NEW
Font size
WorksheetsIkatlong Markahang Pagsusulit (EsP 7) MENDEL
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hilig?
pagsasaka
paglikha ng sining
pag-aaral ng mga asignatura
pagsunod sa mga patakaran
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talento sa musika?
pagsasaka
paglikha ng kanta
pagsusulat ng tula
paglalaro ng basketball
Ano ang dapat gawin upang mapanlad ang sariling talento?
magtago sa likod ng bahay
mag-aral at magsanay
magpahinga lamang
maghintay ng pagkakataon
Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang epekto ng hindi pagtuklas ng sariling talento?
kawalan ng tiwala sa sarili
pagkakaroon ng stress
pagkakaroon ng mas maraming kaibigan
pagkawala ng interes sa mga gawain
Ano ang mga pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaundlad ng sariling talino at hilig?
para sa personal na kasiyahan, tagumpay sa karera, at kontribusyon sa lipunan
maging sikat sa iba
maiwasan ang pagkabigo
makakuha ng mataas na marka sa paaralan
Ano ang unang hakbang upang mapaunlad ang sariling kakayahan?
mag-isip ng positibo
tukuyin kung saan nais tumungo
huwag matakot sa hamon ng buhay
tukuyin ang mga kalakasan at kahinaan
Ano ang isang epekto ng paggamit ng sariling talento at hilig sa lipunan?
makakamtan ang personal na kasiyahan
mababawasan ang mga problema sa buhay
magiging inspirasyon sa ibang tao
mas madali kang magiging sikat
Bakit mahalaga ang positibong pag-iisip sa pagpapaunlad ng sariling kakayahan?
makatawid sa mga pagsubok
makaiwas sa pagkatalo
madagdagan ang tiwala sa sarili
matutunan ang mga bagong bagay
Kung ikaw ay may isang talento ngunit natatakot kang magkamali, ano ang dapat mong gawin upang magpatuloy sa pagpapabuti nito?
maghintay na lamang ng pagkakataon
iwasan ang pagpapakita ng talento sa iba
harapin ang mga hamon sa buhay
sumuko na lamang at huwag na subukan
Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong sa pagpapabuti ng iyong tiwala sa sarili?
tanggapin ang iyong mga kahinaan at magpatuloy
huwag matakot sa mga bagong hamon
mag-isip ng positibo sa bawat hakbang
maghintay na lang ng tamang pagkakataon
Ano ang pagkakaiba ng desisyonal na pagpapatawad sa emosyonal na pagpapatawad?
ang desisyonal na pagpapatawad ay madaling gawin, samantalang ang emosyonal na pagpapatawad ay mas mahirap at magtagal
ang desisyonal na pagpapatawad ay nangangailangan ng pagbabago ng emosyon, samantalang ang emosyonal na pagpapatawad ay simpleng desisyon
ang desisyonal na pagpapatawan ay mahirap gawin kaysa emosyonal na pagpapatawad
ang desisyonal na pagpapatawad ay ibinibigay lamang sa mga kaibigan, samantalang ang emosyonal na pagpapatawad ay ibinibigay sa lahat ng tao
Anong uri ng pagpapatawad ang nangyayari kapag ang emosyon ng galit at sama ng loob ay napalitan ng positibong damdamin?
emosyonal na pagpapatawad
pagpapatawad at pakikipagsundo
pagpapatawad na may kababaang-loob
desisyonal na pagpapatawad
Ano ang kahalagahan ng kababaang-loob sa pagpapatawad?
ito ay nagiging dahilan ng pagpapatawad at pagkakasundo
ito ay nagiging dahilan ng hindi pagpapatawad
ito ay nagpapahiwatig ng kalakasan
ito ay nagpapakita ng kahinaan
Ano ang epekto ng hindi pagpapatawad sa kalusugan ng isang tao?
nakakatulong ito sa kasiyahan at pagpapalakas ng katawan
nagdudulot ito ng kasiyahan at kaligayahan
nakatutulong ito sa pagpapalakas ng katawan
nagdudulot ito ng stress at depresyon
Ano ang layunin ng pakikipagkasundo?
muling ibalik ang relasyon at pagkakaroon ng tiwala
magtapos ng relasyon
iwasan ang komunikasyon sa isa't isa
magtago ng sama ng loob
Ano ang ibig sabihin ng pagpakumbaba?
kababaang-loob
Pagpapakita ng galit at hindi pagpapatawad.
Pagpapakita ng lakas at kagustuhang mangibabaw.
Pagkakaroon ng kababaang-loob at pagtanggap na hindi tayo perpekto.
