NEW
Font size
WorksheetsAP 3rd Quarter Test Reviewer
Total questions: 64
Worksheet time: 32mins
Anong suliranin at hamon ang magkatulad na hinarap ng bansa sa panahon ng administrasyong Roxas at Quirino?
Pagbabalik ng tiwala ng taong bayan sa kakayahan at katapatan ng pamahalaan
Suliranin sa HukBaLaHap
Kawalan ng tiwala ng taong bayan sa pamahalaan
Pagpapanatili ng pambansang seguridad
Kung ipinatupad nang tama ang Bell Trade Act, alin sa sumusunod ang magiging epekto nito?
pantay na karapatan ang Pilipinas at Estados Unidos sa usaping kalakalan
hindi pantay na paggamit o pagkuha sa mga likas na yaman ng Pilipinas
pagtaas ng taripa sa mga inaangkat na produkto ng Pilipinas
ang dalawang piso ay katumbas ng isang dolyar
Kung malayang nakakapasok ang produkto mula sa United States at mahigpit naman ang pagluluwas ng produkto mula rito sa Pilipinas, anong suliranin ang maaaring maging dulot nito?
mas lalago ang ating ekonomiya
mas tatangkilikin natin ang kanilang produkto
mas malaki ang kita ng US kaysa sa Pilipinas
mas mapapagtibay ang pagnenegosyo ng Pilipinas at United States
Anong programa ni Pangulong Quirino ang lubos na ikakatua ng bawat kawani ng gobyerno kung ipapatupad sa kasalukuyan?
pagtatakda ng minimum wage
pagpapautang sa mga manggagawa
pagtaas ng sahod ng mga empleyado
pagpapaunlad sa sistema ng patubig o irigasyon
Ang pag-angat ng kabuhayan ng bansa ang isa sa pangunahing suliraning kinaharap ni Pangulong Quirino. Ang mga sumusunod na programa ang kanyang sagot sa suliranin MALIBAN sa ____________.
Pagtaas ng pasahod
Pagtatag ng mga bangko
Pagpapagawa ng mga lansangan
Pakikipag-kaibigan sa ibang bansa
Aling suliranin ang hindi napagtagumpayang lutasin ni Pangulong Quirino na naging daan upang maipakita ni Magsaysay ang kanyang galing sa negosasyon?
Problema ng mga magsasaka
Kaguluhan sa mga lungsod
Panggugulo ng mga Huk
Bako-bakong mga lansangan
Kung ang Commission on National Integration ay patuloy hanggang sa kasalukuyan, sino ang mga higit na makikinabang?
Mayayaman
Katutubo
Matatanda
Mahihirap
Alin ang pangunahing layunin ng pamahalaan sa pagtatag ng pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat ng Tirahan at Pagsasaayos (National Resettlement and Rehabilitation Administration o NARRA)?
Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga Pilipino
Masolusynan ang problema sa laganap na issue sa squatting
Masolusynan ang problema ng kahirapan
Upang magkaroon ng maayos na tirahan ang mga Pilipino
Alin ang pinakamakasaysayang epekto ng pagpapatupad ng Economic Development Corporation (EDCOR) ni Pangulong Magsaysay?
Nabigyan ng kabuhayan ang bawat mamamayan upang masolusynan ang kahirapan
Nawaksan ang korupsyon sa pamahalaan
Nagkaroon ng pagbabago sa ating ekonomiya
Nahikayat na magbalik-loob sa pamahalaan ang mga komunista o rebelde
Anong pamagat ng aralin ang kinapapalooban ng Austerity Program ni Pangulong Garcia?
Pangangalaga sa kapaligiran
Pagmamahal sa pamilya
Matalinong paggastos sa pera
Tamang pakikipagkaibigan
Kung sa kasalukuyan ipinapatupad ang Filipino First Policy ni Pangulong Garcia, alin ang HINDI papayagan ng gobyerno?
