WorksheetsAP8-3rd Quarter
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ang pagbuo ng mga alyansang militar sa Europa bago sumiklab ang digmaan ay nagdulot ng tensiyon sa pagitan ng mga bansa. Alin sa ibaba ang ipinapakita nitong sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig?
pagbagsak ng ekonomiya ng Germany at tuluyang hindi nakaahon
pagkakaroon ng pagkakampihaan at paghahati-hati sa Europa
kompetisyon sa pagbuo at pagpapalawak ng mga imperyo
pag-aalsa at martsa ng mga sibilyan sa mga lansangan
Ang paggamit ng makabagong sandata tulad ng tanke, poison gas, at machine gun ay nagbago sa paraan ng pakikipagdigma. Ano ang pangunahing epekto ng pag-usbong ng mga makabagong armas?
mas pinaikli ang panahon ng digmaan
mas maraming bansang nanatiling neutral
gaging mas madali ang pagpasok sa diplomatikong usapan
mas dumami ang kaswalti at naging mas mapanganib ang labanan
Ang pagbuo ng League of Nations ay isa sa pinakamahalagang hakbang pagkatapos ng digmaan. Ano ang ipinapakitang implikasyon ng pagkakatatag nito?
pagnanais ng mga bansa na magtulungan upang mapanatili ang kapayapaan
pagpapalawak ng kolonya ng mga makapangyarihang bansa
pagkakapantay-pantay ng kapangyarihan ng maliliit na bansa
pagbuwag sa lahat ng alyansang militar
Matapos ang digmaan, maraming lungsod at kabuhayan ang nawasak, at libo-libong sundalo ang nasawi. Alin sa mga ito ang malinaw na epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa mga bansang kalahok?
mas maayos na relasyong diplomatiko
malawakang pagkawasak at pagkalugi
masiglang ekonomiya sa Europa
pagtaas ng populasyon
Ang Treaty of Versailles ay nagtakda ng mabibigat na parusa sa Germany, kabilang ang pagbabayad ng danyos at pagbawas ng teritoryo. Ano ang implikasyon nito para sa hinaharap?
naging daan ito sa hinaharap na kapayapaan
naganap ang mabilis na pag-unlad sa Europa
mas naging matatag ang ekonomiya ng Germany
nagdulot ito ng galit na mauuwi sa panibagong tensiyon
Ang kakulangan sa impormasyon at mabagal na komunikasyon noong 1918 ay nagpalala sa pagkalat ng Spanish Flu. Kung ihahambing sa kasalukuyan, paano nagbago ang implikasyon ng komunikasyon sa pamamahala ng pandemya?
mas maraming maling impormasyon noon, kaya wala nang maling impormasyon ngayon
mas mabilis ang pagkalat ng impormasyon ngayon kaya mas mabilis din ang pagtugon
parehong walang epekto ang komunikasyon noon at ngayon
hindi na kailangan ang komunikasyon sa pandemya
Noon at ngayon, ang Spanish Flu at mga modernong pandemya tulad ng COVID ay patuloy na ring banta sa ating kalusugan. Ano ang makabagong implikasyong maaaring mahinuha mula sa karanasan ng Spanish Flu?
hindi na kumakalat ang sakit sa mga modernong lungsod
mas epektibo ang pagtugon kapag handa at may koordinasyon ang mga bansa
hindi na kailangan ang bakuna, sapagkat hindi naman nakababahala ang sakit na ito
hindi na kailangan ang mga public health protocol dahil sa epektibong gamot na natuklasan
Sa panahon ng Great Depression, tumaas ang bilang ng walang trabaho at bumaba ang kita ng maraming pamilya. Ano ang mas malalim na epekto nito sa lipunan?
nagbago ang pamumuhay at umusbong ang mga kilusang politikal na nangakong tutugon
pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa mga pamilihang bayan at pati na sa mga probinsya
pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na nag-aaral sa mga pribadong kolehiyo
pagbawas ng mga gastusin na inilaan sa mga proyekto ng pamahalaan
Ang pagbagsak ng stock market noong 1929 ay nagdulot ng takot na nagresulta sa biglaang pag-withdraw ng pera sa mga bangko. Ano ang ipinapakitang epekto ng chain reaction na ito sa sektor pinansyal?
