NEW
Font size
WorksheetsVALUES EDUCATION GR.8 SUMMATIVE TEST 3RD QUARTER
Total questions: 50
Worksheet time: 4hrs 10mins
Ano ang ibig sabihin ng katapatan?
Pagsasabi ng saloobin.
Pagtutupad sa pangako.
Pagtanggap sa iyong pagkakamali.
Pagiging bukas at totoo sa lahat ng aspekto ng buhay.
Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng kadalisayan sa salita at gawa?
Pagbabahagi ng saloobin sa iba ayon sa iyong nais.
Pagbabahagi ng buo sa kuwento ng buhay ng kaibigan.
Paninindigan na hindi ikaw ang gumawa ng isang kasalanan.
Pagbabahagi ng tunay na nararamdaman nang may paggalang.
Ano ang epekto ng pagsisinungaling sa ibang tao?
Nawawalan sila ng tiwala.
Nagiging balisa sila sa kausap.
Nagkakaroon ng kalungkutan sa sarili.
Nagkakaroon ng katanungan sa kanilang isip.
Ano ang dapat gawin kapag hindi mo kayang tuparin ang iyong pangako?
Magpatulong sa iba.
Magbigay ng ibang pangako.
Iwasan ang taong pinangakuan.
Aminin ang hindi pagtupad at humingi ng paumanhin.
Ang academic dishonesty ay isang uri ng paglabag sa katotohanan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa nito?
Pagpapapeke ng lagda sa dokumento.
Paglilinaw sa kamag-aral ng tamang kasagutan.
Pagpapasa ng gawa ng kaklase bilang sariling awtput.
Pagpapagamit ng sariling sagot sa mga pagsusulit at takdang-aralin.
Bakit nakasasama sa dignidad ng tao ang hindi pagtupad sa pangako?
Dahil ito ay labag lamang sa utos ng magulang.
Dahil nagpapakita ito ng iyong kahinaan sa pag-iisip.
Dahil nababawasan ang tiwala ng iba at nasisira ang ugnayan.
Dahil hindi ito gaanong mahalaga sa pakikisalamuha mo sa ibang tao.
Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin sa pagkakataon ng hindi pagkakaunawaan sa kapuwa?
Husgahan ang paniniwala na iba sa iyo.
Pakinggan lamang ang nais sa sinasabi ng kausap.
Alamin ang pinanggagalingan ng dahilan ng pagtatalo.
Hayaan ang kapuwa na solusyonan ang hindi pagkakaunawaan.
Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng HINDI wastong pamamahala sa ugnayan sa kapuwa?
Tuwing araw ng Linggo ay lumalabas si Vanessa kasama ang mga mahal sa buhay upang mag bonding.
Si Mikaela ay maiging nakikinig sa kaniyang guro habang may tinatalakay at hinintay ito matapos bago magtanong.
Pinulong ni Bernie ang kaniyang pangkat kung saan siya lang ang nagbigay ng desisyon tungkol sa kanilang gagawing proyekto.
Nilapitan ni Jhaymart ang kaniyang kaibigan na kasali sa pambu-bully sa isa nilang kaklase upang pagsabihan at paliwanagan na hindi ito tama.
Ang ugnayan ng mga tao ay likas na bahagi ng kanilang pagiging kapuwa. Sumasang-ayon ka ba sa pahayag na ito? Bakit?
Oo, dahil sila ay tao at may kakayahang makipag-usap.
Oo, dahil sila ay magkakasama at magkakasalamuha sa lipunan.
Hindi, dahil ang tao ay sanay na mag-isang kumilos.
Hindi, dahil ito ay hindi nabubuo kung hindi gusto ng isang indibiduwal.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa kapuwa?
Upang makilala lamang ang ibang tao.
Upang makamit ang pansariling tagumpay.
Upang mapabuti ang kalusugan, kasiyahan, at pagiging produktibo.
Upang makaiwas sa hindi maayos na pakikitutungo o pakikisalamuha sa iba.
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagiging bukas at magalang sa pakikitungo?
Pakikinig at pagtanggap sa opinyon ng iba nang walang panghuhusga.
Pagpapakita ng mukha na hindi maipinta kapag may pagkakaiba ng saloo
nagpapakita ng pagiging bukas at magalang sa pakikitungo?
Pakikinig at pagtanggap sa opinyon ng iba nang walang panghuhusga.
Pagpapakita ng mukha na hindi maipinta kapag may pagkakaiba ng saloobin.
Pagpapakita ng maayos sa iba kahit na sa iyong kaisipan ay hindi ka interesado dito.
Pagsasang-ayon sa lahat ng kagustuhan ng iyong kapwa bagamat taliwas ito sa iyong gusto.
