NEW
Font size
WorksheetsPage 1
Total questions: 55
Worksheet time: 28mins
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bilang. Ano ang agarang sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Matinding nasyonalismo sa Europa
Pagbuo ng sistemang alyansa
Paglawak ng imperyalismo ng mga bansa
Pagpaslang kay Archduke Ferdinand
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bilang. Alin ang kabilang sa Triple Alliance?
Britain at France
France at Russia
United States at Britain
Germany at Austria-Hungary
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bilang. Kung nanaig ang matinding nasyonalismo sa mga bansa sa Europa bago ang digmaan, alin sa mga sumusunod ang maaaring naging bunga nito?
Paglala ng tensiyon at tunggalian sa pagitan ng mga bansa
Pagkakaroon ng mapayapang ugnayan ng mga estado
Pagbawas ng sandata at hukbo ng mga bansa
Pag-iwas ng mga bansa sa pakikialyansa
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bilang. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, maraming kaharian sa Europa ang nagwakas. Anong epekto ng digmaan ang ipinapakita nito?
Paglakas ng monarkiya
Pag-unlad ng agrikultura
Pagkakaisa ng kontinente
Pagbagsak ng mga imperyo
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bilang. Bakit sinasabing total war ang Unang Digmaang Pandaigdig?
Maikling panahon lamang ang itinagal ng digmaan sa Europa.
Lahat ng bansa ay direktang nasangkot sa labanan at digmaan.
Lahat ng mamamayan at yaman ng bansa ay ginamit sa digmaan.
Walang sinumang nasawi dahil limitado lamang ang saklaw ng labanan.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bilang. Alin sa mga sumusunod ang pagbabago dulot ng digmaan?
Paglawak ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa.
Paglakas ng agrikultura sa mga bansang naapektuhan.
Pagbaba ng utang ng mga bansa matapos ang digmaan.
Pag-unlad ng teknolohiya sa armas na ginamit sa mga labanan.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bilang. Ano ang layunin ng League of Nations?
Maiwasan ang digmaan sa pamamagitan ng mapayapang ugnayan ng mga bansa.
Palakasin ang militar ng mga bansang kasapi sa organisasyon.
Kontrolin ang ekonomiya ng mahihina at umuunlad na bansa.
Palawakin ang teritoryo ng mga makapangyarihang bansa.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat ito sa patlang bago ang bilang. Bakit nabigo ang League of Nations?
Kakulangan ng kapangyarihang magpatupad at hindi pagsali ng ilang makapangyarihang bansa.
Labis na lakas militar na nagdulot ng takot sa mga agresor.
Sobra-sobrang pondo kaya naging tamad ang mga kasapi.
Pagkakaisa ng lahat ng bansa laban sa agresyon.
Matapos ipatupad ang Treaty of Versailles, nahirapan ang Germany na bumangon mula sa digmaan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng naging epekto nito sa bansa?
Mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at industriya
Matatag na pamahalaang suportado ng mamamayan
Ganap na kapayapaan at maayos na pamumuhay
Matinding pagsubok sa ekonomiya at mabigat na pananagutan sa digmaan
Kung maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho at hindi matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan matapos ang digmaan, alin ang ipinapakita nitong kalagayan ng mga bansa?
Malawakang kawalan ng trabaho at kahirapan ng mamamayan
Paglakas ng industriya at produksiyon ng mga bansa
Pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan
Mataas na sahod at maayos na kabuhayan
Bakit humina ang demokrasya sa Europa pagkatapos ng digmaan?
Maayos na pamamalakad ng mga pinuno
Matatag na lideratong sinusuportahan ng mamamayan
Malakas na alyansa ng mga demokratikong pamahalaan
Suliraning pang-ekonomiya ng mga bansa na nagdulot ng kaguluhan
Batay sa karanasan ng mga bansa matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, alin ang pinakamainam na aral na nagpapaliwanag kung bakit nabigo ang ilang pandaigdigang kasunduan?