mas lumaki ang kita at puhunan ng mga bangko
bumagsak ang tiwala ng publiko at nagsara ang maraming bangko
tumaas ang halaga ng dolyar kumpara sa pera ng ibang bansa
lumawak ang kalakalan sa ibang bansa at nagdulot ito ng malawakang pagbabago sa Global Market
Itinatag ang League of Nations upang maiwasan ang mga hidwaan at mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan matapos ang digmaan. Paano ito nakatulong sa pagharap sa tensiyon sa Europa?
nag-angat ito para sa diplomatikong pagresolba ng alitan
pinabilis ang muling pagsiklab ng digmaan at hidwaan sa Europa
pinatibay ang kolonyalismo upang mapanatili ang kani-kaniilang kapangyarihan
nagtanggal ng lahat ng alyansa sa Europa, upang maiwasan ang pagkakampihaan
Ipagpalagay sa isang bansa, ipinagbabawal ng lider ang lahat ng partidong oposisyon at tanging ang partido ng gobyerno ang maaaring tumakbo. Bilang mag-aaral, paano mo ito susuring nagiging banta sa demokrasya?
pinabibilis nito ang eleksyon
pinahihintulutan nito ang debate
pinipigil nito ang demokratikong pagpili
pinapalakas nito ang political pluralism sa bansa
Kung sakaling ipinag-utos ng pamahalaan na sundin ang isang partikular na ideolohiya at ipinagbabawal ang anumang salungat na pananaw. Ano ang ipinapakitang katangian nito?
Checks and Balances
totalitarianismong control
pagpapalawak ng karapatan
pagbibigay-boses sa mamamayan
Ipagpalagay sa isang bansa, isang batas ang ipinasa upang pahintulutan ang gobyerno na subaybayan ang lahat ng pribadong komunikasyon ng mamamayan. Ano ang pangunahing suliraning demokratiko rito?
pagpapalakas ng oposisyon
pagpapataas ng partisipasyon
pagpapalawak ng representasyon
paglabag sa privacy at civil liberties
Ipagpalagay na inalis ng gobyerno ang karapatan ng mamamayan na magtipon at magsagawa ng mapayapang rally laban sa polisiya nito. Ano ang ipinapakitang banta nito sa demokrasya?
pagpapalakas ng civil society
pagpapalawak ng free speech
paglilimita ng karapatang pantao
pagpapataas ng representasyon
Ipagpalagay sa isang bansa, inalis ng pamahalaan ang karapatan ng media na mag-ulat ng anumang balita na hindi pabor sa gobyerno. Lahat ng impormasyon ay dapat muna nilang isuri at aprubahan bago ilabas sa publiko. Bilang tagasuri, ano ang pinakamainam na konklusyon?
ang hakbang na ito ay isang normal na mekanismo upang mapanatili ang kaayusan at wala itong epekto sa demokratikong proseso
ang hakbang na ito ay nagpapalakas sa papel ng mamamayan sa pagbabantay sa gobyerno
ang hakbang na ito ay isang normal na mekanismo upang mapanatili ang kaayusan at wala itong epekto sa demokratikong proseso
ang hakbang na ito ay malinaw na indikasyon ng totalitaryanismong kontrol dahil nililimitahan nito ang malayang pamamahayag at tanging iisang bersyon ng katotohanan ang pinapayagan
Nagsagawa ang Germany ng agresibong pagpapalawak ng teritoryo sa Europa, kabilang na ang pagsakop sa Poland noong 1939. Sa iyong pananaw, bakit ito itinuturing na pangunahing dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
dahil ipinakita nito na handang umatras ang Germany mula sa kanilang ambisyon
dahil nagpakita ito ng kahandaan ng Germany na makipagkasundo sa karatig-bansa
dahil ito ay malinaw na paglabag sa mga kasunduan sa kapayapaan at nagpaigilit sa pananampalataya sa sistemang internasyonal
dahil nagpakita ito ng kahandaan ng Germany na makipagkasundo sa mga karatig-bansa sa pamamagitan ng mga diplomatikong hakbang at kasunduang pangkapayapaan
Hindi kumilos nang mahigpit ang League of Nations upang pigilan ang agresyon ng Japan sa Manchuria noong 1931. Ano ang pinakamainam na evaluative conclusion tungkol dito?
