NEW
Font size
WorksheetsQuarter 3 AP6
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Anong suliranin at hamon ang magkatulad na hinarap ng bansa sa panahon ng administrasyong Roxas at Quirino?
Suliranin sa HukBaLaHap
Pagpapanatili ng pambansang seguridad
Kawalan ng tiwala ng taong bayan sa pamahalaan
Pagbabalik ng tiwala ng taong bayan sa kakayahan at katapatan ng pamahalaan
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Kung ipinatupad nang tama ang Bell Trade Act, alin sa sumusunod ang magiging epekto nito?
ang dalawang piso ay katumbas ng isang dolyar
pagtaas ng taripa sa mga inaangkat na produkto ng Pilipinas
hindi pantay na paggamit o pagkuha sa mga likas na yaman ng Pilipinas
pantay na karapatan ang Pilipinas at Estados Unidos sa usaping kalakalan
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Kung malayang nakakapasok ang produkto mula sa United States at mahigpit naman ang pagluluwas ng produkto mula rito sa Pilipinas, anong suliranin ang maaaring maging dulot nito?
mas lalago ang ating ekonomiya
mas tatangkilikin natin ang kanilang produkto
mas malaki ang kita ng US kaysa sa Pilipinas
mas mapapagtibay ang pagnenegosyo ng Pilipinas at United States
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Anong programa ni Pangulong Quirino ang lubos na ikakatuwa ng bawat kawani ng gobyerno kung ipapatupad sa kasalukuyan?
pagtatakda ng minimum wage
pagpapautang sa mga manggagawa
pagtaas ng sahod ng mga empleyado
pagpapaunlad sa sistema ng patubig o irigasyon
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Ang pag-angat ng kabuhayan ng bansa ang isa sa pangunahing suliraning kinaharap ni Pangulong Quirino. Ang mga sumusunod na programa ang kanyang sagot sa suliranin MALIBAN sa ____.
Pagtaas ng pasahod
Pagtatag ng mga bangko
Pagpapagawa ng mga lansangan
Pakikipag-kaibigan sa ibang bansa
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Aling suliranin ang hindi napagtagumpayang lutasin ni Pangulong Quirino na naging daan upang maipakita ni Magsaysay ang kanyang galing sa negosasyon?
Panggugulo ng mga Huk
kaguluhan sa mga lungsod
bako-bakong mga lansangan
problema ng mga magsasaka
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Kung ang Commission on National Integration ay patuloy hanggang sa kasalukuyan, sino ang mga higit na makikinabang?
katutubo
mahirap
matatanda
mayayaman
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Alin ang pangunahing layunin ng pamahalaan sa pagtatag ng pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat ng Tirahan at Pagsasaayos (National Resettlement and Rehabilitation Administration o NARRA)?
masolusyunan ang problema ng kahirapan
upang magkaroon ng maayos na tirahan ang mga Pilipino
masolusyunan ang problema sa laganap na issue sa squatting
upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga Pilipino
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Alin ang pinakamakasasayang epekto ng pagpapatupad ng Economic Development Corporation (EDCOR) ni Pangulong Magsaysay?
nawakasan ang korupsiyon sa pamahalaan
nagkaroon ng pagbabago sa ating ekonomiya
nahikayat na magbalik-loob sa pamahalaan ang mga komunista o rebelde
nabigyan ng kabuhayan ang bawat mamamayan upang masolusyunan ang kahirapan
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Anong pamagat ng aralin ang kinapapalooban ng Austerity Program ni Pangulong Garcia?
Pagmamahal sa pamilya
Tamang pakikipagkaibigan
Pangangalaga sa kapaligiran
Matalinong paggastos sa pera
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Kung sa kasalukuyan ipinatutupad ang Filipino First Policy ni Pangulong Garcia, alin ang HINDI papayagan ng gobyerno?
Pilipinong magtatayo ng Negosyo sa ibang bansa
Pilipinong magtatayo ng malalaking gusali sa lungsod
Dayuhan na magtatayo ng malalaking gusali sa sariling bansa
Dayuhan na magmamay-ari ng mga sikat na kainan sa ating bansa
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Bilang tinaguriang “Poor Boy from Lubao”, ano ang pinatunayan ni Pangulong Macapagal?
