NEW
Font size
WorksheetsPage 1
Total questions: 49
Worksheet time: 25mins
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Ito ay isa sa pinakamasaya ngunit sa iba ay nakakababahala na pangyayari sa buhay ng bawat tao. Nangyayari ang mga pagbabago sa katawan ng isang tao sa pagitan ng sampu (10) hanggang labing-anim (16) na taong gulang.
Pagdadalaga
Pagbibinata
Pag-aasawa
Puberty o Adolescence Stage
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Ito ay matatagpuan sa bandang ibaba ng leeg ng mga kalalakihan na nagiging sanhi ng pagababa o paglaki ng kanilang boses o sa lalagukan.
Adam’s Apple o gulung-gulungan
Galis
Kulugo
Tagihawat
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Ito ay tumutukoy sa panlabas na anyo ng isang tao.
Pisikal na katangian
Sosyal na katangian
Emosyonal na katangian
Ekonomikal na katangian
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Madaling mairita at sensitibo ang isang binata o dalaga dahil na rin sa mga pagbabagong nagaganap sa kanya. Anong pagbabago ang ipinapakita nito?
Pisikal na Pagbabago
Sosyal na Pagbabago
Emosyonal na Pagbabago
Ekonomikal na Pagbabago
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Ginagamit itong pangkuskos sa buong katawan upang maalis ang nakadikit na dumi at libag sa balat.
Bimpo
Sabon
Suklay
Tuwalya
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Bakit mahalaga sa isang tao na magkaroon ng sariling gamit?
Para maiwasang mahawa ng sakit
Para makaipon ng gamit
Para maiwasang masira ang gamit
Para may extrang damit
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Alin sa mga sumusunod ang tamang pag kilos ng isang kabataan na nagdadalaga o nagbibinata?
Pagtakas sa mga gawaing bahay.
Palagiang pagsigaw kapag kinakausap.
Pagsuway sa mga tagubilin ng magulang.
Paggamit ng magagalang na pananalita sa pakikisalamuha.
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Ano ang tawag sa tamang pag kilos na dapat ipakita ng mga kabataan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
Pag-aalaga sa sarili
Pagsunod sa mga magulang
Pagiging responsable
Pagiging masaya
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng pananamit sa panahon ng pagdadalaga?
Uso at Maganda
Madaling linisin
Mura at madaling bilihin
Kumportable at angkop sa okasyon
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang titik. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Sa anong sitwasyon mo dapat gamitin ang mga kagamitan sa pangangalaga ng sarili?
Kapag may bisita
Sa mga espesyal na okasyon
Sa tuwing may oras
Sa araw-araw na buhay
Anong hakbang ang dapat mong gawin upang mapanatili ang kalinisan sa iyong katawan?
Magbihis ng Maganda
Maligo araw-araw
Kumain ng masarap
Maglaro ng computer games
Alin sa mga sumusunod ang tradisyonal na kagamitan sa pagsasaing ng bigas?
Rice cooker
Kaldero
Microwave
Electric Steamer
Anong kagamitan ang ginagamit sa makabagong pamamaraan ng pagsasaing?
Palayok
Rice cooker
Kalan
Banga
Bakit mahalaga ang tamang sukat ng tubig sa pagsasaing ng bigas?
Upang mas mabilis maluto
Upang hindi masunog ang bigas
Upang maging malambot ang bigas
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng hakbang sa pagsasaing ng bigas?
Paghuhugas ng bigas
Pagbabalat ng bigas
Paglalagay ng tubig
Pagluluto ng bigas
Paano mo maipapakita ang iyong kaalaman sa mga kagamitan sa pagsasaing?
Mag-aral ng mga libro
Manood ng mga palabas
Magtanong sa mga kaibigan
Magluto ng bigas gamit ang iba't ibang kagamitan
Ano ang unang hakbang na dapat gawin bago magsaing ng bigas?
Isalang ang bigas sa kalan.
Buksan ang kalan at magsalang ng tubig.
Ibuhos ang tubig nang hindi sinusukat.
Sukatin at hugasan ang bigas nang maayos.
Ano ang pangunahing gamit sa paghuhugas ng pinggan?
Basahan
Sabon
Kutsara
Tasa
Ito ay ginagamit para itabi o iayos ang mga pinggan, baso, at kubyertos pagkatapos hugasan.
Apron
Dish Rack
Palanggana
Sponge
Paano mo maipapakita ang tamang pag-aalaga sa mga kagamitan sa paghuhugas?
Iwanan ang mga ito sa labas
Linisin at itago ng maayos
Huwag gamitin
Ibigay sa iba
Ano ang maaaring mangyari kung hindi maayos ang paghuhugas ng pinagkainan?
Magkakaroon ng sakit
Magiging masaya ang lahat
Magiging masarap ang pagkain
Wala itong epekto
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang matutunan ang tamang paghuhugas ng pinagkainan?
Magbasa ng libro
Magtanong sa guro
Kung ikaw ay gagawa ng isang bagong paraan ng paghuhugas ng pinaglulutan, ano ang isasama mo?
Mas maraming sabon
Mas mabilis na proseso
Mas maraming kagamitan
Mas maraming tao
Alin sa mga sumusunod ang kagamitan na ginagamit sa paglilinis ng tahanan?
Telebisyon
Walis
Laptop
Silya
Ito ang mga kagamitang nauubos o nababawasan na ginagamit sa pag-aayos at paglilinis ng tahanan.
Kagamitang
Consumable
Materyales
Pangkalahatang gamit
Paano mo maipapakita ang iyong pagiging responsable sa paglilinis ng tahanan?
