NEW
Font size
WorksheetsPaikot na daloy ng Ekonomiya
Total questions: 17
Worksheet time: 3mins
Dahil ang impok o savings ay kadalasang inilalagak sa mga institusyong pampinansiyal, itinuring itong cash outflow o kitang lumalabas sa ekonomiya. Anong gawain ang muling magbabalik nito sa ekonomiya?
Paggasta
Pagkonsumo
pagtitipid
Pamumuhunan
Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang nagbabayad ng buwis
Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store
Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis
. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproses ng bahay- kalakal
Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal
Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal
Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa
Sambahayan dahil sa kanya nagmumula ang mga salik ng produksiyon
Sa bahay-kalakal dahil siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat
Sa pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang-ekonomiya
Sa lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin sa isa’t-isa
Pera o kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan
Investment
Stocks
Asset
savings
Tumutukoy sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
Tubo
Upa
Interes
Sahod
Katuwang ng sambahayan upang maihatid ang mga salik sa produksiyon sa bahay-kalakal
Pamahalaan
Pamilihang Pinansiyal
Pamilihan ng mga Salik sa Produksiyon
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Nagmamay-ari at tagatustos ng mga salik sa produksiyon
Sambahayan
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Panlabas na sektor
Dito natutugunan ng bawat bansa ang kani-kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa
Pamilihan ng Salik sa produksiyon
Pamnilihan ng kalakal at paglilingkod
Pamilihang Pinansiyal
Pamilihang Panlabas
Nakikipag-ugnayan sa bahay-kalakal at sambahayan sa pamamagitan ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng produkto.
Pamahalaan
Panlabas na sektor
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Pamilihang panlabas
Tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkod
Sambahayan
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Panlabas na sektor
Ginagamit ng bahay-kalakal upang maihatid sa sambahayan ang mga nalikha nitong produkto at paglilingkod
Pamilihang Pinansiyal
Pamilihan ng salik sa produksiyon
Pamilihang panlabas
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at bahay-kalakal mula sa buwis na nakolekta nito
Panlabas na sektor
Negosyo
Pamahalaan
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Katuwang ng bahay-kalakal at sambahayan sa mga desisyong panghinaharap
Pamilihang Pampinansiyal
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Pamilihan ng mga salik sa produksiyon
Pamilihang Panlabas
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Kita at gastusin ng pamahalaan
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Kita at gastusin ng pamahalaan
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Kita at gastusin ng pamahalaan
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal
