wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan Reviewer Term 2

Total questions: 55

Worksheet time: 5hrs 35mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na nagpapaliwanag kung bakit sagrado ang kalikasan para sa mga sinaunang Pilipino?

a)

Dahil bahagi ito ng kanilang sistema ng kabuhayan

b)

Dahil naniniwala silang tinitirhan ito ng mga espiritu tulad ng anito at diwata

c)

Dahil ginamit ito bilang taguan mula sa mga mananakop

2.

Ano ang pangunahing pinagkaiba ng animismo sa politeismo?

a)

Ang animismo ay tumutukoy sa gawaing pang-ekonomiya, ang politeismo ay pampulitika

b)

Ang animismo ay paniniwala sa espiritu sa kalikasan, ang politeismo ay paniniwala sa maraming diyos at diyosa

c)

Ang animismo ay ginagamit sa digmaan, ang politeismo ay ginagamit sa agrikultura

3.

Bakit gumagawa ang sinaunang Pilipino ng mga banga o jar bilang libingan?

a)

Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit

b)

Dahil praktikal lamang ito at madaling gawin

c)

Dahil naniniwala silang tutuloy ang buhay ng yumao sa kabilang buhay

4.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Kalinangang Di-Materyal ayon sa aralin?

a)

Banga sa paglilibing

b)

Paniniwala sa anito at ritwal na may handog

c)

Mga sinaunang bahay at kagamitan


5.

Ano ang ipinapakita ng pag-aalay ng pagkain, alak, at ginto sa mga espiritu ng kalikasan?

a)

Ang kanilang kagustuhang makipagkalakalan

b)

Ang kanilang paggalang at pagpapahalaga sa mga puwersang hindi nakikita

c)

Ang kanilang kakulangan sa teknolohiya para gumawa ng ibang ritwal

6.

Ano ang pangunahing layunin ng Secondary Burial na makikita sa Manunggul Jar at Maitum Pottery?

a)

Upang maisama ang yumaong pinuno sa kanilang mga ninuno

b)

Upang muling ilibing ang nalinis na mga buto matapos ang unang pagkamatay

c)

Upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa komunidad

7.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paglalarawan sa Banton Boat Coffin na natagpuan sa Romblon?

a)

Isang uri ng kabaong na hugis-bangka na sumisimbolo ng paglalakbay ng kaluluwa

b)

Isang lalagyan ng alay na ginagamit lamang sa mga ritwal ng pag-aani

c)

Isang kagamitan ng mga datu sa panahon ng digmaan

8.

Ano ang pagkakatulad ng Hanging Coffins ng Sagada at Boat-Shaped Burials ng Batanes?

a)

Parehong halimbawa ng secondary burial

b)

Parehong nagbibigay-diin sa paniniwalang patuloy ang paglalakbay ng kaluluwa

c)

C.Parehong ginawa upang maprotektahan ang labi mula sa pagnanakaw ng mga dayuhan

9.

Bakit itinuturing na mahalaga ang Maitum Mortuary Pots mula sa Sarangani sa pag-aaral ng sinaunang kultura ng Pilipinas?

a)

Dahil may kakaibang disenyo na nagpapakita ng mukha at ekspresyon ng tao

b)

Dahil naglalaman ito ng gintong alahas ng mga sinaunang pinuno

c)

Dahil tanging sa Sarangani lamang matatagpuan ang ganitong uri ng kagamitan

10.

Ano ang ipinapakitang malinaw na ugnayan ng iba’t ibang paraan ng paglilibing sa Palawan, Romblon, Sarangani, Batanes, at Sagada?

a)

Iba-iba ang paniniwala ng bawat pangkat kaya walang pagkakatulad sa kanilang tradisyon

b)

May malalim na paniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa kaluluwa at kabilang buhay

11.