Paano nakatutulong ang pakikinig sa pamamahala ng ugnayan sa kapuwa?
Nagdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan
Nagpapakita ng kawalang-interes sa kausap
Nagbibigay ito ng pagkakataon na makapagpahinga
Nakatutulong itong maunawaan ang mensahe at mapatatag ang samahan
Ano ang sekswalidad?
Pagkakaroon ng gusto sa katapat na kasarian.
Katangian, papel, at damdamin base sa kasarian.
Pagsunod sa mga alintuntunin at mga batas ng paaralan.
Sumasaklaw sa mga kalakasan ng tao bilang nilikha ng Diyos.
Ano ang pangunahing layunin ng sekswalidad sa tao?
Magpatawa sa ibang tao.
Pagpapaganda ng hitsura.
Magkaroon ng kapangyarihan sa iba.
Pagbuo ng pagkatao at tiwala sa sarili.
Nais ituro ni Renz sa kapatid ang tamang paraan ng paggalang sa sekswalidad ng kapwa. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang ituro?
Pagpuri sa magandang itsura ng iba.
Pagtanggap at pagrespeto sa pagkakaiba.
Pagbibigay ng maayos at maging malisyosong komento sa iba.
Pakikipagtalo sa social media lalo na kung may hinuhusgahan na kakilala
Ang lider ng inyong pangkat ay hindi sinasali sa pagdedesisyon ang isa ninyong kagrupo dahil sa kanyang oryentasyong sekswal. Alin sa mga sumusunod ang kaniyang ipinapakita na hindi magandang epekto ng maling pamamahala sa seksuwalidad?
Diskriminasyon
Kahinaan ng loob
Pang-iinsulto
Panlalamang
Bakit mahalaga ang positibong pag-iisip tungkol sa seksuwalidad?
Upang maging kaibigan ng lahat.
Upang mapalaganap ang kabutihan sa kapwa.
Upang magkaroon ng matibay na pagkatao at respeto sa iba.
Upang magkabuo ng mga samahan na aalalay sa iyo sa lahat ng pagkakataon.
Bilang nagdadalaga at nagbibinata, tukuyin sa mga sumusunod ang iyong dapat gawin kung nakakaramdam ng atraksyon sa iba?
Manligaw agad dahil ito ay natural lamang.
Pamahalaan ito nang may respeto at paggalang.
Maging bukas sa ganitong isyu upang makasabay sa mga kaedad.
Ipaalam ang nararamdaman sa magulang at sa maging sa social media.
Ano ang pinakamalaking relihiyon sa Pilipinas ayon sa 2020 PSA?
Islam
Katolisismo
Iglesia ni Cristo
Seventh Day Adventist
Ano ang dapat gawin upang mas maunawaan ang paniniwala ng iba?
Mag-aral o magsaliksik tungkol sa kanilang paniniwala at katuruan.
Maglaan lamang ng kaunting pansin para sa pananampalataya ng iba.
Igalang ang sariling relihiyon dahil ito na ang nakamulatan na paniniwala.
Sikapin na gayahin ang mga paniniwala at tradisyon ng iba upang maunawaan ito.
Ang tunay na paggalang sa relihiyon ng iba ay nasusukat sa:
Pagkakapareho ng paniniwala.
Kakayahang makinig, umunawa, at magmahal.
Pagpapakita ng kapangyarihan ng iyong pananampalataya.
Pag-iwas sa mga tanong ukol sa ginagawa ng inyong relihiyon.
Ano ang pangmatagalang epekto ng pagsasabuhay ng wastong pakikipag-ugnayan sa kapuwa?
Nagdudulot ng ginhawa.
Nagtuturo ito ng kabutihan.
Nababawasan ang pakikipag-away sa iba.
Napapanatili ang kapayapaan at m
Ano ang epekto ng pagsasabuhay ng wastong pakikipag-ugnayan sa kapuwa?
Nagdudulot ng ginhawa.
Nagtuturo ito ng kabutihan.
Nababawasan ang pakikipag-away sa iba.
Napapanatili ang kapayapaan at mabuting pakikipag-ugnayan.
Bakit mahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao?
Dahil ito ay basehan ng antas sa buhay.
Dahil ito ay para sa pagpapatibay ng damdamin.
Dahil dito nakabatay ang paniniwala at pananampalataya.
Dahil nagbibigay ito ng inspirasyon, gabay sa moralidad, at pagkakaisa
Paano dapat tratuhin ang personal na espasyo at karapatan ng ibang tao sa usaping relihiyon?
Palaging ipilit ang pananampalataya
Iwasan ang pakikipag-talo sa kapwa tao.
Huwag ipilit ang sariling paniniwala at igalang ang karapatan ng iba.
