Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3rd Quarter AP Reviewer

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang pag-aaral ng kabuuang dimensyon ng ekonomiya katulad ng pambansang kita at daloy ng salapi.

a)

Mikroekonomiks

b)

Makroekonomiks

c)

Applied Ekonomiks

d)

Selected Ekonomiks

2.

Alin sa mga aktor ng ekonomiya ang bumubuo sa mga salik ng produksyon na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo?

a)

Sambahayan

b)

Bahay Kalakal

c)

Pamilihan

d)

Panlabas na Sektor

3.

Alin sa mga sumusunod na kasanayan ang itinuturo sa atin sa simpleng ekonomiya?

a)

Pagtatrabaho

b)

Paggawa ng gawaing bahay

c)

Pagtatanim

d)

Wala sa nabanggit

4.

Bakit may mga pamilihang pinansyal sa ekonomiya?

a)

Upang dumami ang pera ng mga tao

b)

Upang mabilis maubos ang pera nila

c)

Upang magkaroon sila ng makukuhanan at mahihiraman

d)

Lahat ng nabanggit

5.

Paano nakatutulong ang panlabas na sektor sa isang ekonomiya?

a)

Dumadami ang mga produktong lumalabas papunta sa ibang bansa

b)

Lumalaki ang kita ng bansa dahil sa mga produktong lumalabas ng bansa

c)

Nasusuri ang mga taripang nadadagdag sa kita ng bansa

d)

Lahat ng nabanggit

6.

Bakit mahalaga ang public revenue o pagkolekta ng buwis sa ekonomiya?

a)

Dahil responsibilidad ito bilang isang mamamayan

b)

Dahil ginagamit ito ng pamahalaan sa pag gawa ng mga programa

c)

Dahil mas tataas ang malilikom na pondo ng pamahalaan

d)

Dahil mabibigyan ng mataas na pondo ang bawat ahensiya ng pamahalaan

7.

Nagkaroon ng di inaasahang pangyayari at kinailangan mo ng salapi ngunit ang mayroon lang sa iyo ay isang gintong kwintas na lubhang mahalaga sa iyo. Paano mo ito mapakikinabangan?

a)

Ibenta ang gintong kwintas

b)

Gawin mong papremyo sa isang raffle

c)

Ipahiram sa kamag-anak kapalit ng salapi

d)

Isangla ang kwintas sa pawnshop

8.

Magbubukas ako ng panibagong negosyo. Saang pamilihan ako kukuha ng mga materyales kung ibabase sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?

a)

Pamilihang Pinansyal

b)

Pamilihan ng Salik ng Produksyon

c)

Pamilihang Panlabas

d)

Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod

9.

Paano umiikot ang salapi, produkto at serbisyo sa ikaapat na modelo ng pambansang ekonomiya?

a)

Nagbabayad ang mamamayan ng buwis sa pamahalaan

b)

Nagpapahiram ng salapi ang mga bangko sa mga taong nangangailangan

c)

Kumukuha ng mga trabahador na kung saan ay binibigyan sila ng sweldo

d)

Pumapasok ang mga taripa galing sa mga produktong ibinebenta sa labas ng bansa

10.

Bakit bumibili ang mga mamamayan sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod?

a)

Upang makakuha sila ng mga makinang gagamitin sa produksyon

b)

Upang mapunuan ang mga salik ng produksyon

c)

Upang magagamit ang mga pangangailangan at kagustuhan

d)

Upang makinabang ang mga bahay-kalakal sa ibinebenta

11.

Bakit konektado ang bahay-kalakal sa sambahayan?

a)

Dahil umaasa ang mga ito sa isa’t-isa para matugunan ang mga pangangailangan

b)

Dahil may benepisyo nakukuha ang sambahayan sa pagtugon sa bahay-kalakal

c)

Parehong nakikinabang ang dalawang aktor sa ekonomiya

d)

Wala sa nabanggit

12.

Bakit nagbabayad ang mga tao ng buwis sa pamahalaan?

a)

Upang mangipondo ng pamahalaan sa mga personal na gastusin ng mga empleyado

b)

Upang magawa ang responsibilidad bilang bahagi ng lipunan

c)

Upang magamit na pondo sa mga proyekto at programa para sa mga tao

d)

Upang lumaki ang sweldo ng mga tauhan at politiko sa pamahalaan

13.

Alin sa mga sumusunod ang simbolo ng bahay‑kalakal?

a)

Larawan ng tao

b)

Larawan ng bahay

c)

Larawan ng pabrika

d)

Larawan ng kahon

14.

Ito ang kabuuang halaga ng mga tinatanggap na kita ng pambansang ekonomiya.

a)

Economic Performance

b)

Implasyon

c)

Pambansang Kita

d)

Gross Domestic Product

15.

Bakit sinusukat ang kita ng isang bansa?

a)

Upang malaman ang kabuuang halaga ng kita sa bansa

b)

Upang masukat ang pag‑unlad ng ekonomiya ng isang bansa

c)

Upang gamitin ng pamahalaan sa kanilang mga ulat

d)

Upang gawing basehan ng mga batas na ipapasa

16.

