wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Regional Assessment for the Middle Year in MAKABANSA 3

Total questions: 31

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Habang papuntang palengke si Cora at ang kanyang ina, nadaanan nila ang plaza, nakatawag sa kanyang pansin ang bagong pinturang bantayog dito. Tinanong niya ang kanyang ina kung sino ang nasa bantayog at bakit siya pinapahalagahan. Ipinaliwanag ng ina na ito ay si Heneral Antonio Luna na isang bayani at bahagi ng mahalagang pangyayari sa kanilang bayan. Ano ang maaaring matutunan ni Cora tungkol sa kasaysayan ng kanilang lugar?

a)

Ang bantayog ay dekorasyon lamang sa plaza.

b)

Ang mga bayani ay nagbigay ng malaking ambag sa bayan.

c)

Ang kasaysayan ay tungkol lamang sa mga larong ginagawa noon.

d)

Ang mga tao noon ay mahalagang bahagi ng kuwento nila lolo at lola.

2.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napakaraming sundalong Pilipino at Amerikano ang sapilitang pinalakad mula Mariveles, Bataan patungong Capas, Tarlac. Ito ay tinawag na Death March. Ano ang ipinaaalala ng bahaging ito ng kasaysayan ng Rehiyon III?

a)

pag-unlad ng edukasyon

b)

pagdiriwang ng kalayaan.

c)

katatagan at sakripisyo ng mga mamamayan

d)

pag-unlad at pagbabago ng transportasyon sa rehiyon

3.

Ano ang tawag sa baging na matatagpuan sa gilid ng mga ilog na pinagmulan ng pangalan ng Cabanatuan?

a)

Bagingan

b)

Baklad

c)

Banatu

d)

Kaban

4.

May proyekto si Emerald tungkol sa mga lugar kung saan isinulong ang demokrasya sa Pilipinas. Nais niyang bisitahin ang simbahan kung saan ginanap ang Kongreso ng Malolos. Alin sa mga estruktura sa Bulacan ang dapat bisitahin ni Emerald upang matutunan ang kasaysayan ng Unang Republika ng Pilipinas?

a)

Barasoain Church

b)

Cathedral Church

c)

San Agustin Church

d)

San Guillermo Church

5.

Mayroon kayong presentasyong mga mag-aaral. Paano mo maipapakita ang paggalang at pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga kilalang tao sa inyong komunidad?

a)

Sa aming pagtuon lamang sa mga kilalang tao mula sa ibang rehiyon.

b)

Sa pamamagitan ng aming paglimot sa kanilang mga kontribusyon dahil sa modernong panahon.

c)

Sa pagiging masigasig na pakikilahok sa presentasyon tungkol sa kanilang mga kontribusyon.

d)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagbanggit ng kanilang mga pangalan sa inyong gagawing presentasyon.

6.

Bakit itinuturing na isang makasaysayang pangyayari ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo Rehiyon III?

a)

Nagdulot ito ng pag-unlad sa larangan ng agrikultura sa buong rehiyon.

b)

Nagbunsod ito ng hindi magandang epekto sa kalikasan at pamumuhay ng mamamayan.

c)

Naging sentro ito ng edukasyon sa Rehiyon 3 dahil pinupuntahan nila ang bulkan para sa lakbay-aral.

d)

Naging dahilan ito ng pagdami ng mga turista sa mga lalawigan ng Rehiyon 3 dahil sa pagbabago ng bulkan.

7.

Gusto gumawa ni Enzo ng poster tungkol sa Mt. Samat Shrine sa Bataan upang gunitain ang Bataan Death March. Anong elemento ng sining ang makatutulong kay Enzo upang maipakita ng lungkot at sakripisyo sa kanyang poster?

a)

Gagamit siya ng matitingkad na kulay

b)

Lalagyan niya ng magaan na linya at pastel colors

c)

Gagawin ni Enzo na matitibay na linya at madilim na kulay

d)

Gagamit siya ng space na punung-puno ng maliliit na detalye

8.

Noong 1990’s, madalas naglalaro ng tumbang preso at patintero ang kabataan sa Lungsod ng Tarlac. Ngayon, karamihan sa kanila ay abala sa mobile games at TikTok. Ano ang ipinapakitang pagbabago sa libangan ng kabataan?

a)

Naging digital ang libangan.

b)

Nagbalik sa tradisyunal na laro.

c)

Bumaba ang interes sa edukasyon.

d)

Mas dumaming palaruan sa barangay.

9.