Maglinis lamang kapag may bisita
Huwag maglinis at umalis na lang
Maghintay na lang sa ibang tao na maglinis
Maglinis araw-araw at tulungan ang pamilya
Alin sa mga sumusunod ang tamang hakbang sa paglilinis ng tahanan?
Mag-umpisa sa sahig
Maglinis mula sa itaas pababa
Huwag gumamit ng tubig
Maglinis ng isang bahagi lamang
Paano mo maipapakita ang pag-iingat sa pagliligpit ng mga kagamitan?
Itapon ang mga ito sa sahig
Huwag pansinin ang mga ito
Ilagay ang mga ito sa tamang lugar
Iwanan ang mga ito sa kung saan-saan
Bakit mahalaga ang pag-aayos ng mga kagamitan sa tahanan?
Upang mas madali itong masira
Upang hindi makita ng ibang tao
Upang maging magulo ang tahanan
Upang mapanatili ang kalinisan at kaayus
Kung ikaw ay may mga kagamitan na hindi mo na kailangan, ano ang dapat mong gawin?
Itapon ito sa basurahan
Ibigay ito sa ibang tao o i-donate
Itago ito sa iyong silid
Iwanan ito sa tabi ng kalsada
Alin sa mga sumusunod ang kagamitan na ginagamit sa paglalaba?
Pala
Lababo
Washing machine
Silya
Bakit mahalaga ang paggamit ng tamang detergent sa paglalaba?
Upang mas mabilis matuyo ang damit
Upang mas maging mabango ang damit
Upang maiwasan ang pagkasira ng damit
Upang mas madali itong mahanap
Alin sa mga sumusunod ang tamang hakbang sa paglalaba?
Magbabad ng damit sa mainit na tubig
Maglagay ng sobrang detergent
Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pag-aalaga sa mga kagamitan sa paglalaba?
Iwanan ang mga ito sa labas
Huwag maglinis ng mga ito
Gumamit ng mga ito sa ibang layunin
Linisin at itago ng maayos pagkatapos gamitin
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paglalaba?
Paghahanda, pagkusot, pagbanlaw
Patuyuin, magbabad, at banlaw
Banlaw, magbabad, at patuyuin
Magbabad, patuyuin, at banlaw
Anong mga hakbang ang dapat sundin upang maging ligtas sa paglalaba?
Huwag magbanlaw ng maayos.
Huwag mag-ingat sa mga kemikal.
Iwanan ang mga bata sa paligid ng washing machine.
Magbasa ng mga tagubilin at gumamit ng tamang kagamitan.
Anong consumable ang ginagamit sa paglalaba?
Baso
Kaldero
Timba
Sabon
Anong kagamitan ang karaniwanang ginagamit sa makabagong pamamaraan ng paglalaba?
Washing Machine
Paglalaba gamit ang kamay
Pagsasampay
Paghuhugas ng plato
Anong kagamitan ang ginagamit sa conventional na pamamalantsa?
Bimpo
Hanger
Plantsang de Kuryente
Plantsang de Uling
Paano mo maiaangkop ang mga hakbang sa makabagong pamamaraan ng paglalaba?
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin
Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga kagamitan
Sa pamamagitan ng hindi paggamit ng detergent
Sa pamamagitan ng paglalagay ng lahat ng damit sa isang lugar
Anong hakbang ang dapat isagawa upang masiguro ang kaligtasan sa pamamalantsa?
Huwag gumamit ng plantsa
Maglaro habang nagpa-plantsa
Magpahinga habang nagpa-plantsa
Iwasan ang paghawak sa mainit na bahagi
Ano ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan sa paglalaba at pamamalantsa?
Ang dami ng damit
Ang kulay ng damit
Ang presyo ng detergent
Ang tamang paggamit ng kagamitan
Bakit mahalaga ang gabay ng nakakatanda sa conventional na pamamalantsa?
Upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan sa paggamit ng mainit na plantsa
Para mas maraming damit ang ma-plantsa nang sabay-sabay
Upang mas mabilis matuyo ang damit kahit hindi sinampay
Dahil bawal gumamit ng kuryente kapag bata
Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin habang nagpa-plantsa?
Mag-ingat sa kuryente
Maglagay ng tubig sa plantsa
Gumamit ng matibay na tabla
Iwanan ang plantsa na nakabukas
Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang bago simulan ang pamamalantsa?
Ang mga damit ay tuyo
Ang plantsa ay malamig
Ang mga damit ay marumi
Ang plantsa ay walang kuryente
Sa anong paraan ma masusuri ang mga kagamitan sa pamamalantsa?
Sa pamamagitan ng pagtitingin sa mga ito
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito
Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga ito
Sa pamamagitan ng pag-iimbak ng mga ito
Alin sa mga sumusunod na hakbang ang tamang gawin kapag tapos nang mamalantsa?
Itago ang plancha habang mainit pa.
Iwanan ang plancha na nakasaksak sa outlet
Ibalik ang plancha sa kahon nang hindi nililinis.
Ilagay ang plancha sa isang ligtas na lugar at hayaang lumamig.
Paano mo maiaangkop ang tamang pamamaraan ng pamamalantsa sa iyong mga damit?
Iwanan ang mga damit sa init ng araw.
Huwag magplantsa ng mga damit.
Iwanan ang plantsa na nakabukas.
Gumamit ng tamang temperatura ng plantsa.
Bakit kailangang suriin muna ang init ng plancha bago simulan an pamamalantsa?
Para makatipid sa kuryente.
Para hindi gumamit ng plantsahan.
Upang maiwasan ang pagkasunog ng tela.
Para mas mabilis matapos ang pamamalantsa.