Dayuhan na magtatayo ng malalaking gusali sa sariling bansa
Pilipinong magtatayo ng malalaking gusali sa lungsod
Dayuhan na magmamay-ari ng mga sikat na kainan sa ating bansa
Pilipinong magtatayo ng Negosyo sa ibang bansa
Bilang tinaguriang “Poor Boy from Lubao”, ano ang pinatunayan ni Pangulong Macapagal?
Mahirap man, maaaring maging presidente
Mga nakapag-aral lamang ang maaaring maging presidente
Mga taga baryo ang maaaring maging president
Mayayaman lamang ang maaaring maging presidente
Anong suliranin ang pinakatinutukang lutasin ni Pangulong Macapagal na may kinalaman sa kabuhayan ng kanyang mga magulang?
Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
Reporma sa lupa
Pagpapahalaga sa kasaysayan
Paggamit ng Wikang Pambansa
Sa panahon ni Pangulong Marcos, inilunsad ang mga programang pangkaunlaran. Ang mga sumusunod ay sumusuporta sa pahayag MALIBAN sa isa.
Pagagawa ng mga tulay
Pagpapatayo ng mga paaralan
Pagdeklara ng Martial Law
Pagkakaroon ng Miracle Rice
Sa panahon ni Pangulong Marcos, kabilang ang Pilipinas sa pagtatag ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya. Ano ang tamang hinuha sa pahayag na ito?
Ang Pilipinas ay nakikipagtulungan
Ang Pilipinas ay nagsasariling bansa
Ang Pilipinas ay isang maunlad na bansa
Ang Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa karatig-bansa
Ano ang ipinatuapd ni Pangulong Magsaysay noong 1954 na nagbigay ng kalayaan sa mga magsasaka na piliin ang sistemang pansakahan?
Agriculture Device
Agricultural Tenancy Act
Agricultural Product
Agricultural Act
Anong programa ang inilunsad ni Pangulong Carlos P. Garcia upang magkaroon ng matipid at maayos na pamumuhay o nangangahulugan ng tamang paggasta?
pang-edukasyon
pangdayuhan
Pangmilitar
Austerity
Hindi nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa dahil sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
Dahil mas malaki ang dolyar na lumalabas sa Pilipinas kaysa sa kinita
Dahil sa dami ng mga kalakal na mula sa United States
Dahil walang naitanim ng mga mamamayan ng ating bansa
Dahil mahina ang ekonomiya
Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagapapatag ng Pangulong Roxas sa Rehabilitation Finance Corporation (RFC) maliban sa isa.
pagpapautang ng puhunan sa maliliit na mangangalakal
pagpapautang para makabili ng lupa ang mga magsasaka
pagtulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga taong nais magpagawa ng sariling bahay
pagtulong sa mga tao at sa mga pribadong korporasyon na magbagong buhay
Ang HUK ay tawag sa mga gerilyang sakapi sa HukBaLaHap. Sila ay beterano sa digmaan at hindi nakikiisa sa pamahalaan. Paano napasuko ang mga Huk noong administrasyong Magsaysay?
pag-alok ng malawakang amnestiya sa mga kasapi ng Huk
pagbibigay ng mga pagkain, gamot at damit sa mga Huk
pagpapalawak ng operasyong militar ng pamahalaan laban sa mga Huk
mabuting pakikitungo at pagbibigay ng mapayapang pamumuhay sa mga Huk
Paano nakatulong ang programang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC) sa pagpapalapit ng mga mamamayan sa pamahalaan?
biningyan kaluwagan ang mamamayan na punahin ang mga proyekto ng pamahalaan
biningyan kaluwagan ang pagpapahayag ng mga mamamayan sa kanilang pangangailangan
kusang lumapit ang mga mamamayan upang ihayag ang mga pangangailangan
nahikayat ang mamamayan na tumulong sa paggawa ng mga proyekto ng pamahalaan
Bakit ipinatupad ni Pangulong Magsaysay ang programang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Cooperative Marketing Association (FACOMA)?
magsilbing hiraman para sa pagpapatayo ng patubig para sa mga magsasaka
magsilbing hiramam para sa mga maliliit na mangangalakal
magsilbing hiraman ng mga magsasaka para sa pambili ng sariling lupa
magsilbing hiraman para pambili ng mga pangangailangan sa pagsasaka
Ano ang pangunahing layunin ng Austerity Program ni Pangulong Garcia ayon sa mga patakaran sa paggasta?
