wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 7-3RD REVIEW

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Aling uri ng talino ang may kaugnayan sa lohika at numero?

a)

Bodily/Kinesthetic

b)

Mathematical/Logical

c)

Musical/Rhythmic

d)

Linguistic

2.

Piliin ang tamang sagot. Aling kakayahan ang madalas na ginagamit ng taong may Bodily/Kinesthetic intelligence?

a)

Pag-aayos ng numero at lohikal na pangangatwiran

b)

Pagkilala sa ritmo at pag-uulit ng tunog

c)

Paggamit ng katawan sa pagsayaw at paglaro

d)

Paglikha ng tula at kwento

3.

Piliin ang tamang sagot. Bakit madalas na nagiging mahusay na lider o tagasunod ang mga taong may mataas na Interpersonal Intelligence?

a)

Dahil mas gusto nilang magtrabaho nang mag-isa at pag-aralan ang sarili nilang damdamin.

b)

Dahil madali silang makisalamuha sa iba, nauunawaan ang damdamin ng kanilang kapwa, at mahusay sa pakikipag-ugnayan.

c)

Dahil gusto nilang palaging may sinusunod na utos mula sa iba.

d)

Dahil mas interesado sila sa pag-aaral ng kalikasan kaysa sa pakikisalamuha.

4.

Piliin ang tamang sagot. Si Alex ay nawalan ng trabaho dahil sa biglaang pagsasara ng kompanya. Upang harapin ang sitwasyon, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mataas na Adversity Quotient (AQ)?

a)

Mananatili siyang walang ginagawa at aasa sa iba para sa suporta.

b)

Magpapadala siya ng aplikasyon sa iba’t ibang kompanya at maghahanap ng alternatibong paraan upang kumita.

c)

Magagalit siya sa kanyang dating employer at patuloy na sisisihin ito.

d)

Iiwasan niyang pag-usapan ang kanyang sitwasyon at hihintayin na lamang ang susunod na oportunidad.

5.

Piliin ang tamang sagot. Paano makatutulong ang Existential Intelligence sa isang taong may ganitong uri ng talino?

a)

Matutulungan siyang maunawaan ang mas malalalim na kahulugan ng buhay at ang kanyang papel sa mundo.

b)

Magiging mas madali para sa kanya ang pag-uuri at paghahambing ng mga halaman at hayop.

c)

Magkakaroon siya ng mahusay na kakayahang makitungo sa ibang tao at bumuo ng samahan.

d)

Matututo siyang gamitin ang kanyang katawan upang mapaunlad ang kanyang motor skills.

6.

Piliin ang tamang sagot. Si Mara ay isang estudyante na bumagsak sa kanyang unang pagsusulit sa isang mahirap na asignatura. Ano ang pinakamahusay na paraan upang ipakita ang mataas na AQ sa ganitong sitwasyon?

a)

Ititigil niya ang pag-aaral sa asignatura dahil iniisip niyang hindi niya ito kaya.

b)

Hahayaan niyang maapektuhan ang ibang asignatura at panghinaan ng loob sa lahat ng kanyang gawain.

c)

Sisiin niya ang guro dahil sa mahirap na pagsusulit at hindi na siya magsisikap pang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.

d)

Tatanggapin niya ang pagkabigo, aalamin ang kanyang mga pagkakamali, at magpapraktis nang mas mabuti para sa susunod na pagsusulit.

7.

Si Daniel ay isang estudyanteng may mataas na Intelligence Quotient (IQ) at madaling nakakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit. Gayunpaman, nahihirapan siyang makipagtulungan sa kanyang mga kaklase sa group projects. Ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapanulad ang iba pang kakayahang kailangan upang magtagumpay sa buhay?

a)

Magpatuloy lamang sa pag-aaral nang mag-isa dahil mas mabilis siyang natututo nang hindi umaasa sa iba.

b)

Iwasan ang group projects at pumili ng mga indibidwal na gawain upang mapanatili ang kanyang mataas na marka.

c)

Sanayin ang kanyang kakayahang makipag-ugnayan sa iba sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pag-unawa sa kanilang mga pananaw.

d)

Mag-focus lamang sa kanyang talino at hayaan ang ibang grupo na gawin ang karamihan sa gawain.