ipinakita nito ang kahusayan ng League of Nations sa pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan
ipinakita nito ang kahinaan ng League of Nations at ang kawalan nito ng kapangyarihang pigilan ang agresyon, na nag-ambag sa pagsiklab ng WWII
ipinakita nito na epektibo ang League of Nations sa pagdidisiplina ng mga bansang lumalabag sa pamamagitan ng pagpapataw ng kaparusahan at pagbibigay ng matatag na paninindigan
ipinakita nito ang mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng Japan na nagbibigay daan sa pagpapalakas ng kanilang industriyaming militar at impluwensiya sa Asya
Nagpatupad ang Estados Unidos ng Lend-Lease Act upang magpadala ng tulong-militar sa Britain at iba pang kaalyado bago pa ito opisyal na pumasok sa digmaan. Ano ang pinakamainam na pagsusuri sa epekto nito?
nagbigay ito ng kritikal na suporta sa Allies at nakatulong upang mapanatili nilang tumagal laban sa Germany hanggang dumating ang Amerika sa digmaan
nagpahina ito sa kakayahan ng Allies na lumaban sa Axis Powers dahil nabawasan ang kanilang lakas at koordinasyon sa mga unang yugto ng hidwaan ng mga bansa
nagresulta ito sa paglayo ng Estados Unidos sa mga pandaigdigang usapin dahil pinili nitong manatili sa polisiya ng isolationism; bunga nito, nabawasan ang kontribusyon ng U.S. sa pagpapanatili ng pandaigdigang katatagan
wala itong epekto sa takbo ng digmaan sapagkat hindi nito nabago ang balanse ng kapangyarihan o nakapagpahinà sa sinomang panig; dahil dito, nanatiling hindi nagalaw ang mga estratehiya at hakbang ng mga bansang kasangkot sa lumalalang tensiyon
Matapos ang pagbagsak ng France noong 1940, nagpatuloy ang Britain na lumaban mag-isa sa Europe gamit ang estratehiyang “Battle of Britain.” Ano ang ipinahihiwatig nito?
ipinakita nito na hindi mahalaga ang air force sa digmaan
ipinakita nito na madaling sumuko ang Britain sa Germany
ipinakita nito na walang kakayahan ang Germany sa himpapawid
ipinakita nito na mahalaga ang determinasyon at teknolohiyang militar sa pagpigil sa ganap na pananakop ng Axis Powers
Ang Holocaust ay sistematikong pagpatay sa anim na milyong Hudyo at iba pang minoriadad ng Nazi Germany. Bakit ito itinuturing na isa sa pinakamahalagang pangyayaring dapat suriin sa WWII?
dahil ito ay maliit na pangyayaring walang global na epekto
dahil ipinakita nito ang pinakamataas na antas ng paglabag sa karapatang pantao at nagresulta sa pagbuo ng modernong pandaigdigang batas upang protektahan ang mga mamamayan
dahil nagpatibay ito sa ugnayan ng Germany at Allied Forces sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang kahandaang makipag-ugnayan sa diplomatikong paraan, hindi ito nagdulot ng pangmatagalang kapayapaan dahil nanatili ang hidwaan sa ilalim ng mga kasunduang ito
dahil nagsimula ito ng global economic boom na nagdulot ng mabilis na pag-unlad sa kalakalan at produksiyon sa iba’t ibang bansa; bunga nito, nakabuo ng ilusyon ng katatagan sa pandaigdigang ekonomiya kahit patuloy na lumalala ang tensiyon sa mga makapangyarihang bansa
Alin sa mga pangyayari ang pinakamalinaw na nagpapaliwanag kung bakit nagsimula ang Cold War pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
dahil agad na bumuo ang dalawang bansa ng isang nagkakaisang hukbong pangedepensa
dahil parehong nanig ang kagustuhan ng U.S. at USSR na umiwas sa anomang impluwensiya sa ibang bansa
dahil sinuportahan ng U.S. ang demokrasya habang itinulak ng USSR ang komunismo sa Silangang Europa
dahil nagkasundo ang U.S. at USSR sa anomang isyu at nagtulungan upang palakasin ang pandaigdigang kaayusan
Ang Estados Unidos at Union Soviet Socialist Republic (USSR) ang pinakamakapangyarihang bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano ang pangunahing sanhi ng tensiyon sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa na nagbunsod sa Cold War?
ang patas na pamamahagi ng mga kolonya ng bawat panig
ang tunggalian ng dalawang ideolohiya—demokrasya at komunismo
ang sabayang layunin ng dalawang bansa na bawasan ang armas nuklear
ang pagnanais ng dalawang bansa na bumuo ng iisang pandaigdigang pamahalaan
Ang magkakaibang ideolohiya ang pangunahing ugat ng tensiyon sa pagitan ng U.S. at USSR. Batay rito, alin ang pinakamalinaw na nagpapaliwanag kung bakit nagsimula ang Cold War?
