NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO EXAM 4 INVENTORY
Total questions: 70
Worksheet time: 35mins
Sa pangungusap na “Maingat na tumawid ang batang lalaki sa madulas na kalsada,” alin sa mga salitang may salungguhit ang pang-abay na naglalarawan sa pandiwa?
A. batang
B. lalaki
C. maingat
D. kalsada
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng wastong ugnayan ng pang-uri at pangngalan?
A. Tumakbo ang masaya.
B. Ang mabango ay bulaklak.
C. Ang masipag na bata ay nag-aaral araw-araw.
D. Masaya ang tumakbo.
Sa pangungusap na “Tahimik na nagdasal ang mabait na bata sa simbahan,” alin ang pandiwa?
A. tahimik
B. nagdasal
C. mabait
D. simbahan
Alin sa mga salitang ito ang pang-abay na sumasagot sa tanong na paano?
A. kahapon
B. mabilis
C. mesa
D. bata
Alin ang tamang pangungusap na may pang-uri, pang-abay, at pandiwa?
A. Masaya ang mabilis.
B. Tumakbo ang bata masipag.
C. Mabilis na tumakbo ang masipag na bata.
D. Tumakbo ang masipag na mabilis.
Alin ang pang-uri sa pangungusap na “Maganda ang bagong paaralan sa aming barangay”?
A. maganda
B. paaralan
C. barangay
D. aming
Alin ang pang-abay sa pangungusap na “Maagang pumasok ang guro sa silid-aralan”?
A. guro
B. silid-aralan
C. maagang
D. pumasok
Alin ang pandiwa sa pangungusap na “Masayang naglaro ang mga bata sa bakuran”?
A. masayang
B. naglaro
C. bata
D. bakuran
Alin ang pangungusap na may wastong gamit ng pang-abay?
A. Tumakbo ang bata mabilis.
B. Mabilis na tumakbo ang bata.
C. Mabilis ang tumakbo bata.
D. Tumakbo mabilis bata.
Alin ang pang-uri sa pariralang “mataas na puno”?
A. mataas
B. na
C. puno
D. mata
Alin sa mga salitang ito ang HINDI pang-uri?
A. maganda
B. mabait
C. tumakbo
D. matangkad
Alin sa mga salitang ito ang HINDI pang-abay?
A. kahapon
B. mabilis
C. mabuti
D. lapis
Alin ang pandiwa sa pangungusap na “Masiglang sumayaw ang mga bata”?
A. masigla
B. sumayaw
C. bata
D. ang
Alin ang tamang pangungusap?
A. Tahimik bata nagsalita.
B. Tahimik na nagsalita ang bata.
C. Bata tahimik nagsalita.
D. Nagsalita tahimik bata.
Alin ang pang-uri sa pangungusap na “Malinis ang silid-aralan”?
A. malinis
B. silid-aralan
C. ang
D. wala
Alin ang pang-abay na pamanahon?
A. dito
B. kahapon
C. mabilis
D. mabait
Alin ang pang-abay na panlunan?
A. bukas
B. dito
C. mabilis
D. mabuti
Alin ang pang-uri sa “masarap na pagkain”?
A. masarap
B. na
C. pagkain
D. mesa
Alin ang pandiwa sa “Nagbasa ng libro ang bata”?
A. libro
B. bata
C. nagbasa
D. ng
Alin ang pangungusap na may tamang ugnayan ng salita?
A. Mabilis bata tumakbo.
B. Bata mabilis tumakbo.
C. Mabilis na tumakbo ang bata.
D. Tumakbo mabilis ang bata na.
Kung nagbabasa ka ng teksto tungkol sa kalusugan, alin ang pinakamahalagang impormasyong dapat tandaan?
A. Kulay ng papel
B. Pangalan ng tauhan
C. Mahahalagang detalye ng paksa
D. Haba ng kwento
Ano ang layunin ng pagbasa upang kumuha ng impormasyon?
A. Malibang
B. Matulog
C. Matuto at makakuha ng kaalaman
D. Umiyak
Alin ang makatutulong upang mas madaling maunawaan ang binabasa?
A. Hulaan ang paksa
B. Basahin ang pamagat at larawan
C. Laktawan ang teksto
D. Isara ang aklat
Alin ang halimbawa ng tekstong impormatibo?
A. Tula
B. Alamat
C. Resipe
D. Kuwento
Bakit mahalaga ang pamagat sa binabasa?
A. Para gumanda
B. Para malaman ang paksa
C. Para humaba
D. Para maging masaya
Sa pagbasa ng isang tekstong impormatibo tungkol sa kalikasan, alin sa mga sumusunod ang dapat hanapin upang masigurong tama at kapaki-pakinabang ang impormasyong nakalap?
A. Opinyon ng may-akda
B. Damdamin ng tauhan
C. Mahahalagang detalye at katotohanan
D. Di-mahalagang pangyayari
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam gawin kung may salitang hindi mo nauunawaan habang nagbabasa ng isang teksto?
