NEW
Font size
Worksheetsap9 q3
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Anong sektor ang may mahalagang ugnayan at gawain sa paikot na daloy ng ekonomiya?
Agrikultura
Ekonomiya
Industriya
Paggawa
Anong sektor ang kabilang sa paikot na daloy ng ekonomiya na pinanggagalingan ng lupa, paggawa, at kapital?
pamahalaan
pamilihang pinansiyal
pamilihan ng salik ng produksyon
pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Bakit sinasabing isang payak o simpleng ekonomiya ang presentasyon ng unang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ang bahay-kalakal at pamahalaan ay iisa
Ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa
Ang pamahalaan at bahay –kalakal ay iisa
Ang sambahayan at pamilihang pinansyal ay iisa
Ano ang nakapaloob sa ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal sa pamahalaan na ginagamit ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong pampubliko?
pagkolekta ng buwis
pagpapatupad ng batas
pagpapatakobo ng negosyo
pagpataw ng parusa sa mga nagkakasala
Sino ang itinuturing na nagmamay-ari ng salik ng produksyon?
Bangko
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Sambahayan
Paano mailalarawan ang relasyon ng bahay-kalakal at sambahayan sa paikot na daloy?
Dependency
Interdependence
Interrelation
Parasitism
Ano ang nagaganap kapag kailangang kumuha ng sambahayan ng produkto at serbisyo mula sa pamilihan ng produkto at serbisyo?
Pag-iimpok
Pamuhunan
Pagkonsumo
Pagkakautang
Anong sangay ng ekonomiks ang nakatuon sa pag- aaral ng kabuuan ng pang-ekonomikong kalagayan ng buong lipunan?
Makroekonomiks
Maykroekonomiks
Paraekonomiks
Sosyoekonomiks
Anong gawain ng sambahayan ang paglalagak nila ang bahagi ng kanilang kita sa bangko?
Pagbebenta
Pag-iimpok
Pamumuhunan
Pangungutang
Ano ang tawag sa kita ng pamahalaan na nakukuha mula sa buwis na nakokolekta ito?
Interes
Kapital
Public revenue
Tariff
Si Mrs. Park ay isang Koreana na nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinikita dito sa Pilipinas kahit na siya ay isang Koreana?
Sa Gross Domestic Product ng Korea dahil mamamayan siya nito
Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kinikita
Sa Gross Domestic Product ng Korea at Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa?
Expenditure Approach
Gross Domestic Product
Gross National Income
Income Approach
Ayon kay Villegas at Abola (1992), mga Pilipinong Ekonomista, may tatlong paraan sa pagsukat ng Gross National Income. Alin ang hindi kabilang?
Income Approach
Expenditure Approach
Industrial Origin Approach
Expenditure-Income Approach
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto?
Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng GNI
Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI
Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa GNI
Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income (GNI) nito.
Bakit mahalagang sukatin ang pambansang kita ng bawat bansa?
Upang magkaroon ng datos ukol dito
Upang makaiwas sa pagkalugi ang mga negosyante
Upang magsilbing basehan kung sino ang pinakamayaman na bansa
Upang malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang pinagagamitan ng pera?
Ginagamit sa pagpapalago ng negosyo
Ginagamit upang matupad ang mga pangarap sa buhay
Ginagamit upang maubos at kumita pa ng mas maraming pera
Ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.
Halimbawang ikaw ay may ipon na limang libong peso (5,000.00) sa bangko, ano ang pinakamainam mong gawin upang lumago ito?
Ipapautang ito upang kumita ng interes
Ilagay sa mga investment programs ng bangko
Gawing puhunan sa uumpisahang negosyo
Manatiling savings account ng bangko upang hindi magastos or mawala ang ipon
Sa mga nagtatrabaho o mga empleyado, ano ang tawag sa natatanggap nilang kita?
renta
komisyon
suweldo o sahod
ganansiya o interest
Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring paglagakan o pag-lagyan ng ipon?
Stocks
Kontrata
Financial asset
Mutual bonds at bonds
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa kahalagahan ng savings?
upang maitago nang matagal ang pera at hindi ito magagastos
upang may mailagak sa mga financial intermediaries tulad ng bangko
upang magamit ng mga bangko ang ipon ng mga indibiduwal sa pagpapautang at pagpapahiram sa mga gustong mag-loan
upang ang mga nag-loan ay magagamit ang nahiram sa pagpapalago ng kanilang mga asset at mga negosyo
Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon?
Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe.
Mataas na halaga at bawas na produkto at serbisyo.
Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull?
Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente.
Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto.
Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit niya.
Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan ngayon.
Ano ang kahulugan ng Implasyon?
Pagtaas ng halaga ng salapi.
Pagbaba ng halaga ng salapi.
Pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng Implasyon?
Pamumuhunan
Pagiging magastos
Pag-aaral nang mabuti
Pagbili lamang ng mga kailangan
Alin sa mga sumusunod ang hindi tuwirang nakikinabang sa implasyon?
Mga speculator
Mga mangungutang
Mga may tiyak na kita
Mga may di tiyak na kita
Alin sa mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon?
Mga nag-iimpok
Mga nagpapautang
Mga nangungutang
Mga may tiyak na kita
Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema ng pananalapi ng iyong pamilya?
Huwag nang gumastos
Huminto muna sa pag-aaral
Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan
Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain
Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon?
Palaging mag shopping
Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan
Bilhin lang ang dapat bilhin at importante
Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphone
Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya.
Pagpapautang ng may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta.
Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya.
Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo.
Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
Aling patakaran ang tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya?
Patakarang Piskal
Patakarang Pananalapi
Patakarang Expansionary
Patakarang Contractionary
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya?
Bahay-Kalakal
Mamamayan
Pamahalaan
Sundalo
Bakit isinasagawa ng pamahalaan ang Patakarang Expansionary Fiscal?
Upang babagsak ang demand
Upang hihina ang produksiyon ng bahay-kalakal
Upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa
Upang liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo
Kapag ang kabuuang output ng ekonomiya ay mababa ng higit sa inaasahan at magdudulot ng pagbaba ng kabuuang demand dahil sa kawalan ng trabaho, anong paraan ang isasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya?
Contractionary Policy
Expansionary Policy
Patakarang Pananalapi
Patakarang Pisikal
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan para sa mga gastusin nito?
utang sa bangko
kita mula sa panlabas na sektor
buwis sa mga mamamayan at negosyo
pera mula sa pag-iimpok ng pamahalaan
Anong bangko ang itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa?
Bangko Sentral ng Pilipinas
Development Bank of the Philippines
Land Bank of the Philippines
Rural Banks of the Philippines
Sa anong ahensya ng gobyerno napasailalim ang Security and Exchange Commission?
Bangko Sentral ng Pilipinas
Department of Finance (DOF)
Development Bank of the Philippines
Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
Ano ang mangyayari kapag ang demand ay mas mabilis na tumaas kaysa produksiyon?
tataas ang presyo ng mga bilihin
bababa ang presyo ng mga bilihin
hindi tataas ang presyo ng mga bilihin
hindi tataas o bababa ang presyo ng mga bilihin
Ain sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng bangko?
GSIS
Rural Banks
Thrift Banks
Commercial Banks
Ano ang tawag sa institusyong di – bangko na itinatag upang magpautang sa mga taong madalas mangangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko?
pawnshop
kooperatiba
insurance companies
pre – need companies