Mahalaga ang kooperasyon ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan
Digmaan muli ang pinakamabisang solusyon sa suliranin
Palakasin ang armas upang maiwasan ang labanan
Iwasan ang kasunduan sa pagitan ng mga bansa
Ano ang pangunahing katangian ng totalitaryanismo?
Bukas na pamamahayag na walang takot sa pamahalaan
Hati ang kapangyarihan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno
Ganap na kontrol ng pamahalaan sa buhay ng mamamayan
Malayang halalan na nagpapahayag ng boses ng mamamayan
Bakit itinuturing si Adolf Hitler bilang simbolo ng totalitaryanong pamahalaan sa Nazi Germany?
Dahil pinamunuan niya ang pamahalaan na may ganap na kontrol sa mamamayan
Dahil pinayagan niya ang malayang pamamahayag
Dahil hinikayat niya ang oposisyon sa pamahalaan
Dahil pinanatili niya ang paghahati ng kapangyarihan sa gobyerno
Kung ang isang pamahalaan ay nagbabawal sa malayang pamamahayag at nagpaparusa sa mga kritiko nito, paano nito ipinapakita na banta ang totalitaryanismo sa demokrasya?
Nililimitaan ang kalayaan at karapatan ng mamamayan
Pinalalawak ang karapatang sibil at politikal
Pinahihintulutan ang malayang oposisyon sa pamahalaan
Pinoprotekahan ang interes ng mamamayan
... at nagtatago ng katotohanan, paano ginagamit ang propaganda sa ganitong sitwasyon?
Malayang impormasyon na nagbibigay kaalaman sa lahat
Pagkontrol sa isip at paniniwala ng mamamayan
Bukas na talakayan ng magkakaibang pananaw
Malayang pamamahayag na walang sensura
Bakit sinuportahan ng ilan ang totalitaryanong lider?
Ganap na kalayaan sa pamahalaan
Pangakong kaayusan at katatagan ng bansa
Malakas na demokrasya at pantay na karapatan
Malayang pamumuhay at pagpapahayag ng opinyon
Paano nakaapekto ang ganap na kontrol ng pamahalaan sa pamumuhay ng mamamayan sa kalagayan ng karapatang pantao sa mga bansang totalitaryano?
Malubhang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan
Pagpapalawak ng kalayaan at karapatan ng tao
Paggalang sa dignidad ng mamamayan
Pantay na hustisya para sa lahat
Dapat bang tanggapin ang totalitaryanismo bilang uri ng pamahalaan?
Oo dahil mabilis itong solusyon sa krisis
Oo dahil epektibo ang pamamahala nito
Hindi dahil ito ay isang hindi makataong sistema
Hindi dahil nilalabag nito ang kalayaan ng mamamayan
Ano ang agarang sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Pagsalakay ng Germany sa Poland na nagpasimula ng digmaan
Tunggalian ng ideolohiya ng mga makapangyarihang bansa
Pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor sa Estados Unidos
Kasunduan sa Versailles na nagtakda ng mga parusa
Bakit itinuturing na Axis Powers ang Germany, Italy, at Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Dahil sila ay nagkaroon ng alyansa upang palawakin ang kapangyarihan at teritoryo
Dahil sila ay magkakatabing bansa sa Europa
Dahil pareho silang naging kolonya ng Estados Unidos
Dahil sila ay magkakasabay na sumuko sa digmaan
Kung gagamit ang isang bansa ng makabagong sandata tulad ng tanke, eroplano ng pandigma, at bomba, paano nito mababago ang paraan ng pakikipaglaban sa digmaan?
Mas mabagal na labanan dahil sa limitasyon
Mas mapayapang digmaan dahil sa kasunduan
Walang naging epekto ang teknolohiya sa digmaan
Mas mapaminsalang labanan dahil sa makabagong sandata
Kung ang isang bansa sa Asya ay dating kolonya bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, paano nito maaaring maranasan ang epekto ng digmaan pagkatapos ng 1945?
