wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKATLONG YUGTUANG PAGSUSULIT SA FILIPINO8

Total questions: 42

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

1. Ag Pilipinas na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos ay nilusob ng Imperyo ng Hapon noong 1942.

a)

inatake 

b)

. kinampihan

c)

.  sinira

d)

binisita

2.

Binomba ng hukbo ng sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941.

a)

ibinuhusan 

b)

hinagisan  

c)

pinasabugan

d)

kinasahan

3.

Pagkaraan ng ilang mga linggo pagkatapos bombahin ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas, umatras sina General Douglas McArthur na kasama ang pamahalaan ni Pangulong Manuel L. Quezon.

a)

sumuko

b)

umurong

c)

umusad

d)

lumaban

4.

Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa nang pinagbawal ng Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang katutubong wika

a)

kinilala

b)

kinalimutan

c)

pinagbawal

d)

umusbong

5.

Ang panahon ng pananakop ng Hapon ay tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino dahil malaya ang mga manunulat sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian, at paniniwalang Pilipino.

a)

kinilala

b)

kinalimutan 

c)

tinanggihan

d)

tinapos

6.

Ang panahon na kinilalang “Gintong Panahon ng Panitikan sa PIlipinas”.

a)

Panahon ng HImagsikan

b)

Panahon ng Hapon                     

c)

Panahon ng Espanyol

d)

Panahon ng Propaganda

7.

Panahon kung kailan nasakop ng Hapon ang bansang PIlipinas.

a)

1942-1947                              

b)

1942-1945                                  

c)

1940-1945

d)

1941-1945

8.

iIto ay isang uri ng maikling tula mula sa hapon na nagtataglay ng ilang katangiang nagbibigay-kulay sa kanyang pagkakaiba.

a)

Haiku

b)

Tanka

c)

Tanaga

d)

wala sa nabanggit

9.

Ang kinillang unang makatang Pilipino na sumulat ng haiku, kilala rin bilang Severino Gerundio, isang avant-garde makatang noong panahong ng Hapon.

a)

Florencio K. Gonzales

b)

Juan K. Flores

c)

Gonzales K. Flores

d)

Gonzalo K. Flores

10.

Ito ay isang uri ng tula na may limang taludtod, at ito ay nagmula noong ikawalong siglo.

a)

Haiku

b)

Tanka

c)

Tanaga

d)

wala sa pagpipilian

11.

Saan matatagpuan ang pinakaunang Tanka? -ay isang antolohiya ng mga tula na naglalaman ng 4,500 na tula, kung saan siyamnapung bahagdan nito ay tanka

a)

Bible

b)

Hiraya Maniwari

c)

Manyoshu o “Collection of Ten Thousand Leaves,”

d)

Book of life

12.

. Sa pagitan ng ika-5 hanggang ika-8 siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng Hapon. Ano ang tawag sa ponemikong karakter na ito, na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan.”?

a)

Kana

b)

Kina

c)

Kuna

d)

Kano

13.

Maiikling awitin ang Tanka na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay:

a)

5-7-5-7-7

b)

7-7-7-7-7

c)

5-7-5-5-7-

d)

5-5-5-7-7

14.

Ang tanaga ay _______.

a)

maikling tulang Tagalog    

b)

maikling tulang Tsino

c)

maikling tulang Hapon

d)

maikling tulang Kastila

15.

Ang tanaga ay may ___ na taludtod.

a)

3

b)

4

c)

5

d)

6

16.

Ang tanaga ay binubuo ng pitong ____ sa bawat taludtod.

a)

salita

b)

titik

c)

pantig

d)

pangungusap

17.

Ang kabuoang bilang ng pantig sa tanaga ay ____.

a)

17

b)

31

c)

28

d)

16

18.

Si _________ ang makatang nagsulat ng mga tanaga na nalathala sa  magasing Liwayway noong 1943.

a)

Gonzalo Flores

b)

Ildefonso Santos    

c)

Matsuo Basho    

d)

Juan Dela Cruz

19.

Batay sa mga idyomang Pilipino, alin ang pinakaangkop na gamitin kung ang isang   tauhan ay nakaranas ng matinding kabiguan sa buhay?

a)

Makati ang dila

b)

Nagdidildil ng asin

c)

Nagsunog ng kilay

d)

Nilamon ng masamang palad

20.

Ang editoryal ay tinaguriang "tinig ng pahayagan." Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na paraan upang matukoy ang "paksa" ng isang editoryal?

a)

Pagbasa sa petsa

b)

Pagtingin sa presyo

c)

Pag-alam sa pangunahing isyung pinag-uusapan

d)

Paghahanap sa pangalan ng punong patnugot ng pahayagan

21.

Kung ang isang editoryal ay isinulat upang kumbinsihin ang mga tao na suportahan ang isang batas, ano ang pangunahing "layon" nito?

a)

Magbigay ng aliw

b)

Maglahad ng ulat

c)

Mapaniwala ang mambabasa sa kanilang panig

d)

Magbigay ng utos sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan

22.

Sa dami ng impormasyon sa isang pahayagan, paano mabisang makukuha ang pangunahing "ideya" sa isang artikulo?

a)

Pagbilang sa mga letra

b)

Pagkopya sa lahat ng sipi

c)

Pagsusuri sa sentral na mensahe ng buong artikulo

d)

Paglista sa lahat ng mga pangalang nabanggit sa balita

23.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa "diksyon" o wastong pagpili ng mga salita upang maging malinaw ang mensahe sa mambabasa?

a)

Kaangkupan ng salita

b)

Dami ng mga pahayag

c)

Ganda ng sulat-kamay

d)

Bilang ng mga pahina sa isang buong akda

24.