Isipin na may kani-kaniyang paniniwala ang lahat ng tao at mas mahalaga ang sa iyo.
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa Pitong Gawa ng Awa?
Pagbibigay ng edukasyon.
Pagpapakain sa nagugutom.
Pag-aayos ng mga sirang kalsada.
Pag-aaral ng iba't ibang relihiyon sa Pilipinas.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pangangailangan ng tao?
Pagkain, inumin, at gadgets
Pagkain, salapi, at kasuotan
Pagkain, kasuotan, at tirahan
Pagkain, tirahan, at sasakyan
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng gawa ng awa sa tao?
Tuwing linggo, si Althea ay bumibisita sa kanyang tita na may karamdaman.
Sa darating na kaarawan ni Precious, siya ay magpapakain sa isang bahay ampunan.
Si Cyrus ay nagbenta ng kanyang mga pinaglumaang damit sa mga nasunugan sa kabilang bayan.
Sumakabilang-buhay ang ina ni Lindsay noong nakaraang araw, kaya gabi-gabi siyang pinupuntahan ng kanyang mga kaibigan upang samahan.
Ang Islam ay may limang haligi na naglalaman ng mga turo ni Allah. Isa sa mga haliging ito ay ang Zakah o Zakat. Alin sa mga ito ang naglarawan sa Zakat?
Ito ang pag-aayuno sa loob ng isang buwan.
Ito ang pagsasagawa ng limang pagdarasal araw-araw.
Ito ang obligasyon ng may naitatagong yaman ay maglalaan ng bahagi nito bilang tulong.
Ito ang pagpapahayag ng pananampalataya na si walang ibang diyos na kaparat-dapat sundin kung hindi si Allah at si Muhammad ay kanyang sugo.
Kasama sa panalangin ni Miguel ang lubos na pasasalamat sa Diyos dahil sa pagkain na kanilang pagsasalu-saluhan, kahit itlog at tuyo lamang ito. Ano ang isinasabuhay ni Miguel?
Pagiging kuntento sa kung ano ang mayroon.
Pagkakaroon ng mapagkumbabang damdamin.
Pagsisikap na mapabuti ang kalagayan sa buhay.
Pasasalamat sa pangunahing pangangailan gaya ng pagkain.
Ang pagkalinga sa kapuwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos. Ano ang iyong palagay sa pahayag na ito?
Ang pahayag ay tama, dahil ito ay turo ng simbahan at utos ng Diyos upang maging mabuting tao.
Ang pahayag ay mali, dahil hindi nakabatay sa pananampalataya ang pagtulong sa kapuwa.
Ang pahayag ay mali, dahil ang tunay na pagkalinga sa kapuwa hindi nangangahulugang may pagmamahal sa Diyos
Ang pahayag ay tama, dahil ang pagtugon sa pangangailangan ng iba ay pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos upang maglingkod sa kapuwa.
Tukuyin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paggawa ng Paalalang Pagkalinga?
Upang maipaalala sa sarili at sa iba ang kahalagahan ng pagtulong at pagkalinga sa kapuwa.
Upang makakuha ng regalo o mga biyaya na matagal nang hinihiling at maibahagi ito sa iba
agkalinga?
Upang maipaalala sa sarili at sa iba ang kahalagahan ng pagtulong at pagkalinga sa kapuwa.
Upang makakuha ng regalo o mga biyaya na matagal nang hinihiling at maibahagi ito sa iba bilang pasasalamat sa lumikha.
Upang magkaroon ng magandang marka at magamit ang angking talino sa pagkakaloob ng tulong sa iba.
Upang maipakita ang galing sa pag-aalaga ng mga taong may karamdaman at mga lubos na nangangailangan ng tulong.
Suriin kung sino ang nakikinabang kapag ang tao ay tumutulong sa iba?
Tanging ang tumulong lamang.
Tanging ang tinulungan lamang.
Ang tumulong at ang mga taong tinulungan.
Wala, dahil ito ay pribadong gawain lamang.
Alin sa mga sumusunod ang ipinagbabawal sa RA 8485?
Pagbibigay ng gamot sa hayop.
Pag-aalaga ng maraming hayop.
Pagpaparami ng hayop sa sakahan.
Pagmamaltrato at pananakit ng hayop.
Tukuyin ang pangunahing layunin ng SDG 15-Life on Land?
Pagpaparami ng turista.
Pagprotekta sa biodiversity at kagubatan.
Pagpaparami ng mga komersyal na hayop.
Pagbuo at pagpapatayo ng mga bagong pabahay.
Ano ang isa sa mga paraan ng pagmamalasakit sa hayop?
Pagkuha ng mga larawan ng alaga.
Paggamit sa kanila sa ibang mga gawain.