Mahirap man, maaaring maging presidente
Mga taga baryo ang maaaring maging presidente
Mayayaman lamang ang maaaring maging presidente
Mga nakapag-aral lamang ang maaaring maging presidente
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Anong suliranin ang pinakatinutukang lutasin ni Pangulong Macapagal na may kinalaman sa kabuhayan ng kanyang mga magulang?
Reporma sa lupa
Pagpapahalaga sa kasaysayan
Paggamit ng Wikang Pambansa
Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Sa panahon ni Pangulong Marcos, inilunsad ang mga programang pangkaunlaran. Ang mga sumusunod ay sumusuporta sa pahayag MALIBAN sa isa.
Paggawa ng mga tulay
Pagpapatayo ng mga paaralan
Pagkakaroon ng Miracle Rice
Pagdedeklara ng Martial Law
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Sa panahon ni Pangulong Marcos, kabilang ang Pilipinas sa pagtatag ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya. Ano ang tamang hinuha sa pahayag na ito?
Ang Pilipinas ay nakikipagtulungan
Ang Pilipinas ay nagsasariling bansa
Ang Pilipinas ay isang maunlad na bansa
Ang Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa karatig-bansa
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagpapatatatag ng Pangulong Roxas sa Rehabilitation Finance Corporation (RFC) MALIBAN sa isa.
pagpapautang ng puhunan sa maliliit na mangangalakal
pagpapautang para makabili ng lupa ang mga magsasaka
pagtulong sa mga tao at sa mga pribadong korporasyon na magbagong buhay
pagtulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga taong nais magpagawa ng sariling bahay
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Ang HUK ay tawag sa mga gerilyang sakapi sa HukBaLaHap. Sila ay beterano sa digmaan at hindi nakikiisa sa pamahalaan. Paano napasuko ang mga Huk noong administrasyong Magsaysay?
pagbibigay ng mga pagkain, gamot at damit sa mga Huk
pag-alok ng malawakang amnestiya sa mga kasapi ng Huk
pagpapalawak ng operasyong militar ng pamahalaan laban sa mga Huk
mabuting pakikitungo at pagbibigay ng mapayapang pamumuhay sa mga Huk
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Paano nakatulong ang programang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC) sa pagpapalapit ng mga mamamayan sa pamahalaan?
kusang lumapit ang mga mamamayan upang ihayag ang mga pangangailangan
binigyang kaluwagan ang mamamayan na punahin ang mga proyekto ng pamahalaan
nahikayat ang mamamayan na tumulong sa paggawa ng mga proyekto ng pamahalaan
binigyang kaluwagan ang pagpapahayag ng mga mamamayan sa kanilang pangangailangan
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Bakit ipinatupad ni Pangulong Magsaysay ang programang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Cooperative Marketing Association (FACOMA)?
magsilbing hiraman para sa mga maliliit na mangangalakal
magsilbing hiraman ng mga magsasaka para sa pambili ng sariling lupa
magsilbing hiraman para pambili ng mga pangangailangan sa pagsasaka
magsilbing hiraman para sa pagpapatayo ng patubig para sa mga magsasaka
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Anong pagbabago ang naging dulot sa mga mamamayang malayo sa lungsod ang pagpapatayo ng mga daan, tulay, poso artesyano at patubig noong administrasyong Magsaysay?
napaunlad ang pagsasaka
napabilis ang pag-unlad ng mga baryo
napalapit ang pangulo sa mamamayan
nakapagtatag ng unyon ang mga manggagawa
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Paano makatutulong ang programang National Marketing Corporation Act ni Carlos P. Garcia sa pangkabuhayan ng mga maliliit na Pilipinong mangangalakal?
nakakatulong sa pagbilí ng lupang sakahan
nakakatulong sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan
Nakututulong sa pagpapalago o pagpapalawak ng maliliit na negosyo
Nakutulong sa pakikipagkumpetensya ng mga Pilipino sa mga dayuhang mangangalakal
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang programang “Filipino First Policy” ay nabigyang pagkakataon ang mga Pilipino sa pangangalakal?