Ilan ang total weighted price ng mga sumusunod na produkto: Baboy = 360, Isda = 200, Manok = 230, Gulay = 120?

a)

910

b)

920

c)

230

d)

120

17.

Ilan ang inflation rate kung CPI noong 2023 ay 156156 at 112112 naman ang CPI noong 2022?

a)

37%

b)

38%

c)

39%

d)

40%

18.

Ano ang pinagkaiba ng GDP sa GNP?

a)

Ang GNP ay kabuuang kita sa labas ng bansa samantalang ang GDP naman ay kabuuang kita sa loob ng bansa

b)

Ang GNP ay halaga ng kita ng produkto sa loob at labas ng bansa samantalang ang GDP naman ay sa loob lamang

c)

Mas malaki ang kinikita sa GND kumpara sa GNP ng isang bansa

d)

Lahat ng nabanggit

19.

Kompyutin ang GNI mula sa mga sumusunod na datos: C=15,333C=15{,}333 , G=12,549G=12{,}549 , I=7,492I=7{,}492 , X=10,559X=10{,}559 , M=5,483M=5{,}483 , NFIA=3,299NFIA=3{,}299 .

a)

54,709

b)

49,226

c)

43,743

d)

41,574

20.

Ito ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng isang kalakal o serbisyo sa isang takdang panahon.

a)

Pambansang Kita

b)

Implasyon

c)

Patakarang Piskal

d)

Patakarang Pananalapi

21.

Tuwing kailan natin sinusukat ang antas ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin?

a)

2 taon

b)

1 taon

c)

2 buwan

d)

1 buwan

22.

Nakasasama ba sa PPP ang implasyon?

a)

Oo, dahil humihina ang kakayahan ng perang bumili ng mga produkto at serbisyo

b)

Oo, dahil naaabuso ng mga negosyante ang pagtaas ng presyo ng mga produkto

c)

Hindi, dahil sa katunayan ay nakatutulong ito sa pag‑unlad ng bansa

d)

Hindi, dahil maraming mamimili ang nakapagdagdagdag ng mga produktong kanilang nais

23.

Bakit nag‑aangkat ng mga produkto sa ibang bansa ang isang bansa tulad ng Pilipinas?

a)

Upang dumami ang suplay

b)

Upang bumaba ang presyo ng bilihin

c)

Upang mapunan ang kakulangan

d)

Lahat ng nabanggit

24.

Bakit nakakaapekto sa implasyon ang cost‑push inflation?

a)

Dahil hindi nabibili ang mga ginawang produkto

b)

Dahil nasasayang ang mga hilaw na materyales

c)

Dahil iba ang nais na bilhin ng mga mamimili

d)

Dahil pira‑piraso kung bumili ang mga mamimili

25.

Paano nakararanas ng implasyon ang bansang Venezuela sa kasalukuyan?

a)

Bahagyang tumataas ang kanilang presyo ng mga bilihin

b)

Nagkaroon ng programa ang kanilang pamahalaan ukol sa implasyon

c)

Sobrang bilis tumaas ng presyo ng kanilang mga bilihin

d)

Lahat ng nabanggit

26.

Ilan ang inflation rate ng Venezuela noong 2024?

a)

6%

b)

60%

c)

160%

d)

260%

27.

Ano ang iyong mapapansin sa mga presyo ng bilihin noong 2019 sa presyo ngayong 2026?

a)

Lubhang tumaas ang presyo ng mga bilihin

b)

Hindi nagbago ang presyo ng mga bilihin

c)

Bumaba ang presyo ng mga bilihin

d)

Lubhang bumaba ang presyo ng mga bilihin

28.

Anong uri ng implasyon ang nararanasan ng Pilipinas sa kasalukuyan?

a)

Stag Inflation

b)

Galloping Inflation

c)

Hyperinflation

d)

Wala sa nabanggit

29.

Anong nangyayari kung tumataas ang palitan ng piso kontra US dollar?

a)

Napapantay ang estado ng salapi sa ating bansa

b)

Umuunlad ang ekonomiya ng ating bansa

c)

Bumabababa ang ekonomiya ng ating bansa

d)

Walang pagbabago sa ekonomiya ng ating bansa

30.

Naaapektuhan ba ang mga mayayaman sa implasyon?

a)

Oo, dahil hindi sila ligtas sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin

b)

Oo, dahil umunti ang kanilang mabibili dahil sa taas ng presyo ng bilihin

c)

Hindi, dahil barya lang sa kanila ang pagtaas ng presyo ng bilihin

d)

Hindi, dahil marami silang pera para bilhin ang mga gusto nila

31.

Ano ang ibig sabihin ng larawang inilalarawan (lobo at tao) tungkol sa implasyon at ekonomiya?

a)

Habang lumalaki ang lobo ay pumapayat ang tao

b)

Habang tumataas ang presyo ay nahihina ang ekonomiya

c)

Mas malaking inflation, mas malaking ekonomiya

d)

Hindi kailangang palakihin ang implasyon para lumiit ang ekonomiya

32.

Kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo, paano mo malalabanan ang implasyon?

a)

Kumuha ng karagdagang manggagawa para bumilis ang produksyon

b)

Siguraduhing maunti o walang nasasayang na hilaw na materyales

c)

Ibenta ang mga produkto sa online o gamit ang social media

d)

Panatilihin ang mga taong palaging nabili sa iyo ng mga produkto

33.

Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis.

a)

Pambansang Kita

b)

Implasyon

c)

Patakarang Piskal

d)

Patakarang Pananalapi

34.

Bakit binibigyan ng prioridad ng pamahalaan ang sektor ng edukasyon?

a)

Dahil nakalagay sa batas na kailangang bigyan ng pinakamalaking pondo ang edukasyon

b)

Dahil kailangan ng bansang magpatayo ng mga silid-aralan

c)

Dahil tumataas ang ekonomiya kapag malaki ang pondo sa edukasyon

d)

Dahil malaki ang demand ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon

35.

Kung ang isang toothpaste ay nagkakahalagang 6060 , ilan ang VAT nito?

a)

6.26.2

b)

7.27.2

c)

8.28.2

d)

9.29.2

36.

Paano nakatutulong ang expansionary fiscal policy sa mga bansang papaunlad pa lang tulad ng Pilipinas?

a)

Napararami nito ang bilang ng demand sa bansa

b)

Napalalaki nito ang bilang ng trabaho sa bansa

c)

Napapaliit nito ang problema ng bansa

d)

Napalalaki nito ang populasyon ng isang bansa

37.

Saang ahensya nakatalaga ang paglalaan ng pondo sa pambansang badyet?

a)

DOF

b)

DBM

c)

DepEd

d)

DOH

38.

Bago maging pinal at maisabatas ang GAA, alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng proseso para rito? I. Presidente II. Senado III. Budget Call IV. Kongreso

a)

II, I, III, IV

b)

III, IV, I, II

c)

IV, II, III, I

d)

III, IV, II, I

39.

Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi.

a)

Pambansang Kita

b)

Implasyon

c)

Patakarang Piskal

d)

Patakarang Pananalapi

40.

Anong institusyon ang lumilikha ng ating mga salapi?

a)

Land Bank of the Philippines (LBP)

b)

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

c)

Bank of the Philippine Islands (BPI)

d)

Banco de Oro (BDO)

41.

Bakit hindi lumilikha ng maraming pera ang isang bansa?

a)

Upang walang magamit na pera ang mga tao

b)

Upang hindi bumaba ang halaga ng pera

c)

Upang mapalaki ang antas ng palitan laban sa dolyar

d)

Upang mapabilis ang pagtaas ng buwis sa mamamayan

42.

Paano nakakatulong ang contractionary money policy sa isang bansa?

a)

Napataas nito ang bilang ng supply sa bansa

b)

Napapabagal nito ang paglobo ng ekonomiya

c)

Napararami nito ang bilang ng mga trabaho

d)

Napalaki nito ang populasyon ng isang bansa

43.

Kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang pampublikong institusyon, saang institusyon ka kukuha ng seguro/insurance?

a)

SSS

b)

GSIS

c)

Cebuana

d)

BSP

44.

Aling bangko ang naglalayong itaguyod ang pagpapatupad ng reporma sa lupa?

a)

Land Bank of the Philippines (LBP)

b)

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

c)

Bank of the Philippine Islands (BPI)

d)

Banco de Oro (BDO)

45.

Ito ang medium of exchange kung saan ginagamit upang makakuha ng mga produkto at serbisyo.

a)

Produkto

b)

Card

c)

Salapi

d)

Permit

46.

Bakit kailangang matuto ang isang tao na gumamit ng bangko kaugnay sa ating mga ipon?

a)

Upang maitabi ang ating mga savings

b)

Upang lumaki at tumubo ang ating savings

c)

Upang lumaki ang kita ng mga bangko

d)

Upang makautang tayo sa mga bangko

47.

Paano natin maiingatan ang ating mga bank records at accounts?

a)

Palaging i-update ang mga ito

b)

Ipaalam sa bangko kung may pagbabago sa detalye

c)

Ingatang huwag maiwala ang mga ito

d)

Lahat ng nabanggit

48.

Paano kikita ang isang tao sa stock market?

a)

Paghihintay ng pagtaas ng presyo bago ibenta ang stock

b)

Pagpaparami ng bilang ng mga stock sa isang tao

c)

Pagtingin sa pagkalugu ng isang kumpanya bago bumili ng stock

d)

Pagdaragdag ng kumpanyang bibilhan ng mga stock

49.

Paano nakatutulong ang investment?

a)

Naitatabi mo ang iyong pinag-ipunan

b)

Naiiwasan mong maiwala ang iyong ipon

c)

Nagiging ligtas ito mula sa mga kawatan

d)

Mas lumalaki at dumadami ang iyong ipon

50.

Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit nagsasara ang bangko maliban sa isa. Ano ito?

a)

Dahil wala nang nag-iimpok sa bangko

b)

Dahil mas gusto na nila mag-impok online

c)

Dahil walang maayos na paglilista sa transaksyon

d)

Dahil malayo ang bangko sa mga tao