8.

Napanasin ng isang guro na hirap si Miguel sa tradisyonal na paraan ng pag-aaral gaya ng pagbabasa at pakikinig sa lektura, ngunit mabilis niyang natutunan ang isang konsepto kapag ito ay isinasagawa niya mismo. Batay dito, ano ang pinakamainam na estratehiyang maaaring gamitin ng guro upang matulungan siya?

a)

Pahintulutan siyang gumamit ng hands-on activities, role-playing, at interactive experiments upang mas madaling matutunan ang mga aralin.

b)

Ipilit na magbasa siya ng mas maraming libro upang mapanulad ang kanyang kakayahan sa tradisyonal na pag-aaral.

c)

Pabayaang siyang matuto nang mag-isa at hayaang humanap ng sariling paraan upang makasabay sa klase.

d)

Iwasan ang paggamit ng anumang aktibidad at manatili lamang sa lecture-based learning upang hindi siya mahirapan.

9.

Sa isang group project, napansin ni Andrea na may kasamahan siyang tahimik at hindi gaanong nakikilahok sa talakayan. Bilang isang taong may mataas na interpersonal intelligence, ano ang pinakamahusay niyang gawin upang matiyak na ang lahat ng miyembro ng grupo ay aktibong makikibahagi?

a)

Hayaan na lamang ang tahimik na miyembro at ipagpatuloy ang proyekto nang hindi siya isinasali.

b)

Kausapin siya nang pribado upang alamin kung may nais siyang maibahagi at himukin siyang makilahok sa paraan na komportable siya.

c)

Pilitin siyang magsalita sa harap ng grupo upang matuto siyang makipag-ugnayan nang mas maayos.

d)

Gawing lider ang tahimik na miyembro upang mapilitang siyang makipag-usap at magpahayag ng kanyang opinyon.

10.

Sa isang pagpupulong, napuna ng manager si Carla dahil sa isang pagkakamali sa kanyang ulat. Sa halip na magalit o magdepensa, tinanggap niya ang puna at ginamit ito upang mapabuti ang kanyang trabaho. Ano ang ipinapakita ni Carla?

a)

Mababa ang kanyang kumpiyansa sa sarili kaya hindi siya lumaban sa puna.

b)

Wala siyang pakialam sa puna ng iba kaya hindi siya nag-react.

c)

May mataas siyang Emotional Quotient (EQ) dahil kaya niyang tanggapin ang feedback at gamitin ito para sa kanyang pag-unlad.

d)

Dapat siyang maghanap ng paraan upang mailalik ang kritisismo sa kanyang manager.

11.

Napanasin ni Carlo na mahilig siyang mag-eksperimento sa iba’t ibang kemikal at laging nasisiyahan sa pagsasagawa ng siyentipikong pananaliksik. Gamit ang teorya ni John Holland, alin kategoriya ng hilig ang pinakaangkop sa kanya?

a)

Investigative – Dahil nasisiyahan siya sa pagsusuri, eksperimento, at pagtuklas ng bagong impormasyon.

b)

Realistic – Dahil gusto niyang gumamit ng kanyang katawan at kasanayan sa pisikal na gawain.

c)

Artistic – Dahil mahilig siyang gumamit ng malikhaing paraan upang ipahayag ang kanyang ideya.

d)

Social – Dahil interesado siyang makipag-ugnayan at tumulong sa ibang tao.

12.

Sa isang grupo ng magkakaibigan, madalas magtalo si James at si Rico dahil sa magkaibang pananaw sa politika. Gayunpaman, kahit may hindi sila pagkakasunduan, patuloy pa rin silang magalang na nag-uusap at nirerespeto ang opinyon ng isa’t isa. Ano ang ipinapakita ng kanilang relasyon?

a)

Wala silang pakialam sa isa’t isa kaya hindi nila pinapansin ang kanilang mga hindi pagkakasunduan.

b)

May mataas silang EQ dahil kaya nilang makipagkapwa-tao kahit may magkaibang paniniwala.

c)

Mas mababa ang EQ ni James kaysa kay Rico dahil hindi siya sumasang-ayon.

d)

Dapat silang umiwas na lang sa usapang may kinalaman sa politika upang maiwasan ang pagtatalo.