Pagwakas ng kolonyalismo at pag-usbong ng mga bagong bansa
Pagbaba ng damdaming makabansa
Paglakas ng imperyo ng mga mananakop
Pagkakaisa ng buong kontinente ng Asya
Alin sa sumusunod ang pinakamahusay na paliwanag kung bakit pinili ng Estados Unidos na gumamit ng atomic bomb laban sa Japan?
Upang mapabilis ang pagtatapos ng digmaan at maiwasan ang mas maraming pagkamatay sa mahabang labanan
Upang palakasin ang ekonomiya matapos ang digmaan
Upang takutin ang mga kaalyadong bansa sa Europa
Upang ipakita lamang ang lakas ng makabagong teknolohiya
Paano ipinapakita ng pagkakatatag ng United Nations ang naging tugon ng mga bansa sa karanasan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Sa layuning maiwasan ang panibagong digmaan at mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan
Sa hangaring palitan ang demokrasya ng totalitaryanismo
Sa layuning palawakin ang imperyalismo
Sa pagsisikap na hatiin ang daigdig sa magkakahiwalay na bansa
Makatarungan ba ang paggamit ng atomic bomb?
Oo dahil ito ay makabagong sandata
Hindi dahil mahina ang naging epekto
Hindi dahil maraming sibilyan ang nasawi
Oo dahil mabilis nitong natapos ang digmaan
Ano ang Cold War?
Labanan ng teritoryo para sa pagpapalawak ng sakop
Tunggalian ng ideolohiya sa pagitan ng malalakas na bansa
Digmaang panrehiyon na kinasangkutan ng maraming bansa
Direktang digmaan ng mga bansang may magkatunggaling interes
Bakit naging sanhi ng Cold War ang tunggalian ng kapitalismo at komunismo?
Dahil magkaiba ang paniniwala ng dalawang ideolohiya sa pamamahala at ekonomiya ng bansa
Dahil pareho silang nais palawakin ang relihiyon sa daigdig
Dahil pareho silang naniniwala sa monarkiyang pamahalaan
Dahil pareho silang tumututol sa demokrasya
Kung ang isang digmaan ay isinagawa ng dalawang bansa ngunit sinuportahan ng magkatunggaling superpower, alin sa mga sumusunod ang maituturing na halimbawa ng Cold War sa Asya?
Korean War na sinuportahan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet
Digmaang Pandaigdig na sumaklaw sa buong mundo
Digmaan ng Japan at China bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Digmaan ng mga kaharian sa Timog-Silangang Asya
Kung may dalawang makapangyarihang bansa na parehong may sandatang nuklear, bakit mas pinili nilang makialam sa digmaan sa pamamagitan ng proxy war sa halip na direktang labanan ang isa’t isa?
Dahil sa takot sa nuclear war at malawakang pagkawasak
Dahil mahina ang kanilang ekonomiya
Dahil wala silang interes sa pandaigdigang politika
Dahil malayo ang kanilang mga teritoryo
Paano ipinakita ng mga proxy war at arms race ang epekto ng Cold War sa ugnayang pandaigdig?
Naging neutral ang lahat ng estado
Naging ganap na mapayapa ang mga bansa
Nagkaroon ng matinding tensyon at hidwaan sa pagitan ng mga bansa
Nabuo ang isang pandaigdigang pamahalaan
Bakit mahalagang gamitin ang diplomasya sa halip na lakas-militar sa pagharap sa mga alitan ng mga bansa, batay sa karanasan ng Cold War?
Dahil napipigil nito ang malawakang digmaan at pagkasira ng mundo.
Dahil pinapalakas nito ang armas ng bawat bansa.
Dahil iniiwasan nito ang ugnayan ng mga bansa.
Dahil itinataguyod nito ang digmaang nuklear.
Alin ang magkatunggaling ideolohiya noong Cold War?
Pasismo at monarkiya na umiiral sa Europa.
