WorksheetsPagsusulit 3.3 Urbana at Feliza
Total questions: 21
Worksheet time: 13mins
Ilagay ang iyong buong pangalan, (Halimbawa: Roxas, Nerisa M.)
Siya ang sumulat ng akdang Urbana at Feliza.
Modesto de Castro
Gaspar Aquino de Belen
Mariano Pilapil
Mariano Ponce
Ang pangunahing tema ng akda ng 'Urbana at Feliza' ay __________.
Pag-ibig at Kalayaan
Pagtuturo ng Kabutihang-asal
Mga Dasal at Turo ng Simbahan
Buhay ng mga Santo
Ano ang kalagayan ng magkakapatid sa akda?
Ang pamilya nila ay nakatira sa Maynila.
Si Urbana ay nanatili sa lalawigan habang ang pamilya ay nakatira sa Maynila.
Si Urbana ay nag-aaral sa Maynila habang nanatili sa lalawigan sina Feliza at Honesto kasama ang kanilang mga magulang.
Sina Urbana at Feliza ay nag-aral sa Maynila at si Honesto ay kapiling ng mga magulang sa lalawigan.
Ang nilalaman ng palitan ng mga liham nina Urbana at Feliza sa isa't isa ay tungkol sa __________.
mga karanasan at personal na buhay ng bawat isa
pagtuturo ng kabutihang-asal at mga moral na aral
mga plano tungkol sa itatayong negosyo
kanilang paglalakbay sa iba't ibang lugar
Ano ang isa sa mga aral na tinalakay sa akda tungkol sa pakikipagkapwa-tao?
Kumilos nang may pagpapakumbaba, paggalang, at pag-ibig sa magulang at kapwa.
Palaging magtulungan upang makamit ang kalayaan ng bayan.
Mag-aral na mabuti upang magkaroon ng magandang trabaho at magtagumpay sa buhay
Unahin ang sariling pamilya sa oras ng pangangailangan.
Anong uri o genre ng panitikan ang akdang 'Urbana at Feliza'?
Tula
Maikling Kuwento
Liham o Epistula
Nobela
Bakit nag-aaral ni Urbana sa malayong lugar?
dahil sa kahirapan
dahil iniwan siya ng pamilya
upang matuto at makatulong sa pamilya
nais niyang lumayo sa pamilya
Ito ang sinasabing batayan ng pagkakaroon ng magandang asal?
kayamanan at magandang buhay
mataas na edukasyon
pagkakaroon ng kapangyarihan
pagiging maka-Diyos
Ano ang payo tungkol sa pakikitungo sa bisita?
huwag pansinin kung hindi naman kailangan
tratuhin nang may paggalang
hayaang manatili kung ayaw pang umuwi agad
palagiang pakikipag-usap
Ano ang kahalagahan ng Urbana at Feliza sa kulturang Pilipino?
nagturo ng tamang asal
nagturo ng iba't ibang paraan ng pagluluto
nagturo ng kaalaman sa Matematika
nagturo ng pakikipaglaban para sa kalayaan
Bakit tinaguriang 'Ama ng Klasikong Prosa sa Tagalog' si Modesto de Castro?
dahil sa kanyang husay sa paggamit ng wikang banyaga
dahil sa kanyang kahusayan sa pagsulat ng sanaysay
dahil sa husay niya sa pagsulat ng mga akdang nagtuturo ng pagpapahalagang moral
dahil sa kanyang masining na pagsulat ng mga tula at awitin
Sa anong yugto ng kasaysayan ng ating bansa naisulat at lumaganap ang panitikang Urbana at Feliza?
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Kastila
Panahon ng Hapon
Panahon ng Katutubo
Ano ang payo ni Urbana kay Feliza tungkol sa magulang?
Laging sumunod at magpasalamat sa mga magulang.
Huwag sumagot sa magulang kahit kailan.
Hindi masamang tumutol sa magulang kapag hindi sang-ayon sa kanila.
Palaging manahimik kapag nasa bahay lamang.
Ano ang itinuro ni Urbana kay Feliza tungkol sa pakikisalamuha sa lipunan?
Mas maganda kung maging mataas at may kapangyarihan.
Palaging magpakita ng kababaang-loob at asal na marangal.
Palaging ibahagi ang karanasan sa pagkakamit ng sariling kayamanan
Umiwas sa pakikisalamuha kung hindi naman sila makatutulong.
Ano ang binanggit ni Urbana tungkol sa kung paano dapat kumilos sa isang pagtitipon?
makisalamuha at pansinin ang lahat ng mga bisita
maagang dumating upang makakain agad bago ang iba
panatilihin ang pagiging magalang, mahinahong at may disiplina
ayos lang na umalis agad nang hindi nagpapaalam kung maraming bisita
Ano ang paalala ni Urbana tungkol sa pagpili ng kaibigan?
piliin ang mayaman o maykaya sa buhay
piliin ang may mabuting asal at marangal na kalooban
piliin ang sikat at makapangyarihan
huwag mamili, sa halip, maging kaibigan ng lahat
Ano ang payo ni Urbana kay Feliza tungkol sa pag-ibig?
Pumili ng dati nang kilala sa pakikipagrelasyon
Maghintay sa tamang panahon at maging maingat sa damdamin
Pakinggan ang payo ng iba para hindi magkamali sa pagpili
Huwag ibigay ang buong atensyon sa pag-ibig
Anong mga aral ang itinuro ni Urbana kay Feliza?
taglayin ang kabutihang-asal, moralidad, at pananampalataya sa Diyos
magsikap sa buhay upang makamit ang magandang buhay
pamalagiing malinis ang tahanan
pahalagahan ang angking talino at ibahagi sa iba
Sa mga panahong itong itinira ko sa siyudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ipinagbibilin na ipagpilitang makatalastas ng tatlong dakilang katungkulan ng bata na sinasaysay ko sa iyo. (mula sa Urbana at Feliza, ni Modesto de Castro)
Anong kaisipan ang binibigyang-diin sa binasang pahayag?
Nais ng mga magulang na matalino ang kanilang mga anak.
Mataas ang pagpapahalaga ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Ibig ng mga magulang na maging disiplinado at maalam ang kanilang mga anak.
Gusto ng mga magulang na manirahan sa siyudad ang kanilang mga anak.
...ipahayag mo kay Honesto, na bunso tang kapatid. pagbibilinan mo siya, na pagpasok sa simbahan, ay huwag makipag-umpukan sa kapwa-bata nang huwag mabighani sa pagtatawanan. (mula sa Urbana at Feliza, ni Modesto de Castro)
Itinuturo ni Urbana kay Feliza na __________.
iwasan ni Honesto ang pumasok sa simbahan kapag may batang nag-uumpukan
huwag pansinin ni Honesto ang kanyang mga kaibigan kapag nasa simbahan.
huwag makisali si Honesto sa mga batang nagtatawanan loob ng simbahan.
iwasan ni Honesto ang katulad niyang mga bata pag nasa simbahan.