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga "transisyonal na pananalita" at "kohesiyong gramatikal" sa pagsulat ng isang kritisismo?

a)

Upang maging makulay ang papel

b)

Upang maging lohikal ang daloy ng mga ideya

c)

Upang mapabilis ang pagbasa ng mga mag-aaral

d)

Upang maitago ang tunay na damdamin ng manunulat

25.

Sa pagsulat ng isang "interpretasyon" ng akda, alin sa mga sumusunod ang dapat bigyang-pansin ng isang kritiko?

a)

Ang kulay ng pabalat ng aklat

b)

Ang bilang ng mga letra sa bawat salita

c)

Ang lugar kung saan binili ang nasabing babasahin

d)

Ang malalim na kahulugan at mensaheng nais iparating ng awtor

26.

Sa pagsulat ng isang "interpretasyon" ng akda, alin sa mga sumusunod ang dapat na maging pangunahing pokus ng isang kritiko?

a)

Magbigay ng lumbay

b)

Maglahad ng kritika

c)

Magtago ng impormasyon

d)

Mapaniwala ang mambabasa na sumang-ayon sa kaisipan

27.

ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!
 

Ano ang simbolismo ng uling sa tula?

a)

katutubong tao

b)

taong mahina

c)

sinunog na kahoy

d)

taong nabali ang paa

28.

ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

Ano ang ipinahihiwatig ng “nag-iwi ng tabak”?

a)

Pagpapakita ng paghahangad ng katarungan at kalayaan

b)

Pagpapakita ng galit ng taong gumagawa ng masama.

c)

Pagkilala sa isang tao o puwersa na may malakas na impluwensiya o                  Kapangyarihan.

d)

Pagpapakita ng kahinaan

29.

TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat ba’ng dahilan
Baha sa kapatagan?

 

Ano ang simbolismo ng minumura ng ilan?  

a)

Pang-aalipin ng mga api.   

b)

Pagkakaroon ng di pagkaunawa mula sa iba.

c)

Sa pagsapit ng gabi ay may bagong suliraning darating. 

d)

Pag-asa

30.

iIto ay bahagi ng pahayagan. Ito ay tinatawag ding pangulong-tudling. Nagsisilbi itong tinig ng pahayagan. Isa itong pitak kung saan ang kuro-kuro, opinyon, at paninindigan ng manunudling ay inilalabas.

a)

editoryal

b)

balitang pandaigdig

c)

kartoning

d)

balitang lokal

31.

Ano ang tawag sa sumusulat ng editoryal?

a)

manunulat

b)

namumuna

c)

manunudling

d)

patnugot

32.

Ano ang ibig sabihin ng paraprasis?

a)

Muling paghahayag ng salita, teksto o talata gamit ang ibang mga salita

b)

Muling pagbabasa ng bagong salita, teksto o talata upang maunawaan ito

c)

Muling pagsanggunisa diksiyonaryo upang alamin ang kahulugan ng salita

d)

Muling pagpapakahulugan sa pamamagitan ng parehong salita, teksto o talata

33.

Ito ay tumutukoy sa Dihital na pormat sa pagbabalita.

a)

Online News Websites         

b)

Telebisyon

c)

Radyo

d)

Social Media

34.

Ito ay tumutukoy sa biswal at awdyo na presentasyon

a)

Radyo

b)

Telebisyon

c)

Blogs/Vlogs

d)

Pahayagan

35.

Ito ang pinakatradisyunal at pangunahing plataporma ng tekstong pampahayagan

a)

Pahayagan

b)

Telebisyon

c)

Radyo

d)

Social Media

36.

Instagram, YouTube, Facebook, Twitter

a)

Social Media

b)

Radyo

c)

Telebisyon

d)

Blogs/Vlogs

37.

Magagamit kahit walang kuryente

a)

Telebisyon

b)

Radyo

c)

Social Media

d)

Pahayagan

38.

Anong tawag sa pundasyon ng anumang video o animation? Dito

                nakapaloob ang tauhan, plot, at mensahe na nais iparating sa mga

                manonood.

a)

kuwento/story

b)

iskrip

c)

storyboard

d)

animation

39.

Ito ay ang detalyadong paglalarawan ng mga dayalogo, eksena, at

                 aksiyo. Mahalaga ito upang magkaroon ng malinaw na direksiyon ang

                 takbo ng kuwento.

a)

kuwento/story

b)

iskrip/script

c)

animation

d)

story board

40.

Ito ay tumutukoy sa dibuho o images ng mga pangunahing

                eksena na nagpapakita kung paano tatakbo ang kuwento sa bawat

                frame?

a)

kuwento/story

b)

iskrip/script

c)

storyboard

d)

animation

41.

Anong ang tawag sa proseso ng paggalaw ng mga karakter at

                 mga bagay sa loob ng frame?

a)

kuwento/story

b)

iskrip/script

c)

storyboard

d)

animation

42.

Ito ay tumutukoy sa tunog, kabilang dito ang voice-over,

                sound effects at background music?

a)

kuwento/story

b)

isjrip/script

c)

animation

d)

audio