Ano ang pinakamahalagang ipinapakita ng Laguna Copper Plate ayon sa aralin?

a)

Ang sinaunang Pilipino ay mahusay sa paggawa ng mga metal na sandata

b)

Na mayroon nang sistemang pang-ekonomiya at pag-aalis ng pagkakautang

c)

Na ginagamit ang tanso bilang pangunahing gamit sa pang-araw-araw

12.

Ano ang pagkakatulad ng Butuan Silver Strip at Calatagan Pot base sa ipinakitang larawan?

a)

Pareho itong patunay na gumagamit ng baybayin sa mga ritwal ng libing

b)

Pareho itong ebidensya ng sinaunang sistema ng pagsulat

c)

Pareho itong uri ng sisidlan para sa imbakan ng pagkain

13.

Batay sa paliwanag tungkol sa baybayin, alin ang tamang paglalarawan ng paraan ng pagsulat nito?

a)

May hiwalay na simbolo para sa bawat patinig at katinig na walang kudlit

b)

Nababago ang bigkas ng pantig batay sa kudlit sa itaas o ibaba

c)

Kailangang isulat sa mga copper plate at pottery ang lahat ng baybayin

14.

Ano ang malinaw na ipinahihiwatig ng hindi pormal na edukasyon sa sinaunang pamayanan?

a)

Na ang mga magulang ang pangunahing nagtuturo ng kasanayan at paniniwala

b)

Na may paaralang itinayo sa bawat barangay para sa mga bata

c)

Na may itinalagang guro mula sa pamahalaan upang turuan ang komunidad

15.

Batay sa Maitum Mortuary Pottery (Sarangani), ano ang ipinahihiwatig ng kakaibang anyo ng mga sisidlan?

a)

Ginagamit lamang ang mga ito bilang laruan ng mga bata

b)

Nagsisilbi itong representasyon ng anyo o katauhan ng yumao

c)

Ginawa ito para sa pag-iimbak ng pagkain ng komunidad

16.

Ano ang tawag sa paniniwalang ang mga bagay sa kalikasan ay pinananahanan ng espiritu?

a)

Politeismo

b)

Animismo

c)

Monoteismo

17.

Aling diyos o diyosa ang pinaniniwalaang tagapangalaga ng ani at kasaganaan?

a)

Lakapati

b)

Sidapa

c)

Agni

18.

Ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa maraming diyos at diyosa ay tinatawag na—

a)

Antuisimo

b)

Politeismo

c)

Diwatanismo

19.

Ano ang tawag sa babaeng pari o espiritwal na pinuno noong sinaunang panahon?

a)

Babaylan

b)

Katalonan

c)

Mandirigma

20.

Ano ang pangunahing layunin ng UNESCO batay sa teksto?

a)

Pagpapalakas ng ekonomiya

b)

Pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay

c)

Pagpapalawak ng teritoryo at impluwensya

21.

Ano ang patunay na may kaalaman sa pagsusulat ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang Espanyol?

a)

Alamat ng Bathala

b)

Laguna Copperplate Inscription

c)

Manunggul Jar

22.

Ano ang tawag sa sinaunang alpabetong may 14 katinig at 3 patinig?

a)

Kudliton

b)

Alibata

c)

Baybayin

23.

Anong artepakto ang naglalaman ng sinaunang utang at pagkakautang sa sinaunang lipunan ng Tondo at Laguna?

a)

Butuan Ivory Seal

b)

Laguna Copperplate

c)

Calatagan Pot

24.

Alin sa mga ito ang ginagamit upang markahan ang gamit o pag-aari sa sinaunang Butuan?

a)

Butuan Silver Strip

b)

Butuan Ivory Seal

c)

Calatagan Pot

25.

Ang Manunggul Jar ay patunay ng paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa—

a)

Paggalang sa mga diyos ng hangin

b)

Pagpapahalaga sa agrikultura

c)

Buhay pagkatapos ng kamatayan

26.

Ano ang tawag sa lalaking yumao ayon sa sinaunang tawag?

a)

Laraw

b)

Maglahi

c)

Matalik

27.