A. Laktawan ang buong talata
B. Hanapin ang kahulugan ng salita sa diksyunaryo
C. Isara ang aklat
D. Hulaan lamang ang kahulugan
Bakit mahalagang unawain muna ang binabasa bago sagutin ang mga tanong tungkol dito?
A. Para mabilis matapos
B. Para makagawa ng sariling kuwento
C. Para makapagbigay ng tamang sagot
D. Para mas humaba ang sagot
Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang matandaan ang mahahalagang impormasyong nabasa?
A. Pagsusulat ng mahahalagang detalye
B. Pag-iwas sa pagbabasa
C. Paglalaro habang nagbabasa
D. Paglaktaw sa mga talata
Kung ang binabasang teksto ay tungkol sa tamang paghuhugas ng kamay, alin ang dapat mong tandaan pagkatapos basahin ito?
A. Kulay ng sabon
B. Mga hakbang sa wastong paghuhugas ng kamay
C. Pangalan ng gumawa ng sabon
D. Lugar kung saan ito ginawa
Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng pagbasa upang kumuha ng impormasyon?
A. Matuto ng bagong kaalaman
B. Makakuha ng tamang detalye
C. Magbigay ng sariling opinyon agad
D. Maunawaan ang paksa
Sa isang babasahing impormatibo, alin ang karaniwang ginagamit upang ipakita ang mahalagang impormasyon nang mas malinaw?
A. Dayalogo ng tauhan
B. Larawan, tsart, o talahanayan
C. Bugtong at salawikain
D. Tula at awit
Alin sa sumusunod ang pinakamainam na gawin matapos basahin ang isang tekstong impormatibo?
A. Sagutin ang mga tanong batay sa binasa
B. Gumawa ng bagong kuwento
C. Kalimutan ang binasa
D. Palitan ang paksa
Bakit mahalagang pumili ng mga babasahing impormatibo na angkop sa iyong edad at baitang?
A. Para maging mahirap ang babasa
B. Para hindi ito maintindihan
C. Para mas madaling maunawaan ang impormasyon
D. Para mas mahaba ang teksto
Alin sa sumusunod ang palatandaan na nauunawaan mo ang binasang tekstong impormatibo?
A. Nakalimutan mo agad ang binasa
B. Kaya mong ikuwento o ipaliwanag ang iyong nabasa
C. Hindi mo alam ang paksa
D. Hindi mo masagot ang tanong
Alin sa mga sumusunod ang angkop na pangwakas sa isang sulatin na naglalahad ng mga hakbang ng gawain?
A. Noong unang panahon
B. Sa pagsunod sa mga hakbang na ito, magiging matagumpay ang gawain
C. Isang araw
D. Basta ganoon na lamang
Matapos maisulat ang lahat ng hakbang, ano ang dapat gawin upang matiyak na tama at malinaw ang isinulat?
A. Itapon ang papel
B. Basahin at suriin muli ang mga hakbang
C. Kalimutan na ang isinulat
D. Palitan agad ang paksa
Alin sa mga sumusunod ang angkop na pamagat para sa sulating naglalahad ng mga hakbang?
A. Isang Araw
B. Paano Gumawa ng Papel na Bangka
C. Ang Aking Kaibigan
D. Kuwento ng Bata
Si Liza ay nag-aalaga ng kanyang hardin at nagtatanim tuwing Sabado. Ano ang ipinapakita nito tungkol sa kanya?
A. Tamad
B. Masipag at maasikaso
C. Mahilig sa telebisyon
D. Mahilig sa pagkain
Sa palengke, maraming tindahan ng gulay, prutas, isda, at karne. Ano ang pangunahing impormasyon?
A. Sarado ang palengke
B. Maraming paninda at aktibo ang palengke
C. Walang ibinibenta
D. Lugar ng paaralan
Unang hakbang sa paggawa ng paper plane:
A. Tiklupin ang mga sulok
B. Kumuha ng papel
C. Ihagis ang eroplano
D. Tiklupin ang gilid
Sa paggawa ng sandwich, alin ang dapat unahin?
A. Ilagay ang palaman
B. Putulin ang sandwich
C. Ihain
D. Kumuha ng dalawang hiwa ng tinapay
“Sa palagay ko, tahimik ang bahay kaya mas madaling mag-aral.” Ano ito?
A. Katotohanan
B. Katuwiran
C. Opinyon
D. Panukala
“Ayon sa ulat, bumababa sa 20°C ang temperatura tuwing Disyembre.” Ano ito?
A. Katotohanan
A. Katotohanan
B. Opinyon
C. Katuwiran
D. Hula
“Masarap ang mansanas kaysa saging.” Ano ang pahayag na ito?
A. Panukala
B. Opinyon
C. Katotohanan
D. Katuwiran
Si Marco ay nakakita ng pusang naligaw at pinakain ito. Ano ang ipinakita niya?
A. Maasikaso at matulungin
B. Pabaya
C. Tamad
D. Walang pakialam
Si Ana ay tumulong sa paghahanda ng pista at nakipagtulungan sa kaibigan. Ano ang ipinakita niya?
