NEW
Font size
WorksheetsGrade 1 - Filipino - 3rd LEx
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Ano ang lasa ng hinog na mangga?
Maalat
Matamis
Maasim
Mapait
Ang unan ay masarap yakapin dahil ito ay _________.
Matigas
Magaspang
Malambot
Mainit
Ano ang amoy ng basurahan na hindi natatakpan?
Mabango
Mabaho
Matapang
Walang amoy
Ang yelo (ice) ay _________.
Mainit
Malamig
Maligamgam
Mapaso
Mabilis tumakbo ang kabayo, pero ang pagong ay _________.
Mabagal
Mabilis din
Matulin
Masungit
Ano ang katangian ng batang laging nagpo-"po" at "opo"?
Masipag
Magalang
Matapang
Madaldal
Ang balahibo ng pusa ay _________.
Malambot
Matalas
Mabigat
Magaspang
Si Ana ay laging nagliligpit ng kanyang higaan. Siya ay _________.
Tamad
Masipag
Marumi
Maingay
Ano ang hugis ng gulong ng bisikleta?
Bilog
Parisukat
Tatsulok
Parihaba
Ano ang karaniwang kulay ng dahon ng puno?
Asul
Pula
Luntian (Green)
Itim
Ang elepante ay malaki, pero ang langgam ay _________.
Malaki rin
Mahaba
Maliit
Malapad
Ano ang hugis ng kahon ng regalo?
Bilog
Parisukat
Biluhaba
Tatsulok
Ang niyog ay mataas, pero ang damo ay _________.
Matangkad
Mababa
Mahaba
Malaki
Ano ang hugis ng apa ng sorbetes (ice cream cone)?
Tatsulok
Bilog
Parihaba
Parisukat
Ang ahas ay _________.
Maiksi
Mahaba
Parisukat
Malapad
Ano ang kulay ng ating dugo?
Puti
Asul
Pula
Itim
Ilan ang mata ng tao?
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Ilan ang daliri sa isang kamay?
Apat
Lima
Anim
Pito
Ilan ang paa ng aso?
Dalawa
Apat
Anim
Walo
May tatlong ibon sa sanga. Lumipad ang dalawa. Ang naiwan ay _________.
Marami
Isa
Wala
Puno
Ilan ang gulong ng traysikel?
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pangngalan?
Pandiwa
Pang-uri
Pantukoy
Panghalip
Ang salitang "matangkad" ay naglalarawan ng anong katangian?
Lasa
Anyo
Amoy
Tunog
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paglalarawan sa amoy?
Mabango
Asul
Masaya
Maliit
Anong uri ng paglalarawan ang "malakas" at "mahina"?
Tunog
Lasa
Hugis
Lake
Alin sa mga ito ang salitang naglalarawan ng damdamin?
Masaya
Parihaba
Berde
Mabaho
Si Ana ay "mabait". Anong uri ng paglalarawan ito?
Katangian
Laki
Kulay
Kayarian
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kulay?
Luntian
Matamis
Makinis
Malungkot
Ang "bilog" at "tatsulok" ay mga halimbawa ng __________?
Hugis
Amoy
Lasa
Tunog
Ano ang tawag kapag nag-iisa lang ang bagay?
Marami
Isahan
Lahat
Grupo
Ang bata ay laging gumagawa ng kanyang takdang-aralin. Siya ay ________.
tamad
masipag
maingay
mayabang
Ang aso ay hindi nangangagat at laging sumusunod sa kanyang amo. Ang aso ay ________.
tapat
masama
maingay
tamad
Maraming alam na sagot si Ana sa klase. Siya ay isang batang ________.
matalino
mahina
malungkot
takot
Si Ben ay hindi nagsasalita nang malakas sa loob ng silid-aklatan. Siya ay ________
maingay
tahimik
magulo
masigla
Nagmamano si Lito sa mga nakatatanda. Siya ay batang ________.
magalang
matapang
mayabang
malikot
Ang kendi ay matamis. Anong kaantasan ng paglalarawan ito?
Lantay
Pahambing
Pasukdol
Wala
"________ mabilis ang kabayo kaysa sa aso."
Pinaka
Mas
Ubod
Napaka
Si Maria ang "________ maganda" sa kanilang lahat sa piyesta.
mas
higit na
pinaka
Ang sampalok ay maasim, ngunit ang kalamansi ay ________ maasim.
mas
pinaka
ubod
saksakan
Ang puno ng niyog ang ________ mataas sa aming bakuran.
mas
higit
lalo
pinaka
Ano ang kasalungat ng salitang mabuti?
mabait
masama
maganda
maayos
Ang elepante ay malaki, ang langgam naman ay ________.
maliit
payat
mataas
mahaba
Kung ang mahaba ay para sa ahas, ano naman ang kasalungat nito?
mataba
maikli
malaki
mataas
Mainit ang kape, ngunit ang ice cream ay ________.
malamig
masarap
matamis
malambot
Ang bato ay mabigat, ang balahibo naman ay ________.
matigas
magaan
malaki
makinis
Ang tanawin ay maganda. Ano ang kasingkahulugan ng maganda?
pangit
marikit
malaki
madumi
Malaki ang kanilang silid-aralan. Ano ang ibang salita para sa malaki?
maluwag
masikip
maliit
mataas
Si Nena ay masaya sa kanyang kaarawan. Ang kasingkahulugan ng masaya ay ________.
malungkot
galit
maligaya
takot
Ang bulaklak ay mabango. Ito ay ________.
mabaho
masamyo
matulis
mapula
Ang sundalo ay matapang. Siya ay may ________.
mahinang loob
masamang loob
malakas na loob
takot na loob
