NEW
Font size
WorksheetsIkatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
Pagtakwil sa tradisyon ng ibang lipunan
Pagiging bahagi ng pandaigdigang samahan
Pagmamahal at katapatan sa sariling bansa
Pagtanggap ng kultura ng ibang bansa
Ano ang ibig sabihin ng kasarinlan?
Pagtatanggol ng sariling kasaysayan
Kalayaang pangkabuhayan ng isang bansa
Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa
Kakayahang magpasya nang walang pakikialam ng iba
Paano nakatutulong ang nasyonalismo sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng isang bansa?
Sa pamamagitan ng pagkilala sa sariling wika, tradisyon, at kasaysayan
Sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang internasyonal na samahan
Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga dayuhang kultura
Sa pamamagitan ng paglimot sa nakaraan upang magkaisa
Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang pagkabansa sa isang lipunan.
Nagpapakita ito ng kahinaan ng isang bansa
Nagbibigay ito ng malinaw na identidad para sa lahat ng mamamayan
Nagpapahintulot ito sa malayang paggalaw ng tao sa iba’t ibang bansa
Nagsusulong ito ng dibisyon sa lipunan
Magbigay ng halimbawa ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?
Pagpapakilala ng mga banyagang kultura sa mga paaralan
Pag-import ng mga produkto mula sa ibang bansa
Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan gamit ang sariling wika at tradisyon
Pagpapatayo ng isang pandaigdigang mall
Paghambingin ang kahulugan ng nasyonalismo at kasarinlan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kanilang pagkakaugnay?
Ang nasyonalismo ay lumilikha ng dibisyon sa kasarinlan
Ang nasyonalismo ay nagbibigy-daaan sa pagkamit ng kasarinlan
Ang kasarinlan ay mas mahalaga kaysa nasyonalismo
Ang kasarinlan ay walang kaugnayan sa nasyonalismo
Ano ang kahulugan ng kasarinlan?
Kalayaang makapamuhay ayon sa sariling kagustuhan
Kakayahang sumunod sa mga utos ng ibang bansa
Pagtanggap ng impluwensya mula sa dayuhan
Pagtatayo ng sariling relihiyon
Isang bansa ang nais magtamo ng kasarinlan. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na aksyon upang maisakatuparan ito?
Pagpapabaya sa mga kilusan para sa kalayaan
Pagbuo ng mapayapang kilusan laban sa mga mananakop
Pagtanggap ng kasunduan mula sa mga kolonya ng bansa
Pag-aalay ng yaman ng bansa sa dayuhan
Ano ang ibig sabihin ng neokolonyalismo?
Pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa sa pamamagitan ng ekonomiya at politika
Pagtutulungan ng mga bansa sa pandaigdigang ekonomiya
Direktang pananakop ng isang bansa sa isa pang bansa
Kalayaang makapamuhay nang walang pakikialam ng ibang bansa
Ano ang isang pangunahing hamong politikal sa Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Pagbaba ng populasyon
Pagtutulungan ng mga bansa sa Asya
Pag-usbong ng diktadura at malawakang katiwalian
Pagtaas ng teknolohiya
Bakit naging hamon ang “demokrasyang elit” sa pagkabansa ng Pilipinas?
Dahil ito ay nag-alis ng kalayaan ng mga Pilipino
Dahil ito ay nagbigay ng kapangyarihan lamang sa iilang mayayamang pamilya
Dahil ito ay nagbigay ng pantay na pagkakataon sa lahat ng mamamayan
Dahil ito ay nagdulot ng pagkakaisa sa lahat ng sektor ng lipunan
Ano ang epekto ng diktadura sa politika ng Pilipinas?
Nagkaroon ng matatag na ekonomiya
Lumawak ang karapatan ng mga mamamayan
Nagpatuloy ang demokrasya sa ilalim ng batas militar
Nagkaroon ng malawakang katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan
Kung ikaw ay isang mamamayan noong panahon ng diktadura, paano mo maipapakita ang iyong pagtutol sa mapanupil na sistema?
Sa pamamagitan ng pagsunod nang walang tanong sa mga lider ng bansa
Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mapayapang kilos-protesta at pagpapahayag ng opinyon
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng katiwalian bilang normal sa politika
Sa pamamagitan ng pagbabalewala sa mga isyu sa Lipunan
Paghambingin ang neokolonyalismo at diktadura. Alin sa mga sumusunod ang kanilang pagkakatulad?
Parehong nagtataguyod ng demokrasya sa lipunan
Parehong nagmumula sa panloob na problema ng bansa
Parehong nagbibigay ng kalayaan sa mga mamamayan ng bansa
Parehong nililimit na soberanya ng bansa at karapatan ng mga mamamayan
Ano ang pangunahing dahilan ng lumalaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap sa Pilipinas?
Pagkakaroon ng malawak na lupain ng mga magsasaka
Pagtaas ng teknolohiya sa agrikultura
Hindi pantay na distribusyon ng yaman at oportunidad
Mabilis na industriyalisasyon ng bansa
Ano ang ibig sabihin ng kawalan ng basehang industriyal?