Bakit gawa sa kagamitang bato, ginto o palayok ang karamihan ng libing sa sinaunang panahon?

a)

Upang maging alay at gabay ng yumao sa kabilang buhay

b)

Upang maprotektahan ang bangkay mula sa hayop

c)

Dahil ito ang pinakamadaling materyal noon

28.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang tatoo o “batok” sa mga sinaunang Pilipino, lalo na sa Kalinga at Visayas?

a)

Ito ay ginagamit bilang proteksiyon laban sa mga hayop

b)

Ito ay simbolo ng karangalan, tapang, at posisyon sa lipunan

c)

Ito ay kinakailangan bago payagang mag-asawa

29.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng kangan at bahag bilang kasuotan ng mga sinaunang lalaki?

a)

Ang kangan ay pang-itaas, at ang bahag ay pang-ibaba

b)

Ang kangan ay ginagamit ng babae, habang ang bahag ay pang-lalaki

c)

Ang kangan ay maluwang habang ang bahag ay mahigpit at may manggas

30.

Bakit tinatawag na “pintados” ang mga taga-Kabisayaan noong sinaunang panahon?

a)

Dahil mahilig silang gumamit ng makukulay na kangan

b)

Dahil sagana sila sa mga metal at ginto sa kanilang lupain

c)

Dahil matindi at malawak ang mga tatoo sa kanilang katawan

31.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kontribusyon ng sinaunang Pilipino sa larangan ng agham at teknolohiya?

a)

Pagsusuot ng putong ayon sa ranggo

b)

Paggawa ng Banaue Rice Terraces para sa irigasyon

c)

Pagkakaroon ng sari-saring sayaw tulad ng Salidsid

32.

Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang paglalarawan ng palamuti at alahas ng sinaunang Pilipino?

a)

Kadalasang gawa sa papel at kahoy

b)

Gawa sa ginto, kabibe, buto, at mahahalagang bato

c)

Ginagamit lamang ng kababaihan sa kasal

33.

Hindi nagsusuot ng sapatos ang mga sinaunang Pilipino; sila ay kadalasang naglalakad nang nakayapak.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Ang baro o kamisa ay kasuotang pang-ibaba ng sinaunang kababaihan.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Ang mga sinaunang Pilipino ay gumagamit ng mga tatoo bilang dekorasyon lamang at walang kahulugang panlipunan.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Ang musika at instrumento tulad ng kulintang, gangsa, at kudyapi ay ilan sa mga mahahalagang ambag ng sinaunang Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Ang konsepto ng pagpapakasal noong sinaunang panahon ay may kasamang bigay-kaya o dowry mula sa pamilya ng lalaki.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Bakit nakatayo sa mataas na poste ang ilang bahay sa sinaunang panahon?

a)

Upang magkaroon ng mas maraming silid

b)

Upang makaiwas sa baha, hayop, at kaaway

c)

Upang mas madaling makapasok ang hangin

39.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit itinayo sa puno ang bahay ng mga Mandaya at Bagobo?

a)

Para maging mas malamig

b)

Para makaiwas sa mga biglaang pag-atake

c)

Para makita ang tanawin

40.

Ano ang ipinahihiwatig ng bahay-kubo bilang tirahan ng sinaunang Pilipino?

a)

Pagtangkilik sa modernong teknolohiya

b)

Pagtangkilik sa kabayanihan at katatagan

c)

Pagkilala sa pagkamalikhain at pagiging praktikal

41.

Bakit maraming sinaunang Pilipino ang gumamit ng kawayan, pawid, at nipa sa kanilang bahay?

a)

Dahil ito ay mga simbolo ng yaman

b)

Dahil ito ay madaling makuha at angkop sa klima

c)

Dahil ipinagbawal ang ibang materyales

42.

