Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE EXAM-83

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Si Archduke Franz Ferdinand ay ang tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na pinaslang noong Hunyo 28, 1914. Ano ang simbolikong kahulugan ng pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria sa Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Ito ang naging simula ng malawakang alyansa.

b)

Ito ang naging katapusan ng sistemang monarkiya.

c)

Ito ang mitsa ng pagsiklab ng digmaan sa buong Europa.

d)

Ito ay naging simbolo ng tagumpay ng kapayapaan sa pagitan ng mga bansa.

2.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isang malaking digmaan na naganap mula 1914 hanggang 1918. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig na may kinalaman sa pag-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng kapangyarihang Europeo?

a)

Alyansa

b)

Imperyalismo

c)

Nasyonalismo

d)

Militarismo

3.

Sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, mayroong dalawang magkasalungat na alyansang nabuo, ang Triple Entente at Triple Alliance. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Triple Entente?

a)

France

b)

Germany

c)

Great Britain

d)

Russia

4.

Ang ideolohiyang Nasyonalismo, Imperyalismo at Militarismo kasama na ang pagbuo ng mga palihim na alyansa ang naging mga na nag-udyok ng tensyon sa Europa. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng mga salik na nagdulot ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Ang imperyalismo ay nagpalakas ng nasyonalismo at militarismo.

b)

Ang alyansa ng mga bansa ay nagbunsod ng pag-unlad ng ekonomiya.

c)

Ang nasyonalismo ay nagbunsod ng pagkakaisa ng lahat ng bansa sa Europa.

d)

Ang militarismo ay naging dahilan ng pagkakaroon ng pandaigdigang kapayapaan.

5.

Nang sakupin ng Germany ang Belgium, isang neutral na bansa, nagsimula ang Digmaan sa Kanluran noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ano naging mahalagang papel ng pangyayaring ito sa pagsiklab ng digmaan sa Kanluran?

a)

Nagbigay ito ng pagkakataon na magkaroon ng armas sa Central Powers.

b)

Naging dahilan ito upang mas katakutan ng mga kalaban ang Germany.

c)

Nagpasimula ito ng mga pag-atake ng Triple Entente laban sa Germany.

d)

Naging daan ang Germany upang kontrolin ang hangganan ng France.

6.

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1918, maraming bansa ang nakaranas ng krisis pang-ekonomiya at panlipunan. Kung ikaw ang namumuno sa isang bansa, alin hakbang ang pinakaangkop upang maiwasan ang paglala ng krisis na ito?

a)

Humingi ng tulong pinansyal at militar mula sa ibang bansa.

b)

Palawakin ang mga kolonyo upang makakuha ng dagdag na likas na yaman.

c)

Palakasin ang kalakalan sa pagitan ng mga bansa upang mapaunlad ang ekonomiya.

d)

Sumali sa League of Nations upang mapanatili ang kapayapaan at pagtutulungan ng mga bansa.

7.

Naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig dahil sa pagbubuo ng dalawang alyansa na may magkasalungat na pananaw. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ng isang pinuno upang maiwasan ang paglala ng tensyon na dulot ng alyansa?

a)

Hikayatin ang lahat ng bansa na sumali sa isang alyansa upang mapahina ang kabilang panig.

b)

Magtatag ng bukas na kasunduan para sa diplomasya at pag-uusap sa halip na lihim na alyansa.

c)

Himukin ang mga bansa na sumali sa alyansa sa pamamagitan ng diplomatikong pakikipag-ugnayan.

d)

Palakasin ang sariling alyansa sa pamamagitan ng bukas at maayos na kasunduan upang mapanatili ang seguridad.

8.

Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nabuo ang isang pandaigdigang samahan na tinawag na League of Nations. Ano ang pangunahing layunin ng League of Nations?

a)

Magtatag ng bagong alyansa upang maghanda para sa susunod na digmaan

b)

Palakasin ang ugnayan ng mga bansa upang mabawasan ang panganib ng alitan

c)

Mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at maiwasan ang muling pagsiklab ng digmaan

d)

Magbigay ng tulong pinansyal at suporta sa mga bansang labis na naapektuhan ng digmaan

9.

