Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4 INVENTORY EXAM

Total questions: 70

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking pangkat ng mga pulo. Alin sa mga pagpipilian ang tamang pangkat na bumubuo sa ating bansa?

a)

A. Luzon, Samar, Palawan

b)

B. Palawan, Visayas, Davao

c)

C. Luzon, Visayas, Mindanao

d)

D. Manila, Cebu, Davao

2.

Bakit itinuturing ang Pilipinas bilang isang bansang arkipelago?

a)

A. Dahil maraming bundok dito

b)

B. Dahil binubuo ito ng maraming pulo

c)

C. Dahil maraming hayop dito

d)

D. Dahil isa itong malaking kontinente

3.

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pambansang wika na Filipino para sa mga mamamayan?

a)

A. Upang hindi magkaintindihan ang mga tao

b)

B. Upang magamit lamang sa palengke

c)

C. Upang magkaisa at makapag-usap ang lahat sa iisang wika

d)

D. Upang gawing lihim ang mga batas

4.

Ang watawat ng Pilipinas ay may tatlong bituin. Ano ang kinakatawan ng mga bituing ito?

a)

A. Tatlong bayani ng Pilipinas

b)

B. Tatlong ilog sa bansa

c)

C. Luzon, Visayas, at Mindanao

d)

D. Tatlong malalaking lungsod

5.

Bakit mahalagang mahalin at pahalagahan ng bawat Pilipino ang kanyang bansa?

a)

A. Dahil ito lamang ang lugar na may tahanan nating lahat

b)

B. Dahil kinakailangan lang sa paaralan

c)

C. Dahil ito ang gustong ipagawa ng guro

d)

D. Dahil wala tayong magagawa

6.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit dapat nating igalang ang ating pambansang sagisag tulad ng watawat at pambansang awit?

a)

A. Para lamang magmukhang magaling

b)

B. Dahil ito ay simbolo ng ating pagkakakilanlan at pagmamahal sa bansa

c)

C. Dahil ito ang nakasulat sa libro

d)

D. Dahil kailangan lang sumunod

7.

Kapag kumakanta ng Lupang Hinirang sa paaralan, ano ang tamang paraan ng paggalang dito?

a)

A. Manatiling nakaupo at patuloy na magkwentuhan

b)

B. Tumalikod sa bandila

c)

C. Tumayo nang tuwid at ilagay ang kanang kamay sa dibdib

d)

D. Kumaway habang kumakanta

8.

Bakit sinasabing makulay ang kultura ng Pilipinas?

a)

A. Dahil maraming kulay ang mga bahay

b)

B. Dahil iba-iba ang tradisyon, wika, at kaugaliang mayroon ang bawat rehiyon

c)

C. Dahil maraming pista na may palamuti

d)

D. Dahil masaya ang mga Pilipino

9.

Ano ang pinakamahalagang papel ng mga mamamayang Pilipino sa pag-unlad ng bansa?

a)

A. Makialam sa kapitbahay

b)

B. Sumunod sa batas at maging mabuting mamamayan

c)

C. Magreklamo sa pamahalaan

d)

D. Walang pakialam sa lipunan

10.

Bakit dapat kilalanin ng mga bata ang kasaysayan ng Pilipinas?

a)

A. Upang makalimot sa nakaraan

b)

B. Upang mas lalong hindi maintindihan ang bansa

c)

C. Upang maunawaan ang pinagmulan ng ating kalayaan at kultura

d)

D. Upang magkaroon lamang ng grado

11.

Bakit sinasabing napakahalaga ng likas na yaman sa buhay ng tao?

a)

A. Dahil ginagamit lamang sa dekorasyon

b)

B. Dahil ito ang pinagkukunan natin ng pagkain, tubig, tirahan, at kabuhayan

c)

C. Dahil mahal ito ibenta

d)

D. Dahil ito ay pangpalipas oras

12.

Anong halimbawa ng di-matalinong paraan ng paggamit ng likas na yaman ang madalas nagdudulot ng pagbaha?

a)

A. Pagtatanim ng puno

b)

B. Pagputol ng puno nang walang pahintulot

c)

C. Pagre-recycle

d)

D. Pagpapanatili ng kagubatan

13.

Kung nakita mo ang mga kabataang nagtatapon ng basura sa ilog, ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Gayahin sila

b)

B. Balewalain dahil hindi mo problema

c)

C. Sabihan silang mali ito at ituro ang tamang paraan ng pagtatapon

d)

D. Magalit agad nang walang paliwanag

14.

