangibabaw ng mga Espanyol ang kanilang lahi sa bansa. Ang mga Espanyol din ang umokupa sa matataas at mahahalagang posisyon sa simbahan at pamahalaan.Alin sa sumusunod na mga epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ang maituturing na MABUTI?
Naging laganap ang racial discrimination.
Nawalan ng karapatan ang mga Pilipino sa sariling bansa.
Umusbong at tumindi ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino.
41. Itinayo ang unang pamayanang Espanyol sa Cebu noong Abril 27, 1565. Mula rito ay sinakop din ang iba pang lupain tulad ng Maynila na itinuturing na isa sa pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa Asya.Dahil sa labis na paniniil ng mga Espanyol, pag-angkin sa mga lupain ng mga katutubo, at sapilitang pagpapaangkop sa relihiyong Katolisismo, ano ang naging bunga sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino ng ipinatupad na mga patakaran ng mga Espanyol?
Gumaan ang buhay ng mga Pilipino.
Naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Naging mahirap para sa mga katutubo ang mabuhay.
Walang nagbago sa paraan ng kanilang pamumuhay.
"Ang pamahalaang Espanyol ay nagpatupad ng reducción, kung saan ang mga katutubong naninirahan sa liblib na lugar ay inilipat sa mga itinalagang cabecera o kabayanan. Sa paraang ito, mas madaling naipatutupad ang batas, relihiyon, at pagkolekta ng buwis.”Batay sa sitwasyon, bakit sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa kabayanan?
upang lubusang makilala ang mga katutubong Pilipino
upang mabilang kung ilang lahat ang katutubong Pilipino
upang mapadali ang pagsakop sa mga katutubong Pilipino
upang dumami ang kanilang masisingil na tributo o buwis.
Isinasaad sa kasaysayan na maraming pag-aalsa ang isinagawa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol mula ika-16 hanggang ika-19 na siglo. Gayunman, karamihan sa mga ito ay nabigo. Batay sa kontekstong ito, alin sa sumusunod ang pinakamalinaw na dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang mga pag-aalsang ito?
Mas pinili ng mga Pilipino ang makipagkalakalan kaysa makibaka dahil sa benepisyong pangkabuhayan.
Ang mga pag-aalsa ay kalat-kalat at hindi nagkakaisa, kaya madaling napuksa ng mas organisadong puwersang Kastila.
Ang mga Espanyol ay nagbigay ng sapat na benepisyo kaya nawalan ng gana ang
mga Pilipino na ipaglaban ang kalayaan.
Karamihan sa mga Pilipino noon ay hindi marunong bumasa at sumulat kaya hindi
nila naipahayag nang maayos ang kanilang layunin.
Noong 1860, ang sistemang ito ay tinuligsa ni EDUARD DOUWES DEKKER sa kaniyang aklat na MAX HAVELAAR. Dito ay ibinulgar ni Dekker ang kawalan ng pagpapahalaga ng mga Dutch sa buhay ng mga mamamayang Indonesian. Ang sistema ay winakasan noong 1870 matapos nitong mapagyaman at maitaguyod ang pamahalaan at kalakalang Dutch. Anong patakarang ipinatupad ng mga Dutch sa Indonesia upang matugunan ang pangangailangan nito sa pagbebenta ng mga pampalasa sa pandaigdigang kalakan?
Culture System
Resident System
Protectorate
Divide and Rule Policy
Tulad ng mga Pilipino, matapang ding hinarap ng mga katutubong Indones ang pananakop ng mga Dutch. Nilabanan ng mga lokal na pinuno ng Indones ang tangkang pananakop ng mga Dutch sa kani-kanilang teritoryo na naganap sa iba't ibang paraan. Anong pinakamalaking labanang naganap sa pagitan ng mga Dutch at lokal na
katutubong Indones?
Digmaang Acehnese
Digmaang Java
Rebolusyong Indones
Rebolusyong sa Jakarta
Sa Cambodia, ipinatupad ng mga Pranses ang indirect rule kung saan ang mga lokal na lider ay nanatili sa pwesto ngunit kontrolado ng kolonyal na pamahalaan. Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng pamamaraang ito?
Upang itaas ang antas ng edukasyon ng mga lokal
Upang mapanatili ang kaayusan nang hindi gumagamit ng labis na puwersa
Upang tuluyang burahin ang lokal na pamahalaan
Upang isulong ang demokrasya sa rehiyon
Sa Pilipinas, ipinatupad ng Espanya ang reduccion upang tipunin ang mga tao sa iisang lugar. Alin sa sumusunod na patakaran sa Vietnam ang maaaring itumbas sa reduccion?
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Pagtatalaga ng mga gobernador-sibil
Sapilitang pagtuturo ng wikang Pranses sa mga paaralan
Paglikha ng malalaking plantasyon
Noong una ay may maayos na ugnayan ang Great Britain at Burma. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sumiklab ang mga labanan sa pagitan ng mga British at Burmese na tinawag na Digmaang Anglo-Burmese. Bakit mahalaga sa Great Britain ang Burma?
Dahil ito ang pangunahing tagapagtustos ng mga produktong pang-agrikultura para
sa buong Europa
Dahil ito ay estratehikong lokasyon para sa kalakalan at pagpapalawak ng imperyo
sa Asya
Dahil ito ay may matatag na pamahalaang lokal na kaalyado ng Britanya
Dahil dito matatagpuan ang punong-himpilan ng British East India Company
Sa Myanmar, naging direktang kolonya ng Britanya ang bansa matapos ang tatlong digmaan sa pagitan nila. Alin sa sumusunod ang epekto ng direktang pamumuno ng mga Briton sa estruktura ng lipunan sa Myanmar?
Lumakas ang kapangyarihan ng mga lokal na lider
Nabawasan ang impluwensya ng mga tradisyunal na institusyon
Umusbong ang sariling pamahalaang demokratiko
Napanatili ang sistemang monarkiya ng bansa