13.

Ang mga sumusunod ay tungkol sa talento at kakayahan, alin dito ang hindi makatotohanan?

a)

Ang talento ay pambihira at likas na kakayahan.

b)

Ang bawat tao ay may likas na talino at kakayahan.

c)

Ang talento ay madaling sukatin kaysa kakayahan.

d)

Ang kakayahan ay nagpapahusay sa taglay na talento.

14.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagkakaroon ng di-angkop na hilig sa isang trabaho o gawain, maliban sa alin?

a)

Ikaw ay nababagot.

b)

Ipinagpapaliban mo ang mga gawaing ito.

c)

Iwasan mo ang gawaing di mo gustong gawin.

d)

Nagsisikap kang matapos ang iyong gawain.

15.

Ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay. Anong hilig ang tinutukoy ng pangungusap?

a)

Investigative

b)

Conventional

c)

Artistic

d)

Realistic

16.

Nasaalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo. Ano ito?

a)

Hilig

b)

Talento

c)

Kakayahan

d)

Libangan

17.

Si Mean ay bata pa lamang hilig na ang pagtitinda ng iba’t ibang pagkain sa kanilang paaralan. Hanggang sa siya ay magdalaga na madami siyang kinikita sa pagtitinda kaya naman naisip niyang magtayo ng sarili niyang negosyo. Anong hilig ang mayroon si Mean na pinagsimulan ng ideya niya sa negosyo?

a)

Realistic

b)

Social

c)

Enterprising

d)

Conventional

18.

Ano ang hilig na tinutukoy kapag likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat at mahusay mangumbinsi?

a)

Enterprising

b)

Social

c)

Conventional

d)

Investigative

19.

Ang mga tao na nagtatrabaho sa kanilang mga hilig ay madalas na mas produktibo. Bakit kaya sila mas produktibo kumpara sa mga taong hindi nagtatrabaho sa kanilang hilig?

a)

Mas mataas ang kanilang enerhiya at nagiging mas masaya sa kanilang trabaho, kaya’t mas malamang na magtagumpay at magtagal sa kanilang mga gawain.

b)

Sila ay palaging naghahanap ng bagong hamon at hindi natututo mula sa kanilang mga pagkakamali.

c)

Sila ay hindi nauubos ang kanilang oras sa paggawa ng iba pang mga gawain.

d)

Sila ay mas mabilis na nakakakuha ng mataas na posisyon sa kumpanya.

20.

Anong hilig ang tinutukoy kapag ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon?

a)

Artistic

b)

Social

c)

Conventional

d)

Investigative

21.

Ano ang ibig sabihin ng Desisyonal na Pagpapatawad?

a)

Pagpapatawad na nangangailangan ng pagbabago ng mga iniisip at nararamdaman sa isang tao.

b)

Pagpapatawad na ginagawang upang ibalik ang relasyon bago pa naganap ang pagkakasala.

c)

Pagpapatawad na nagtataglay ng paglilimos sa mga maling gawa ng ibang tao.

d)

Pagpapatawad na nakatuon lamang sa paglimos at hindi sa relasyon.

22.

Alin uri ng pagpapatawad ang mas mahirap at mas malalim, at nangangailangan ng pagbabago ng iniisip at nararamdaman sa isang taong nakasakit?

a)

Desisyonal na Pagpapatawad

b)

Emosyonal na Pagpapatawad

c)

Pagpapatawad sa sarili

d)

Pagpapatawad ng hindi totoo

23.

Base sa pagkaka-ayos ng REACH model ng pagpapatawad, alin ang pinakaunang hakbang na gagawin?

a)

Empathize

b)

Hold on to Forgiveness

c)

Recall the Hurt

d)

Altruistic Gift of Forgiveness

24.

Ano ang kasama ng pagpapatawad?

a)

Kabutihang-loob

b)

Kababaang-loob

c)

Pampalubag-loob

d)

Kasiyahang-loob

25.

Aling hakbang sa REACH model ng pagpapatawad ang tumutukoy sa paglalagay ng ating sarili sa posisyon ng nagkasala?

a)

Altruistic Gift of Forgiveness

b)

Commit Publicly to Forgive

c)

Empathize

d)

Recall the Hurt

26.