Bakit nakasasama sa kalikasan ang pagsusunog ng basura?

a)

A. Dahil mabaho lang

b)

B. Dahil nakalalason ito sa hangin at nagdudulot ng polusyon

c)

C. Dahil mabilis lang masunog ang basura

d)

D. Dahil nakakapagod

15.

Bakit itinuturing na matalinong paraan ang pagtitipid ng tubig?

a)

A. Dahil ayaw natin gumamit ng gripo

b)

B. Dahil limitado lamang ang malinis na tubig sa mundo

c)

C. Dahil gusto natin makatipid ng pera

d)

D. Dahil bawal maligo araw-araw

16.

Ano ang pinakamainam na gawin upang maiwasan ang pagkalat ng mga kemikal sa lupa at tubig?

a)

A. Itapon ito kung saan-saan

b)

B. Magtago ng kemikal sa hagdan

c)

C. Itapon ang kemikal sa tamang disposal area

d)

D. Ibuhos ito sa kanal

17.

Ang sobra-sobrang pangingisda ay maaaring magdulot ng pagkaubos ng isda sa dagat. Ano ang tawag sa ganitong pangyayari?

a)

A. Overfishing

b)

B. Recycling

c)

C. Paglilinis

d)

D. Pagpapastol

18.

Bakit dapat pangalagaan ang mga endangered species tulad ng tamaraw at Philippine eagle?

a)

A. Dahil maganda sila larawan

b)

B. Dahil kakaunti na lamang ang natitira at mahalaga sila sa ekosistema

c)

C. Dahil gusto ng mga turista

d)

D. Dahil gusto ng mga tao gawing alaga

19.

Ano ang pinakamabuting halimbawa ng "reuse" na magagawa ng mga bata?

a)

A. Pagtapon agad ng bote pagkatapos gamitin

b)

B. Paggamit muli ng lumang bote bilang lapis holder

c)

C. Pagsunog ng bote

d)

D. Pagpapasa ng basura sa iba

20.

Ang pag-aalaga sa mga puno ay nakatutulong upang mabawasan ang polusyon. Ano ang isa pang benepisyo nito?

a)

A. Nagpapaganda lamang ng paligid

b)

B. Nagbibigay ng lilim, gumagawa ng oxygen, at pumipigil sa baha

c)

C. Para lamang may maputol sa hinaharap

d)

D. Para mapasaya ang mga hayop

21.

Kapag ang mga tao ay walang habas na nagpuputol ng puno sa kagubatan, ano ang maaaring maging epekto nito sa mga komunidad na malapit dito?

a)

A. Nagiging mas malamig ang panahon

b)

B. Nagiging madali ang paghanap ng puno

c)

C. Nagdudulot ito ng landslide at pagbaha

d)

D. Nagdudulot ito ng mas maraming ibon

22.

Bakit dapat iwasan ang pagtapon ng plastik sa dagat?

a)

A. Dahil hindi ito nakikita

b)

B. Dahil kinakain ito ng mga isda at maaaring ikamatay nila

c)

C. Dahil masyadong magaan ang plastik

d)

D. Dahil nakakapag-ingay ito

23.

Kapag natutunan ng bawat pamilya ang tamang pag-segregate ng basura, paano ito makatutulong sa kapaligiran?

a)

A. Magiging mabaho ang lugar

b)

B. Mas dadami ang basura

c)

C. Mas magiging malinis ang komunidad at mas dadali ang pag-recycle

d)

D. Wala itong epekto

24.

Kung may nakita kang batang pumipitas ng halaman sa parke, ano ang pinakamainam na gawin?

a)

A. Tawanan siya

b)

B. Hikayatin siyang itanim muli ang napitas

c)

C. Turuan siya kung bakit mahalagang protektahan ang mga halaman

d)

D. A at C

25.

Bakit mahalaga ang paggamit ng energy-efficient appliances tulad ng LED bulbs?

a)

A. Dahil mas mahal sila

b)

B. Dahil nagpapahirap ito sa tao

c)

C. Dahil nakakatipid ito sa kuryente at nakatutulong sa kalikasan

d)

D. Dahil masyado silang malakas sa ilaw

26.

Ano ang tawag sa pagsasaayos muli ng mga sirang bahagi ng kalikasan tulad ng lupa at kagubatan?

a)

A. Pagwawasak

b)

B. Rehabilitasyon

c)

C. Pagpabayaan

d)

D. Pagpapalit ng lupa

27.

