wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPNINO 10 3RD Q 1ST SUMMATIVE TEST

Total questions: 50

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

1. Si Liongo ay isang bayaning kinikilala dahil sa kanyang lakas at tapang. Sa kabila ng mga pagtatangka ng kanyang kaaway, siya ay nananatiling tapat sa kanyang bayan." Sa mitolohiyang Persia, si Muhammad Tirandaz ay kilala rin bilang isang bayani. Ano ang pangunahing pagkakatulad nila?

a)

Pareho silang nagtataglay ng kahanga-hangang pisikal na lakas

b)

Pareho silang may mahiwagang kakayahan na ginagamit sa laban.

c)

Kapwa sila kilala dahil sa kanilang natatanging kakayahan at kagitingan.

d)

Kapwa sila nagmula sa maharlikang pamilya na naglilingkod sa kanilang bayan.

2.

Mitolohiyang Liongo, ang pangunahing layunin ng bayani ay ipagtanggol ang bayan laban sa mga kaaway. Sa Muhammad Tirandaz, ano ang layunin ng kanyang kagitingan?

a)

Iligtas ang kanyang pamilya mula sa mga mananakop.

b)

Ipagtanggol ang kanyang lupaing sinilangan laban sa mga dayuhang mananakop.

c)

Patunayan ang kanyang katapatan sa mga diyos sa pamamagitan ng pakikipaglaban.

d)

Pagtagumpayan ang hamon ng kanyang kaalaman bilang manunudla upang makuha ang respeto ng kanyang bayan.

3.

Paano naiiba ang tema ng pagtatagumpay sa Mitolohiyang Liongo kumpara sa Muhammad Tirandaz?

a)

Sa Mitolohiyang Liongo, ang tagumpay ay resulta ng mahika, samantalang sa Muhammad Tirandaz, ito ay bunga ng kasanayan sa armas.

b)

Sa Mitolohiyang Liongo, ang tagumpay ay nakabatay sa lakas at tapang, samantalang sa Muhammad Tirandaz, ito ay nakabatay sa disiplina at estratehiya.

c)

Sa Mitolohiyang Liongo, ang tagumpay ay nagmumula sa tulong ng kalikasan, samantalang sa Muhammad Tirandaz, ito ay bunga ng gabay ng mga diyos.

d)

Sa Mitolohiyang Liongo, ang tagumpay ay bunga ng pag-iisa ng bayan, samantalang sa Muhammad Tirandaz, ito ay bunga ng tulong ng kanyang pamilya.

4.

Ang kanyang liksi at talas ng paningin ay naging susi sa tagumpay laban sa kanyang mga kalaban. Ang kanyang husay sa palaso ay hindi mapapantayan." Sa Mitolohiyang Liongo, anong elemento ang hindi masyadong binibigyang-diin na tila mahalaga sa mitolohiyang Persia?

a)

Ang likas na lakas ng bayani.

b)

Ang papel ng pamilya sa tagumpay ng bayani.

c)

Ang kahalagahan ng kasanayan sa isang tiyak na armas.

d)

Ang pagdedesisyon ng bayani batay sa kagustuhan ng bayan.

5.

Paghambingin ang mga bayani mula sa dalawang mitolohiya: Liongo ng Africa at Muhammad Tirandaz ng Persia. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kanilang pagkakaiba?

a)

Si Liongo ay isang lider ng hukbo, samantalang si Muhammad Tirandaz ay isang pangkaraniwang mandirigma.

b)

Si Liongo ay gumagamit ng mahika upang manalo, samantalang si Muhammad Tirandaz ay umaasa lamang sa sarili niyang lakas.

c)

Si Liongo ay kilala sa lakas ng kanyang katawan, samantalang si Muhammad Tirandaz ay kilala sa husay sa disiplina at kasanayan.

d)

Si Liongo ay isang bayani ng masa na tumutulong sa bayan, samantalang si Muhammad Tirandaz ay isang bayani ng relihiyon na sumusunod sa kalooban ng mga diyos.

6.

Si Liongo, bagama't malakas at matalino, ay naharap sa pagtataksil ng kanyang sariling pamilya. Sa kabila nito, siya ay nanatiling matapat sa kanyang bayan." Ano ang ipinapahiwatig ng kilos ni Liongo sa kabila ng pagtataksil?

a)

Ang kahalagahan ng pagtitiwala sa pamilya higit sa bayan.

b)

Ang pagiging matapat sa bayan kahit na may personal na suliranin.

c)

Ang pagkakaroon ng pagdududa sa lahat ng tao sa kanyang paligid.

d)

Ang kahinaan ng isang bayani kapag nalagay sa mahirap na sitwasyon.

