wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3Q-Pagsusulit

Total questions: 40

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Anong gawaing ito na sinasabing mas makatotohanan ang impormasyon na manggagaling mismo sa isang mapagkakatiwalaang batis o resources?

 

a)

likert scale

b)

multiple choice

c)

sarbey

d)

panayam

2.

Saan tumutukoy ang kultural na sensibilidad?

a)

Paggalang sa sariling kultura at paniniwala

b)

Pagpapahalaga at pag-unawa sa iba’t ibang kultura at kaugalian

c)

Pagtatanggol sa sariling kultura kahit labag sa mga paniniwala ng iba

d)

Pagsasabuhay ng tradisyon nang walang pagsasalang-alang sa ibang kultura

3.

Bakit liwanag at ningning ang ginamit ng may-akda sa kanyang sanaysay?

a)

Nagpapakita ito ng kaliwanagan o enlightenment sa mga babasa nito

b)

Nagsisilbi itong tagapagpaalala na mayroong kinabukasan na naghihintay

c)

Sinasabi nito na maraming mga katiwalian at paghihirap noong panahon ng kastila.

d)

Tinutukoy nito ang pagiging isang Pilipino na handang magsakripisyo laban sa mananakop

4.

Paano nalaman ni Urbana ang mga nangyayari sa kanyang kapatid?

a)

Sa pamamagitan ng palagiang pagsusulatan.

b)

Sa pamamagitan ng tawag sa telepono nito sa mga kapatid.

c)

Sa tulong ng modernong teknolohiya na messenger at iba pang aplikasyon.

d)

Sa tulong ng modernong transportasyon ay mabilis siyang nakakauwi sa kanila.

5.

Ano ang tawag sa tama at wastong pag-uugali at pakikisama sa birtuwal na mundo?

a)

Bandwagon

b)

Commercial

c)

Netiquette

d)

Server

6.

Anong partikular na katangian ang nagsasagawa ng laging pagkilos nang may pagpapakumbaba, paggalang at pag-ibig sa magulang at sa kapwa pagpasok sa paaralan?

a)

Bayanihan

b)

Pag-iwas sa masamang bisyo

c)

Pagkakaroon ng utang na loob

d)

Pakikipagkapwa-tao sa mga taong nakapaligid

7.

Sino ang sumulat ng akdang “Ang Ningning at Ang Liwanag?”

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Jacinto

c)

Jose Rizal

d)

Juan Luna

8.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kasanayang pang-akademiko?

a)

Makatutulong ito para maging mahusay sa pagguhit

b)

Malalaman natin ang mga maling impormasyon na nababasa

c)

Mas magiging epektibo tayo sa pag-aaral at pag-unawa sa mga akademikong teksto

d)

Natutukoy ng kasanayang ito ang dapat na paniwalaan na mga balita sa ating bansa

9.

Anong alpabeto ang ginamit noong ika-17 siglo sa pagsulat ng mga akda o panitikan?

a)

Abecedario

b)

Baybayin

c)

Alibata

d)

Tagalog

10.

Anong paraan ang ginamit ng mga Kastila upang madaling sakupin ang Pilipinas?

a)

edukasyon at kaalaman

b)

karangyaan at katalinuhan

c)

pagmamalasakit sa mga Pilipino

d)

pagpapalaganap ng Kristiyanismo

11.

Sa paanong paraan nakatutulong ang tekstong biswal sa mga mambabasa?

 

a)

Ang tekstong biswal ay gumagamit ng mga elemento ng disenyo upang maghatid ng mensahe

b)

Ang tekstong biswal ay gumagamit ng mga matatalinhagang mga salita para magsabi ng impormasyon

c)

Ang tekstong biswal ay gumagamit ng mga paulit-ulit na mga larawan para mas mapaunlad ang pagbabasa

d)

Ang tekstong biswal ay nagpapakita ng kasagutan sa mga nangyari sa ating bansa lalo na noong panahon ng pananakop

12.

Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng tekstong biswal?

a)

guhit

b)

ilustrasyon

c)

sanaysay

d)

infographics

13.

Kung ikaw ay bubuo ng isang tekstong biswal, ano ang iyong pinakaunang dapat tiyakin?

a)

Kailangang tiyakin na lahat ng biswal ay maganda at mapagkukuhanan ng ideya.

b)

Kailangang tiyakin na lahat ng biswal ay mula sa mga sinaunang aklat o kaya’y libro.

c)

Kailangang tiyakin na lahat ng biswal ay naiintindihan lamang ng iilang mambabasa.

d)

Kailangang tiyakin na lahat ng biswal ay tuwirang naglilinaw at nagpapaunlad sa diskusyon sa teksto.

14.

Ang ningning at liwanag ay nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay maraya. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang naugalian.

