NEW
Font size
WorksheetsPage 1
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kagamitang ginagamit upang putulin ang tela?
aspile
gunting
karayom
panukat
Ano ang pangunahing kahulugan ng pananahi?
Pagkakabit ng tela gamit ang sinulid at karayom
Pagdidikit ng kahoy upang makagawa ng bagay
Pag-aayos ng mga sirang gamit sa bahay
Pagluluto ng pagkain para sa pamilya
Bakit itinuturing na mahalaga ang pananahi sa pang-araw-araw na buhay?
nakakatulong ito sa maayos na pagsunod sa mga hakbang
napauunlad nito ang kaalaman sa paggamit ng kagamitan
nakatutugon ito sa iba’t ibang pangangailangan sa gamit
nahuhubog nito ang kasanayan sa paglikha ng bagay
Ano ang ipinahihiwatig kapag ang isang mag-aaral ay nakapili ng tamang kagamitan para sa isang gawain sa pananahi?
Hindi niya nauunawaan ang proseso ng bawat gamit nito.
May pag-unawa siya sa wastong gamit ng bawat kagamitan.
Mas gusto niyang gumamit ng maling kagamitan.
Mas mabilis siyang magtahi kapag gumamit ng kagamitan.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting gawin kapag nahihirapan kang ipasok ang sinulid sa maliit na butas ng karayom?
Gumamit ng needle threader upang mas madali mong maipasok ang sinulid.
Putulin ng kaunti ang dulo ng sinulid upang mas maayos itong maipasok.
Pumili ng karayom na halos kapareho ng laki ngunit mas malinaw ang butas.
Iayos at patuwirin ang dulo ng sinulid gamit ang iyong daliri bago ipasok.
Habang tinatahi ang dalawang piraso ng tela, madalas itong dumudulas at hindi nagsasabay. Ano ang dapat mong gamitin?
Gunting upang ipitin ang tela
Aspile upang ipitin ang tela
Plantsa upang dumikit ang tela
Karayom upang pagdikitin ang tela
Gagawa ka ng maliit na bag na gawa sa tela. Ano ang unang kagamitang dapat mong gamitin upang masukat ang tamang haba bago ito gupitin?
karayom
aspile
sinulid
medida
Habang tinatahi mo ang manggas, napansin mong masyadong magaspang ang gilid ng tela. Anong kagamitang ang dapat mong gamitin upang pakinisin ito bago magtahi?
aspile
karayom
pinking shears
sinulid
Habang naggugupit ka ng tela, napansin mong hindi pantay ang mga gilid kahit tama ang gunting na ginamit. Ano ang maaaring naging sanhi rito?
Masyadong mabilis ang paggupit
Mali ang uri ng sinulid
Hindi tuwid ang pagkakatupi ng tela
Mali ang kulay ng tela
Alin sa mga sumusunod ang tamang hakbang bago maggupit ng tela upang matiyak na tama at tuwid ang hiwa?
Hulaan ang sukat at markahan ito
Sukatin muna gamit ang medida
Gupitin agad para makatipid sa oras
Gumamit ng anumang gunting na makita
Gumawa ka ng simpleng pitakang tela. Ano ang tamang hakbang sa pagbuo ng disenyo bago magsimula?
Gumuhit ng pattern at ilista ang mga kagamitan kakailanganin
Gupitin agad ang tela kahit hindi pa nasusukat nang tama
Tahihin ang mga bahagi nang hindi muna gumagawa ng plano
Piliin ang karayom at sinulid kahit hindi pa nakikita ang tela
Ano ang tawag sa tahi na ginagamit upang pansamantalang pagdugtungin ang dalawang tela?
running stitch
back stitch
blanket stitch
basting stitch
Ano ang tawag sa basic hand stitch na ginagamit para gawing matibay ang tahi?
blanket stitch
running stitch
basting stitch
backstitch
Ano ang unang dapat gawin bago magsimula sa basic hand stitching?
isabit ang damit sa sampayan
tahiin ang tela
ihanda ang sinulid at karayom
putulin agad ang tela
Habang tinatahi mo ang napigtas na bulsa ng iyong uniporme, napansin mong hindi pantay ang iyong tahi. Ano ang dapat mong gawin upang maitama ito?
Ituloy ang pagtahi kahit hindi pantay upang matapos agad
Alisin ang maling tahi at simulan muli nang maingat
Gupitin ang tela upang mawala ang maling bahagi
Palitan ang kulay ng sinulid para hindi makita ang mali
Ano ang dapat mong gawin kapag nakabuhol ang sinulid dahil masyado itong mahaba habang ikaw ay nagtatahi?