Kapag ang isang ilog ay pinananatiling malinis at hindi tinataponan ng basura, ano ang magiging benepisyo sa mga taong naninirahan malapit dito?

a)

A. Mas dadami ang sakit

b)

B. Wala ring epekto

c)

C. Magkakaroon ng mas malinis na tubig at ligtas na kapaligiran

d)

D. Mas dadami ang basura

28.

Ano ang halimbawa ng wastong pangangasiwa ng likas na yaman na kayang gawin ng bawat bata araw-araw?

a)

A. Hindi pagsasara ng gripo

b)

B. Pag-aaksaya ng papel

c)

C. Pagtapon ng basura sa tamang basurahan

d)

D. Pagtali ng aso sa puno

29.

Kapag naglalakad ka sa isang public park at nakita mong maraming tuyong dahon at sanga, ano ang pinakamabuting gawin upang makatulong sa kalikasan?

a)

A. Tanggalin ang mga halaman

b)

B. Ipagwalang-bahala ang kalat

c)

C. Tumulong sa paglilinis at pagkolekta ng basura

d)

D. Dagdagan ang kalat

30.

Bakit mahalaga na magtanim ng puno lalo na sa mga mabundok na lugar?

a)

A. Para may maputol agad

b)

B. Para magkaroon ng lilim at mapigilan ang erosion

c)

C. Para maging maganda ang selfie

d)

D. Para sirain ang tanawin

31.

Ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente sa bahay ay isang paraan ng pangangalaga sa kalikasan. Alin ang halimbawa nito?

a)

A. Iwanang nakabukas ang ilaw buong araw

b)

B. Gumamit ng electric fan o aircon kahit malamig

c)

C. Patayin ang ilaw kapag hindi ginagamit

d)

D. Magpa-party gabi-gabi

32.

Bakit hindi dapat magtapon ng kemikal sa ilog o kanal?

a)

A. Dahil nakakadagdag ito sa kulay ng tubig

b)

B. Dahil masarap tingnan

c)

C. Dahil nakalalason ito at pumapatay sa lamang-dagat

d)

D. Dahil mabilis itong matuyo

33.

Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit dapat protektahan ang biodiversity o iba’t ibang klase ng halaman at hayop?

a)

A. Para gawing palamuti

b)

B. Para hindi sila maingay

c)

C. Para manatiling balanse ang kalikasan

d)

D. Para gawing pagkain lagi

34.

Paano nakatutulong ang pagre-recycle sa kapaligiran?

a)

A. Nagpaparami ng basura

b)

B. Binabawasan nito ang basura at napapakinabangan muli ang ilang materyales

c)

C. Nakadudulot ng polusyon

d)

D. Wala itong silbi

35.

Anong paraan ng pagtitipid ng tubig ang maaaring gawin sa mga paaralan?

a)

A. Iwanang umaagos ang tubig sa CR

b)

B. Gumamit ng tabo at timba nang maayos

c)

C. Sadyang mag-iwan ng tagas

d)

D. Maglaro sa gripo

36.

Bakit dapat itaguyod ang marine protected areas (MPA)?

a)

A. Para maging swimming pool

b)

B. Para masira ang mga korales

c)

C. Para maprotektahan ang tirahan ng mga lamang-dagat

d)

D. Para iwasan ang pangingisda kahit saan

37.

Alin ang pinakamainam na paraan upang mabawasan ang dami ng basura sa paaralan?

a)

A. Gumamit ng reusable lunch containers

b)

B. Gumamit ng plastic araw-araw

c)

C. Iwanang kalat ang upuan

d)

D. Wala nang maglinis

38.

Kapag masyadong ginagamit ang lupa sa pagtatanim nang walang pahinga, ano ang pwedeng maging epekto nito?

a)

A. Mas dadami ang pag-aani

b)

B. Maging mas mataba ang lupa

c)

C. Maaaring maubos ang sustansya ng lupa at hindi na tumubo ang halaman

d)

D. Walang epekto

39.

Ang paglikha ng batas laban sa illegal fishing ay ginagawa ng pamahalaan upang:

a)

A. Masira ang dagat

b)

B. Maprotektahan ang mga mangingisda at yamang-dagat

c)

C. Gawing palaruan ang dagat

d)

D. Magbenta ng isda

40.

Bakit mahalaga ang “Earth Hour,” kung saan pinapatay ang ilaw sa loob ng isang oras?

a)

A. Para maglaro sa dilim

b)

B. Para makatipid sa kuryente at mapaalala sa tao ang pangangalaga sa kalikasan

c)

C. Para magtago

d)

D. Para masira ang gamit

41.