Bakit mahalagang ilahad ang pagbabagong ito ng komunidad?

a)

Ipinapakita nito ang pagtaas ng pamasahe.

b)

Ipinapakita ang dami ng mga sasakyang nakaparada.

c)

Nagsisimula ang pagkalugi ng mga tradisyunal na drayber.

d)

Nagpapahiwatig ito ng pag-unlad ng transportasyon para sa mga mamamayan.

10.

Si Angelo ay lumaki sa Camiling, Tarlac kung saan ang kalsada ay lupa at putik noon. Ngayon, sementado na ito, may drainage system na at street lights. Paano maipaliliwanag ni Angelo ang pagbabagong ito?

a)

Bunga ng pagbaha sa barangay.

b)

Pagpapalit ng lider ng barangay.

c)

Resulta ng pag-unlad ng lokal na estruktura.

d)

Tanda ng pagtaas ng populasyon sa isang lugar.

11.

Nakita ni Elsie sa Bulletin Board ng kanilang paaralan ang graph ng enrolment at napansin niya ang pagbabago ng populasyon ng mag-aaral kada taon. Batay sa graph, sa anong taon naitala ang pinakamataas na bilang ng mga mag-aaral?

a)

2022

b)

2024

c)

2025

d)

2021

12.

Inatasan ang inyong klase na magsadula ng tagpo sa kasaysayan ng Lalawigan ng Bulacan na nagpapakita ng pamumuhay ng mga magsasaka noong 1950. Ano ang pinakamaiman na paraan upang maging makatotohanan ang eksena?

a)

Gumamit ng backdrop na may tanawin ng lungsod.

b)

Magdagdag ng sayaw na walang koneksyon sa kasaysayan.

c)

Magsuot ng mga modernong damit upang maging komportable.

d)

Gamitin ang aktwal na salin ng mga kwento mula sa lokal na nakatatanda.

13.

Isang umaga, napansin ni Analyn na maraming basura sa paligid ng isang monumento sa kanilang lungsod. Bilang miyembro ng kabataan, gusto niyang makatulong sa pagpreserba ng monumento. Kung ikaw si Analyn, ano ang pinakamaiman mong gawin upang maipakita ang iyong malasakit sa pagaalaga ng makasaysayang lugar?

a)

Hahayaan na lang ito dahil hindi naman siya opisyal ng Lungsod

b)

Mag-post sa social media upang ipakita ang kalagayan ng monumento

c)

Mag-organisa ng paglilinis sa komunidad kasama ang ibang kabataan bago ang field trip.

d)

Tumulong sa gabay ng paglalakbay sa araw ng field trip para maipaliwanag ang kasaysayan ng lugar.

14.

Sa inyong pagpunta sa isang museo, nakita mo ang sining na kumakatawan sa “Unang Sigaw ng Nueva Ecija” isang makasaysayang tagpo ng pakikibaka. Ano ang angkop na pagsusuri sa sining bilang paraan ng pagpapahalaga sa pangyayaring ito?

a)

Ginagamit lamang bilang dekorasyon.

b)

Ito ay isang personal na ekspresyon lamang ng artist.

c)

Walang kakayahang maglarawan ng totoong kasaysayan.

d)

Nagpapakita ng emosyonal na koneksyon ng tumitingin sa nakaraang pangyayari.

15.

Kung ikaw ang tatanungin, alin sa mga sumusunod ang mas makabuluhang aksyon upang magsulong ng magandang pagbabago sa inyong lugar?

a)

Pagpapahayag ng mga reklamo sa social media tulad ng Facebook.

b)

Pag-oorganisa ng mga tuntunin ukol sa kalinisan ng komunidad.

c)

Pagbibigay ng mga paalala sa kapitbahay tungkol sa mga aktibidad para sa piyesta.

d)

Pagtatayo ng mga makukulay na mural para ipakita ang kultura ng komunidad.

16.

Sa Nueva Ecija, tinaguriang “Rice Granary of the Philippines,” maraming pamilya ang nakikibahagi sa pagtatanim ng palay. Ano ang ipinapakita nitong ugnayan ng kapaligiran at kultura?

a)

Walang kaugnayan ang pagtatanim sa kultura ng tao.

b)

Umaasa lamang sa ibang bansa ang produksyon ng bigas

c)

Hindi napapakinabangan ang matabang lupa ng kapatagan

d)

Ang hanapbuhay ng mga tao ay naaayon sa likas na yaman ng kanilang lugar

17.