Bakit mas mahirap ang emosyonal na pagpapatawad kaysa sa desisyunal na pagpapatawad?
Dahil ito ay nakadepende lamang sa desisyon ng iba.
Dahil ito ay nangangailangan ng pagbabago ng mga nararamdaman at iniisip.
Mahirap mga desisyon magpatawad.
Dahil hindi ito makatarungan.
Kung ang isang tao ay hindi kayang magpatawad, anong epekto ito sa kanyang kalusugan?
Magiging mas malusog ang kanyang katawan.
Tataas ang kanyang antas ng kaligayahan.
Maaaring magdulot ng stress at depresyon.
Walang epekto sa kalusugan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga benepisyo ng pagpapatunwad?
pagtaas ng kaligayahan
pagpapabuti ng kalusugan ng puso
pagbaba ng stress
pagdami ng sama ng loob
Bakit mahalaga ang pakikipagkasundo pagkatapos ng pagpapatawad?
Ito ay upang muling ibalik ang tiwala at relasyon sa isa't isa.
Ito ay upang iwasan ang anumang komunikasyon sa isa't isa.
Ito ay para makalimutan na ang mga naganap na problema.
Para manumbalik ang relasyon.
Ano ang pangunahing layunin ng pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan?
magtulungan sa mga kapakinabangan
magtulungan sa moral na pag-unlad
magkasama sa mga kasiyahan
magtulungan
Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan?
kaibigan na nagkakasama sa mga paboritong gawain o hilig
kaibigan na nagtutulungan sa moral na pag-unlad
kaibigan sa pasyalan
kaibigan sa trabaho
Bakit itinuturing ni Aristotle na ang pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan ay pinakamataas na uri ng pagkakaibigan?
Ito ay nakabatay sa pagpapahalaga sa kabutihan at moral na pag-unlad.
Ito ay itinatag sa kasiyahan.
Ito ay nakapokus sa pansariling interes ng bawat isa.
Ito ay nagdudulot ng kaginhawaan sa bawat isa.
Paano makakatulong ang pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan sa isang tao sa kanyang trabaho?
Nagbibigay ito ng kasiyahan sa araw-araw.
Nagiging mas madali ang pagpapasya sa mga trabaho.
Nakakatulong ito sa mga kapakinabangan tulad ng mga resources o koneksyon.
Nagtutulungan ang mga tao para sa moral na pag-unlad.
Kung ikaw ay may kaibigan na magkasama kayo sa mga hilig at kasiyahan, anong uri ng pagkakaibigan ang mayroon kayo?
Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan.
Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan.
Pagkakaibigang nagtatagal sa kabila ng mga pagbabago.
Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan.
Bakit hindi tumatagal ang pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan?
Dahil maaaring magbago ang sitwasyon o hindi na magbigay ng tulong ang isa.
Dahil hindi ito tumutok sa emosyonal na koneksyon.
Dahil mahirap magkaroon ng tiwala sa isa't isa.
Dahil hindi ito nakabatay sa kasiyahan.
Pumili ng halimbawa ng pagkakaibigan na maaaring magtagal habang buhay:
Pagkakaibigang nakabatay sa mutual na interes
Pagkakaibigang nakabatay sa material na bagay
Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
Pagkakaibigang nakabatay sa kasiyahan
Ano ang ibig sabihin ng paggalang?
pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
pag-aalaga sa kalikasan
pahalagahan at parangalan ang iba, kahit na hindi magkapareho ng pananaw
pagbibigay ng mga materyal na bagay
Ano ang pinakabanal na buwan sa kalendaryong Islamiko?
Eid al-Fitr
Paskuwa
Ramadan
Kwaresma
Ano ang ibig sabihin ng "Kuwaresma" para sa mga Kristiyano?
pag-aalala sa sakripisyo ni Hesus
pagpapakumbaba sa harap ng Diyos
pagpapatawad sa mga kalaban
pagsasaya at pagkain
Bakit mahalaga ang kalayaan sa relihiyon?
Ito ay nagbibigay daan sa ating pagpapasya kung anong relihiyon ang susundin.
Ito ay nagpapahintulot sa bawat isa na magtayo ng simbahan.
Ito ay nagpapahintulot na maniwala o hindi maniwala nang walang diskriminasyon.
Ito ay naglalayong palaganapin ang isang relihiyon.
Paano mo maipapakita ang paggalang sa iyong mga kaklase na nag-aayuno sa Ramadan?
Tanungin sila kung bakit sila nag-aayuno.
Magdala ng maraming pagkain sa klase.
Magbigay ng pagkain sa kanila upang maging masaya.