Ang tamang pangangalaga sa bundok ay nakatutulong upang:

a)

A. Magkaroon ng landslide

b)

B. Bumaha ang komunidad

c)

C. Manatiling matatag ang lupa at kalikasan

d)

D. Masira ang tanawin

42.

Ano ang dapat isaalang-alang bago magsimula ng proyekto sa kalikasan tulad ng tree planting?

a)

A. Ang gusto lang ng taga-picture

b)

B. Ang uri ng punong itinatanim at kung ito ba ay swak sa lugar

c)

C. Kung may pagkain pagkatapos

d)

D. Kung may camera

43.

Bakit itinatag ang Department of Health (DOH)?

a)

A. Para gumawa ng laruan

b)

B. Para tiyakin na ang mga Pilipino ay may access sa serbisyong pangkalusugan

c)

C. Para magtayo ng mall

d)

D. Para manood ng sine

44.

Ano ang isa sa mga pangunahing layunin ng mga health center sa barangay?

a)

A. Magbenta ng damit

b)

B. Magbigay ng murang kotse

c)

C. Magbigay ng paunang lunas at payong medikal

d)

D. Magpakain ng aso

45.

Bakit mahalaga ang pagbabakuna para sa mga bata?

a)

A. Para masaktan sila

b)

B. Para maiwasan ang mga nakahahawang sakit

c)

C. Para magkaroon ng peklat

d)

D. Para magpahinga sa bahay

46.

Kapag ang isang magulang ay wala pang sapat na pera para sa ospital, paano makatutulong ang PhilHealth?

a)

A. Bibili ito ng pagkain

b)

B. Sasagutin nito ang bahagi ng gastusin sa pagpapagamot

c)

C. Hihinto ito sa pagtulong

d)

D. Magpapahiram ng laruan

47.

Ano ang programang pangkalusugan na nagbibigay ng libreng gamot laban sa bulate sa mga mag-aaral?

a)

A. Feeding program

b)

B. School Deworming Program

c)

C. Brigada Eskwela

d)

D. Libreng Pabahay

48.

Bakit kailangang panatilihin ang kalinisan ng katawan?

a)

A. Para magmukhang maganda

b)

B. Para maiwasan ang sakit at maging masigla

c)

C. Para mainggit ang ibang tao

d)

D. Para makapasok sa TV

49.

Kapag may nararamdaman kang sakit, bakit hindi dapat basta uminom ng gamot nang walang payo ng doktor?

a)

A. Dahil pangit ang lasa

b)

B. Dahil maaaring hindi ito angkop at makasama pa

c)

C. Dahil walang kwenta ang gamot

d)

D. Dahil gusto mo lang matulog

50.

Ano ang ginagawa ng mga health worker kapag nagbabahay-bahay sila sa komunidad?

a)

A. Namimili ng pagkain

b)

B. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalusugan at bakuna

c)

C. Naglalaro ng tagu-taguan

d)

D. Nagpapakain ng aso

51.

Bakit mas ligtas pumunta sa health center kapag may lagnat kaysa sa paghihintay lang sa bahay?

a)

A. Para makapanood ng TV

b)

B. Para mabigyan ng tamang gamot at payo

c)

C. Para magpakuha ng selfie

d)

D. Para makapaglaro

52.

Ano ang isipin ng isang batang may ubo upang hindi makahawa sa iba?

a)

A. Umubo nang malakas kahit saan

b)

B. Takpan ang bibig gamit ang panyo o braso

c)

C. Huwag lumayo sa tao

d)

D. Umubo sa mukha ng iba

53.

Bakit naglalagay ng posters ang pamahalaan tungkol sa tamang nutrisyon?

a)

A. Para madagdagan ang dekorasyon

b)

B. Para tulungan ang mga mamamayan na kumain ng masustansyang pagkain

c)

C. Para makabenta ng poster

d)

D. Para takutin ang tao

54.

Ano ang dapat gawin ng mag-aaral upang mapanatili ang mabuting kalusugan?

a)

A. Kumain ng junk foods araw-araw

b)

B. Matulog nang sapat at kumain ng tama

c)

C. Magpuyat gabi-gabi

d)

D. Huwag kumain ng gulay

55.

Bakit mahalaga ang regular check-up kahit hindi pa nararamdaman ang sakit?

a)

A. Para makita ng doktor kung may problema bago ito lumala

b)

B. Para mag-shopping

c)

C. Para makakain ng tsokolate

d)

D. Para maglibang

56.

