Font size
WorksheetsPagsusulit sa Wika at Gramatika
Total questions: 26
Worksheet time: 38mins
Ang pagdadaglat ay nakatitipid sa oras, espasyo sa pagsusulat at pagbabasa.
Ang pang-abay na panlunan ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa at gagawin ang kilos sa pangungusap.
Ang lumipas at dumating ay magkasalungat ang kahulugan.
Para sa aking ina ang regalong binili ko. Ang salitang nakalimbag ay isang pang-ukol.
Isa ang Pangatnig sa mga salitang nag-uugnay ng salita, parirala at sugnay.
Ang pangungusap na "Ako ay kumain ng agahan at ako rin ay nagbihis." ay halimbawa ng tambalang pangungusap.
“Una siya sa pila”, ang hudyat sa pagkakasunod-sunod ay ang salitang pila.
Sa tagpuan ay mababasa kung kailan nangyari ang kwento.
Damdamin ng natutuwa ang nagsabi ng pahayag na ito, "Naku, baka mahuli ako sa pagpasa ng aking talata"!
Ang layunin ng awtor sa tekstong impormatibo ay magbigay ng malinaw na impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa para sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Alin sa pangungusap ang nagpapakita ng lugar kung saan naganap ang kilos?
Nag-aaral si Andie nang mabuti.
Nag-aaral si Andie sa silid-aklatan.
Nag-aaral si Andie kagabi.
Kung gusto mong ipakita kung kailan naganap ang kilos, alin sa pangungusap ang tamang gamitin?
Si Myk ay tumakbo kahapon sa parke.
Si Myk ay tumakbo nang mabilis.
Si Myk ay tumakbo sa kalsada.
Alin ang tamang pangungusap na nagpapakita kung paano ginawa ang kilos?
Kumain si Matt sa kusina.
Kumain si Matt noong umaga.
Kumain si Matt nang maayos.
Alin sa pangungusap ang gumagamit ng salitang dinaglat?
Pupunta ako sa Manila Medical Center mamaya.
Magkikita tayo sa Robinsons Manila sa Sabado.
Aalis kami papuntang Japan sa Hun.
Alin sa mga sumusunod ay may tamang pagdadaglat ng mga Araw ng Linggo?
Lu., Mart., Miyerkules
Biyer., Sab.,Ling.
Lun., Mart., Hu.
Alin sa pangungusap ang gumagamit ng magkasalungat na salita upang ipakita ang damdamin?
A. Si Joy ay matalino at tahimik.
B. Si Joy ay galit ngunit masaya.
C. Si Joy ay galit at inis sa nangyari.
Alin sa pangungusap ang gumagamit ng magkasalungat na salita upang ipakita ang damdamin?
Si Joy ay matalino at tahimik.
Si Joy ay galit ngunit masaya.
Si Joy ay galit at inis sa nangyari.
Alin sa pangungusap ang gumagamit ng magkasingkahulugan na salita?
Masaya si Lara, ngunit malungkot si Julia.
Masigla si Kieth at masaya si Raphael.
Masaya si Brent, kaya siya ay umiiyak.
Alin sa mga mga pangugusap ang ginamitan ng mga pangatnig?
Masayang-masaya siya na kausap ang ina.
Tawagan mo ako sa opisina kung magpauuwi ka na?
Para sa iyo, ang ginagawa kong paghihigpit.
Ano ang pangatnig na ginamit sa pangungusap? Gusto ko ng puting blusa ngunit hindi kasya sa akin.
ko
ngunit
hindi
Ano ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap? “Ang pusa ay nasa ilalim ng mesa.”
sa
nasa
ilalim
Ilan ang pang-ukol na ginamit sa talata? Si Abbie ay nag-aral sa silid-aklatan upang makapasa sa pagsusulit. Nagdala siya ng mga gamit para sa kanyang proyekto. Pagkatapos, naglakad siya patungo sa parke upang magpahinga.
isa
dalawa
tatlo
Alin sa mga pangungusap ang tambalan?
Si Brian ay nag-aaral sa silid-aklatan
Si Brian ay nag-aral kaya siya pumasa.
Si Brian ay nag-aral kahapon.
Alin sa sumusunod ang hindi tambalang pangungusap?
Si Ana ay nagluto ng hapunan at si Ben ay naghugas ng pinggan.
Si Ana ay nagluto ng hapunan sa kusina.
Si Ana ay nagluto ng hapunan, kaya siya ay napagod.
Alin sa pangungusap ang nagpapakita ng kasunod na hakbang?
Una, hinugasan niya ang bigas.
Ikalawa, tinubigan niya ito ayon sa dami ng bigas.
Sa wakas, natapos na siyang magsaing.
Alin sa salitang angkop gamitin upang tapusin ang isang proseso?
Una
Sunod
Sa wakas