Hayaan mabuhol dahil hindi naman ito halata
Ipagpatuloy ang pagtatahi at takpan na lamang ito
Patigasin ang sinulid gamit ang tubig para hindi mabuhol
Gupitin ang sinulid at bawasan ang haba bago ipagpatuloy
Habang nagsusulsi ka ng napigtas na manggas, napansin mong mahirap ipasok ang karayom sa tela. Ano ang dapat mong gawin?
Gumamit ng karayom na mas matulis at angkop sa kapal ng tela
Itulak nang malakas ang karayom kahit masakit
Basain ang tela upang lumambot at ipagpatuloy ang pagtatahi
Baluktutin ang karayom upang pumasok agad at ituloy ito
Habang sinusuri mo ang tahi sa laylayan ng pantalon, napansin mong may ilang bahagi na maluwag at may bahagi namang masiksik. Alin ang naging dahilan nito?
Mali ang ginamit na kulay ng sinulid
Hindi pantay ang paghila ng sinulid
Masyadong maiikli ang sinulid na ginamit
Mali ang direksyon ng paghawak sa tela
Habang tinatahi ang laylayan ng damit, napansin mong hindi pantay at madaling matanggal ang tahi. Ano ang naging sanhi nito?
Hindi pare-pareho ang pagitan ng bawat tahi
Masyadong maliwanag ang ilaw sa lugar
Mali ang kulay ng sinulid na ginamit
Maiksi lamang ang sinulid na ginamit
Habang sinusuri mo ang tahi sa tagiliran ng palda, napansin mong may nakausling sinulid sa dulo. Ano ang posibleng dahilan kung bakit lumuwag ang bahagi ng tahi?
Kulang ang ilaw sa lugar ng pagtatahi
Sobrang haba ng tela kaya nabatak
Mali ang napiling kulay ng sinulid
Hindi naitali nang maayos ang huling buhol
Napansin mong hirap kang ipasok ang sinulid sa karayom at madalas itong mapatid habang tinatahi. Ano ang maaaring dahilan nito?
Ang laki ng karayom at uri ng sinulid na ginamit
Paikliin ang sinulid na ginagamit sa pagtahi
Kailangang pahabain ang sinulid upang gumanda
Masyadong makapal ang sinulid para sa karayom
Gagawa ka ng simpleng bag para sa lapis gamit ang basic hand stitch. Ano ang wastong hakbang bago simulan ito?
Iguhit ang pattern at sukatin ang tela para sa bag
Simulan agad ang pagtahi kahit walang plano
Punitin ang tela nang mano-mano upang bumuka
Kulayan muna ang tela bago tahiin
Ano ang tawag sa bahagi ng makina na humahawak at nagpabababa sa karayom?
hand wheel
spool pin
needle bar
presser bar
Alin sa mga sumusunod na bahagi ng makina ang kumokontrol sa galaw ng tela habang tinatahi?
bobbin case
spool pin
hand wheel
presser bar
Bago ka magsimulang manahi ng punda ng unan, ano ang tamang gawain upang masiguro ang ligtas na paggamit ng makina?
Pindutin ang foot pedal upang makita ang bilis
Ikabit agad ang tela upang hindi gumalaw
Gumamit ng pinakmabilis na takbo ng makina
Suriin ang kable at ikabit nang maayos ang plug
Habang inaayos mo ang makina, kailangang mong ipahinga pansamantala ang tela upang hindi gumalaw. Ano ang dapat mong gawin?
Ibaba ang presser foot upang maipit ang tela.
Iangat ang hand wheel para huminto ang makina.
Tanggalin ang bobbin case at ihinto ang paggamit.
Putulin ang sinulid bago itigil ang pagtatahi.
Habang gamit ang makina, napansin mong gumagalaw ang tela kahit hindi mo pa pinipindot ang foot pedal. Ano ang dapat mong gawin?
Suriin kung naka-off ang power switch.
Dagdagan ang bilis ng makina.
Hilahin nang malakas ang tela.
Iataas at ibaba ang presser foot.
Gumagawa ka ng simpleng table napkin. Matapos sukatin ang tela, ano ang susunod na hakbang bago ito idaan sa makina?
Gupitin nang hindi sinusukat
Ikot agad ang hand wheel nang mabilis
Itupi ang gilid at ipitin gamit ang aspile
Ikabit agad sa presser foot
Napansin mong maluwag ang tahi sa ibabaw ng tela. Alin sa mga sumusunod na bahagi ang dapat mong ayusin upang maitama ang higpit?
needle bar
feed dog
bobbin case
slide plate
Gagamit ka ng bagong sinulid at kailangan mo itong ipadaan sa mga gabay. Aling bahagi ang unang dinaanan ng sinulid mula sa spool?
thread guide
bobbin winder
feed dog
slide plate
Aling bahagi ng makinang panahi ang paandarin upang gumalaw ito?
needle bar
thread guide
bobbin case
balance wheel
Alin sa mga bahagi ang nagpapagalaw sa makina kapag tinatapakan ang treadle?
pitman rod
belt
band wheel
belt guide
Kapag hindi gumagana ang feed dog, ano ang unang mapapansin habang nagtatahi?