Noong 1918, kumalat ang Spanish Flu sa maraming bansa na nagdulot ng malaking epekto sa kalusugan, lipunan, at ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa Spanish Flu?

a)

Isang pandemya na kumalat sa buong mundo matapos ang digmaan, dulot ng influenza virus.

b)

Isang epidemya na dulot ng virus na nagsimula sa Africa at kumalat sa ibang rehiyon matapos ang digmaan.

c)

Isang epidemya na dulot ng bakterya mula sa mga hayop na kumalat sa ilang rehiyon matapos ang digmaan.

d)

Isang malubhang sakit na kumalat sa ilang bansa sa Europa dahil sa kontaminadong tubig pagkatapos ng digmaan.

10.

Naganap ang isang makasaysayang pangyayari sa Estados Unidos na nagdulot ng matinding epekto sa ekonomiya ng bansa at sa buong mundo noong Oktubre 29, 1929. Bakit tinawag na “Black Tuesday” ang kaganapang ito?

a)

Dahil ito ang araw ng paghina ng League of Nations.

b)

Dahil ito ang araw ng pagbagsak ng stock market sa Amerika.

c)

Dahil ito ang araw ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

d)

Dahil ito ang araw ng pagkalat ng pandemya ng Spanish Flu sa Amerika.

11.

Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, maraming bansa ang humarap sa krisis pang-ekonomiya na tinatawag na Great Depression. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa Great Depression?

a)

Isang epidemya na kumalat sa maraming bansa matapos ang digmaan.

b)

Isang digmaan sa pagitan ng Amerika at Europa na nagdulot ng pagkalugi ng mga negosyo.

c)

Isang panahon na mabilis na pagbagsak ng ekonomiya sa Amerika matapos ang digmaan.

d)

Isang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya na nagsimula sa pagbagsak ng stock market noong 1929.

12.

Nabuo ang League of Nations upang mapanatili ang kapayapaan, ngunit hindi ito naging matagumpay. Ano ang naging kahinaan ng League of Nations sa pagpapanatili ng kapayapaan?

a)

Nagpakita ito ng pagkiling sa mga bansang sangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig.

b)

Nagkaroon ito ng napakaraming kasapi kaya nahirapan itong isaalang-alang ang pananaw ng bawat isa.

c)

Nabigo itong pigilan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagbuo ng mga bagong alyansa ng mga bansa.

d)

Hindi nito pinayagan ang Russia na sumali na nag-udyok sa bansang iyon na magsimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

13.

Pagkatapos ng digmaan, kumalat ang Spanish Flu sa buong mundo. Ano ang kaugnayan ng Spanish Flu sa kalagayan ng daigdig matapos ang digmaan?

a)

Nagdulot ito ng pagbagsak ng mga stock market.

b)

Nagdulot ito ng karagdagang krisis sa kalusugan at lipunan.

c)

Nagpababa ito populasyon na nagdulot ng krisis sa ekonomiya.

d)

Nagdulot ito ng kaguluhan na nagpatibay sa hangaring buuin ang League of Nations.

14.

Nang dahil sa Great Depression, bumagsak ang pandaigdigang ekonomiya. Paano nakaapekto ito sa pandaigdigang kalakalan?

a)

Nagpataas ng buwis at paghina ng pandaigdigang kalakalan.

b)

Nagpabagal sa kalakalan at sa pag-unlad ng mga bansang Asyano.

c)

Nagpataas ng halaga ng ginto sa na iniimport mula sa ibang bansa.

d)

Nagdulot ng mataas na ng buwis sa mga produktong pang-industriya.

15.