Pagpapalawak ng importasyon
Paglaki ng utang pampubliko
Pag-alis sa buwis sa kalakal
Pag-iwas sa luho at pagtipid
Ano ang benepisyong nakuha ng mamamayan mula sa PCAC kung nais nilang magparating ng hinaing?
Mas maraming parusa
Mas mabilis na serbisyo
Mas kaunting proyekto
Mas mataas na buwis
Anong pagbabago ang naging dulot sa mga mamamayang malayo sa lungsod ang pagpapatayo ng mga daan, tulay, puso artesyano at patubig noong administrasyong Magsaysay?
napaunlad ang pagsasaka
napabilis ang pag-unlad ng mga baryo
napalapit ang pangulo sa mamamayan
nakapagtatag ng unyon ang mga manggagawa
Paano makatutulong ang programang National Marketing Corporation Act ni Carlos P Garcia sa pangkabuhayan ng mga maliliit na Pilipinong mangangalakal?
nakakatulong sa pagbili ng lupang sakahan
nakakatulong sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan
nakutulong sa pakikipagkumpetensya ng mga Pilipino sa mga dayuhang mangangalakal
nakutulong sa pagpapalago o pagpapalawak ng maliliit na negosyo
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang programang “Filipino First Policy” ay nabigyan pagkakataon ang mga Pilipino sa pangangalakal?
nakilala ang mga kalinangan Pilipino sa telebisyon gaya ng katutubong awitin at sayaw
nakapaglakbay ang ilang Pilipino gaya ng Bayanihan Dancers
nagkaroon ng perang paggastos ang mga Pilipino
nakilala ang ilang Pilipinong matagumpay sa iba’t ibang larangan ng industriya
Bakit ipinatupad ang Austerity Program ng Pamahalaan?
para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas para sa katahimikan
para sa maluwag na pangangalakal at mahigpit na pagbubuwis
para sa matipid na paggasta at maunlad na kalakalan
para sa matipid na paggasta at matapat na paglilingkod
Paano naging matagumpay ang pamahalaan sa panahon ni Pangulong Magsaysay sa pagtatag ng kapayapaan sa bansa?
napasuko ang mga HUK.
nabigyan ng tulong ang mga Huk
nakapagtatag ng makabagong base militiar ang United States sa bansa.
napaalis ang mga dayuhang mangangalakal sa bansa
Ito ang teritoryo ng Pilipinas na ipinaglaban ni Macapagal na kinilalang pag-aari ng bansa.
Sabah
Sumali
Siria
Basilan
Anu-ano ang mga bansang kasapi sa MAPHILINDO na may layuning mapalawak ang pakikipagkaibigan?
Malaysia, Philippines, India
Malaysia, Philippines, Indonesia
Malay, Philippines, Indonesia
Myanmar, Philippines, India
Pinagtibay ng Pangulong Macapagal ang Reporma sa Lupa sa Batas Republika Blg. 3844. Paano ito nakatulong sa mga nangungupahang magsasaka?
nabigyan lupain ang mga nangungupahang magsasaka ng lupaing pag-aari ng pamahalaan
ibinaba ang pursyento ng ani ng ibabayad ng nangungupahan sa may ari ng lupa
magkapantay ang pursyento ng ani ang ibabayad ng nangungupahan sa may ari ng lupa
nabigyan lupain ang mga magsasaka ng lupaing pag-aari ng dating inuupahan
Batay sa mga programang nabanggit, ano ang pinakadiin ng “Filipino First Policy”?