Bakit mahirap gawin ang «Recall the Hurt» bilang proseso ng pagpapatawad?

a)

Mahirap paulit-ulit alalahanin ang masasakit na ginawa sa atin.

b)

Mahirap makipag-ayos sa taong nagkasala.

c)

Mahirap simulan ang pagpapatawad.

d)

Mahirap tandaan ang isang pangyayari.

27.

Ano ang ibig sabihing "Pagpapakumbaba"?

a)

Kalayaan mula sa pagpamataas at kayabangan; pagkilala sa sariling limitasyon.

b)

Pagpapatawad sa iba upang mapawi ang galit.

c)

Pagkakaroon ng lakas ng loob na magtanggol sa sarili.

d)

Pagtanggap ng kasalanan at pagpapahayag ng pagsisisi.

28.

Bakit mahalaga ang pagpapatawad sa pagpapabuti ng relasyon?

a)

Ang pagpapatawad ay nagpapalakas ng damdamin ng galit at pagpaparusa sa iba.

b)

Ang pagpapatawad ay tumutulong upang mawala ang sama ng loob at galit, na nagpapabuti sa relasyon.

c)

Ang pagpapatawad ay nagpapababa ng antas ng kasiyahan at kagalakan sa buhay.

d)

Ang pagpapatawad ay nagiging dahilan ng pagkawala ng tiwala sa ibang tao.

29.

Paano nakakatulong ang kalusugang pangkaisipan sa buhay ng isang tao?

a)

Nagbibigay ito ng kakayahan sa tao na makayanan ang mga stress sa buhay at magtrabaho nang maayos.

b)

Nagbibigay ito ng pagkakataon sa tao na maging mas mayaman at tagumpay.

c)

Tinutulungan nitong magkaroon ng magandang relasyon sa pamilya at kaibigan.

d)

Tinutulungan nito ang tao na maging maligaya at hindi na kailangang magtrabaho.

30.

Paano mo maisasabuhay ang kasabihang "Ang pagsasabi nang totoo ay maaaring hindi makakakuha ng maraming kaibigan, ngunit ito ay laging magdudulot sa iyo ng tamang mga kaibigan" sa iyong sariling buhay?

a)

Iiwasan mong magsabi ng totoo upang hindi mawala ang iyong mga kaibigan.

b)

Pagsasabihan mo ang mga kaibigan mo ng mga kasinungalingan upang hindi sila masaktan at mapanatili ang pagkakaibigan.

c)

Magiging tapat ka sa iyong mga kaibigan kahit na ito ay maaaring makasakit sa kanila, dahil nais mong magkaroon ng mga tunay na kaibigan na tatanggap sa iyo.

d)

Hindi mo na kailangang magsabi ng totoo basta’t nasisiyahan ka sa iyong mga kaibigan.

31.

Kung ikaw ay nasa isang sitwasyon kung saan ang isang tapat na kaibigan ay nagbibigay ng payo na maaaring makasakit, paano mo ito dapat tanggapin?

a)

Magalit sa kaibigan dahil nasaktan ka ng kaniyang sinabi at lumayo mula sa kanya.

b)

Pagtiyagin ang iyong relasyon sa kaibigan at tanggapin ang payo bilang isang pagkakataon para magbago at maging mas mabuting tao.

c)

I-ignore ang kanyang payo at gawin ang iyong gusto, kahit na ito ay maaaring magdulot ng problema.

d)

Makipag-away sa kaibigan at ipaliwanag na hindi mo na kailangan ang kanilang opinyon.

32.

Anong uri ng pakikipagkaibigan ang inilalarawan kapag itinuturing kang kaibigan dahil sa kapakinabangan na nakukuha mula sa iyo?

a)

Friendship of the Good

b)

Friendship of Utility

c)

Friendhip of pleasure

d)

Best Friendship

33.

Ano ang isang halimbawa ng dahilan kung bakit may mga tao na may partikular na paniniwala?

a)

Ang mga paniniwala ng tao ay hindi nakabase sa anumang karanasan.

b)

Ang iba ay naniniwala dahil sa kinalakihan pamilya o isang trahedya sa kanilang buhay.

c)

Ang mga tao ay may parehong dahilan para maniwala sa relihiyon.

d)

Ang mga tao ay naniniwala lamang dahil sa mga paborito nilang kasanayan.