 

  -Ang Ningning at Ang Liwanag, isinulat ni Emilio Jacinto

 

Mula sa pagkakasulat, ano kaya ang sinisimbolo ng salitang “ningning”?

a)

Ang salitang ningning ay tumutukoy sa pangmatagalang pagbabago

b)

Ang salitang ningning ay tumutukoy sa mga pansamantalang kaginhawaan

c)

Ito ay nagpapakita ng kahusayan sa pamumuno o pamamalakad noong panahong iyon

d)

Ito ay nagpapakita ng paghahanap ng kalayaan, pagtutulungan, at pagkakaroon ng boses laban sa mga naaapi

15.

Anong partikular na etikal na pananagutan sa pagbuo at pagbabahagi ng brochure ang nagsasaalang-alang sa sensitibidad ng mga pangkat o grupo?

a)

Pagiging tapat at tumpak

b)

Pagpapahalaga sa kalidad

c)

Pagrespeto sa mga karakter

d)

Pagpapahalaga sa kultural na sensibilidad

16.

Ano ang story board?

a)

Isang pahayag na naglalarawan sa pangyayari sa kuwento

b)

Isang software application na ginagamit sa pag-edit ng video at pelikula

c)

Isang uri ng musical score na ginagamit sa pelikula upang magbigay emosyon sa mga eksena

d)

Isang tool na ginagamit sa pagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga eksena at kaganapan gamit ang mga dibuho o sketches

17.

Ano ang pangunahing diwa ng sanaysay na “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” na isinulat ni Andres Bonifacio?

a)

Ang sanaysay na ito ay tungkol sa pagpili sa liwanag kaysa sa ningning

b)

Ang sanaysay na ito ay sinisiwalat ang mga naranasan nina Urbana at Feliza

c)

Isang akda ito na nagpapaliwanag ng kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino

d)

Isang napakaikli ngunit matalim na kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan.

18.

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagbuo ng isang bayograpikal na sanaysay.

 

I. Pag-aaral ng epiko at pagsasaayos ng pangunahing tala

II. Pagbuo ng outline at pagpili ng mga pangyayari

III. Pagguhit ng thumbnail o sketches at pagsulat ng teksto

IV. Pagsasaayos ng pagganap at pagsusuri at pagbuo ng borador

a)

I, II, III, IV   

b)

II, I, III, IV        

c)

II, III, I, IV

d)

III, II, IV, I

19.

Anong halimbawa ng sarbey ang mas madaling sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik?

a)

likert scale

b)

multiple choice

c)

sarbey

d)

panayam

20.

Anong kasanayan ang nagbibigay-daan sa atin na maunawaan at masuri ang mga teksto na may kaugnayan sa pag-aaral?

a)

Kasanayang Pampalakasan

b)

Kasanayang Pangkomunikatibo

c)

Kasanayang Pang-akademiko

d)

Kasanayang Pang-internasyonal

21.

Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang outline?

a)

Gumuhit ng maliit na thumbnails o sketches

b)

Isaalang-alang ang mga bahagi tulad ng simula, gitna, at wakas

c)

Tiyakin na malinaw, nauunawaan, at komprehensibo ang paglalarawan

d)

Tukuyin ang mga detalyeng magpapakita ng iba’t ibang paggalaw at emosyon

22.

Ano ang tumutukoy sa responsibilidad ng isang tao o organisasyon na kumilos nang naaayon sa mga prinsipyo ng moralidad, integridad, at pagiging makatarungan?

a)

Pagtuturo ng moralidad sa paaralan

b)

Pagsunod lamang sa batas ng lipunan

c)

Pagiging palaging tama sa lahat ng panahon

d)

Pagkilos na naaayon sa prinsipyo ng moralidad at integridad

23.

Ano ang unang hakbang sa pagbuo ng story board para sa gagawing comic brochure?

a)

Isaalang-alang ang mga bahagi tulad ng simula, gitna at wakas

b)

Isulat ang mga pangunahing punto sa buhay ng napiling tauhan

c)

Piliin ang pangyayari na pinakamahalaga at nagpaunlad ng kuwento

d)

Suriin, pag-aralan at tukuyin ang pangunahing tauhan sa epikong napili

24.

Ano ang tamang sagot na dapat ilagay sa nasa ibaba?

Korido = _______ na pantig ; Awit = ____________ na pantig

a)

12, 8

b)

8, 12

c)

24, 16

d)

20, 20

25.

Ano ang malaking ambag ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas?

a)

alpabetong baybayin

b)

panitikan

c)

edukasyon

d)

relihiyon

26.

Ano ang online platform?

a)

Nagbibigay ng aliw sa lahat ng pagkakataon

b)

Nagbibigay ito ng serbisyong dihital sa internet

c)

Nagagamit ng mga matatanda sa pagkuha lamang ng mahahalagang impormasyon

d)

Nagagamit ng mga tao para makatawag sa kahit saan at kahit kailan nila gustuhin ito

27.

Sino ang itinuturing na unang Gobernador-Heneral ng Pilipinas?

a)

Fernando Magallanes

b)

Miguel Lopez de Legazpi

c)

Juan de la Concepcion

d)

Ruy Lopez de Villalobos

28.