Nagkaroon ng perang pag gastos ang mga Pilipino
Nakapaglakbay ang ilang Pilipino gaya ng Bayanihan Dancers
Nakilala ang ilang Pilipinong matagumpay sa iba’t ibang larangan ng industriya
Nakilala ang mga kalinangang Pilipino sa telebisyon gaya ng katutubong awitin at sayaw
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Pinagtibay ng Pangulong Macapagal ang Reporma sa Lupa sa Batas Republika Blg. 3844. Paano ito nakatulong sa mga nangungupahang magsasaka?
ibinaba ang pursyento ng ani ng ibabayad ng nangungupahan sa may ari ng lupa
magkapantay ang pursyento ng ani ang ibabayad ng nangungupahan sa may ari ng lupa
nabigyang lupain ang mga magsasaka ng lupaing pag-aari ng dating inuupahan
nabigyang lupain ang mga nangungupahan magsasaka ng lupaing pag-aari ng pamahalaan
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Alin ang parehong natugunan ng programang Land Tenure Reform Law ni Pangulong Magsaysay at Programa ng Reporma sa Lupa ni Pangulong Diosdado Macapagal?
nagkaroon ng sariling lupain ang mga magsasaka
nagkaroon ng mga kagamitang ang mga magsasaka
nagkaroon ng mauupahang lupa ang mga magsasaka
nagkaroon ng pagkakataong piliin ang sistemang pansakahan ang mga magsasaka
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapatupad sa inilunsad na Austerity program?
pagpapautang sa kahit kaninong mamamayan
pagpapalaki sa pamumuhunang kapaki-pakinabang
pagbili ng pamahalaan ng mga mamahaling kagamitan
pag-angkat ng mga produkto sa mga dayuhang mangangalakal
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Nakapaloob sa Bell Trade Act ang pagpataw ng buwis at pagtakda ng dami ng produktong mailuluwas ng Pilipinas sa United States. Ano ang tamang idadagdag o babaguhin dito upang maging pantay ang pakikipagkalakalan?
Parehong alisin ang pagpataw ng buwis ngunit may kota sa mga produktong iluluwas.
Pagpataw ng buwis sa iluluwas ng Pilipinas at pagtakda ng kota naman sa iluluwas ng United States.
Ang pagpataw ng buwis at pagkota ng dami ng produktong iniluluwas ay itatakda sa United States lamang.
Parehong pagpapataw ng buwis at alisin ang kota o pagtakda ng mailuluwas na produkto sa pakikipagkalakalan ng dalawang bansa.
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Aling pasya nagdulot ng pagkabigo sa pagsugpo sa suliranin sa mga Huk noong panahon ni Pangulong Quirino?
pakikipag-dayalogo
paggamit ng dahas
pagbibigay ng amnestiya
pagkakaloob lupang masasaka
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Kabilang sa mga nagawa ng mga programa ni Ramon Magsaysay ay ang pagpapasuko sa mga Huk, pagpapalapit ng mamamayan sa pamahalaan at pagpapabayad sa mga Hapon ng mga pinsalang naidulot sa mga Pilipino. Alin ang kanyang daan tungo sa tagumpay ng programa?
dahas na pamamaraan
sa pamamaraan n g ibang bansa
paggamit ng mga likas na yaman ng bansa
pakikipag ugnayan sa mga mamamayan at sa ibang bansa
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Dahil sa mahusay at mabuting pakikipag-usap ni Ramon Magsaysay ay naipatupad niya ang mga programa sa mga mamamayan at sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Ano ang magpapatunay na naging epektibo ang kanyang pamamaraan?
Hindi sumang ayon ang mga Hapones sa pagbibigay bayad sa mga pinsala sa mga Pilipino.
Hindi tumutol ang mga Hapones sa Reparation Agreement na nagtakda ng pagbabayad nila sa mga pinsalang naidulot sa mga Pilipino.