34.

Ayon kay Nelson Mandela, ano ang hindi ipinanganak ng isang tao?

a)

Ipinanganak upang magpatawad sa mga kaaway.

b)

Ipinanganak upang maunawaan ang relihiyon ng iba.

c)

Ipinanganak na napoot sa ibang tao dahil sa kanilang kulay, background, o relihiyon.

d)

Ipinanganak upang makipaglaban para sa karapatang pantao.

35.

Ano ang maaaring epekto ng hindi paggalang sa mga kaugalian at tradisyon ng relihiyon ng ibang tao?

a)

Magdudulot ito ng mas malalim na koneksyon sa pagitan ng mga tao ng magkaibang relihiyon.

b)

Magiging sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan at maaaring magdulot ng hindi pagkakasundo o tensyon.

c)

Ang mga tao ay magiging mas bukas sa pagtanggap ng iba’t ibang pananampalataya.

d)

Magpapalakas ito ng relasyon at pagpapalaganap ng pananampalataya ng ibang tao.

36.

Ano ang isang mahalagang bahagi ng pakikinig sa pananampalataya ng iba?

a)

Ang hindi pagpapaya na makinig at magtanong.

b)

Ang pagpapahayag ng sariling opinion habang nagsasalita ang iba.

c)

Ang pakikinig nang walang paghuhusga at pagbibigay-pansin sa kanilang mga salita, tono, at damdamin.

d)

Ang pagtigil ng pakikinig kapag hindi sang-ayon sa sinabi ng iba.

37.

Bakit mahalaga na maunawaan at igalang ang mga kaugalian at tradisyon ng ibang relihiyon, tulad ng Ramadan, Paskuwa, at Kuwaresma?

a)

Upang matutunan ang mga kasaysayan ng bawat relihiyon at magkaroon ng sariling relihiyon.

b)

Upang makilahok sa lahat ng relihiyosong aktibidad at tradisyon ng iba.

c)

Upang magpakita ng paggalang at pagiging sensitibo sa pananampalataya ng iba at magtaguyod ng inclusivity.

d)

Upang magpatibay ang sariling pananampalataya at maging superior sa iba.

38.

Sa anong paraan maaaring itaguyod ang pagkakaisa sa kabila ng iba’t iba’ng kaugalian dahil sa pananampalataya?

a)

Ihiwalay ang sarili sa mga taong may iba’t ibang pananampalataya.

b)

Pagtibayin ang iisang pananampalataya.

c)

Pagharap at paghamon sa ibang mga pananampalataya.

d)

Nakikibahagi sa bukas at magalang na pakikipag-usap sa mga taong may iba’t ibang relihiyon.

39.

Anong epekto ang maaaring idulot ng pagpapalit ng showerhead sa mas matipid gamit ng tubig?

a)

Magdudulot ito ng mas mataas na gastos sa tubig.

b)

Magpapabuti ng daloy ng tubig at magbubunga ng mas mabilis na shower.

c)

Makakatulong ito sa pagtitipid ng tubig at magpapababa ng konsumpsiyon nito.

d)

Magiging sanhi ito ng sobrang pag-aaksaya ng enerhiya.

40.

Ano ang ibig sabihin ng enerhiya?

a)

Ang kakayahan ng tao na magtrabaho.

b)

Ang kakayahan ng katawan na magpahinga.

c)

Ang kakayahang gumawa ng trabaho at umiral sa iba’t ibang anyo.

d)

Ang kakayahang magtakda ng mga alituntunin.

41.

Ano ang tubig sa konteksto ng likas na yaman?

a)

Isang materyal na ginagamit lamang sa industriya.

b)

Isang likas na yaman na may koneksyon sa kalikasan at buhay ng tao.

c)

Isang bagay na ginagamit lamang sa mga tahanan.

d)

Isang uri ng enerhiya na ginagamit sa teknolohiya.

42.

Ano ang layunin ng pagtitipid ng enerhiya?

a)

Ang paggamit ng enerhiya para sa mga hindi kinakailangang bagay.

b)

Ang wastong paggamit ng enerhiya at tubig upang mabawasan ang pag-aksaya.

c)

Ang paggamit ng enerhiya sa mataas na halaga.

d)

Ang pagpapabuti ng kalidad ng tubig.

