WorksheetsREVIEW - FILIPINO 7 (3RD PERIODICAL)
Total questions: 50
Worksheet time: 16mins
Ang kanyang buong katawan ay nakubkob ng takot nang makita ang pagbagsak ng ama. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
napaligiran
nalusaw
nagunaw
naawa
Suson-suson na suliranin ang kanilang nalampasan sa tulong ng Panginoon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
patong-patong
pare-pareho
Nakangayngay na ang katawan ng kanilang ama kaya agad siyang dinala sa pagamutan. Ano ang kuhulugan ng salitang may salungguhit?
nakabagsak
nakatuwid
Nabagabag ang prinsipe sa kalagayan ng higante kaya pinakawalan niya ito.
natuwa
naawa
Ang kanilang prinsipe ay naging bantog maging sa ibang kaharian.
kaaway
sikat
Ano ang pangunahing layunin ni Feliza sa pagpapadala ng liham kay Urbana sa akdang Urbana at Feliza?
Ipabalita ang pagkamatay ng kanilang ama
Ipaalam ang pagkakasakit ni Honesto
Alin sa mga sumusunod na damdamin ang nanaig kay Urbana matapos niyang basahin ang liham ni Feliza?
pagdadalamhati
pagkagalit
Ano ang sinisimbolo ng komunyon sa akdang Urbana at Feliza?
Paggunita sa kapanganakan ng Diyos
Pagtanggap at pagkilala sa Diyos
Alin sa mga sumusunod ang HINDI ipinakitang katangian ng ama sa akdang Urbana at Feliza?
mayaman
mapagmahal
Ano ang ninanais ng ama para sa kanyang anak na si Urbana?
bumuo ng sariling pamilya
pumasok sa kumbento
Ano ang pinakamahalagang habilin ng ama kina Urbana at Feliza bago siya pumanaw?
Tumigil sa pag-aaral si Feliza
Patuloy na manampalataya at magtiwala sa Diyos
Ang kanyang pangalan ay sumasagisag sa kalinisan ng budhi at karangalan.
Honesto
Sebastian
Bakit mahalaga ang mga payo ng ama kina Urbana at Feliza?
Dahil nagsisilbi itong gabay sa mabuting asal at pananampalataya
Dahil ipinapakita nito ang kapangyarihan ng ama
Paano magagamit ng isang mag-aaral sa kasalukuyang panahon ang aral mula sa akda?
Sa pamamagitan ng pagtutok lamang sa pag-aaral at paglimot sa pananampalataya
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mabuting asal at paggalang sa magulang
Bakit masasabi na ang akdang Urbana at Feliza ay nananatiling mahalaga sa kabataan ngayon?
Dahil naglalaman ito ng mga aral tungkol sa wastong asal at pananampalataya
Dahil ipinapakita nito ang marangyang pamumuhay noong panahon ng Espanyol
Ano ang ipinahihiwatig ng ama sa kanyang pahayag na “Ang kaluluwa ko’y malapit nang maalis sa katawan kong masikip na bilangguan”?
malapit na siyang pumanaw
malapit na siyang gumaling
Paano mo maipapakita ang aral ng pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos mula sa Urbana at Feliza sa isang tunay na problema sa buhay?
Tawanan ang seryosong problema
Manalangin, humingi ng gabay at kumilos nang tama
Sa akdang Prinsipe Don Juan Tiñoso, ano ang kanyang nasilayan nang siya’y pumasok sa loob ng bartolina?
isang higanteng tumatangis
marilag na diwata
Ano ang naging reaksiyon ni Don Juan matapos niyang makita ang kalagayan ng nasa bartolina?
pagkahabag
pagkagalit
Ayon sa salaysay ng higante, sino ang may kagagawan ng kanyang pagkakakulong at paghihirap?
Haring Artos
ang alkalde
Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Don Juan bilang tulong sa higante?
Inutusan niya ang alkalde na kalagan at palayain ang higante
Inutusan niya ang mga kawal na pahirapan pa ang higante
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangiang ipinamalas ni Don Juan Tiñoso sa akda?
mayaman at hinahangaan ng lahat
mahabagin at may mabuting kalooban
Bilang pasasalamat sa kabutihang ipinakita ni Don Juan, ano ang ipinagkaloob ng higante sa kanya?
isang agimat
isang mahiwagang panyo
Aling pagpapahalagang Pilipino ang higit na ipinakita ni Don Juan sa kanyang pakikitungo sa higante?
pakikisama
malasakit sa kapwa
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Don Juan Tiñoso, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na dahilan kung bakit mo tutulungan ang higante?
