wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 2ND PERIODICAL EXAM REVIEWER

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay boluntaryo o may kusa kung ito ay pinag-isipang mabuti at malayang naisasagawa.

a)

Kalayaan

b)

Makataong kilos

c)

Pananagutan

d)

Kilos-loob

2.

Ito ay tinatawag na reaksyon ng sensitibong pakiramdam sa pagkilos o hindi pagkilos kaugnay ng bagay na nararamdaman o naiisip na mabuti o masama.

a)

Positibong emosyon

b)

Negatibong emosyon

c)

Masidhing damdamin

d)

Emosyon

3.

Ito ay tumutukoy sa hadlang o sagabal sa pagkakamit ng ninanais na layunin.

a)

Suliranin

b)

Pagsasanay

c)

Pinagdadaanan

d)

Katwiran

4.

Ito ay tumutukoy sa unang yugto ng makataong kilos ito ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga pangyayari. Ano ito?

a)

Pagpapasiya

b)

Pagkakaroon ng interes sa nakikitang mga pangyayari

c)

Kamalayan

d)

Pagkilos

5.

Ang tao ay binigyan ng Diyos ng pamantayan ng moralidad, ang tamang pagsunod dito ayon sa paggamit ng kanyang talino at tamang pagpapasiya ay kanyang _____________.

a)

Pananagutan

b)

Responsibilidad

c)

Karapatan

d)

Kalayaan

6.

Ito ay isang uri ng karahasan na kung saan mahalaga sa buhay ng mga estudyante dahil nagbibigay ng pakiramdam na ikaw ay may kinabibilangan o sense of belongingness. Ito ay nauso lalo na sa kolehiyo.

a)

Fraternity

b)

Group of Talent's Organization

c)

Hazing

d)

Sportsmanship Activity

7.

Ito ay pinangunahan ni Auguste Comte, sa paniniwalang ito, ang tao ay ginagabayan lamang ng batas na kanyang ginagawa na maaaring may pagkakamali dahil siya ay tao lamang. Anong ideolohiya ng tao ito na nakaapekto sa pamantayan ng makataong kilos?

a)

Hedonismo

b)

Moral na ebolusyonismo

c)

Komunismo

d)

Moral na positibismo

8.

Ito ay tumutukoy sa emosyon, ang pagkamuhi dala ng kutob ng loob sa kasamaan.

a)

Hope

b)

Takot

c)

Sadness

d)

Hatred

9.

Ang pagsusuri ng tama at mali ay nakaugat sa katotohanan at naaayon sa _________________

a)

a. Batas na moral

b)

b. Batas ng kalikasan

c)

c. Batas ng tao

d)

d. Batas ng lipunan

10.

May kasabihan tayo na kung ano ang ipinunla, ganoon din ang aanihin. Ito ay maihahalintulad din sa kasabihang;

a)

Pag may tiyaga may nilaga

b)

Kung ano ang ginawa mo, siya ring gagawin sayo

c)

Kung ang puno ay sirain ang bunga

d)

Pag may itinanim, may kakainin

11.

Ang mga sumusunod ay ilang mga palatandaan na ang tao ay may mapanuring kaisipan, maliban sa isa:

a)

Isinasaalang-alang ang iba't ibang alternatibo

b)

Mapanuri sa mga bagay na nakikita at nararanasan

c)

Kumilos at nagdedesisyon ayon sa katotohanan at katarungan

d)

Hindi pinag-iisipang mabuti ang mga ginagawang pagpapasiya kung ito ay tama o mali

12.

Ito ay kumakatawan sa mismong motibo at personal na intensiyon ng taong gumagawa ng aksiyon.

a)

Layunin ng aksiyon

b)

Pagamit ng kalayaan

c)

Layunin sa buhay

d)

Layon ng May-aksyon

13.

Tutol ang mga magulang ni Joana sa pagkakaroon niya ng nobyo ngunit sadyang matigas ang ulo ni Joana kaya't tuloy pa rin ang pakikipagrelasyon. Ano kaya ang kahihinatnan ng naging pasya ni Joana?

a)

Maaaring madistrak siya sa pag-aaral at mapariwara

b)

Maaaring maging inspirasyon niya ito sa buhay

c)

Maaaring ikasa ito ng kanyang buhay

d)

Maaaring ikagalit o ikatuwa ng mga magulang kapag nalaman na sinuway sila ng kanilang anak

14.