Ang pasismo ay isang anyo ng diktadurya kung saan sapilitang sinususupo ang anumang pagtutol at pinapalaki ang kontrol ng pamahalaan sa paghubog ng lipunan at rehimen. Sino ang lider na nagsimulang ng pamahalaang Pasista sa Italya?

a)

Adolf Hitler

b)

Benito Mussolini

c)

Joseph Stalin

d)

Mao Zedong

16.

Ang Partidong Nazi ay isang partidong pampulitika sa Germany na umusbong noong 1920s at pinamunuan ni Adolf Hitler. Anong ideolohiya ang kaugnay ng Partido Nazi sa Germany?

a)

Komunismo

b)

Militarismo

c)

Nazismo

d)

Pasismo

17.

Mayroong iba’t ibang ideolohiyang politikal na umusbong na may magkakaibang paniniwala at sistema gaya ng Totalitaryanismo, Komunismo, Nazismo, Pasismo, at Militarismo. Batay dito, ano ang pangunahing layunin ng ideolohiyang Totalitaryanismo?

a)

Pagkontrol ng estado sa lahat ng aspeto ng buhay ng lipunan

b)

Pagpapalawig ng ideolohiyang diktatoryal sa lahat ng kalapit na bansa

c)

Pagpapatupad ng kontroladong kalakalan sa lahat ng sektor ng ekonomiya

d)

Pagsupil sa ideya ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mamamayan

18.

Ang totalitarianismo ay isang sistema ng pamahalaan kung saan may ganap na kontrol ang estado sa halos lahat ng aspeto ng buhay ng mamamayan. Bakit itinuturing na banta sa demokrasya ang Totalitaryanismo?

a)

Dahil pinipigilan nito ang malayang pagkilos at pagsasalita ng mga mamamayan.

b)

Dahil nagdudulot ito ng hindi pantay na oportunidad sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.

c)

Dahil hinahadlangan nito ang kalayaan sa pagpapahayag ng mga mamamahayag at karaniwang mamamayan.

d)

Dahil pinatitibay nito ang kapangyarihan ng pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng lakas militar.

19.

Ang Militarismo ay ideolohiyang nakatuon sa pagpapalakas ng hukbong sandatahan bilang pangunahing salik ng pamahalaan. Kung ikaw ay pinuno ng Japan noong Meiji Restoration, alin sa mga hakbang ang ipatutupad mo upang maisulong ito?

a)

Pagpapaunlad ng mga estratehikong industriya, transportasyon, at komunikasyon.

b)

Pagpapatibay ng imperyal na pamahalaan at pagpapalakas ng hukbong sandatahan.

c)

Pagpapalawak ng modernisasyon at Westernisasyon ng Japan upang mapaunlad ang industriya.

d)

Pagpapatupad ng liberal na ekonomiya at malayang kalakalan sa rehiyon sa tulong ng militar.

20.

Ang Komunismo ay ideolohiyang naglalayong magtatag ng kaayusang sosyo-ekonomiko batay sa pag-aaring pangkaraniwan at pag-alis ng salapi, estado, at uring panlipunan. Kung ikaw ay opisyal sa Russia noong 1917, alin sa mga hakbang ang gagawin mo upang maisulong ito?

a)

Pagpapalakas ng kapitalismo upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa

b)

Pagbibigay ng ganap na kalayaan sa negosyo at pamumuhunan ng indibidwal

c)

Pagpapanatili ng sistemang pyudal upang mapanatili ang tradisyon at kultura

d)

Pag-aalis ng pribadong pag-aari at pagpapatupad ng pantay na distribusyon ng yaman

21.

Ang Blitzkrieg ay tumutukoy sa biglaang pag-atake gamit ang pinagsama-samang armas, na isinasagawa sa pamamagitan ng mabilis at matinding konsentrasyon ng puwersang militar. Ano ang pangunahing layunin nito?

a)

Mabilisang pagpapalawak ng propaganda laban sa demokrasya.

b)

Magpatibay ng opensa at depensa laban sa puwersa ng Allied Powers.

c)

Mabilisang pagbagsak o pagkabigo ng kalaban bago makapaghanda.

d)

Magtatag ng mas malakas na alyansa ng mga bansang kaalyado sa Axis Powers.

