Font size
WorksheetsDEMO QUIZ
Total questions: 1
Worksheet time: 7mins
Piliin ang salitang LIGTAS kung ang kilos ay nagpapakita ng tamang Netiquette at Responsableng Pamamahayag.
Piliin naman ang PANGANIB kung ang kilos ay maaaring makasakit o magkalat ng maling impormasyon.
Tiningnan ni Maria ang petsa ng balita bago niya ito i-share dahil baka luma na ang impormasyong ito.
LIGTAS
PANGANIB
Nag-post si Joshua ng "blind item" o parinig sa Facebook tungkol sa kaklaseng kinaasaran niya.
LIGTAS
PANGANIB
Agad na ini-report ni Ana ang isang post na nagpapakita ng karahasan at maling balita.
LIGTAS
PANGANIB
Nag-reply si Kiko ng masasamang salita sa isang taong nag-comment ng negatibo sa kanyang profile picture.
LIGTAS
PANGANIB
Tinatanong muna ni Carla ang kanyang magulang o guro bago siya maniwala sa mga nababasa sa TikTok.
LIGTAS
PANGANIB
Ibinahagi ni Ben ang kanyang password sa internet cafe dahil nagmamadali siyang umuwi.
LIGTAS
PANGANIB
Binura ni Mark ang isang post niya nang mapagtanto niyang galing ito sa isang pekeng account.
LIGTAS
PANGANIB
Gumamit si Sarah ng magagalang na salita gaya ng "Salamat po" at "Pasensya na" habang nakikipag-chat sa group chat ng klase.
LIGTAS
PANGANIB
Pinindot ni Jayson ang isang link na nagsasabing nanalo siya ng iPhone kahit wala naman siyang sinalihang contest.
LIGTAS
PANGANIB
Sinisiguro ni Rina na balanse ang kanyang post at hindi siya kumikiling sa isang panig lamang ng usapan.
LIGTAS
PANGANIB
