NEW
Font size
WorksheetsQUIZ3 SA GMRC
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ano ang tawag sa bagay, imahe, o galaw na may kahulugang espiritwal o panrelihiyon?
Simbolo
Sulat
Tunog
Kasuotan
Ang sindi ng kandila sa maraming pananampalataya ay sumisimbolo ng—
Galit
Liwanag, pag-asa, at panalangin
Paglilinis ng bahay
Tagumpay sa palakasan
Bakit may mga relihiyon na gumagamit ng imahe o rebulto?
Para gawing laruan
Bilang paalala ng kanilang pananalig at kuwentong espiritwal
Para ibenta
Para malito ang tao
Ang puso ay simbolo ng—
Takot
Pag-ibig at kabutihan
Pagkain
Pagkakamali
Ang krus sa Kristiyanismo ay nagpapakita ng—
Sakripisyo at pagmamahal
Pagtulog
Paglalaro
Pagpapakitang-gilas
Ano ang wastong paraan ng paggalang sa sagradong larawan ng ibang tao?
Tuksohin
Huwag pansinin
Sirain
Igalang at huwag bastusin
Ang pagmamano sa kulturang Pilipino ay simbolo ng—
Pag-aaway
Paggalang sa mas nakatatanda
Pagpapapogi
Pagpapatawa
Bakit nagsisindi ng insenso ang ilang tao?
Para magluto
Bilang simbolo ng pagdarasal o pag-alala
Para pumasok ang swerte sa tindahan
Para maglaro ng usok
Ang buwan at bituin ay madalas na simbolo ng—
Gutom
Kapayapaan, gabay, at pananahimik
Paligsahan
Pagkain
Bakit mahirap minsang unawain ang simbolo ng ibang kultura?
Dahil lahat ay pareho
Dahil may iba’t ibang kahulugan ayon sa tradisyon
Dahil bawal pag-aralan
Dahil hindi kailangan malaman
Ano ang pagkakaiba ng paniniwala at pananampalataya?
Walang pinagkaiba
Ang paniniwala ay pag-ayon sa isang ideya; ang pananampalataya ay mas malalim na pagtitiwala at pagsisikap.
Ang pananampalataya ay tungkol sa laro
Ang paniniwala ay laging mas malakas
Alin ang halimbawa ng paniniwala?
Pagtitiwala sa Diyos kahit may pagsubok
Paniniwalang malas ang pagbagsak ng plato
Alin ang halimbawa ng pananampalataya?
Paniniwalang mabuti ang magiging araw dahil maaraw
Paniniwalang swerte ang pulang tali
Patuloy na paggawa ng mabuti dahil nagtitiwala sa Diyos
Paniniwala sa sabi-sabi ng kaibigan
Ano ang maaaring mangyari kung hindi iginagalang ng isang tao ang pananampalataya ng iba?
Mas magiging masaya ang lahat
Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan
Wala lang
Mas mapapalawak ang kaalaman
Ang pagsusuot ng hijab, rosaryo, o kippah ay halimbawa ng—
Pangkaraniwang dekorasyon
Palatandaan ng pananampalataya
Damit pang-sports
Modernong uso
Ano ang layunin ng mga simbolo sa pananampalataya?
Upang magturo ng araling matematika
Upang tulungan ang mga tao na maalala at maunawaan ang kanilang pananalig
Upang makihalubilo sa ibang tao
Upang maghanap-buhay
Ang paglalagay ng palaspas sa pintuan tuwing Semana Santa ay isang halimbawa ng—
Pagpapakita ng pananampalataya
Palamuti lamang
Pampalamig
Paglalaro ng halaman
Mahalaga ang pagkilala sa simbolo ng pananampalataya ng kapuwa dahil ito ay nagpapakita ng:
Paggalang sa paniniwala ng iba
Pagkakahiwalay ng relihiyon
Pagpapalaganap ng sariling pananampalataya
Paglimos sa simbahan
Ano ang pinakamaainam na gawin kung hindi mo naiintindihan ang simbolo ng pananampalataya ng iba?
Manghusga agad
Magtanong nang magalang upang maunawaan
Umalis agad
Tawanan ito
Ano ang ipinakikita ng isang taong may tunay na pananampalataya?
Nagpapakita lamang kapag may nanonood
Nagtitiwala at gumagawa ng mabuti kahit walang kapalit
Naghahanap ng kapalit sa ginawa
Nagmamagaling sa iba