pag-angat ng lokal na negosyante
pagpapalawak ng sakahang lupa
pagpapatupad ng mas mabigat na buwis
pagpapalakas ng dayuhang kalakalan
Ano ang pangunahing layunin ng MAPHILINDO batay sa mga bansang kasapi nito?
pagkakaisa at pakikipagkaibigan
pagbuo ng iisang hukbong sandatahan
pagpapalawak ng teritoryo sa Borneo
pag-alis sa ugnayan sa mga dayuhan
Alin ang parehong natugunan ng programang Land Tenure Reform Law ni Pangulong Magsaysay at Programa ng Reporma sa Lupa ni Pangulong Diosdado Macapagal?
nagkaroon ng mga kagamitan ang mga magsasaka
nagkaroon ng sariling lupain ang mga magsasaka
nagkaroon ng mauupahang lupa ang mga magsasaka
nagkaroon ng pagkakataong piliin ang sistemang pansakahan ang mga magsasaka
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapatupad sa inilunsad na Austerity program?
pagbili ng pamahalaan ng mga mamahaling kagamitan
pagpapautang sa kahit kaninong mamamayan
pag-angkat ng mga produkto sa mga dayuhang mangangalakal
pagpapalaki sa pamumuhunang kapaki-pakinabang
Nakapalooob sa Bell Trade Act ang pagpataw ng buwis at pagtakda ng dami ng produktong mailuluwas ng Pilipinas sa United States. Ano ang tamang idadagdag o babaguhin dito upang maging pantay ang pakikipagkalakalan?
Pagpataw ng buwis sa iluluwas ng Pilipinas at pagtakda ng kota naman sa iluluwas ng United States
Parehong alisin ang pagpataw ng buwis ngunit may kota sa mga produktong iluluwas
Parehong pagpataw ng buwis at alisin ang kota o pagtakda ng mailuluwas na produkto sa pakikipagkalakalan ng dalawang bansa
Ang pagpataw ng buwis at pagtakda ng dami ng produktong iniluluwas ay itatakda sa United States lamang
Aling pasya nagdulot ng pagkabigo sa pagsugpo sa suliranin sa mga Huk noong panahon ni Pangulong Quirino?
pagkakaloob lupang masasaka
pakikipag-dayalogo
paggamit ng dahas
pagbibigay ng amnestiya
Kabilang sa mga nagawa ng mga programa ni Ramon Magsaysay ay ang pagpapasuko sa mga Huk, pagpapalapit ng mamamayan sa pamahalaan at pagpapabayad sa mga Hapones ng mga pinsalang naidulot sa mga Pilipino. Alin ang kanyang daan tungo sa tagumpay ng programa?
pakikipag ugnayan sa mga mamamayan at sa ibang bansa
dahas na pamamaraan
sa pamamaraan ng ibang bansa
paggamit ng mga likas na yaman ng bansa
Dahil sa magaling at mabuting pakikipag-usap ni Ramon Magsaysay na naipatupad niya ang mga programa sa mga mamamayan at sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Ano ang magkapagpapatunay na naging epektibo ang kanyang pamamaraan?
Hindi sumang ayon ang mga Haponese sa pagbibigay bayad sa mga pinsala sa mga Pilipino.
Hindi tumutol ang mga Haponese sa Reparation Agreement na nagtalaga ng pagbabayad nila sa mga pinsalang naidulot sa mga Pilipino.
Nakiusap ang mga Haponese na ibaba ang itinalagang halagang bayad ng mga pinsalang naidulot sa mga Pilipino.
Nakiusap ang mga Haponese na ibaba ang itinalagang halagang bayad at paiikliin ang taon ng pagbabayad.