22.

Ang Pearl Harbor ay isang base ng hukbong dagat ng Estados Unidos sa Hawaii na inatake ng Japan noong 1941. Ano ang naging bunga ng pangyayaring ito?

a)

Pagbagsak ng Singapore sa kamay ng Japan.

b)

Pagbuo ng Atlantic Charter nasa pagitan ng US at Britain.

c)

Pagpasok ng Estados Unidos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

d)

Pagsulong ng mga Hapon sa katimugang bahagi ng French Indochina.

23.

Ang Treaty of Versailles ay naglatag ng mahigpit na parusa sa Germany matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Paano ito nakaapekto sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nagdulot ng krisis sa ekonomiya at politika ng Germany dahilan upang lumaganap ang galit.

b)

Nagbigay ng kalayaan sa mga bansang Asyano na nagresulta sa paglaya ng ilang kolonya sa Asya.

c)

Nagpahina sa alyansa ng Axis Powers at naging dahilan ng kahinaan sa samahan ng Germany, Italy, at Japan.

d)

Nagpapatatag ng kapangyarihan ng Allied Powers dahil sa pinatibay na alyansa ng mga bansang nanalo sa digmaan

24.

Ang pag-atake ng Japan sa mga kolonya ng Europe sa Asya ay nagbunsod ng malawakang pagbabago. Ano ang kaugnayan nito sa digmaan?

a)

Nagpatigil sa agresyon ng Germany.

b)

Nagpahina sa alyansa ng Allied Powers.

c)

Nagpalawak ito ng kapangyarihan ng Japan.

d)

Nagpatibay ito ng demokrasya sa mga bansang Asyano.

25.

Ang paggamit ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki ay isang hakbang ng Estados Unidos upang wakasan ang digmaan. Ano ang naging implikasyon nito?

a)

Nagpabilis sa pagsuko ng Japan at pagtatapos ng digmaan sa Pasipiko.

b)

Naging simula ng Vietnam War at ng kolonyal na administrasyong Pranses.

c)

Nag-udyok ng matinding galit na humantong sa pananakop ng Japan sa Pilipinas.

d)

Nagdulot ng labis na gastusin sa digmaan at sunud-sunod na pagkatalo ng Japan.

26.

Ang Atlantic Charter ay isang kasunduan nina Roosevelt at Churchill noong 1941 na naglatag ng layunin ng Allies. Ano ang ipinapakita ng kasunduang ito?

a)

Pagpapalakas ng militar ng Axis Powers.

b)

Pagbuo ng alyansa ng Japan at Germany.

c)

Pagkakaisa ng Allies para sa kapayapaan at kalayaan.

d)

Pagpapatibay ng demokrasya sa pamahalaan ng Estados Unidos at Britain.

27.

Ang Truman Doctrine ay patakaran ng Estados Unidos na naglalayong pigilan ang paglaganap ng komunismo sa Europa. Kung ikaw ay isang lider ng bansa noong Cold War, anong hakbang ang gagawin mo upang ipakita ang pagsuporta sa patakarang ito?

a)

Magpahayag ng neutralidad sa lahat ng tunggalian.

b)

Magpatibay ng alyansa sa mga bansang komunista.

c)

Magpadala ng mga na tagapagpayos sa iba’t-ibang bansa.

d)

Magbigay ng tulong pinansyal sa mga bansang may banta ng komunismo.

28.

Ang Marshall Plan ay isang programang pang-ekonomiya upang muling itayo ang Europa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Paano mo ito mailalapat sa kasalukuyang panahon?

a)

Magbigay ng tulong sa mga bansang nasalatan ng sakuna.

b)

Magpatupad ng embargo laban sa mga mayayamang bansa.

c)

Magpalakas ng pwersang militar sa mga bansang naghihirap.

d)

Magpahayag ng suporta sa mga organisasyon tulad ng United Nations.