Pagbaba ng halaga ng agrikultura sa pandaigdigang kalakalan
Kakulangan ng matatag na industriya na sumusuporta sa ekonomiya
Kakulangan ng makabagong teknolohiya sa paggawa
Pag-asa sa mga dayuhang produkto lamang
Paano nakakaapekto ang hindi maunlad na sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa?
Nagpapataas ito ng kompetisyon sa lokal na ekonomiya
Nagpapabagal ito sa pangkalahatang produksyon at kita ng bansa
Nagdudulot ito ng maraming oportunidad para sa ibang sektor
Nagpapabilis ito ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan
Ano ang pagkakatulad ng hamong pang-ekonomiya at hamong pangkultura na kinakaharap ng Pilipinas?
Parehong nagmumula sa pandaigdigang kalakalan
Parehong nagdudulot ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan
Parehong nalulutas sa tulong ng modernisasyon
Parehong may kaugnayan sa teknolohikal na pag-unlad
Ano ang mas epektibong solusyon sa lumalaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap?
Pagtuuan ng pansin ang pagbibigay ng insentibo sa malalaking negosyo
Ituon ang pondo ng gobyerno sa urbanisasyon kaysa sa agrikultura
Lumikha ng mga batas na magbibigay ng pantay na oportunidad sa edukasyon at trabaho
Hayaan magpatuloy ang kasalukuyang sistema dahil ito ay natural lamang
Ano ang pangunahing layunin ng Kumperensiya ng Bandung noong 1955?
Pagpapalaganap ng relihiyon sa Timog-Silangang Asya
Pagtutulungan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at iba pang umuunlad na bansa upang labanan ang kolonyalismo
Pagpapalakas ng pandaigdigang kalakalan
Pagtatag ng isang bagong sistema ng gobyerno sa Asya
Aling mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang tinalakay ang kanilang mga hamon sa Kumperensiya ng Bandung?
Malaysia, Singapore, Indonesia, Brunei
Japan, China, India
Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, Vietnam
South Korea, North Korea, Philippines
Paano nakaapekto ang Kumperensiya ng Bandung sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Pinilit nitong magpasailalim ang mga bansa sa kontrol ng Kanluran.
Pinatibay nito ang relasyon ng Timog-Silangang Asya sa mga Kanlurang bansa.
Nagbigay ito ng suporta sa kanilang kalayaan laban sa kolonyalismo at imperyalismo.
Pinagtuunan nito ng pansin ang ekonomiya sa halip na politika.
Kung ikaw ay isang lider ng isang bansa sa Timog Silangang Asya, anong hakbang ang maaari mong gawin upang matugunan ang hamon ng pagkakaisa pagkatapos ng kalayaan?
Magtayo ng mga bagong imprastruktura
Magpatupad ng mga programang magpapalakas sa edukasyon at kultura
Magtakda ng mga bagong batas laban sa kalikasan
Magbigay ng tulong sa mga kalapit na bansa
Alin sa mga sumusunod ang mga bansa na nakibahagi sa Kumperensiya ng Bandung?
Vietnam, Laos, Myanmar, Cambodia
Indonesia, Malaysia, Singapore, Brunei
Laos, Cambodia, Myanmar, Indonesia
Philippines, Thailand, Malaysia, Singapore
Anong taon ginanap ang Kumperensiya ng Bandung?
1970
1960
1955
1950
Isang uri ng nasyonalismo na nagsusulong na palawakin ang saklaw ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop at pagpapalawak ng teritoryo.
Nasyonalismong Liberal
Nasyonalismong Kultural
Agresibong Nasyonalismo
Etnikong Nasyonalismo
Tumutukoy sa pagpapamalas ng pagmamahal at katapatan sa estadong kinabibilangan anuman ang lahi, pangkat at relihiyon ng mga mamamayang naninirahan dito.
Agresibong Nasyonalismo
Nasyonalismong Kultural
Etnikong Nasyonalismo
Sibikong Nasyonalismo
Isang uri ng nasyonalismo kung saan ang mga mamamayan ay pinagbubuklod ng iisang kultura anumang lahi o pangkat ang kanilang pinagmulan.
Etnikong Nasyonalismo
Nasyonalismong Kultural
Sibikong Nasyonalismo
Agresibong Nasyonalismo
Isinusulong nito ang kalayaan ng isang bansa mula sa pananakop sapagkat hangad nito na magkaroon ng sariling soberanya na malayo sa kontrol at impluwensya ng mga dayuhan.
Agresibong Nasyonalismo
Etnikong Nasyonalismo
Nasyonalismong Kultural
Nasyonalismong Liberal
Isang uri ng nasyonalismo na naniniwalang ang pagmamahal at katapatan ng isang mamamayan ay batay sa lahi o pangkat na kinabibilangan.
Sibikong Nasyonalismo
Agresibong Nasyonalismo
Nasyonalismong Kultural
Etnikong Nasyonalismo
Isa itong sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, at ang masidhing kagustuhan na matamo ang pambansang pagsulong.