Ano ang pangunahing layunin ng Land Tenure Reform Law para sa mga magsasaka?
magkaroon ng sariling titulo sa lupa
mamili ng uri ng butil na itatanim
makatanggap ng libreng makinarya
magkaroon ng renta sa taniman
Sa Austerity program, alin ang hakbang na hindi tumutugma sa pagtitipid?
paghikayat sa kapaki-pakinabang na puhunan
pagbubukas ng bagong mamahaling proyekto
pagpigil sa mga luho ng pamahalaan
pagbawas sa di-kailangang gastusin
Kung pantay ang kalakalan ng Pilipinas at United States, ano ang nararapat sa buwis at kota ayon sa prinsipyo ng pagkakapantay?
Magkaparehong walang buwis at walang kota
Magkaparehong may buwis at may kota
Magkaparehong walang buwis at may kota
Magkaparehong may buwis at walang kota
Bakit naging epektibo ang pakikipag-ugnayan ni Magsaysay sa ibang bansa tungkol sa reparation?
gumamit ng puwersang militar
nagpatupad ng mas mataas na buwis
nagpakita ng tapat na pakikipagkasundo
nagsanay ng bagong hukbo
Ipinatupad ni Pangulong Garcia ang Filipino First Policy para mabigyang pagkakataon muna ang mga Pilipinong mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan. Ano ang maaaring nangyari kung hindi ito naipatupad?
Umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino.
Higit na umunlad ang kabuhayan ng mga dayuhan kaysa sa mga Pilipino.
Hindi na umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino kaysa sa mga dayuhan.
Umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino at dayuhan.
Nagpatupad ng programa sa pagpapautang ng mga Pilipino ang iba’t ibang administrasyon. Alin ang wastong pananaw rito kung naipatupad nang tama ang programa?
Makatutulong ito sa pagpapayaman ng mga Pilipino
Magdudulot ito ng pagkakawasak ng mga Pilipino
Makatutulong ito lalo na sa mga hirap na Pilipino
Mas lalong humirap ang bansang Pilipinas
Ang programang Reporma sa Lupa ni Diosdado P. Macapagal ay nakapagbigay lupain sa mga magsasaka. Sa pagpapatibay ng programang tatatak sa mga Pilipino na ang pamahalaan ay may malasakit sa mga ____________.
dayuhan
magsasaka
nagpapaupa ng lupa
maliliit na mangangalakal
Ang wika ay instrumento sa pagbubuklod ng isang bansa. Aling pangyayari noong panahon ni Pangulong Macapagal ang isinulong kaugnay nito?
Pagpapahalaga sa kasaysayan
Pagiging kasapi sa MAPHILINDO
Pagbabago sa araw ng Kalayaan
Paglaganap sa paggamit ng Wikang Pambansa
Kung isa kang magsasaka, ang mga sumusunod na programang ipinapatupad ng mga nagdaang pangulo ng bansa ay makakatulong sa iyo. Alin ang HINDI kabilang?
Green Revolution ni Pangulong Marcos
Bell Trade Act ni Pangulong Roxas
Batas sa Reporma sa Lupang Pansakahan ni Pangulong Macapagal
Land Tenure Reform Law ni Pangulong Magsaysay
Sa administrasyon ni Pangulong Carlos P. Garcia, inilunsad niya ang patakarang “Filipino First Policy o Patakarang Pilipino Muna. Alin sa mga sa mga hakbang o gawain ang binigyang diin upang maisakatuparan ang Patakarang Pilipino Muna?
mas malaki ang benepisyo ng mga negosyanteng dayuhan kaysa ang mga Pilipino
limitahan ang pakikipag ugnayan sa ibang bansa
ang mga Pilipinong negosyante ang hahawak sa ating industriya at hindi dayuhan
tangkilik ang produkto ng ibang bansa
Ipinag-utos ni Marcos ang paggamit ng ________ na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa.