29.

Ang NATO ay isang alyansang militar na binuo upang labanan ang banta ng Soviet Union. Kung ikaw ay pinuno ng isang bansa na bahagi ng NATO, ano ang dapat mong gawin sa oras ng krisis?

a)

Magpahayag ng pagsuporta sa layunin ng Soviet Union.

b)

Magbigay ng tulong para sa depensa ng mga kaalyadong bansa.

c)

Magpahayag ng pagsuporta sa planong paglusob sa Soviet Union.

d)

Manatiling pagiging neutral sa panahon ng anumang tunggalian.

30.

Ang Cold War ay nagdulot ng tunggalian sa pagitan ng Estados Unidos at Soviet Union. Ano ang pangunahing dahilan ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa?

a)

Pagkakaiba sa pamamahala ng iba’t-ibang bansa sa Europa.

b)

Pagkakaiba sa teknolohiyang militar sa pagitan ng mga bansa.

c)

Pagkakaiba ng ideolohiya sa sistema ng pamahalaan at ekonomiya.

d)

Pagkakaiba ng hangarin pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

31.

Ang Cuban Missile Crisis ay isa sa pinakmapanganib na yugto ng Cold War. Ano ang ipinakita ng pangyayaring ito?

a)

Ang pag-alis ng sandatang nuklear mula sa lahat ng bansa sa Europa.

b)

Ang panganib ng digmaang nuklear dahil sa tunggalian ng ideolohiya.

c)

Ang pagkakaisa ng Estados Unidos at Russia na labanan ang digmaang nuclear.

d)

Ang pagtatapos ng Cold War sa pamamagitan ng kasunduang naglilimita o nagbabawal sa sandatang nuklear.

32.

Ang pagtatag ng Warsaw Pact ay tugon ng Soviet Union sa NATO. Ano ang layunin ng alyansa na ito?

a)

Pagpapatibay ng demokrasya sa Europa.

b)

Pagpahina sa kapangyarihan ng Soviet Union.

c)

Pagwawakas ng tunggalian sa pagitan ng East at West.

d)

Pagpapalakas ng alyansa ng mga bansang komunista laban sa kanluran.

33.

Ang Non-Aligned Movement (NAM) ay samahan ng mga bansang hindi nakipag-alyansa sa alinmang superpower noong Cold War. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamaraming kasapi?

a)

Africa

b)

Asya

c)

Europa

d)

Oceania

34.

Ang Cold War ay labanan ng ideolohiya sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa. Alin ang dalawang bansang ito?

a)

Amerika at Germany

b)

Amerika at Japan

c)

Amerika at Soviet Union

d)

Amerika at Tsina

35.

Ang Neokolonyalismo ay tinatawag na bagong uri ng pananakop. Ano ang pangunahing layunin nito?

a)

Magpaunlad na nasakop na bansa gamit ang kanilang likas na yaman.

b)

Magpanatili ng impluwensya ng makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa.

c)

Magbigay ng tulong pinansyal sa mahihirap na bansa sa pamamagitan ng pananakop.

d)

Magpatibay ng alyansa ng mga bansa upang mapalakas ang kanilang kapangyarihan.

36.

Ang Digmaang Korea ay tunggalian sa pagitan ng Democratic People’s Republic of Korea (North Korea) at Republic of Korea (South Korea) na naganap noong 1950–1953. Ano ang pangunahing dahilan ng digmaang ito?

a)

Pagpapatibay ng alyansa ng South Korea at Estados Unidos.

b)

Pag-aagawan sa teritoryo ng China at Korea sa gitna ng Cold War.

c)

Pagnanais na pag-isahin muli ang Korea sa pamamagitan ng 38th parallel.

d)

Pagkakaroon ng tunggalian upang mapanatili ang demokrasya at kapitalismo laban sa komunismo.

37.