Ito ay tumutukoy sa pangatlong yugto ng makataong kilos, dito nangyayari ang pagtitimbang ng nakabubuti o advantages at hindi nakabubuti o disadvantages tungo sa ikalulutas ng problema o ikabubuti ng pangyayari. Ano ito?

a)

Awareness

b)

Interest

c)

Decision-making

d)

Action

15.

Ang tao ay maaaring pumili kung gagawa siya ng mabuti o masama. Anuman ang kaniyang gagawin, siya lamang ang may kalayaang gumawa at siya rin ang mananagot dito. Ito ay kabilang din sa mga paraan upang makamit ang makataong pagkilos, ano ito?

a)

Pagamit ng mapanuring pag-iisip

b)

Ang paggamit ng tamang konsensiya

c)

Paggamit ng kalayaan

d)

Paggamit ng layunin

16.

Ang kusang-loob na pagkilos ay may kaakibat na pagsasakripisyo at pagmamahal para sa kapakinabangan hindi lamang sa lahat ng kinauukulan kundi higit para sa ikabubuti ng lahat. Ito ay kabilang sa apat na tinaguriang moral code ni Taylor, ano ito?

a)

Katotohanan

b)

Patas sa kinauukulan

c)

Pagmamamagandang-loob at pagkakaibigan

d)

Kapaki-pakinabang

17.

Ito ay nakaugat sa pagkawala ng respeto sa tao. Nawawala ang tamang pangangatwiran at maaaring humantong sa pagkapoot. Alin sa mga sumusunod na negatibong pananaw ang nagpapahiwatig sa konseptong ito?

a)

Galit

b)

Kayabangan

c)

Inggit

d)

Kasibaan

18.

Kinakailangang maging mapanuri at mapanagutan sa pagpapasiya at pagkilos. Ano kaya sa iyong palagay ang tamang dahilan nito?

a)

Dahil dito nakasalalay ang pagyaman ng tao

b)

Dahil dito nakasalalay ang kaayusan ng buhay

c)

Dahil dito nakasalalay ang makabagong buhay

d)

Dahil dito nakasalalay ang makataong bansa

19.

Sa pang-apat na yugto ng makataong kilos, dito naisasakatuparan ang lahat ng nagawang pagninilay-nilay, pagtitimbang-timbang at pagpapasiya.

a)

Awareness

b)

Interest

c)

Decision-making

d)

Action

20.

Sinasabi na walang kasiyahan ang tao dahil sa labis na pagnanasa ng mata at katawan. Hindi makuntento sa kung ano ang mayroon siya. Alin sa mga sumusunod na negatibong pananaw ang nagpapahiwatig sa konseptong ito?

a)

Inggit

b)

Kasikaman

c)

Galit

d)

Kasibaan

21.

May mga tao na hindi tiyak ang sarili at madaling maimpluwensiyahan kapag ginagawa ng karamihan. Kaya't ang pagkakaroon ng mapanuring isip ay mahalaga upang makayanan na kontrolin ang sarili. Anong paraan ito na kabilang sa paggamit ng mapanuring pag-iisip?

a)

Kumikilos at nagdedesisyon ayon sa katotohanan at katarungan

b)

Mapanuri sa mga bagay na nakikita at nararanasan

c)

Isinasalang-alang ang iba't-ibang alternatibo

d)

Nag-oobserba sa mga kahina-hinalang mga pagkilos ng tao

22.

Kailangang sundin ang kaloob ng Diyos upang mapabuti ang pagkatao sa pamamagitan ng paggamit ng:

a)

Talino at kalasahan sa makataong pagkilos

b)

Konsensiya at kabutihan

c)

Pagmamahal sa sarili

d)

Diskarte sa buhay

23.

Ang pinakapundamental na emosyon ng tao na napupukaw sa pagnanasa ng kabutihan na humahantong sa pagmamalasakit sa kalagayan ng iba. Anong klase ito ng emosyon?

a)

Joy

b)

Desire

c)

Hope

d)

Love

24.

Ang pagiging isang working student ay hindi madali ngunit kung ito ay sasamahan ng determinasyon, disiplina sa sarili at pananalampalataya sa Diyos ito ay:

a)

Imposibleng mangyari

b)

Bihira lamang mangyari

c)

Makakamit din

d)

Posibleng mangyari

25.

Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa isang tao na nagpapasiya ng tama tungo sa makataong pagkilos maliban sa isa:

a)

Motibo ng mag-aksyon

b)

Paghubog ng kaisipan

c)

Tamang paggamit ng kalayaan

d)

Paghubog ng tamang konsensiya