7.

Sa kwento ni Liongo, siya ay nagdesisyong ipaglaban ang kanyang bayan kahit alam niyang delikado ang kanyang buhay. Ano ang kaisipang nakapaloob sa desisyong ito?

a)

Ang tunay na bayani ay inuuna ang sariling kapakanan kaysa sa bayan.

b)

Ang pagiging bayani ay nangangahulugang hindi kailanman natatalo.

c)

Ang bayani ay hindi dapat mag-isip ng mahabang panahon bago gumawa ng aksyon.

d)

Ang katapangan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng takot kundi ng pagkilos kahit natatakot.

8.

Sa kwento, nagkaroon ng pagkakataon si Liongo na tumakas mula sa kanyang mga kaaway, ngunit pinili niyang labanan sila upang ipagtanggol ang kanyang bayan. Ano ang ipinapakitang gawi ni Liongo sa kanyang desisyon?

a)

Ang pag-iwas sa gulo para sa pansariling kaligtasan.

b)

Ang pagpapahalaga sa sariling karangalan kaysa sa kaligtasan ng iba.

c)

Ang paggamit ng tusong pamamaraan upang matalo ang mga kalaban.

d)

Ang pagpapakita ng katapatan at sakripisyo para sa kabutihan ng nakararami.

9.

Ang pamilya ni Liongo ang nagtaksil sa kanya, kaya’t nahuli siya ng kanyang mga kaaway. Ano ang suliraning ipinapakita ng akda na konektado sa kilos at desisyon ng tauhan?

a)

Ang kawalan ng hustisya sa mga bayani kahit sila ay mabuti.

b)

Ang panganib ng labis na pagtitiwala sa mga tao, kabilang ang pamilya.

c)

Ang kahirapan ng pagiging isang bayani sa kabila ng pagtitiwala sa pamilya.

d)

Ang kawalang-kakayahan ng isang bayani na harapin ang kanyang sariling kapalaran.

10.

Batay sa kilos ni Liongo na laging inuuna ang kapakanan ng bayan sa kabila ng pagtataksil ng pamilya at panganib sa kanyang buhay, ano ang mahalagang kaisipang ipinahahatid ng mitolohiya?

a)

Ang isang bayani ay laging makakahanap ng tulong mula sa iba.

b)

Ang bayan ay hindi kailanman mahalaga kaysa sa sariling kaligtasan.

c)

Ang pagiging bayani ay nangangailangan ng pagsunod sa utos ng pamilya.

d)

Ang sakripisyo para sa kabutihan ng nakararami ay tanda ng tunay na kagitingan.

11.

Kung ikaw ay makikilahok sa isang debate tungkol sa pagkatao ni Liongo, ano ang angkop na pagpapaliwanag sa kanyang kilos bilang simbolo ng kabayanihan?

a)

Si Liongo ay bayani dahil nagawa niyang takasan ang kanyang mga suliranin.

b)

Si Liongo ay bayani dahil pinili niyang kalimutan ang pamilya para sa sariling kapakanan.

c)

Si Liongo ay nagpakita ng katapangan hindi dahil gusto niyang maging bayani kundi dahil ito ang tamang gawin.

d)

Si Liongo ay nagpakita ng lakas ng loob dahil nais niyang patunayan na mas magaling siya sa kanyang mga kalaban.

12.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsasaling-wika?

a)

Mapaganda ang kwento ng orihinal na teksto

b)

Magdagdag ng sariling opinyon ng tagapagsalin

c)

Mabawasan ang mga kumplikadong bahagi ng teksto

d)

Maiparating ang orihinal na mensahe sa ibang wika nang malinaw

13.

Ang isang mahusay na tagapagsalin ay dapat magkaroon ng malawak na kaalaman sa anong aspeto?

a)

Kasaysayan ng sariling bayan

b)

Teknikal na pagsusuri ng aklat

c)

Estruktura at kultura ng parehong wika

d)

Mga personal na pananaw ng mambabasa

14.

Ano ang tinutukoy na “katumpakan” bilang pamantayan sa pagsasaling-wika?

a)

Pagsunod sa sariling istilo ng tagapagsalin

b)

Pagtutugma ng orihinal na mensahe at salin

c)

Pagkakaroon ng tiyak na dami ng salita sa salin

d)

Pagpapabago sa nilalaman para sa lokal na kultura

15.