A. Masipag at responsable
B. Tamad
C. Nag-iisa
D. Masama ang asal
Sa pagluluto ng cake, ano ang unang hakbang?
A. Ihanda ang sangkap
B. Ihain ang cake
C. Ihurno
D. Palamigin
Sa paggawa ng bracelet, ano ang unang hakbang?
A. Sukatin ang sinulid
B. Itali sa dulo
C. Isaayos ang beads
D. Tapusin
Unang hakbang sa paggawa ng ice cream sundae:
A. Budburan ng tsokolate
B. Ihain
C. Lagyan ng cherry
D. Ilagay scoops ng ice cream
Si Lito ay nag-ayos ng silid-aralan at tinulungan ang guro matapos ang klase. Ano ang ipinapakita niya?
A. Masipag at masinop
B. Tamad
C. Natatakot
D. Walang pakialam
Sa kwento, si Pedro ay naglakad papunta sa palengke at tinulungan ang matandang nagbubuhat ng prutas. Ano ang ipinapakita niya?
A. Tamad
B. Maasikaso
C. Natatakot
D. Walang pakialam
Si Mang Juan ay nagbigay ng pagkain sa mga hayop sa kalye upang hindi sila magutom. Ano ang ipinapakita niya?
A. Tamad
B. Maasikaso at matulungin
C. Walang pakialam
D. Natatakot
Ang teksto ay nagsasabing maraming isda ang matatagpuan sa ilog tuwing tag-ulan. Ano ang pahayag?
A. Opinyon
B. Katotohanan
C. Katuwiran
D. Hula
Ang palatuntunan sa telebisyon ay tungkol sa kalikasan at mga hayop. Ano ang layunin ng teksto?
A. Magpatawa
B. Magbigay ng impormasyon
C. Manghikayat ng pagbili
D. Maglaro
Ang teksto tungkol sa pangangalaga sa halaman ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa:
A. Pagluluto
B. Paglalaro
C. Pag-aalaga ng halaman
D. Paglilinis ng bahay
Pangatlong hakbang sa paggawa ng paper plane ay
A. Tiklupin ang sulok patungo sa gitna
B. Ihagis
C. Kumuha ng papel
D. Tiklupin ang gilid
“Mas masarap ang mangga kaysa sa saging.” Ano ang pahayag?
A. Katotohanan
B. Opinyon
C. Katuwiran
D. Hula
“Mas mabuti ang mag-aral ng maaga kaysa sa huli upang maging handa sa pagsusulit.” Ano ito?
A. Opinyon
B. Katotohanan
C. Katuwiran
C. Katuwiran
“Sa tingin ko, mas masaya ang maglakad sa parke kaysa maglaro ng computer.” Ano ito?
A. Katotohanan
B. Opinyon
C. Katuwiran
D. Panukala
Ang bulaklak ay napakaganda at mabango sa hardin tuwing umaga. Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
A. Hardin
B. Bulaklak
C. Napakaganda at mabango
D. Umaga
Ang bata ay masigla at masayahin habang naglalaro sa parke. Ano ang pang-uri?
A. Bata
B. Naglalaro
C. Masigla at masayahin
D. Parque
Ang guro ay maingat na nagtuturo ng leksyon sa kanyang mga estudyante. Ano ang pang-abay sa pangungusap?
A. Estudyante
B. Maingat
C. Guro
D. Nagtuturo
Ang bulaklak sa hardin ay mabango at makulay tuwing umaga. Ano ang pang-uri sa pangungusap?
A. Mabango at makulay
B. Bulaklak
C. Hardin
D. Umaga
Ang batang masipag ay laging nag-aalaga sa kanyang mga alagang hayop tuwing umaga. Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
A. Masipag
B. Umaga
C. Hayop
D. Laging
Sa paggawa ng sinigang, ano ang unang hakbang na dapat isulat sa mga hakbang ng pagluluto?
A. Magluto ng kanin
B. Hugasan ang mga gulay
C. Ihain ang sinigang
D. Magdagdag ng asukal
Sa paggawa ng simple at masarap na tsokolate drink, ano ang unang hakbang sa listahan ng hakbang?
A. Ihain ang tsokolate
B. Initin ang gatas
C. Lagyan ng asukal
D. Haluin pagkatapos uminom
Sa paggawa ng simpleng sandpaper painting, ano ang unang hakbang na dapat isulat sa tala ng hakbang?
A. Ibahagi ang painting sa kaibigan
B. Ihanda ang sandpaper at pintura
C. Lagyan ng frame
D. Pinturahan ng kulay
Si Ana ay naglalahad kung paano gumawa ng fruit smoothie. Ano ang pangalawang hakbang pagkatapos hugasan ang prutas?
A. Ihain sa baso
B. Hiwa-hiwain ang prutas
C. Magdagdag ng toppings
D. Lagyan ng asukal
Si Ana ay nagpapakita kung paano gumawa ng fruit smoothie. Ano ang hakbang pagkatapos hiwain ang prutas?
A. Ihain sa baso
B. Ilagay sa blender at ihalo
C. Lagyan ng topping
D. Tiklupin ang prutas