Ang Digmaang Ruso-Afghan ay isang labanan sa pagitan ng Soviet Union at mga Afghan mujahideen na naganap mula 1979 hanggang 1989. Ano ang ipinakita mula ng pagkatalo ng Soviet Union sa digmaang ito?

a)

Ipinakita nito ang paglala ng tensyon sa Cold War.

b)

Ipinakita nito ang lakas ng kontrol ng Soviet Union sa Afghanistan.

c)

Ipinakita nito ang kahinaan ng superpower laban sa gerilyang pakikidigma.

d)

Ipinakita nito ang paglakas ng puwersa ng Afghanistan laban sa mga rebelde.

38.

Ang Hilagang Vietnam, sa pamumuno ng Vietnamese Communist Party (VCP), ay yumakap sa sosialismo. Ano ang dahilan ng pagpili ng Vietnam sa sistemang ito?

a)

Pagpapatibay ng alyansa ng Vietnam sa mga bansang kapitalista.

b)

Paghahangad ng paglayo ng Vietnam mula sa ideolohiya ng Marxist-Leninist.

c)

Pagpapatupad ng bukas na sistemang pang-ekonomiya sa simula ng Cold War.

d)

Pagkakaroon ng pagnanais na palayain ang bansa mula sa kolonyal na pamamahala.

39.

Si Mikhail Gorbachev ay kilala sa kanyang mga reporma na naglayong baguhin ang ekonomiya at politika ng USSR. Sa ilalim ng patakarang Glasnost, ano ang kahulugan ng Glasnost?

a)

Pagpapalawak ng teritoryo ng USSR

b)

Pagiging bukas sa politika at lipunan

c)

Pagpapatibay ng sistemang monarkiya

d)

Pagpapalakas ng kontrol ng Partido Komunista

40.

Sa ilalim ng patakarang Perestroika, isinagawa ang mga reporma sa agrikultura, industriya, at kalakalang panlabas. Ano ang pangunahing layunin ng patakarang ito na ipinatupad ni Mikhail Gorbachev?

a)

Pagsasaayos ng ekonomiya at politika ng USSR

b)

Pagpapalakas ng militar laban sa Estados Unidos.

c)

Pagpapanatili ng sentralisadong kontrol sa ekonomiya.

d)

Pagpapatibay ng sistemang komunismo sa Silangang Europa.

41.

Sa panahon ng reporma ni Gorbachev, ipinatupad ang Glasnost upang baguhin ang pamahalaan. Bakit mahalaga ang Glasnost sa pagbuwag ng USSR?

a)

Nagpatibay ng kontrol ng Partido Komunista

b)

Nagpalakas ng ekonomiya nang walang hamon

c)

Naggipil sa pag-usbong ng mga kilusang nasyonalista

d)

Nagbigay-daan sa kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag

42.

Sa pagpapatupad ng Perestroika, nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya ng USSR. Ano ang kaugnayan ng Perestroika sa pagbagsak ng ekonomiya ng USSR?

a)

Nagpalakas ito ng kontrol ng pamahalaan sa produksyon

b)

Nagdulot ito ng desentralisasyon na humantong sa kaguluhan

c)

Naggipil ito sa paglitaw ng mga alternatibong puwersang pampolitika

d)

Nagpahirap ito ng mamayan na kalaunan ay nagbagsak sa ekonomiya.

43.

Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang USSR ay binubuo ng 15 republika ngunit pinamumunuan ng Russia bilang pangunahing estado. Ano ang ipinahihiwatig ng ganitong estruktura ng pamahalaan?

a)

Pinatibay nito ang posisyon ng USSR bilang isang pandaigdigang superpower

b)

Pinanatili nito ang pagkakaisa ng mga republika sa ilalim ng sosyalistang ideolohiya

c)

Pinatibay nito ang sentralisadong kapangyarihan ng Communist Party of Soviet Union

d)

Pinahusay nito ang koordinasyon ng mga patakarang pampolitika at pang-ekonomiya

44.