Ano ang tawag sa mga bahay na itinayo ng mga Badjao sa ibabaw ng dagat?

a)

Bahay na bato

b)

Palafito

c)

Torogan

43.

Ang bahay-kubo ay sumasalamin sa pagiging maluho ng sinaunang Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Ang ilang bahay sa sinaunang panahon ay may espasyo sa ilalim na ginagamit bilang kulungan ng hayop.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Ang mga bahay sa Mindanao tulad ng sa Mandaya at Bagobo ay itinayo sa puno para sa proteksiyon.

a)

Tama

b)

Mali

46.

Ang paggamit ng mga materyales tulad ng kawayan at nipa ay dahil lamang sa kagustuhan, hindi sa pangangailangan.

a)

Tama

b)

Mali

47.

May mga Pilipinong nagtatayo ng bahay sa dagat bilang bahagi ng kanilang kultura at pamumuhay.

a)

Tama

b)

Mali

48.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa naging impluwensiya ng mga Tsino sa pamumuhay ng sinaunang Pilipino?

a)

Pagpapalaganap ng konsepto ng kalendaryo

b)

Pagiging disiplinado at responsable sa pamilya

c)

Pagluluto ng mga pagkaing tulad ng sotanghon at siomai

49.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit naging malakas ang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at mga Arabeng Muslim bago dumating ang mga Espanyol?

a)

Ang mga Arabe ang nagpasimula ng paggawa ng metal sa Pilipinas

b)

Ang mga Arabe ang unang nagbukas ng rutang pangkalakalan sa nabigasyon

c)

Mas aktibo ang mga Arabeng Muslim sa paggawa ng mga alahas at telang seda

50.

Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa ambag ng mga Tsino sa industriya ng Pilipinas bago ang kolonisasyon?

a)

Nagturo sila ng paggawa ng porselana at jade na naging bahagi ng kalakalan

b)

Ipinakilala nila ang mga bagong uri ng pananim tulad ng mais at kamote

c)

Sila ang nagpaunlad ng sistemang irigasyon sa mga kapatagan ng Luzon

51.

Paano nakaapekto ang impluwensiya ng mga Arabe/Muslim sa sistemang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino?

a)

Nagpaitibay ito sa konsepto ng pamamalakad ng barangay at datu

b)

Nagturo ito ng pagsunod sa mahigpit na tuntuning pangkalinisan at pananampalataya

c)

Nagpalaganap ito ng konseptong “utang na loob” at “pakikisama”

52.

Ano ang pinakamahalagang epekto ng pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga karatig-bansa tulad ng Tsina, India, at Thailand?

a)

Lumawak ang kakayahan ng mga Pilipino sa paggawa ng barko at transportasyon

b)

Umasenso ang kabuhayan dahil sa pagpapalitan ng produkto at kaalaman

c)

Naipakilala ang Katolisismo bago pa dumating ang mga Espanyol

53.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nilagdaan ang Kasunduan ng Zaragoza noong 1529?

a)

Upang kumpirmahin ang karapatan ng Espanya sa Moluccas

b)

Upang ayusin ang alitan kung kanino kabilang ang Pilipinas

c)

Upang palawakin ang sphere of influence ng Portugal

54.

Alin sa sumusunod ang NAGPAPATUNAY na ang Pilipinas ay hindi dapat mapasailalim ng Espanya ayon sa mga kasunduan?

a)

Bahagi ito ng sphere of influence ng Portugal

b)

Hindi kasama ang Pilipinas sa anumang kasunduan

c)

Ang Pilipinas ay nasa pagitan ng dalawang linya ng Tordesillas

55.

Ano ang naging bunga ng paglalayag na pinondohan nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella na kalaunan ay nagpakita ng bagong ruta patungo sa Amerika?

a)

Mas mabilis na pag-aangkin sa Moluccas

b)

Pagsisimula ng demarcation line sa pagitan ng Espanya at Portugal

c)

Pagkakatuklas ng rutang asul na papuntang silangan