Demokrasya at kolonyalismo sa Asya at Africa.
Nasyonalismo at imperyalismo sa mga kolonya.
Kapitalismo at komunismo na pinangunahan ng magkakaibang bansa.
Alin ang halimbawa ng Cold War sa Asya?
Korean War na nagpakita ng proxy war
Vietnam War na bunga ng tunggalian
Korean War at Vietnam War sa Asya
Digmaang Pandaigdig na sumaklaw sa mundo
Bakit hindi direktang naglaban ang mga superpower?
Takot sa nuclear war at malawakang pagkawasak.
Mahina ang ekonomiya ng dalawang bansa.
Walang interes ang mga bansa sa digmaan.
Malayo ang lokasyon ng kanilang teritoryo.
Ano ang naging epekto ng Cold War sa mundo?
Neutralidad ng lahat ng estado.
Ganap na kapayapaan ng lahat ng bansa.
Matinding tensyon sa ugnayang pandaigdig.
Pagkakaisa ng mga bansang magkatatunggali.
Ano ang mahalagang aral mula sa Cold War?
Mahalaga ang diplomasya sa pag-iwas sa digmaan.
Digmaang armas ang solusyon sa alitan.
Palakasin ang militar ng bawat bansa.
Iwasan ang ugnayan ng mga bansa.
Ano ang pangunahing epekto ng Cold War sa rehiyong Asya?
Nagkaroon ng pagkakaisa sa lahat ng bansa laban sa dayuhan
Panandaliang kapayapaan sa ilang lugar, ngunit may tensyon
Kaunlaran sa ekonomiya sa tulong ng superpower
Naging lugar ng proxy wars kung saan sinuportahan ng superpower ang magkasalungat na grupo
Alin ang bansang naapektuhan sa Africa?
Japan at China, na higit na naapektuhan sa Asya at hindi sa Africa.
Angola at Congo, na naging sentro ng labanan at proxy wars sa Cold War.
Germany at France, na nakaranas ng tensyon ngunit pangunahin sa Europa.
Ano ang ibig sabihin ng proxy war?
Direktang labanan sa pagitan ng dalawang bansa nang walang tagapamagitan.
Digmaang sinuportahan ng superpower ngunit hindi direktang nakikilahok.
Rebolusyong panlipunan laban sa pamahalaan ng bansa.
Digmaang sibil sa loob ng isang bansa lamang.
Bakit piniling maging larangan ng Cold War ang Asya at Africa ng mga superpower?
Dahil malamig ang klima
Dahil kaunti ang populasyon
Dahil maraming likas na yaman na nais kontrolin
Dahil sa estratehikong lokasyon at likas na yaman na mahalaga para sa militar at ekonomiya
Paano naapekthuhan ang mga mamamayan sa Asya at Africa dahil sa Cold War?
Hindi ganap ang kapayapaan sa lahat ng lugar
Mabilis na kaunlaran sa ilang rehiyon
Matinding kahirapan dahil sa digmaan at pagkakawatak-watak
May pagkakaisa sa ilang pagkakataon ngunit may pagkakawatak-watak
Paano dapat harapin ng bansa ang tunggalian ng Cold War?
Manatiling neutral upang hindi masangkot sa digmaan at maprotektahan ang interes ng bansa.
Pumanig agad sa isang superpower, na maaaring magdulot ng panganib.
Sumali sa digmaan, na delikado at nakakasama sa mamamayan.
Umasa sa dayuhan, na hindi laging nakakatulong sa bansa.
Ano ang simbolo ng pagtatapos ng Cold War?
Paglawak ng komunismo, na hindi simbolo ng pagtatapos.
Pagwakas ng Korean War, na nangyari bago ang Cold War.
Pagkakatatag ng NATO, na nangyari sa kalagitnaan ng Cold War.
Pagbagsak ng Berlin Wall bilang simbolo ng pagkakahiwalay ng Silangan at Kanluran.