Kolonyalismo
Nasyonalismo
Kasarinlan
Pagkabansa
Ito ay masidhing pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-Bayan at ang matinding hangarin ng pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan at pagiging malaya sa pang-aalipin ng mga dayuhan.
Kolonyalismo
Nasyonalismo
Kasarinlan
Pagkabansa
Ito ay ang kakayahan ng isang bansa na magkaroon ng sariling soberanya.
Nasyonalismo
Pagkabansa
Kasarilan
Kolonyalismo
Kilala bilang isang mayamang nasyon na may maunlad na kalakalan at mayabong na kulturang Budismo.
Pilipinas
Burma
Indonesia
Vietnam
Idineklarang pangulo ng bansa sa Unang Republika ng Pilipinas.
Manuel L. Quezon
Andres Bonifacio
Emilio Aguinaldo
Dr. Jose Rizal
Kailan idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas matapos ang pananakop ng mga Espanyol?
Hunyo 12, 1898
Hunyo 12, 1888
Hunyo 12, 1998
Hunyo 12, 1989
Sa anong panahon nabuo ang pangkat ng HUKBALAHAP?
Panahon ng Himagsikan
Panahon ng mga Hapon
Panahon ng mga Amerikano
Panahon ng mga Espanyol
Bakit nadakip si Emilio Aguinaldo noong Panahon ng mga Amerikano?
Dahil tinakot siya nito na kung 'di niya papapasukin sa teritoryo ng Pilipinas ang mga Amerikano ay mananatili na lamang siya nakakulong
Dahil nakagawa siya ng kasalanan
Dahil mas pinili niyang ipamigay ang bansang Pilipinas sa mga Amerikano kapalit ng kanyang kapakanan
Dahil 'yun ang napagkasunduan
Pangunahing layunin ng samahang ito na palayain ang Indonesia sa kamay ng mga Olandes at isulong ang kultura at literaturang Japanese.
Budi Utomo
AFPFL
Kilusang Sarekat
Bersiap
Bakit ninanais ng mga Vietnamese na makamit ang kasarinlan ng kanilang bansa?
Dahil sa kalupitan ng mga Hapon
Dahil sa kalupitan ng mga Amerikano
Dahil sa kalupitan ng mga Espanyol
Dahil sa Panahon ng Himagsikan
Ito ay anyo ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay konsentrado sa isang tao o isang maliit na grupo na walang o limitadong kontrol mula sa mga mamamayan o iba pang mga sangay ng gobyerno.
Diktadura
Katiwalian
Demokrasya
Neokolonyalismo
Ito ay makabagong paraan ng pananakop na kung saan makikita dito ang pagkontrol ng banyaga sa iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng mga lokal na mamamayan.
Diktadura
Neokolonyalismo
Katiwalian
Demokrasya
Ito ay isang sitwasyon na kung saan ang kalusugan ng isang malaking bahagi ng populasyon ay nanganganib at nangangailangan ng agarang tugon at mga hakbang mula sa mga awtoridad at iba pang mga sektor ng lipunan.
Public Health Crisis
Globalisasyon
Automation
Political Instability
Ito ay isang kalagayan kung saan ang isang bansa o rehiyon ay nakakaranas ng matinding pag-aalsa, mga kaguluhan, o kakulangan sa kaayusan sa mga usaping pampulitika, na maaaring magdulot ng pagbabago o pagbagsak ng pamahalaan, pamamahala, o sistemang pampulitika.
Public Health Crisis
Political Instability
Automation
Globalisasyon
Tumutukoy sa matagalang pagbabago sa mga pattern ng panahon at temperatura ng mundo.
Climate Change
Automation
Globalisasyon
Migrasyon
Ito ay ang hindi pagkakapantay-pantay o hindi makatarungang paggamot sa isang tao o grupo batay sa kanilang mga katangian tulad ng lahi, relihiyon, kasarian, edad, estado sa buhay, o iba pang personal na katangian.
Automation
Globalisasyon
Diskriminasyon
Migrasyon
Tumutukoy sa paglipat-lipat ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar, alinman sa loob ng isang bansa o mula sa isang bansa patungo sa iba.
Migrasyon
Diskriminasyon
Globalisasyon
Automation
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng teknolohiya upang magpatakbo ng mga proseso at sistema nang hindi na nangangailangan ng direktang interbensyon ng tao.
Diskriminasyon
Automation
Migrasyon
Globalisasyon
Ito ay proseso ng mabilis na pag-uugnay at pagsasama-sama ng mga bansa, ekonomiya, kultura, at mga tao sa buong mundo.
Automation
Migrasyon
Diskriminasyon
Globalisasyon
Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapahayag ng pagkabansa, maliban sa isa:
Pagbili at pagsuporta sa mga produktong mula sa ibang bansa
Paggamit at pagtaguyod ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas
Aktibong pagsuporta sa wikang Pambansa at pagpapahalaga sa sariling kultura at identidad
Pagpapakita ng respeto at dignidad sa mga pambansang simbolo tulad ng watawat at awit ng bansa