Bakit mahalagang taglayin ng isang tagapagsalin ang pagiging sensitibo sa kultura?

a)

Upang makabuo ng bagong bersyon ng akda

b)

Upang mapanatili ang orihinal na tono ng akda

c)

Upang mas madagdagan ang orihinal na mensahe

d)

Upang maiwasan ang pagsasalin ng mahirap na salita

16.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang naglalarawan sa pagiging masipag ng isang tagapagsalin?

a)

Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa orihinal na teksto

b)

Pag-aaral at pananaliksik sa konteksto ng orihinal na akda

c)

Pagpapanatili ng parehong bilang ng talata mula sa orihinal

d)

Paggamit ng diksyunaryo para sa bawat salitang mahirap unawain

17.

Paano nakatutulong ang “kasimplehan” bilang pamantayan sa pagsasaling-wika?

a)

Pinapaganda nito ang estilo ng tagapagsalin

b)

Pinapadali nito ang kahulugan ng orihinal na teksto

c)

Pinapanatili nito ang pagiging komplikado ng ideya

d)

Pinapadali nito ang pag-unawa ng target na mambabasa

18.

Alin ang mas angkop na diskarte sa pagsasaling-wika ng isang tekstong pampanitikan?

a)

Pag-aalis ng mahahabang bahagi ng teksto

b)

Pagpapalit ng mga salita na hindi na ginagami

c)

Pagtuon lamang sa literal na kahulugan ng mga salita

d)

Pagsasaalang-alang sa damdamin, tono, at estilo ng akda

19.

Ano ang mahalagang katangian ng isang tagapagsalin upang maipahayag nang wasto ang damdamin ng orihinal na teksto?

a)

Kakayahang magsalin ng mabilis

b)

Kaalaman sa kasaysayan ng panitikan

c)

Malawak na talasalitaan sa target na wika

d)

Kakayahang magbago ng balangkas ng akda

20.

Sino ang nagsalin sa wikang Filipino ng akdang Lionggo?

a)

Bienvenido Lumbera

b)

Francisco Balagtas

c)

Roderic P. Urgelles

d)

Virgilio S. Almario

21.

Sino si Lionggo?

a)

Hari ng Ozi

b)

Bayani ng Greece

c)

Isang makata mula sa Arabia

d)

Isang mangangaso sa kagubatan

22.

Ano ang katangian ni Lionggo?

a)

Payat ngunit matalino

b)

Mabait ngunit mahina

c)

Maliksi ngunit takot sa laban

d)

Malakas at mataas na tulad ng higante

23.

Ano ang kahinaan ni Lionggo?

a)

Natatakot sa apoy

b)

Hindi marunong lumangoy

c)

Hindi marunong gumamit ng armas

d)

Mamamatay kapag tinamaan ng karayom sa pusod

24.

Sino ang tanging nakakaalam sa sikreto ni Lionggo?

a)

Ang kaniyang asawa

b)

Ang kaniyang anak na lalaki

c)

Ang kaniyang ina na si Mbwasho

d)

Ang mga mandirigma ng kaniyang kaharian

25.

Ano ang pamumunong Matrilinear?

a)

Pamumuno ng kalalakihan

b)

Pamumuno ng kababaihan

c)

Pamumuno ng mga mandirigma

d)

Pamumuno ng mga nakatatanda

26.

Ano ang ibig sabihin ng Patrilinear?

a)

Pamumuno ng kababaihan

b)

Pamumuno ng mga bayani

c)

Pamumuno ng mga makata

d)

Pamumuno ng mga kalalakihan

27.

Paano nakatakas si Lionggo mula sa kaniyang tanikala?

a)

Pinutol ang tanikala gamit ang espada

b)

Tumakas sa gabi habang tulog ang bantay

c)

Nakaisip ng pagpupuri at inawit ang parirala

d)

Gumamit ng susi na ibinigay ng kaniyang ina

28.

Ano ang ginawa ni Lionggo sa kaniyang pagtakas?

a)

Sumali sa digmaan upang maghiganti

b)

Nagtago sa kuweba sa loob ng ilang taon

c)

Nagpunta sa ibang bayan upang magtago

d)

Nagsanay sa paghawak ng busog at palaso

29.

Sino ang pumatay kay Lionggo?

a)

Ang hari ng Gala

b)

Ang kaniyang anak na lalaki

c)

Ang tagapagmana ng Pate

d)

Ang kaniyang kapatid na lalaki

30.