Sino ang nagpasimula ng reporma sa USSR?
Nikita Khrushchev, na nagpatupad ng de-Stalinization ngunit hindi huling reporma.
Vladimir Lenin, na nagtatag ng USSR ngunit hindi ang huling reporma.
Mikhail Gorbachev, na nagpasimula ng Glasnost at Perestroika.
Joseph Stalin, na kilala sa diktadurya at rehimeng totalitaryo.
Ano ang Glasnost at Perestroika?
Patakarang militar ng bansa, na hindi ito.
Kasunduang pandaigdig, na hindi isang kasunduan.
Ideolohiyang komunista, na ito ay reporma at hindi ideolohiya.
Repormang politikal at ekonomiya na naglalayong liberalisahin ang USSR.
Paano nagbago ang daigdig matapos ang Cold War?
Hindi lumakas ang kolonyalismo.
Mas bukas ang ugnayan ng mga bansa sa ekonomiya at diplomasya at may kooperasyon.
Isang superpower lamang ang namayani, ang Estados Unidos.
Patuloy ang hidwaan sa ilang lokal na digmaan ngunit hindi global Cold War.
Ano ang epekto ng pagtatapos ng Cold War sa ugnayang pandaigdig?
Tumaas ang kooperasyon at diplomasiya sa pagitan ng mga bansa.
Lalong umigting ang ideolohiyang labanan at pagbuo ng mga bloke.
Naging sarado ang kalakalan at humina ang globalisasyon.
Walang anumang pagbabagong naganap sa relasyon ng mga bansa.
Ano ang hamon matapos ang Cold War?
Regional conflicts at terorismo na nanatiling isyu sa ilang rehiyon.
Ang arms race nuklear ay bumaba ngunit nanatili ang mga armas.
Kolonyalismo ay hindi na pangunahin isyu dahil sa independensya ng mga bansa.
Maraming bansa ang nademokratis, kaya hindi totalitaryanismo.
Ano ang layunin ng People Power Movement?
Ibalik ang demokrasya sa bansa at wakasan ang diktadura.
Palakasin ang diktadura na kabaligtaran ng layunin.
Palawakin ang teritoryo, na hindi layunin.
Palitan ang kultura, na hindi layunin.
Alin ang katangian ng demokratikong kilusan?
Isang ideolohiya lamang, na salungat sa demokrasya.
Kontroladong pamamahayag, na salungat sa demokrasya.
Paggamit ng dahas, na hindi bahagi ng demokratikong kilusan.
Malayang partisipasyon ng mamamayan sa politika at desisyon.
Bakit mahalaga ang kilusang panlipunan?
Pinahihina ang pamahalaan, na hindi layunin.
Nagdudulot ng kaguluhan, na hindi pangunahing layunin.
Niililimitahan ang karapatan, na salungat sa layunin ng kilusan.
Nagbibigay boses sa mamamayan at nakakatulong sa reporma.
Paano nakatutulong ang demokrasya sa kaunlaran?
Pinapahintulutan ang pakikilahok ng mamamayan sa desisyon at reporma.
Paggamit ng dahas, na hindi nakakatulong sa kaunlaran.
Pamumuno ng diktador, na salungat sa demokrasya.
Takot sa pamahalaan, na hindi nakakatulong.
Ano ang tungkulin ng mamamayan sa demokrasya?
Mapanuring pakikilahok sa politika at lipunan.
Pag-iwas sa politika, na hindi nakakatulong sa demokrasya.
Pagsuway sa batas, na salungat sa demokratikong sistema.
Tahimik na pagsunod, na hindi sapat sa demokratikong bansa.
Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa demokrasya?
Pag-iwas sa usapin, na hindi nakatutulong.
Paggamit ng dahas, na salungat sa demokrasya.
Pagsunod nang bulag, na hindi nagpapakita ng pagpapahalaga.
Aktibong pakikilahok ng mamamayan sa politika, halalan, at diskurso.
