Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

T. Deskriptibo

Total questions: 17

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng sulatin na naglalarawan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari gamit ang matingkad at detalyadong paglalarawan. Layunin nitong makabuo ng malinaw at buhay na larawan sa isipan ng mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng pandama tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pansalat. Kadalasang ginagamit dito ang mga pang-uri at iba pang salitang naglalarawan upang ipakita kung ano ang katangian ng inilalarawan, kaya nagiging masining, madamdamin, at makatotohanan ang teksto.

(a)  

2.

Paglalarawan: Depinisyon: Nakabatay sa damdamin at imahinasyon ng manunulat, kaya’t madalas itong ginagamit sa mga naratibong may likhang-isip na tauhan.

(a)  

3.

Paglalarawan: Nakabatay sa totoong katotohanan at hindi maaaring magdagdag ng impormasyong hindi totoo tungkol sa inilalarawan na tao, lugar, o bagay.

(a)  

4.

Obhetibo: Ito ay paglalarawan ng kalagayan ng damdamin o emosyon ng isang tao sa isang partikular na sitwasyon. Bagaman nakatuon sa damdamin, ito ay ginagawa sa obhetibong paraan sa pamamagitan ng mga kilos, ekspresyon, at reaksiyon na maaaring obserbahan ng iba.

a)

Paglalarawan Ng Bagay

b)

Paglalarawan Ng Tauhan

c)

Paglalarawan Ng Tagpuan

d)

Paglalarawan Ng Damdamin o Emosyon

5.

Obhetibo: Paglalarawan ng lugar o kapaligiran sa paraang makikita at mararamdaman ng sinuman, gamit ang malinaw na detalye.

a)

Paglalarawan Ng Bagay

b)

Paglalarawan Ng Tauhan

c)

Paglalarawan Ng Tagpuan

d)

Paglalarawan Ng Damdamin o Emosyon

6.

Obhetibo: Paglalarawan ng panlabas na katangian at kilos ng tao na nakikita o nahahawakan ng iba, nang walang opinyon o haka-haka.

a)

Paglalarawan Ng Bagay

b)

Paglalarawan Ng Tauhan

c)

Paglalarawan Ng Tagpuan

d)

Paglalarawan Ng Damdamin o Emosyon

7.

Obhetibo: Paglalarawan ng pisikal na katangian ng isang bagay nang malinaw at totoo, hindi batay sa opinyon o damdamin.

a)

Paglalarawan Ng Bagay

b)

Paglalarawan Ng Tauhan

c)

Paglalarawan Ng Tagpuan

d)

Paglalarawan Ng Damdamin o Emosyon

8.

Ay mga salita o parirala na ginagamit upang pagdugtungin ang mga ideya sa isang teksto nang malinaw at maayos. Layunin nitong gawing magkaugnay at madaling basahin ang pangungusap o talata. Tinatawag din itong mga linking words, connectors, o transitional devices.

(a)  

9.

Cohesive Devices: Tumutukoy sa mga panandang salita na gumamit panghalip upang ng paulit-ulit ang pangngalan. Ang paggamit ng panghalip ay tinatawag na pagpapatungkol.

a)

Reperensya

b)

Substitusyon

c)

Ellipsis

d)

Pg-uugnay

e)

Kohesyong Leksikal

10.

Cohesive Devices: Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

a)

Reperensya

b)

Substitusyon

c)

Ellipsis

d)

Pg-uugnay

e)

Kohesyong Leksikal

11.

Cohesive Devices: Pagtatanggal ng salita o bahagi ng pangungusap na naiintindihan pa rin sa konteksto. Ginagamit ito upang maiwasang maulit ang salita o ideya, kaya mas maikli at malinaw ang pangungusap.

a)

Reperensya

b)

Substitusyon

c)

Ellipsis

d)

Pg-uugnay

e)

Kohesyong Leksikal

12.

Cohesive Devices: Ito ay mga salitang ginagamit para magdugtong ng mga ideya, pangungusap, o talata.

a)

Reperensya

b)

Substitusyon

c)

Ellipsis

d)

Pg-uugnay

e)

Kohesyong Leksikal

13.

Cohesive Devices: Ito ay mga mabibisang salita na ginagamit sa teksto upang magkaroon ng kohesyon o kaugnayan ang mga ideya ng isa't isa. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagiging watak-watak o walang kabuluhang paglalahad ng mga konsepto at ideya sa teksto. Para makamit ang layon ng teksto, gumagamit ng mga pananda o markers na makikita sa mga sumusunod.

a)

Reperensya

b)

Substitusyon

c)

Ellipsis

d)

Pg-uugnay

e)

Kohesyong Leksikal

14.

Reperensya: Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilan pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.

a)

Anapora

b)

Katapora

15.

Reperensya: Ito ay panghalip na ginagamit sa unahan bilar pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.

a)

Anapora

b)

Katapora

16.

Kohesyong Leksikal: Inuulit ang salita o parirala.

a)

Repetisyon

b)

Kolokasyon

17.

Kohesyong Leksikal: Ginagamit ito kung ang mga salita ay karaniwang magsintulad o may kaugnayan sa isa't isa. Maaaring magkasingkahulugan o magkasalungat ang mga salita.

a)

Repetisyon

b)

Kolokasyon