43.

Ano ang ibig sabihing maingat na paghuhusga?

a)

Pagpapasya nang walang pag-iisip o pag-aalala sa mga resulta.

b)

Kakayahang magdesisyon at kumilos nang maingat at may kabatiran o malawak na pag-unawa sa isang sitwasyon o isyu.

c)

Pagpapasya nang mabilis at walang pagka-antala.

d)

Pagdedesisyon sa pamamagitan ng pakiramdam lamang.

44.

Ano ang naitutulong ng pagkakaroon ng kahirapan o krisis sa bansa sa pakikipagkapwa?

a)

Naipapakita na kailangang magsaya lamang.

b)

Naipapakita ang kahalagahan ng pakikipagkapuwa sa pagtulong at pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan.

c)

Nakapagsisimula ng mga bagong kaugalian.

d)

Napag-uusapan ang mga problema sa komunidad.

45.

Paano makakatulong ang paggamit ng mga kasangkapan na may mataas na Energy Rating Label sa pagtitipid ng enerhiya?

a)

Magiging sanhi ito ng mas mataas na bayarin sa kuryente.

b)

Magiging dahilan ito ng mas maraming pagkasira ng mga kasangkapan.

46.

Pumili ng isang pangalan at ideya para sa isang bagong taunang pagdiriwang na magsasanib ng tradisyon ng pagtutulungan at modernisasyon. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit sa ideya ng isang bagong pagdiriwang?

a)

Bayanihan sa Teknolohiya - Isang pagdiriwang kung saan ang mga komunidad ay magsasama-sama upang magtulungan gamit ang teknolohiya para matulungan ang mga mahihirap na sektor ng lipunan.

b)

Pista ng Pagkakaisa - Isang pagdiriwang na tanging layunin ay magsaya sa buong taon.

c)

Pagsulong ng Tradisyon - Isang pagdiriwang na nakatuon lamang sa mga lumang kaugalian at hindi na tumatalakay sa modernong pagbabago.

d)

Kultura at Kalikasan - Isang taunang kaganapan para sa mga konserbasyon ng kalikasan.

47.

Paano makakatulong ang tamang paggamit ng tubig at enerhiya sa kabuuang kaayusan ng lipunan at kalikasan?

a)

Nagdudulot ito ng pansamantalang solusyon sa mga problemang pangkapaligiran.

b)

Nagpapalakas ito ng mga indibidwal na hindi nauunawaan ang kahalagahan ng kalikasan.

c)

Nagsusustento ito sa pangangailangan ng enerhiya at tubig para sa mga susunod na henerasyon at nag-aambag sa kabutihang panlahat.

d)

Hindi ito nakakaapekto sa pangangalaga ng kalikasan.

48.

Ano ang kahulugan ng kasaysayan?

a)

Pag-aaral ng mga kontemporaryong kaganapan sa isang bansa.

b)

Pag-aaral at pagsusuri sa mga pangyayari, mga taong namuhay, at mga kaganapan na nagdaan sa nakaraan.

c)

Pag-aaral ng mga masusugatang aspeto ng lipunan.

d)

Pagkilala sa mga makabagong teknolohiya sa kasalukuyan.

49.

Ano ang layunin ng mga taunang pagdiriwang tulad ng Pista ng Bayan at Flores de Mayo?

a)

Para magsaya at magsaya lamang.

b)

Para magtulungan at magtagumpay bilang isang komunidad.

c)

Para magsimula ng mga bagong kaugalian.

d)

Para pag-usapan ang mga problema sa komunidad.

50.

Ano ang pangunahing epekto ng kolonisasyon sa kultura at pananaw ng mga Pilipino?

a)

Pagpapalaganap ng mga bagong relihiyon.

b)

Pagkakaroon ng mga sistema ng pamahalaan at edukasyon na nag-ambag sa pagpapahalaga sa pakikipagkapuwa.

c)

Pagbabago ng mga tradisyunal na pagdiriwang.

d)

Pagtanggap ng mga banyagang pagkain at kasuotan.