Nakiusap ang mga Hapones na ibaba ang itinalagang halagang bayad ng mga pinsalang naidulot sa mga Pilipino.
Nakiusap ang mga Hapones na ibaba ang itinalagang halagang bayad at paikliin ang taon ng pagbabayad.
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Ipinatupad ni Pangulong Garcia ang Filipino First Policy para mabigyang pagkakataon muna ang mga Pilipinong mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ito naipatupad?
Umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino.
Umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino at dayuhan.
Higit na umunlad ang kabuhayan ng mga dayuhan kaysa sa mga Pilipino.
Higit na umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino kaysa sa mga dayuhan.
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Nagpapatupad ng programa sa pagpapautang ng mga Pilipino ang iba’t ibang administrasyon. Alin ang wastong pananaw rito kung naipapatupad nang tama ang programa?
Mas lalong humirap ang bansang Pilipinas
Makakatulong ito lalo na sa mga hirap na Pilipino
Magdudulot ito ng pagkakawasak ng mga Pilipino
Makakatulong ito sa pagpapayaman ng mga Pilipino
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Ang programang Reporma sa Lupa ng Diosdado P. Macapagal ay nakapagbigay lupain sa mga magsasaka. Sa pagpapatibay ng programang tatatak sa mga Pilipino na ang pamahalaan ay may malasakit sa mga ________________________.
dayuhan
magsasaka
nagpapaupa ng lupa
maliliit na mangangalakal
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Ang wika ay instrumento sa pagbubuklod ng isang bansa. Aling pangyayari noong panahon ni Pangulong Macapagal ang isinulong kaugnay nito?
Pagpapahalaga sa kasaysayan
Pagbabago sa araw ng Kalayaan
Pagiging kasapi sa MAPHILINDO
Paglaganap sa paggamit ng Wikang Pambansa
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Kung isa kang magsasaka, ang mga sumusunod na programang ipinatupad ng mga nagdaang pangulo ng bansa ay makakatulong sa iyo. Alin ang HINDI kabilang?
Bell Trade Act ni Pangulong Roxas
Green Revolution ni Pangulong Marcos
Land Tenure Reform Law ni Pangulong Magsaysay
Batas sa Reporma sa Lupang Pansakahan ni Pangulong Macapagal
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Sa administrasyon ni Pangulong Carlos P. Garcia, inilunsad niya ang patakarang “Filipino First Policy o Patakarang Pilipino Muna.” Alin sa mga sa mga hakbang o gawain ang binigyang diin upang maisakatuparan ang Patakarang Pilipino Muna?
limitahan ang pakikipag ugnayan sa ibang bansa
ang mga Pilipinong negosyante ang hahawak sa ating industriya at hindi dayuhan
tangkilikin ang produkto ng ibang bansa
mas malaki ang benepisyo ng mga negosyanteng dayuhan kaysa ang mga Pilipino
Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Bakit mahalaga ang pagiging soberanya ng isang bansa?
upang masabing ito ay isang ganap na malaya
sapagkat dito nakasalalay ang kaunlaran ng bansa
upang maipakita na kaya nang magsarili ng bansang ito
para maipakitang mas maunlad ang bansang ito kaysa sa ibang bansa
As a student, which action can you do to value the country’s territory?
Obeying the president’s orders
Posting on social media that I am Filipino
Building ties with developed countries
Following the laws and caring for natural resources
If you were the president and an illegal vessel had entered and was sailing in the country’s waters, which agency should you work with to address the problem?
Philippine Navy
Philippine Air Force
Philippine National Police
Armed Forces of the Philippines
As ordinary Filipino citizens, in what way can we protect the national interest?
Making oneself wealthy
Forming friendships only with developed countries
Police befriending American soldiers
Voluntarily cooperating in times of crisis
How can citizens help the government solve problems that hinder the country’s development? The following are answers to the question EXCEPT one. Choose the option that does NOT help.
Selecting whom to report among those doing illegal acts
Obeying the laws set by the government
Faithfully doing one’s duties as a citizen
Uniting citizens for a shared goal that helps national development
