Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FIL 4

Total questions: 41

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang naging kontribusyon ni Dr. Fe del Mundo sa larangan ng medisina?

a)

Pag-aaral at pangangalaga sa kalusugan ng mga bata

b)

Pagluluto ng masarap na pagkain

c)

Pagsulat ng tula

d)

Pagpinta ng larawan

2.

Ano ang naging papel ni Dr. Fe del Mundo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Unang Pilipinong babaeng kinilala ng Philippine General Hospital bilang punong-residente

b)

Unang Pilipinong sundalo sa digmaan

c)

Unang Pilipinong guro sa Amerika

d)

Unang Pilipinong doktor sa Boston University

3.

Ano ang naging unang pagkakataon para sa isang Pilipino na natamo ni Dr. Fe del Mundo?

a)

Nakatapos sa Harvard Medical School

b)

Naging presidente ng Pilipinas

c)

Naging guro sa UP

d)

Naging sundalo sa digmaan

4.

Ano ang natanggap ni Dr. Fe del Mundo noong 1933?

a)

Karangalan at scholarship mula kay Pangulong Manuel Quezon

b)

Gantimpala mula sa Amerika

c)

Medalya mula sa Red Cross

d)

Diploma mula sa Boston University

5.

Ano ang ibig sabihin ng talambuhay?

a)

Isang akdang naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa buhay ng isang tao

b)

Isang tula tungkol sa kalikasan

c)

Isang kwento ng alamat

d)

Isang liham para sa kaibigan

6.

Ano ang katangian nga ipinakita ni Mariang Makiling sa mga tao sa unang parte ng kwento?

a)

kayabangan

b)

kabutihan

c)

masungit

d)

maalaga

7.

Ano ang pakiusap ni Mariang Makiling sa mga tao na pumupunta sa kanilang bundok?

a)

Kumuha lamang nang kanilang kailangan at sapat para hindi masayang.

b)

Huwag magnakaw sa kapwa tao.

c)

Palagi siyang sambahin at dalhan ng bulaklak,

d)

Aalgaan ang katawan upang hindi magkasakit.

8.

Sino ang engkantadang nakatira sa Bundok Makiling?

a)

Maria Klara

b)

Mariang Sinukuan

c)

Mariang Makiling

d)

Mariang Maganda

9.

Ito ay kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan din ng aral. Sa Biblia ay maraming kwentong parabula.

a)

parabula

b)

mito

c)

alamat

d)

pabula

10.

Ang kwentong bayan ay isang panitikan na lumaganap at napasalindila sa ibat ibang henerasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Ito ay isang uri ng kwentong bayan na ang karakter o gumaganap ay hayop.

a)

Pabula

b)

Parabula

c)

Alamat

d)

Mito

12.

Ang kwentong bayan ay hindi na dapat malaman dahil ito ay ubos oras lamang.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

______ sa tabi mo ako uupo, ha?

a)

Dito

b)

Diyan

c)

Doon

14.

Hindi ka pala marunong humawak ng kutsilyo. Tingnan mo ako. _______ ang tamang paghawak.

a)

Ganito

b)

Ganiyan

c)

Ganoon

15.

Maganda po, Inay, ang blusang suot ng babaeng katabi ninyo kanina. Puwede po ba ninyo akong igawa ng _______?

a)

ganito

b)

ganiyan

c)

ganoon

16.

Kay sarap ng biskuwit na kinakain ko! Bibili ulit ako _______.

a)

nito

b)

niyan

c)

niyon

17.

Panghalip na ginagamit pangturo sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

a)

Panghalip Panao

b)

Panghalip Panaklaw

c)

Panghalip Pamatlig

18.

Panghalip pamatlig na ginagamit kung ang itinuturo ay malapit sa kausap.

a)

iyan, niyan, hayan

b)

ito, nito, heto

c)

iyon niyon, hayun

19.

Tukuyin ang ginamit na pang-uring pamilang sa bawat pangungusap.

Siya ay ikalawang humingi ng tulong.

a)

Siya

b)

ikalawa

c)

tulong

d)

humingi

20.

Gumawa si Rina ng isang buong cake.

a)

Patakaran

b)

Panunuran

c)

Pamahagi

d)

Palansak

21.

Si Fe ang pangalawang pinakamatalino sa kanilang klase.

a)

Patakaran

b)

Panunuran

c)

Pamahagi

d)

Palansak

22.

Dalawamput- limang tao ang nasugatan sa aksidente ng mga sasakyan.

a)

Patakaran

b)

Panunuran

c)

Pamahagi

d)

Palansak

23.

Ito ang karaniwang bilang na maaaring isulat sa tambilang at salitang bilang.

a)

panunuran

b)

patakaran

c)

pamahagi

24.

Ito ang mga bilang na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan.

a)

panunuran

b)

patakaran

c)

pamahagi

25.

Agad-agad na tumulong si Jose sa batang nahulog.

a)

Pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

26.

Umakyat ang malikot na bata sa puno.

a)

Pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

27.

May mga batang nagtatakbuhan sa kalye.

a)

Pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

28.

Mabilis na tumakbo si Jacob.

a)

Pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

29.

Araw-araw akong tumutugtog ng gitara.

a)

Pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

30.

TSINELAS

a)

TAHAS

b)

BASAL

c)

LANSAKAN

31.

PAGMAMAHAL

a)

TAHAS

b)

BASAL

c)

LANSAKAN

32.

PANGKAT

a)

TAHAS

b)

BASAL

c)

LANSAKAN

33.

UPUAN

a)

TAHAS

b)

BASAL

c)

LANSAKAN

34.

Tukuyin kung ano ang kayarian ng pangngalang "katahimikan"

a)

TAHAS

b)

BASAL

c)

LANSAKAN

35.

Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang nakasalungguhit.


Binuksan niya ang pinto at mga bintana ng kanilang sala.

a)

Imperpektibo

b)

Perpektibo

c)

Kontemplatibo

36.

Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang nakasalungguhit.


Si Ate Maria ay naghahanda ng masarap na almusal sa kusina

a)

Perpektibo/Naganap

b)

Imperpektibo/Nagaganap

c)

Kontemplatibo/Magaganap

37.

Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang nakasalungguhit.


Maagang nagising si Gloria dahil sa malakas na tilaok ng tandang.

a)

Perpektibo/Nagdaan

b)

Kontemplatibo/Magaganap

c)

Imperpektibo/Nagaganp

38.

Nagsasaad ito ng kilos na hindi pa nasisimulan at gagawin pa lamang.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

39.

Nagsasaad ito na ang sinimulang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

40.

Nagsasaad ito na tapos nang gawin ang kilos.

a)

Imperpektibo

b)

Perpektibo

c)

Kontemplatibo

41.

Isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw, isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral).

a)

Pandiwa

b)

Pang-uri

c)

Pang-abay

d)

Pangngalan