Dahil ito ang tama makataong gawin
Dahil natatakot ka sa higante
Batay sa kilos ni Don Juan, ano ang ipinahihiwatig ng akda tungkol sa tunay na kahulugan ng pagiging malakas?
Ang lakas ay nasusukat sa pisikal na anyo
Ang lakas ay kakayahang umunawa at magpakita ng awa
Ang tika ng puso ng prinsipe ay ang pagtulong sa kapwa. Ano ang ipinahihiwatig ng matalinhagang pahayag na may salungguhit?
nais o hangaring isakatuparan
ayaw mangyari
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon sa kasalukuyan ang may kaparehong diwa ng ginawa ni Don Juan Tiñoso?
pag-iwas sa problema ng kapwa
Kusang pagtulong sa nangangailangan kahit walang inaasahang kapalit
Ano ang ipinahihiwatig ng gantimpalang ibinigay ng higante kay Don Juan?
Ang kabutihan ay may kapalit na kapangyarihan
Ang kabutihan ay maaaring magbunga ng biyayang hindi inaasahan
Sa kabuuan, ano ang pinakamahalagang aral na matutuhan ng isang mag-aaral mula sa akda?
Ang kabutihang-loob at malasakit sa kapwa ay mahalaga
Ang kapangyarihan ang sagot sa lahat ng suliranin
Ito ay paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsangguni sa mga aklat
obserbasyon
pagbabasa at pananaliksik
Paraan ng pangangalap ng impormasyon kung saan direktang kinakausap ang mga taong may sapat na kaalaman sa paksa?
pakikipanayam o interbyu
obserbasyon
Ito ay paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa tao, pangyayari, o kapaligiran?
obserbasyon
pakikipanayam
Sumulat si Feliza kay Urbana tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Inilahad niya sa kapatid kung paano nagsimulang magkasakit ang anyang ama nang ito ay matisod sa simbahan hanggang sa unti-unting paglubha ng kalagayan nitong sa una ay pinilit na itinago sa kanila. Anong paraan ng pagtatala ito?
lagom
paraphrasing
direktang sipi
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.” pahayag ni Dr. Jose Rizal
paraphrasing
direktang sipi
Ito ang pagsasadula ng buhay at kamatayan ni Hesukristo, katulad ng pasyong itinatanghal sa entablado.
Senakulo
Tibag
Aling pagtatanghal ang isinasagawa tuwing Mayo na nagpapakita sa paghahanap ni Santa Elena sa Krus?
Tibag
Flores de Mayo
Ano ang tawag sa prusisyon kung saan ang mga kalahok ay nakasuot ng puti at nagaalay ng bulaklak sa Birheng Maria?
Flores de Mayo
Pananapatan
Hango sa singsing ng dalaga na nahulog sa gitna ng dagat at ang makakuha nito ay pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
Karagatan
Duplo
Ano ang tawag sa pananapatan na isinasagawa sa bahay ng mga kabataang tuwing bisperas ng Araw ng mga Patay?
Pangangaluluwa
Pananapatan
Aling larong patula ang isinasagawa sa bakuran ng namatay na pinangungunahan ng isang hari?
duplo
Senakulo
Anong dulang malawak ang paksa, hinango sa opera ng Italya, at may halong patula at pasalitang diyalogo?
Sarsuwela
Tibag
Itinatanghal tuwing Disyembre 24, tungkol ito sa paghahanap nina Maria at Jose ng matutuluyan bago ipanganak si Hesus?
pananapatan
pangangaluluwa
Anong dulang itinatanghal bilang serye mula Lunes Santo hanggang Sabado de Gloria?
Senakulo
Karagatan
Aling dulang mabiro ang kaugalian dahil nauuwi sa pagnanakawan ng manok sa silong ng pananapatang bahay, kung saan ang mapagbintangan ay kaluluwa ng namatay?
Pangangaluluwa
Flores de Mayo
Alin sa mga sumusunod na akda ang may 12 pantig sa bawat taludtod?
awit
korido
Alin sa mga sumusunod na akda ang may 8 pantig sa bawat taludtod?
awit
korido
Ang Awit ay may himig na mabagal na tinatawag na ___________, samantalang sa Korido naman, ang himig ay mabilis na tinatawag na ____________.
andante - allegro
allegro - andante
Ang akdang Prinsipe Don Juan Tiñoso ay halimbawa ng ____________.
korido
awit
Ang mga sumusunod na akda ay halimbawa ng awit maliban sa isa. Ito ay ______________.
Florante at Laura
Ibong Adarna
Doce Pares ng Pransiya
Pitong Infantes de Lara