Ano ang pangunahing layunin ng pagsasaling-wika?

a)

Maisalin ang buong gramatika ng orihinal na wika

b)

Mapanatili ang orihinal na kahulugan ng bawat salita

c)

Malipat ang eksaktong mga salita mula sa isang wika patungo sa iba

d)

Malipat ang pinakamalapit na katumbas na diwa at estilo mula sa isinasalinang wika

31.

Ano ang mahalagang kakayahang dapat taglayin ng isang mahusay na tagapagsalin kaugnay ng gramatika?

a)

Pag-unawa sa mga dayalekto ng wikang isasalin

b)

Kakayahang lumikha ng bagong salita sa isinaling wika

c)

Kaalaman sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor

d)

Kakayahang baguhin ang mga tuntunin ng orihinal na wika

32.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng sapat na kaalaman ng tagapagsalin sa paksang isasalin?

a)

Paggamit ng diksyunaryo sa bawat salita ng isinaling pahayag

b)

Pagiging eksperto o may higit na kaalaman sa paksang isasalin

c)

Pag-asa lamang sa orihinal na manunulat para sa interpretasyon

d)

Pagtatanong sa iba kung ano ang kahulugan ng orihinal na paksa

33.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kasangkot sa pagsasalin?

a)

Upang makabuo ng bagong kahulugan sa isinaling wika

b)

Upang makapagsalin nang mas mabilis gamit ang teknolohiya

c)

Upang maiwasan ang mga maling interpretasyon ng diwa o konteksto

d)

Upang mapanatili ang kahulugan ng mga salita ayon sa teknikal na aspeto

34.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pampanitikang kakayahan ng isang tagapagsalin?

a)

Pagdaragdag ng sariling opinyon sa isinaling wika

b)

Pagtutok lamang sa teknikal na aspeto ng isinaling akda

c)

Kakayahang magsalin nang walang pagbabago sa kahulugan ng bawat salita

d)

Kasanayan sa malikhaing pagsasalin na may pagsasaalang-alang sa estilo ng awtor

35.

Ano ang pangunahing layunin ng akdang pampanitikan na anekdota?

a)

Magbigay ng kasiyahan at mag-iwan ng aral

b)

Magpaliwanag ng isang kontrobersyal na isyu

c)

Maglahad ng mahahalagang datos tungkol sa isang tao

d)

Magturo ng tamang paraan ng pagsulat ng talambuhay

36.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing elemento ng anekdota?

a)

Malalim na pagsusuri ng kultura at kasaysayan

b)

Malinaw na layunin, maikling kuwento, at makatotohanang detalye

c)

Masalimuot na balangkas, mahaba ang salaysay, at mga opinyon ng awtor

d)

Mga malikhaing tauhan, kathang-isip na pangyayari, at eksaheradong pahayag

37.

Ano ang katangian ng isang mahusay na anekdota?

a)

Tumutok lamang sa masayang aspeto ng kuwento

b)

Makatotohanan, maikli, at nag-iiwan ng aral o mensahe

c)

Magtaglay ng maraming tauhan at masalimuot na kuwento

d)

Makakalikha ng labis na emosyon kahit hindi makatotohanan

38.

Ano ang karaniwang paksa ng mga akdang anekdota?

a)

Mga epiko ng kabayanihan sa kasaysayan

b)

Mga alamat at pinagmulan ng bagay-bagay

c)

Mga supernatural na nilalang at kanilang kapangyarihan

d)

Mga tunay na pangyayari sa buhay na may kasamang aral

39.

Sa anong aspeto nagkakaiba ang mitolohiya at anekdota?

a)

Parehong kathang-isip ang mitolohiya at anekdota

b)

Ang mitolohiya ay maikli, samantalang ang anekdota ay mahaba

c)

Ang mitolohiya ay kathang-isip, samantalang ang anekdota ay batay sa tunay na pangyayari

d)

Ang anekdota ay tungkol sa mga diyos at diyosa, habang ang mitolohiya ay tungkol sa mga tao

40.

Ano ang pangunahing paksa o tema ng anekdotang Mullah Nasreddin?

a)

Pagbibigay ng aral

b)

Katatawanan at leksyon

c)

Karunungan at katalinuhan

d)

Pagpapakita ng Katatawanan

41.

Sino si Mullah Nasreddin, at ano ang kanyang pangunahing katangian na ipinakita sa akda?

a)

Isang mandirigma na puno ng tapang

b)

Isang makata na may malalim na damdamin

c)

Isang mang-aawit na nagpapalaganap ng kultura

d)

Isang matalinong tao na gumagamit ng katatawanan

42.