Ang pamahalaang komunista ng USSR ay naglayong iwasan ang pakikidigma at palakasin ang sosyalismo. Ano ang ipinapakita ng ganitong layunin tungkol sa estratehiya ng pamahalaan bago ang digmaan?

a)

Pinahalagahan nito ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon

b)

Pinalakas nito ang posisyon ng USSR laban sa mga banta mula sa labas

c)

Pinatibay nito ang ideolohiya ng komunismo bilang gabay sa pamamahala

d)

Pinahusay nito ang ugnayan ng mga republika upang mapanatili ang pagkakaisa

45.

Ang Civil Rights Movement ay isang malawakang protestang naganap upang labanan ang pagkakawatak-watak ng lahi at diskriminasyon sa bahaging Timog ng Estados Unidos. Sino ang kilalang pinuno na nanguna sa mapayapang protesta para sa pantay na karapatan?

a)

Deng Xiaoping

b)

Lech Walesa

c)

Martin Luther King Jr.

d)

Nelson Mandela

46.

Ang Apartheid ay isang patakaran ng paghihiwalay ng lahi na ipinatupad sa South Africa. Sa pagtatapos ng sistemang ito, sino ang naging unang Black President ng bansa?

a)

Hu Yaobang

b)

Lech Walesa

c)

Martin Luther King Jr.

d)

Nelson Mandela

47.

Ang Anti-Apartheid Movement ay isang kilusan na nakatuon sa paglaban sa sistemang Apartheid at paglayâ ng lahing itim sa Timog Africa mula sa diskriminasyon. Paano nakatulong ang kilusang ito sa pagtataguyod ng demokrasya?

a)

Nagpatibay ng paghihiwalay ng lahi at pag-iral ng diskriminasyon

b)

Nagpalakas ng kapangyarihan ng isang lahi sa pamahalaan at lipunan

c)

Nagbigay-daan sa pagkakapantay-pantay ng lahi at pagtatapos ng diskriminasyon

d)

Nagpausbong ng mga patakarang nagtataguyod ng karapatan at kalayaan ng mga Black Africans

48.

Ang Tiananmen Square Protest ay isang malaking demonstrasyon na naganap sa Beijing, China, noong Abril hanggang Hunyo 1989 na pinangunahan ng mga estudyante, intelektuwal, at karaniwang mamamayan na nananawagan para sa pagbabago. Ano ang ipinahayag ng demonstrasyong ito?

a)

Pagpigil sa pag-usbong ng demokrasya

b)

Pagpapanatili ng sistemang awtoritaryan

c)

Pagpapatibay ng kontrol ng Communist Party

d)

Paghahangad ng repormang pampolitika at kalayaan

49.

Nagkaroon ang mga kilusan para sa pagbabago tulad ng Civil Rights Movement sa Amerika at Anti-Apartheid Movement sa South Africa. Ano ang kanilang pagkakatulad sa pagtataguyod ng demokrasya?

a)

Parehong nagpatibay ng segregasyon sa lipunan

b)

Parehong nagtaguyod sa karapatan ng mga minorya

c)

Parehong nagpalakas sa kolonyalismo sa kanilang bansa

d)

Parehong gumamit ng mapayapang paraan upang wakasan ang diskriminasyon

50.

Ang Solidarity Movement sa Poland ay isang kilusang paggawa at pampulitika sa Poland na naging malaking puwersa sa pagbagsak ng komunismo sa Silangang Europa. Paano ito nakatulong sa pagbagsak ng Komunismo sa Silangang Europa?

a)

Nagbigay-daan sa paglakas ng totalitaryong pamahalaan sa Poland

b)

Nagbigay-daan upang tumibay ang kontrol ng Soviet Union sa rehiyon

c)

Nagbigay-daan sa pag-usbong ng demokratikong pamahalaan at malayang halalan

d)

Nagbigay-daan upang mapigilang ang pag-usbong ng karapatan ng mga manggagawa