Sa paanong paraan patuloy na nagagamit natin ang impluwensya ng mga Kastila sa ating bansa?

a)

Sa pamamagitan ng pagkakabisado ng alpabeto

b)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng utang na loob sa kapwa

c)

Sa pamamagitan ng paniniwala sa kristiyanismo at pagsisimba

d)

Sa pamamagitan ng pagtangkilik at pagpapalaganap  ng mga produktong pinoy

29.

Sino ang pinakabatang sa magkakapatid sa akdang “Urbana at Feliza”?

a)

Feliza

b)

Honesto

c)

Juan

d)

Urbana

30.

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagsulat ng balita.

 

I. Pagkakuha ng mga impormasyon, isulat ang buod upang makita ang lahat ng datos na nakalap.

II. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan.

III. Isulat ang balita gamit ang inverted pyramid.

IV. Isulat ang headline na naaangkop sa balita.

a)

I, III, II, IV 

b)

II, I, III, IV 

c)

II, III, I, IV

d)

III, II, IV, I

31.

Paano nakatulong ang Florante at Laura sa paghubog ng pananaw ng mga Pilipino?

a)

Naghangad ng mas mahusay na pamamalakad mula sa gobyernong Kastila

b)

Nagsasabi ng mga magagandang dulot ng pakikipag-ugnayan ng mga Kastila

c)

Pagtupad sa pangako kahit na ito ay hindi madaling gawin sa tunay na buhay

d)

Tuluyang pagbabasa ng mga akdang ganito ay makatutulong sa atin upang magbago ng kaisipan

32.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang tekstong biswal?

a)

Nakapagbibigay ng paliwanag sa mga diskusyon

b)

Nakapagbibigay ng tiyak na detalye tungkol sa pangyayari higit sa kasaysayan.

c)

Nakatutulong ito upang mas malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip

d)

Sa tulong nito ay nadaragdagan ang mga kahulugan o kaya nama’y mensahe tungkol sa isang partikular na paksa.

33.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkalahatang patnubay sa paggamit ng mga biswal na elemento?

a)

Huwag gawan ng tamang dokumentasyon ang mga elementong biswal na may copyright

b)

Ipaliwanag ang kahalagahan ng lahat ng ginamit na elementong biswal at lagyan ng interpretasyon

c)

Maglagay lamang ng mga elementong biswal sa teknikal na sulatin kung may dahilan

d)

Tiyakin ding lahat ng biswal ay tuwirang naglilinaw at nagpapaunlad sa diskusyon sa teksto

34.

Anong halimbawa ng sarbey ang ginagamit ng isang tao sa pansariling pagsukat?

a)

likert scale

b)

multiple choice

c)

sarbey

d)

panayam

35.

Anong partikular na elementong panlingguwistika at gamit ng wika sa akda ang nakatuon ang mga akda sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa kabutihang loob at pananampalataya sa Diyos?

a)

Atake sa Wika

b)

Simbolong Nakapaloob

c)

Pormal na Gamit ng Wika

d)

Wala sa nabanggit

36.

Anong elementong panlingguwistika at gamit ng wika sa akda ang nagpapakita ng paksa tungkol sa panrelihiyon at mapupuna na seryoso?

a)

Atake sa Wika

b)

Simbolong Nakapaloob

c)

Pormal na Gamit ng Wika

d)

Wala sa nabanggit

37.

Saang elementong panlingguwistika at gamit ng wika sa akda makakabilang ang nasa ibaba: 

“Anumang pagsubok nina Don Juan ay malalampasan at ang kasamaan ay di magtatagumpay at matatalo ng kabutihan.”

a)

Atake sa Wika

b)

Simbolong Nakapaloob

c)

Pormal na Gamit ng Wika

d)

Wala sa nabanggit

38.

Alin sa sumusunod ang HINDI nabanggit na mahalagang detalye sa Lupang Hinirang?

a)

Napansin din ng ibang composer na may impluwensiya ng French anthem ang national anthem ni Felipe

b)

 Si Julio Nakpil ay nakalikha ng maraming komposisyon na nagpapakita ng katapangan tulad ng Lupang Hinirang

c)

Tinalakay din ni Dr. Hila ang Marcha Nacional ni Julian Felipe na naimpluwensiyahan ng Royal March ng Espanya

d)

Tinuloy rin ni Jose Palma at pinamagatang “Filipinas” na unang nalathala sa pahayagang La Independencia

39.

Anong partikular na elementong panlingguwistika at gamit ng wika sa akda ang tumutukoy sa paggamit ng didactic o waring palaging nangangaral ang estilo ng manunulat?

a)

Atake sa Wika

b)

Simbolong Nakapaloob

c)

Pormal na Gamit ng Wika

d)

Wala sa nabanggit

40.

Sino ang nagsulat ng kauna-unahang pasyon na "Ang Mahal na Pasion ni Jesu Christong Panginoon Natin”?

a)

Aniceto dela Merced

b)

Gaspar Aquino de Belen

c)

Don Luis de Guian

d)

Presbitero D. Modesto de Castro