dahil bumuo ang U.S. at USSR ng nagkakaisang hukbong military
dahil kapwa nais ng U.S. at USSR na umiwas sa anumang impluwensiyang politikal
dahil nagsundo ang dalawang bansa na maging katuwang sa pamamahala sa Europa
dahil itinulak ng U.S. ang demokrasya habang pinalaganap ng USSR ang komunismo sa Silangang Europa
Matapos ang digmaan, nagpatupad ang USSR ng hakbang upang lumawak ang impluwensiya nito. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng estratehiyang iyon?
pagtatatag ng mga pamahalaang komunist sa Silangang Europa na kabilang sa Warsaw Pact
pagbibigay ng kalayaan sa lahat ng bansang Europeo upang palawakin ang demokrasya at maging mananalo ang mga bansa
ang pagsusulong ng kapitalistang ekonomiya sa Europa ay nagbigay-diin sa pagpapalakas ng pribadong pag-aari, kalayaan sa negosyo
ang pagpapailalim sa Silangang Europa sa pamamahala ng United Nations ay naglalayong magpapatatag ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon matapos ang digmaan
Ang pagbuo ng dalawang magkatunggaling alyansang militar sa pagitan ng NATO at Warsaw Pact ay lalo pang nagpataas ng tensiyon sa pagitan ng mga bansa. Ano ang naging epekto ng pagkakatatag ng dalawang blokeng ito sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad?
nagbunsod ito ng isang pinagsamang hukbo sa buong mundo
naging dahilan ito upang iwasan ng mga bansa ang anumang labanan
nagresulta ito sa pandaigdigang pagdis-arma ng mga armas nukleyar
higit na nahati ang mundo sa dalawang kampong pangmilitar, na nagdulot ng matinding pagdududa at kompetisyon
Noong panahon ng Cold War, malakas ang impluwensya ng Estados Unidos at Soviet Union sa iba’t ibang bansa sa Asya. Kung susuriin ang sitwasyon kung saan umaasa ang ilang bansa sa tulong pinansyal at militar mula sa mga superpower, ano ang ipinakikita nitong epekto ng Cold War?
pag-unlad ng lokal na agrikultura
pagtatag ng mga bagong sistemang pang-edukasyon sa Asya
paglitaw ng neokolonyalismong nagpapanatili ng pagdepende sa makapangyarihang bansa
pagkaroon ng mga bansa ng mas mabilis na modernisasyon upang umunlad ang pamumuhay nang walang kapalit
Sa panahon ng Cold War, halos lahat ng bansa sa Africa ay sumapi sa Non-Aligned Movement (NAM). Batay sa kanilang karanasang historikal, ano ang mas malalim na dahilan kung bakit naging mataas ang bilang ng kasapi ng Africa sa NAM?
nais nilang maging kaalyado ng Estados Unidos
nais nilang tumutok sa pagpapalakas ng turismo at ekonomiya
nais nilang magkaroon ng iisang relihiyon at kultura sa buong kontinente upang maging matatag laban sa muling pananakop ng mga kolonyalista
nais nilang umiwas sa anumang uri ng pananapak, pagbabawas ng armas, paglaban sa racism at diskriminasyon ng malalakas na bansa matapos ang kolonyalismo
Parehong naganap ang Korean War at Vietnam War bilang bahagi ng Cold War conflict sa Asya. Kung ihahambing ang kanilang naging resulta, ano ang pinakamahalagang implikasyon ng pagkakaiba ng kanilang pagtatapos?
mas maikli ang Korean War kaysa sa Vietnam War
parehong naging makapangyarihang industriyal na bansa pagkatapos ng digmaan
mas maraming sundalong sumuko sa Korean War dahil sa mabilis na pag-usbong ng labanan sa unang yugto ng digmaan
nanatiling hati ang Korea habang nagkaisa ang Vietnam na nagpapatunay ng magkaibang epekto ng Cold War intervention
Sa pag-aral ng Russian–Afghan War, makikita na kahit napakalakas ng puwersang militar ng Soviet Union, hindi nila nagawang makamit ang ganap na kontrol sa Afghanistan. Batay sa mas malalim na pagsusuri, alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na nagpapaliwanag kung bakit nabigo ang USSR sa digmaang ito bilang bahagi ng mas malawak na tunggalian ng Cold War?