Ano ang layunin ni Mullah Nasreddin sa kanyang ginawa o sinabi sa kwento?

a)

Magpasaya sa mga tao

b)

Magturo ng aral gamit ang katatawanan

c)

Magbigay ng babala tungkol sa panganib

d)

Magpakita ng kanyang lakas at kakayahan

43.

Paano inilalarawan ng kwento ang mga taong nasa paligid ni Mullah Nasreddin?

a)

Matatalino at maunawain

b)

Malikhain at palabiro tulad ni Mullah

c)

Mapanghusga ngunit madaling matuto

d)

Madaling malinlang at hindi agad makaunawa

44.

Ano ang aral o mensaheng nais iparating ng akdang Mullah Nasreddin?

a)

Ang pagiging seryoso sa bawat sitwasyong hinaharap

b)

Ang pagsunod sa tradisyon at kaugalian ng nakararami

c)

Ang kahalagahan ng tapang sa pagharap sa hamon ng buhay

d)

Ang paggamit ng talino at karunungan sa paglutas ng problema sa masayang paraan

45.

Ano ang tema o paksa na binibigyang diin ni Mullah sa unang pagkakataon niyang nagtanong sa mga tagapakinig?

a)

Kahalagahan ng Karunungan at Katatawanan

b)

Kahalagahan ng paghahanda at kaalaman

c)

Kahalagahan ng katatawanan sa pagsasalita

d)

Kahalagahan ng pagkakaisa at pakiisa

46.

Ano ang aral o mensahe na makukuha mula sa unang pagkakataon na  nagtanong  si Mullah sa mga tagapakinig?

a)

Hindi makikinabang ang isang tao sa impormasyon o kaalaman kung wala siyang interes o paghahanda upang maunawaan ito.

b)

Laging kailangan ng ibang tao ang sagot sa lahat ng tanong, kahit hindi nila ito nauunawaan o kinakailangan.

c)

Ang pagtanong ay hindi mahalaga basta't mayroon nang sagot, kaya't hindi na kailangang magtanong kung alam na ang mga bagay.

d)

Ang mga tao ay dapat magtanong para magpatawa at hindi para magtamo ng kaalaman o magtulungan sa paglutas ng mga problema.

47.

Ano ang tema o paksa na binibigyang diin ni Mullah sa pangalawang pagkakataon niyang nagtanong sa mga tagapakinig?

a)

Pagpapahalaga sa oras at impormasyon

b)

Ang kahalagahan ng pagtanggap ng sagot mula sa ibang tao kahit hindi ito totoo o wasto

c)

Ang hindi pag-aalala sa oras at pagpapaliban ng mga mahahalagang bagay

d)

Ang pagnanais na magpatawa sa halip na magbigay ng seryosong tanong o sagot

48.

Ano ang aral o mensahe na makukuha mula sa pangalawang pagkakataon na  nagtanong  si Mullah sa mga tagapakinig?

a)

Ang tanong ay palaging mas mahalaga kaysa sa sagot, kaya’t hindi na kailangang magbigay ng tamang sagot.

b)

Magtanong lamang kung may interes, hindi dahil sa pangangailangan o layunin.

c)

Ang oras ay hindi mahalaga basta’t nakakapagbigay tayo ng sagot kahit wala sa konteksto.

d)

Huwag mag-aksaya ng oras kung alam na ang sagot o layunin; gamitin ito sa mas makabuluhang bagay.

49.

Ano ang tema o paksa na binibigyang diin ni Mullah sa pangatlong pagkakataon niyang nagtanong sa mga tagapakinig?

a)

Pagbabahaginan ng kaalaman.

b)

Pagpapakita ng kaalaman na hindi dapat itago.

c)

Pagtanggap ng mga ideya mula sa iba.

d)

Pagpapakita ng hindi pagkakaroon ng kasagutan sa lahat ng bagay.

50.

Ano ang aral o mensahe na makukuha mula sa pangatlong pagkakataon na  nagtanong  si Mullah sa mga tagapakinig?

a)

Ang mga ideya ay dapat itago upang maprotektahan ang sarili.

b)

Ang karunungan ay hindi mahalaga kung hindi ito ginagamit sa praktikal na paraan.

c)

Ang pagtutulungan ay nakakasira sa pagpapalaganap ng kaalaman.

d)

Ang karunungan ay mas epektibong naipapasa kung may pagtutulungan.