Hindi uusad ang tela
Ang karayom ay hindi ikot
Babagal ang band wheel
Lalakas ang tunog ng makina
Ano ang epekto kung hindi nakaayos ang bobbin sa bobbin case?
Iikot nang mas mabilis ang treadle
Hindi magiging pantay ang tahi
Hihinto ang paggalaw ng belt
Bababa ang presser foot
Alin sa mga sumusunod na bahagi ang titingnan kapag hindi maayos ang pagpasok ng sinulid sa karayom?
bobbin
throat plate
thread guide
slide plate
Napansin mong kahit umiikot ang band wheel ng makinang panahi, hindi pa rin gumagalaw ang karayom. Ano ang maaring dahilan nito?
Hindi nailagay nang tama at mahigpit ang karayom
Hindi nailagay nang tama ang kulay ng sinulid
Hindi naayos ang lamesa ng pananahi
Hindi naitupi nang pantay at maayos ang tela
Ano ang tawag sa sinulid na ginagamit sa pagbuburda?
crochet thread
sewing yarn
ribbon cord
embroidery floss
Ano ang pangunahing gamit ng embroidery needle?
pantupi ng tela
panghiwa ng tela
pangbutas at pangpasok ng sinulid
pantanggal ng tahi
Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit upang maputol nang malinis ang sinulid?
scissors
fabric marker
needle threader
embroidery frame
Habang nagbuburda ka, napansin mong mahirap ipasok ang sinulid sa butas ng karayom. Anong kagamitan ang dapat gamitin?
thimble
needle threader
scissors
embroidery floss
May simple kang disenyo ng bulaklak. Anong uri ng tahi ang akma para sa paggawa ng bilog na petals?
backstitch
running stitch
satin stitch
french stitch
Paano mo magagamit nang tama ang fabric marker habang naghahanda sa pagbuburda?
Magbalangkas muna ang disenyo sa tela bago magtahi
Gumuhit nang direkta sa karayom
Gumuhit sa tela gamit lapis na hindi natatanggal
Huwag gumamit ng marker; tantyahin na lang
Kapag gumagamit ka ng embroidery floss, alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng paghawak dito habang nagtatahi?
Hayaan mabuhol at kusang humaba
Panatilihing tuwid at hindi baluktot ang sinulid
Basain muna ang sinulid bago tahiin
Hayaan sumayad ang buong sinulid sa mesa
Kung madulas ang tela, anong paraan ang tamang gawin upang magpatuloy sa pagbuburda nang hindi nagkakaroon ng gusot?
Huwag nang gumamit ng hoop
Higpitan nang tama ang embroidery hoop
Gumamit ng mas maikling sinulid
Palitan ang karayom ng mas makapal
Habang nagbuburda, may estudyanteng nakakita ng maliliit na puwang sa pagitan ng stitches. Ano ang posibleng dahilan nito?
Masyadong malalaki ang pagitan ng bawat tusok
Masyadong mahigpit ang hoop
Makapal ang tela ng pagkakatahi
Madiin ang pagkakasulat ng pattern
Anong bahagi ang dapat tingnang mabuti kapag natatanggal ang tahi mula sa tela kahit maayos ang pagtatahi?
needle threader
pincushion
fabric marker
uri ng tela
Habang nagbuburda, napansin mong kumakapal at naging manipis ang tahi sa ilang bahagi ng disenyo. Ano ang naging sanhi rito?
haba ng tela
lakas ng paghila sa sinulid
laki ng embroidery hoop
dami ng karayom sa pincushion
Kapag ang design marker lines ay hindi nasusundan ng stitches, ano ang posibleng dahilan?
Mali ang ibabaw ng mesa
Mali ang tela na ginamit
Masyadong makapal ang sinulid
Maluwag ang hoop kaya gumagalaw ang tela
Kapag ang pagbuo ng disenyo ay nagmukhang tabingi kahit pantay ang pattern, ano ang dapat pagtuunan ng pansin dito?
kung tama ang direksiyon ng pagpasok ng karayom
kung bago ang telang ginamit sa paggawa ng burda
kung manipis ang hoop at kailangang itong palitan
kung matalas ang gunting at maaaring putulin ang tela
Habang nagbuburda, napansin mong mas mabilis mapunit ang tela sa bahagi kung saan ka nagtatahi. Ano ang unang dapat mong suriin?
kung bago ang sinulid
B. kung tama ang laki ng karayom
Dami ng karayom sa pincushion
Kulay ng fabric marker