nagtagumpay ang Mujahideen dahil sa kanilang gerilyang taktika at suporta mula sa mga bansang kontra-Soviet
lumawak ang kalakhang lungsod ng Kabul dahil sa pagdagsa ng mga taong umiwas sa labanan sa mga lalawigan
nagpadala ang USSR ng limitadong bilang ng sundalo na hindi sapat upang kontrolin ang mga kabundukan at kanayunan ng Afghanistan
umatras ang ilang pangkat ng Mujahideen bago magsimula ang malalaking labanan upang pagplanuhan ang mas epektibong kontra-opensiba
Sa panahon ng Cold War, nagkaroon ng mga digmaan sa Korea at Vietnam na sinuportahan ng malalaking kapangyarihan tulad ng USA, Soviet Union, at China. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng Cold War sa Asya?
nanatiling isang bansa ang Korea matapos ang digmaan
naging neutral ang lahat ng bansa sa Asya upang maiwasan ang alitan sa isa’t isa
nahati ang Korea sa Hilaga at Timog, at nagkaroon ng matagalang tensyon sa rehiyon
napasailalim ang lahat ng bansa sa Asya sa isang ideolohiya at nagkaroon ng malawakang problem sa soberanya
Kung pagbabatayan ang pagkawala ng USSR bilang superpower, alin ang pinakamakatuwirang pagtaya sa naging kalagayan ng daigdig pagkatapos ng Cold War?
naging mas agresibo ang USSR sa pagpapalawak ng teritoryo
naging mas malakas ang sentralisadong pamahalaan sa Silangang Europa
naging unipolar ang mundo at nagresulta ito sa dominasyon ng Estados Unidos
mas naging balanse ang kapangyarihan dahil dumiami ang bansang komunista lumakas
Batay sa epekto ng glasnost at perestroika, alin ang pinakamakato-tohanang pagtaya kung bakit lalo pang bumilis ang pagbagsak ng USSR?
dahil nalutas na reforma ang problema sa ekonomiya
dahil tumibay ang kapangyarihan ng Communist Party
dahil napahinaon nito ang tensyon sa pagitan ng Russia at Baltic states
dahil nagdulot ang reforma ng kalituhan at paglakas ng mga kilusang nasyonalista
Marami sa mga bansang lumitaw matapos ang pagbagsak ng USSR ang lumipat mula command economy patungong market economy. Ano ang pinakamahusay na pagtaya sa epekto nito sa kanilang pandaigdigang posisyon?
naging mas isolated ang mga bansang ito sa ekonomiya ng Kanluran at nagdulot ng pagpreserba ng sariling kultura
tumaas ang kakayahan nilang makasabay sa global economy dahil sa pagbukas ng pamilihan
bumilis ang produksyon dahil nanatili ang dating istruktura ng central planning na nakatuon sa kontroladong pamamahala ng ekonomiya
hindi nagkaroon ng makabuluhang pagbabago sa kanilang ekonomiya at nanatiling pareho ang operasyon ng mga sektor kahit matapos ang pagbagsak ng USSR
Pagkatapos ng Cold War, bumaba ang tensyon ng superpowers ngunit tumaas ang mga regional conflicts. Ano ang pinakamahusay na pagtaya sa kalagayan ng pandaigdigang seguridad?
lubos na ligtas ang mundo dahil walang banta ng digmaan
parehong antas lamang ng panganib sa panahon ng Cold War
tanging nuclear threat lamang ang dapat pagtuunan ng pansin
potensyal na mas mapanganib dahil sa paglipat mula superpower conflict tungo sa localized wars
Matapos ang pagbagsak ng USSR, maraming bansa ang nagpatupad ng demokratikong halalan at media openness. Ano ang pinakaangkop na pagtaya sa ideolohikal na kalakaran ng mundo pagkatapos ng Cold War?