Pagbibigay sa kanila ng pagkain, tubig, at tirahan.
Pagbibigay ng lahat ng mga makabagong kagamitan sa mga alaga.
Bilang nilikha ng Diyos, ano ang tamang pagtrato sa hayop?
Gamitin sila bilang libangan.
Disiplinahin ang mga ito upang matuto.
Ituring silang kaibigan at bigyan ng pagmamahal.
Ipamigay sa higit na nangangailangan ng makakasama.
Ano ang pangunahing layunin ng RA 8485?
Ilegal na bentahan ng hayop.
Pagpaparami ng mga exotic pets.
Pagpapatayo ng mga animal shelters.
Makataong pagtrato at proteksyon sa hayop.
Ano ang kahalintulad ng pagmamalasakit sa hayop?
Pagmamalasakit sa kapuwa.
Pagpaparami ng hanap-buhay.
Pagpapalaki ng kita sa bentahan.
Paggamit sa mga hayop sa mga laro.
Ayon sa Genesis 1:27-28, tukuyin kung ano ang pangunahing tungkulin ng tao sa mga nilikha ng Diyos?
Kaibiganin ang mga hayop.
Mamahala at pangalagaan ang mga nilikha.
Gawing libangan o laruan ang mga alagang hayop.
Iwasan ang pakikipaglaro sa hayop, lalo na sa mga matatapang na uri.
Bakit itinuturing na may karapatang mabuhay ang mga hayop?
Dahil sila ay pinagkakakitaan.
Dahil ang mga hayop ay mabilis dumami.
Dahil nakakatulong silang maglinis ng paligid.
Dahil sila ay nilikha rin ng Diyos at may halaga.
Ano ang kahulugan ng labis na kahirapan (extreme poverty)?
Kawalan ng trabaho ng isang magulang.
Kakulangan sa mga binabaon araw-araw.
Kakulangan sa pagkain sa isang pamilya upang maging malusog na mamamayan.
Mas mababa ang kita kaysa sa itinakdang halaga ng World Bank para mamuhay ng desente.
Ano ang kahulugan ng "nakakaunawa sa pagkakaugnay at pinahahalagahan ang pagkakaiba-iba"?
Walang pakialam sa kultura ng iba.
Tinatanggap lamang ang sariling kultura.
Pagkilala at may respeto sa iba't ibang pagkakaiba.
Pagtutok at pagresolba sa mga sariling pangangailangan.
Ano ang layunin ng pandaigdigang pagkakaisa?
Magkaroon ng iisang kultura sa buong mundo.
Magkaroon ng iisang relihiyon sa buong mundo.
Magkaroon ng iisang pamahalaan sa buong mundo.
Magkaroon ang mga bansa ng pagiisip ng kapakanan ng lahat.
Nabalitaan ni Carl na maraming batang Ukrainian refugees ang walang sapat na damit para sa taglamig. Gusto niyang makatulong kahit nasa Pilipinas lamang siya. Ano ang pinakaangkop niyang gawin?
Sumali sa isang lokal na donation drive para sa refugees.
Maghintay ng pagkakataong maging volunteer sa ibang bansa.
Ipanalangin na madami ang tutulong dahil siya ay nasa malayo.
Mag-post sa social media ng kanyang saloobin tungkol sa giyera.
Nakita ni Fatimah ang isang batang kapitbahay na laging pumapasok sa paaralan nang walang baon. Ano ang dapat gawin ni Fatimah bilang pagpapakita ng katangian ng Pilipinong matulungin?
Ipost sa social media ang kalagayan ng bata.
Magbigay ng pagkain o mag-imbita sa feeding program ng barangay.
Sikaping magbigay inspirasyon dito na kakayanin niya anuman ang problema.
Tulungan itong kausapin ang kaniyang mga magulang para sa kalagayan ng bata.
Madalas bumabaha sa barangay nila Nathalie dahil sa baradong kanal. Anong lokal na kilos ang pinakaangkop na isasagawa ni Nathalie upang makatulong sa pandaigdigang isyu ng climate change?
Sumali sa clean-up drive at segregation program.
Magtapon ng basura nang maayos para di Masisi.
Kalampagin ang pamahalaan dahil hindi nila nalilinis ang kanal.
Magputol ng mga puno para mas lumuwag ang daanan ng kanal.
May kaklase si John na laging pinagtatawanan dahil sa kanyang lahi. Ano ang dapat niyang gawin bilang responsableng mamamayan ng daigdig?
Sumali para hindi siya mapag-iwanan.
Sabihan ang iba na tigilan ang diskriminasyon.
Hayaan na lamang sila dahil hindi naman siya ang sangkot.
Iwasan ang mga kaklase na mayroong hindi Magandang pag-uugali.