Sa Pampanga, kilala ang mga tao sa pagluluto ng masasarap na kakanin at sisig. Ano ang kaugnayan nito sa kanilang kapaligiran?

a)

Dahil kinopya nila ang pagkain mula sa ibang bansa

b)

Dahil ito ay nakagisnan lamang ng kanilang mga ninuno

c)

Dahil maraming produkto mula sa baboy at bigas sa kanilang lugar

d)

Dahil mahilig lamang silang kumain ng kakaibang putahe na may mamahaling sangkap at mataas na timpla

18.

Sa Zambales, ang mangga ay sagana at naging pangunahing produkto ng lugar. Ito ay tampok sa kanilang mga pista at selebrasyon. Ano ang ipinakikitang ugnayan ng kapaligiran at kultura?

a)

Ang pista ay walang kinalaman sa kanilang kalikasan.

b)

Ang mangga ay tanging prutas na kilala ng mga tao sa doon.

c)

Ang mangga ay tanging prutas na kayang bilhin ng mga tao doon.

d)

Ang likas na yaman ng lugar ay nagiging bahagi ng pagkakakilanlan at kultura ng mga tao

19.

Sa mga bayan ng Bulacan, tanyag ang paggawa ng mga palamuti at parol tuwing kapaskuhan. Ano ang ipinapakita nito?

a)

Ang paggawa ng parol ay simpleng libangan lamang na madaling matutunan.

b)

Ang likas na yaman ay nagiging batayan ng paglikha ng produktong pangkultura

c)

Ang tao ay gumagawa ng bagay na walang kinalaman sa kanilang paligid at kadalasan ay luho lamang.

d)

Ang makukulay at mamahaling materyales ay nakakaimpluwensya sa kultura ng isang bayan.

20.

Sa Bataan, makikita ang Dambana ng Kagitingan na itinayo upang alalahanin ang kabayanihan noong digmaan. Ano ang ugnayan nito sa kultura at kapaligiran?

a)

Ang mga tao ay walang pakialam sa kanilang nakaraan.

b)

Ang dambana ay itinayo lamang para makaakit sa mga turista.

c)

Walang kaugnayan ang kasaysayan sa kapaligiran at kultura ng tao.

d)

Ang kapaligiran ay nagiging saksi sa kasaysayan at bahagi ng pagkakakilanlan ng kultura

21.

Sa Baler, Aurora, ipinagdiriwang ang “Aurora Day” bilang paggunita kay Doña Aurora Aragon-Quezon. Ano ang ipinakikitang kahulugan ng pagkakakilanlan ng komunidad?

a)

Paglimot sa mga nagawa ng kanilang mga ninuno

b)

Pag-alis ng tradisyon upang makasabay sa makabagong panahon

c)

Pagpapahalaga sa kontribusyon ng lokal na bayani sa kasaysayan

d)

Pagkakaroon ng pista para lamang sa kasiyahan ng tao at katanyagan ng lugar

22.

Sa mga paaralan sa Lungsod ng Cabanatuan itinuturo at inaawit ang Martsa ng Cabanatuan upang kilalanin ang kultura at kasaysayan ng lalawigan. Ano ang layunin ng awiting tulad nito bilang sagisag ng komunidad?

a)

Magbigay-aliw at musika sa mga mag-aaral

b)

Maging kapalit ng pambansang awit sa lahat ng okasyon

c)

Magbigay ng pagkakaisa at pagmamalaki sa pinagmulan ng kanilang lugar

d)

Maging bahagi lamang ng seremonya sa paaralan upang matuto ang mga mag-aaral ng kumilatis ng iba’t-ibang awitin.

23.

Sa Pampanga, ginagamit sa mga opisyal na dokumento at gusali ng lalawigan ang kanilang coat of arms na may larawan ng araw, bundok at palay. Ano ang kahulugan ng paggamit nito?

a)

Ginagamit lang ito dahil ito ay uso sa ibang probinsya

b)

Palamuti lamang ito na walang malalim na kahulugan

c)

Simbolo ito ng mga likas na yaman at kabuhayang nakaugnay sa kanilang pagkakakilanlan

d)

Ipinapakita nito ang impluwensya ng ibang bansa sa kultura ng Kapampangan na nagpapaiting ng colonial mentality.

24.

Si Limuel ay ipinanganak at lumaki sa Tarlac. Marunong siyang mag-araro at tumulong sa kanyang mga magulang sa pagtatanim ng tubo. Ano ang ugnayan ng kanyang kultura at sariling pagkakakilanlan?

a)

Ang pagtatanim ay ginagawa lamang para masabing masipag siya

b)

Walang kinalaman ang pagtatanim sa kanyang pagkakakilanlan

c)

Ang pagtatanim ng tubo ay nagpapakita ng pagiging bahagi niya ng pamayanang agrikultural

d)

Ginagawa lang niya ito dahil uso sa kanilang lugar at walang ibang hanapbuhay para sa kabataang tulad niya.