Miracle Rice
Sinandomeng Rice
mais
Diamond Rice
Marami ang mga naging programa ni Pangulong Ferdinand Marcos maliban sa isa. Ano ito?
Proyektong Imprastruktura
National Greening Program
Department of Agrarian Reform
Green Revolution
Ano ang pangunahing layunin ng Filipino First Policy ayon sa nakasaad?
Pagsuporta sa dayuhang pamumuhunan
Pag-alis ng tulong sa magsasaka
Pagpapalakas sa Pilipinong negosyante
Pagbawas sa lokal na industriya
Ano ang ipinahihiwatig ng pagbibigay lupain sa magsasaka sa Reporma sa Lupa?
Pagbawas ng produksyon ng palay
Pag-alis sa wikang pambansa
Pagpapalakas ng sektor ng agrikultura
Pagtuon sa kapakanan ng dayuhan
Bakit mahalaga para sa bansa ang ASEAN?
Itinaguyod nito ang kaligtasan ng mga kasapi
Pinatatag nito ang mga programang kapayapaan
Pinatitibay nito ang pagkakaisa ng mga kasapi
Pinapaunlad nito ang kabuhayan ng mga kasapi
Bakit mahalaga ang pagiging soberanya ng isang bansa?
Upang maipakita na kaya nitong magsarili
Upang masabing ito ay tunay na malaya
Para maipakitang mas maunlad kaysa iba
Sapagkat dito nakasalalay ang kaunlaran
Bilang isang mag-aaral, aling kakayahan ang maaari mong magawa upang mapahalagahan ang teritoryo ng bansa?
Pakikipag-ugnayan sa bansang maunlad
Pagsasabi sa social media na Pilipino
Pagsunod sa batas at pangangalaga sa likas yaman
Pagsunod sa kautusan ng pangulo
Kung ikaw ang presidente at may ilegal na nakapasok sa karagatan ng bansa, aling ahensiya ang nararapat na kasama mong lumutas sa problemang ito?
Philippine Navy
Philippine Airforce
Philippine National Police
Armed Forces of the Philippines
Bilang ordinaryong mamamayan, sa anong paraan natin maipagtatanggol ang pambansang interes?
Pagpapayaman
Pakikipagkaibigan sa mauunlad na bansa
Pulis na nakikipagkaibigan sa sundalong Amerikano
Kusang pakikipagtulungan sa panahon ng kagipitan
Paano matutulungan ng mamamayan ang pamahalaan sa paglutas ng suliraning nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa? MALIBAN sa isa.
Tapat na gampanan ang tungkulin ng mamamayan
Pagpili ng isusupulong sa gumagawa ng iligal
Pagkakaisa ng mamamayan para sa hangarin
Pagsunod sa mga batas ng pamahalaan
Ano ang pinakamainam na dahilan kung bakit mahalaga ang ASEAN sa kapayapaan ng rehiyon?
Nagtatatag ng mga kasunduang pangkapayapaan
Nagpapadala ng sundalo sa bawat bansa
Nagbibigay ng tulong pinansyal sa ilang bansa
Nag-aatas ng iisang lider para sa rehiyon
Kung may balita ng iligal na pangingisda sa karagatan, ano ang naaangkop mong hakbang bilang kabataan?
Mag-post ng galit sa social media
Sumama sa barko para hulihin agad
Iulat sa kinauukulan at mag-ingat
Huwag pansinin dahil maliit na isyu
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na soberanya?
Pagpapadala ng yaman sa kapit-bansa
Pagdedesisyon nang malaya sa sariling usapin
Pagtanggap ng utos mula sa dayuhan
Pagpapakilala bilang pinakamayamang bansa
Kapag may sakuna sa bansa, alin ang pinakanaaangkop na gawain ng mamamayan para sa pambansang interes?
Mag-imbak ng tulong para sa sarili
Makipagtulungan sa relief at impormasyon
Magreklamo tungkol sa pamahalaan lang
Manatiling walang pakialam sa paligid