lumawak ang impluwensya ng demokrasya sa dating mga estadong-komunista
tumindi ang kampanya para sa global communism, kung saan mas aktibong nagsikap ang ilang kilusan na palawakin ang ideolohiyang ito sa iba’t ibang rehiyon matapos ang pagbagsak ng USSR
nananatiling ganap na sarado ang lahat ng dating Soviet Republics, patuloy na ipinatutupad ang mahigpit na kontrol sa media, politika, at ekonomiya sa halip na magsagawa ng mga reporma
mas lumakas ang authoritarian rule sa buong Europa dahil sa muling pag-usbong ng mga pamahalaang mahigpit na kontrol, limitadong karapatang pantao, at pag-urong ng demokratikong proseso sa rehiyon
Habang ginagampanan mo ang pagiging lider ng Supreme Student Learner Government, napansin mong maraming kaklase ang nagrereklamo dahil hindi sila nabibigyan ng pagkakataong maghayag ng hinaing tungkol sa mga patakaran ng paaralan. Kung iuugnay mo ito sa Solidarity Movement sa Poland, ano ang pinakamainam na paraan upang maipakita ang kahalagahan ng isang demokratikong pag-uusap?
bumuo ng maliit na grupo na lihim na magpapasya para sa lahat ng estudyante
hikayatin ang mga estudyante na manahimik upang maiwasan ang anomalya sa paaralan
ipagpilitan na ang mga desisyon ng administrasyon ay hindi dapat kwestiyunin ng mga estudyante
mag-organisa ng mapayapang konsultasyon at pag-uusap upang sama-samang maiparating ang mga tunay na pangangailangan ng mga estudyante
Sa satellite image ng Beijing, makikita na ang Tiananmen Square ay isa sa pinakamalalaking pampublikong espasyo sa bansa. Bilang isang mamamayan na naniniwala sa kahalagahan ng demokrasya, ano ang pinakamahalagang aral na makukuha mo kung bakit dito naganap ang malakihang protesta?
ang kawalan ng media access ang nagpapakita na hindi kailangang ang saksi ng mundo sa ganitong mga pangyayari
ang mga rutan pangkalakalan ang higit na nakaaapekto sa tagumpay ng anumang kilusang panlipunan ng mga Tsino
ang malawak na espasyo ay nagbibigay sa mga mamamayan ng sama-samang pagpapahayag ng kanilang paninindigan
mahalaga ang pagtatayo ng mga gusaling pang-industriya sa paligid ng Tiananmen Square upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa
Mahigit 80% ng populasyon sa Timog Aprika ay Black Africans. Bilang isang mag-aaral na nagpapahalaga sa karapatang pantao, ano ang pinakamahalagang aral na maipapakita ng datos na ito sa pag-unawa kung bakit naging napakalakas ang Anti-Apartheid Movement?
dahil ang pinakamalalaking lungsod ay pinamumunuan ng mga minorya, kaya hindi napakinggan ang mga pangunahing grupo
dahil mas mababa ang bilang ng mga puting mamamayan kumpara sa mga imigrante, kaya hindi naging balanse ang populasyon
dahil karamihan sa kanila ay direktang nakaranas ng diskriminasyon, kaya nagkaisa sila upang ipaglaban ang katarungan at pagkakapantay-pantay
dahil mas maraming dayuhang mamamahayag ang nakapwesto sa kanluran, kaya mabilis na kumalat ang balita tungkol sa mga diskriminasyon sa Black Africans
Kung ikaw ay isang policy analyst na nagsusuri sa Civil Rights Movement sa Amerika at naniniwalang mahalaga ang mapayapang pagtatanggol sa karapatan, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na aplikasyon ng aral mula sa mga ito?
pagtutulak ng bukas na diyalogo upang maitaguyod ang karapatan at reporma
paglikha ng mga pangkat na nagtataguyod ng pagkakahiwa-hiwalay bilang paraan ng pagprotesta
paghikayat sa mga mamamayan na gumamit ng puwersa upang mabilis na makamit ang pagbabago
pagpili ng mga kilos-protestang maaaring mauwi sa panganib upang ipakita ang tapang ng mamamayan
Sa pag-aaral mo ng Tiananmen Protest, napagtanto mong mahalaga ang pagkakaisa at mapayapang pakikibaka para sa karapatan. Kung sa inyong paaralan ay may patakarang hindi patas sa ilang mag-aaral, alin ang pinakamainam na hakbang upang maipakita ang pagpapahalaga sa aral ng mga kilusang ito?
maglunsad ng marahas na pagtutol upang mapilitang baguhin ng pamunuan ang patakaran
hayaang ang mga apektadong mag-aaral lang ang magreklamo upang hindi madamay ang iba at malayo sa isyu ang buong paaralan
gumawa ng lihim na grupo na tutol sa pamunuan at magpakalat ng paninira upang mapansin ang problema
anyayahan ang mga kaklase na makipag-usap sa administrasyon sa mahinahon at sama-samang paraan upang mailahad ang kanilang hinaing