25.

Si Carlos ay lumaki sa Olongapo City kung saan kilala ang Subic Bay sa pagiging sentro ng kalakalan at turismo. Madalas siyang sumasama sa kanyang pamilya sa mga aktibidad na may kaugnayan sa dagat tulad ng beach clean-up at mga pistang dagat. Ano ang ipinapakitang ugnayan ng kanyang kultura at sariling pagkakakilanlan?

a)

Bahagya lamang ang epekto ng kapaligiran sa pagkakakilanlan ng tao

b)

Ang kanyang mga gawain ay bunga lamang ng kanyang pansariling interes

c)

Ang kanyang pagkakakilanlan ay nagpapakita ng pandarayuhang aktibidades ng mga turista sa kanilang komunidad.

d)

Ang kanyang pagkakakilanlan ay nahuhubog sa mga gawaing may kaugnayan sa dagat at turismo ng kanilang lungsod.

26.

Tuwing Kapaskuhan, ipinagmamalaki ng Bulacan ang kanilang makukulay na parol na gawa sa papel at kawayan. Bakit ito mahalaga sa kanilang sining at kultura?

a)

Dahil ito ay uso at kinopya mula sa ibang bansa

b)

Dahil ito ay nagbibigay ng aliw at kita sa mga manggagawa

c)

Dahil ito lamang ay simpleng dekorasyon para sa Pasko na pasok sa budget ng mga taga Bulacan

d)

Dahil ito ay simbolo ng malikhaing sining at tradisyong Bulakenyo na nagiging bahagi ng pagkakakilanlan ng rehiyon

27.

Sa Zambales, ipinagdiriwang ang Dinamulag Mango Festival kung saan tampok ang iba’t ibang produkto mula sa mangga. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Walang kaugnayan ang pista sa kultura ng tao

b)

Ginagawa lamang ito dahil naimpluwensyahan ng ibang lugar

c)

Nagpapakita ito ng pagpapahalaga sa kanilang pangunahing produkto at nagiging bahagi ito ng kanilang pagkakakilanlan

d)

Naipakilala nito na masarap ang uri ng mangga na tumutubo sa kanilang pamayanan at makapagbenta sa mataas na presyo.

28.

Sa Bataan, kilala ang mga sining biswal tulad ng mga mural at eskultura na nagbibigay pugay sa mga bayani ng Death March. Ano ang kahalagahan nito?

a)

Ipinapakita lamang ang hilig sa pagguhit ng mga lokal na artista

b)

Nagsisilbing palamuti lamang ito na walang kinalaman sa kultura

c)

Pagpapakita ng malikhaing sining na nag-uugnay sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng lalawigan

d)

Para lamang makatawag ng pansin ng mga turista at gumanda ang turismo at lokal na ekonomiya ng lalawigan.

29.

Sa Aliaga Nueva Ecija, idinaraos ang Taong Putik Festival bilang pag-alala kay San Juan Bautista kung saan ang mga kalahok ay nagbabalot ng putik at mga dahon. Ano ang ipinakikitang pagpapahalaga rito?

a)

Ipinapakita lamang ang hilig ng mga tao sa kakaibang gawi

b)

Ginagawa lamang ito para makasama sa sayawan sa mga pista

c)

Pagpapakita ng pananampalataya at kultura na nagiging sagisag ng kanilang pagkakakilanlan bilang komunidad

d)

Walang itong kaugnayan sa mga tradisyon ng mga nirinahan dito, isinasagawa lamang ito upang matanyag ang kanilang lugar.

30.

Sa Pampanga, tuwing pista ay tampok ang Giant Lantern Festival. Ano ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito?

a)

Isa lamang itong pansamantalang libangan

b)

Ito ay ginagawa lamang para makapang-akit ng mga turista

c)

Ito ay isang kompetisyon na napagkakakitaan at walang kinalaman sa kultura ng mga naninirahan doon

d)

Nagpapakita ito ng kasipagan ng mga Kapampangan sa pagbuo ng malalaking parol bilang simbolo ng kanilang yaman at kultura

31.

What is the name written on the lantern in the image?

a)

Pampanga

b)

Bulacan

c)

Laguna

d)

Cavite