Kapag may emergency sa barangay, sino ang unang dapat kontakin?

a)

A. Kalaro

b)

B. Pulis, barangay tanod, o health worker

c)

C. Cashier

d)

D. Artista

57.

Bakit sinasabing mahalaga ang papel ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan?

a)

A. Dahil sila lang ang may baril

b)

B. Dahil sila ang nagtatakda ng mga batas at nagsisiguro na ang mamamayan ay ligtas

c)

C. Dahil gusto nilang mag-away ang mga tao

d)

D. Dahil sila ang gumagawa ng ingay

58.

Ano ang pangunahing layunin ng Department of Education (DepEd)?

a)

A. Magbenta ng libro

b)

B. Tiyaking lahat ng bata ay magkaroon ng edukasyon

c)

C. Magtayo ng mall

d)

D. Gumawa ng laruan

59.

Bakit kailangan sundin ang mga batas sa paaralan?

a)

A. Para maging masaya ang guro

b)

B. Para mapanatiling maayos, ligtas, at disiplinado ang lahat

c)

C. Para mapagalitan ang iba

d)

D. Para walang pasok

60.

Ano ang maaaring mangyari kung walang kapayapaan sa isang komunidad?

a)

A. Mas masaya

b)

B. Mas maraming laro

c)

C. Mawawalan ng kaayusan at magkakaroon ng takot ang mga mamamayan

d)

D. Mas maraming pagkain

61.

Bakit mahalaga ang presensya ng mga pulis at sundalo sa bansa?

a)

A. Para matakot ang mga tao

b)

B. Para pagandahin ang uniporme

c)

C. Para protektahan ang bayan at magpanatili ng kapayapaan

d)

D. Para magparada

62.

Ano ang pangunahing tungkulin ng isang guro sa lipunan?

a)

A. Magturo at humubog ng mga kabataang may mabuting asal at kaalaman

b)

B. Manaway ng bata

c)

C. Magbigay ng pagkain

d)

D. Manakot

63.

Bakit sinasabing ang edukasyon ay susi sa magandang kinabukasan?

a)

A. Dahil nakakapagbigay ito ng pera agad

b)

B. Dahil tumutulong ito sa tao na magkaroon ng kaalaman at kasanayang kailangan sa buhay

c)

C. Dahil masarap mag-aral

d)

D. Dahil maraming kaibigan

64.

Paano nakatutulong ang pagsunod sa batas trapiko sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lansangan?

a)

A. Para magkagulo

b)

B. Para maiwasan ang aksidente at maganda ang daloy ng sasakyan

c)

C. Para mas maraming hulihan

d)

D. Para mag-ingay ang kotse

65.

Bakit nagbibigay ang pamahalaan ng mga scholarship program?

a)

A. Para makapagbakasyon ang estudyante

b)

B. Para tulungan ang mga estudyanteng walang sapat na pera ngunit gustong mag-aral

c)

C. Para makapaglaro ng libre

d)

D. Para sumikat

66.

Kapag may alitan sa pagitan ng mga kaklase, ano ang dapat gawin upang manatili ang kapayapaan?

a)

A. Mag-away

b)

B. Magbulungan

c)

C. Mag-usap nang maayos at humingi ng tawad

d)

D. Magtago

67.

Ano ang maaaring gawin ng bata upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bahay?

a)

A. Sumigaw sa kapatid

b)

B. Sumunod sa magulang at tumulong sa gawaing bahay

c)

C. Magkalat

d)

D. Mag-away palagi

68.


Bakit mahalaga ang pakikipagtulungan sa kapwa?

a)

A. Para mag-away

b)

B. Para mas mabilis at mas maayos ang trabaho

c)

C. Para hindi matapos ang gawain

d)

D. Para sumikat

69.

Ano ang pangunahing dapat isaisip ng isang mag-aaral upang maging mabuting mamamayan?

a)

A. Makipag-away kapag may gusto

b)

B. Maging responsable at magpakita ng mabuting asal

c)

C. Maging pasaway

d)

D. Mag-ingay sa klase

70.

Kapag ang mga mamamayan ay nagkakaisa at nagtutulungan, ano ang nagiging epekto nito sa bansa?

a)

A. Nagiging magulo ang lipunan

b)

B. Nagiging mahina ang komunidad

c)

C. Nagiging maunlad at payapa ang bansa

d)

D. Nagiging magastos