Igalang ang kanilang oras ng pag-aayuno at huwag magdala ng pagkain sa harapan nila.
Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga mungkahi tulad ng "magmasid nang personal sa ibang pananampalataya" sa pagpapakita ng paggalang?
Para malaman mo kung paano manalo sa diskusyon.
Para magustuhan ka ng ibang tao.
Upang maunawaan ang pinagmulan ng mga paniniwala ng iba at hindi lamang humusga.
Upang magkaroon ng kaalaman para sa sariling pagpapalaganap ng relihiyon.
Saan nakaugat ang kusang paglilingkod sa iba?
pagiging mabuting tao
pansariling pakinabang
pananampalataya sa Diyos.
pagmamalasakit sa kapuwa.
Ano ang mahalaga sa pagiging matiyaga sa paglilingkod?
Pagbibigay agad ng tulong kahit hindi kinakailangan
Pagtulong nang hindi umaasa ng kapalit
Paghihintay na matagumpay bago magsimulang maglingkod
Pag-iwas sa mga mahihirap na gawain
Ano ang layunin ng pagiging magalang sa paglilingkod?
Mapansin ng ibang tao
Maging sikat at kilala
Iwasang hindi magalit ang ibang tao
Respetuhin ang iba at kanilang mga paniniwala
Bakit mahalaga ang pagiging mapagpakumbaba sa paglilingkod sa kapwa?
Magpakumbaba at magbigay ng serbisyo nang walang kapalit
Makilala at magpasikat sa iba ng iyong mga nagawa
Magtamo ng mga materyal na bagay
Magpapansin sa harap ng iba
Paano mo magagamit ang iyong pagkamalikhain upang maglingkod sa iba?
Pagpapakita ng iyong talento sa publiko
Paglikha ng mga bagay para sa iyong sarili
Paggawa ng mga bagong paraan ng pagtulong sa nangangailangan
Pag-iwas sa mga gawain ng iba
Ano ang magiging epekto sa iyong paglilingkod kung ikaw ay magpapakita ng malasakit sa iba?
Magiging sanhi ng hidwaan at hindi pagkakaunawaan
Magiging sanhi ng pagkatalo sa mga layunin
Hindi makikinabang ang iba sa iyong tulong
Makakatulong sa mas malalim na ugnayan at magandang relasyon sa kapwa
Ano ang pangunahing sanhi ng kakulangan ng tubig sa ating kalikasan?
Patuloy na pag-unlad ng populasyon, urbanisasyon, at industriyalisasyon
Pagbabago ng klima dahil sa pag-abuso sa mga likas na yaman
Pag-abuso sa mga likas na yaman at urbanisasyon
Hindi tamang pag-aalaga ng mga halaman
Anong epekto ang dulot ng mas mataas na pangangailangan sa enerhiya at tubig sa kalikasan?
Walang epekto sa kalikasan
Pagtaas ng antas ng polusyon
Pag-abuso sa mga likas na yaman
Pag-unlad ng mas maraming teknolohiya
Bakit mahalaga ang edukasyon at kamalayan sa wastong paggamit ng tubig at enerhiya?
Maging popular ang mga tao
Makahangap ng mga bagong kasangkapan
Matutunan ang tamang hakbang sa pagtitipid
Magturo ng mga bagong teknolohiya sa pagtitipid
Kung nais mong makatipid ng tubig sa iyong hardin, anong hakbang ang maaari mong gawin?
. Magtanim ng mas maraming damo.
Maglagay ng mga fountain sa garden.
Iwasan ang pagtatanim ng mga puno.
Maging masinop sa paggamit ng tubig at pumili ng mga produktong matipid sa tubig.
Paano nakatutulong ang draught-proofing o pagbabara ng mga puwang sa iyong tahanan sa pagtitipid ng enerhiya?
Nakakatulong ito sa pag-iwas sa pag-init ng mga kasangkapan
Pinipigilan nito ang malamig na hangin mula sa labas
Tinutulungan nitong mapaunlad ang kalidad ng hangin
Binabawasan nito ang paggamit ng air conditioning at heater
Ano ang pangunahing epekto ng kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Pagbuo ng mga makabago at mataas na edukasyon
Pagpapalaganap ng mga makabagong teknolohiya
Pagpapakilala ng mga bagong rehiyon at kultura
Pagkakaroon ng mga bagong pagkain
Ano ang pangunahing layunin ng Katipunan na pinangunahan ni Andres Bonifacio?
Ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas mula sa kolonisasyon
Mag-imbento ng mga bagong teknolohiya
Itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao
Magtatag ng bagong pamahalaan para sa mga Pilipino
Paano nakatulong ang kasaysayan ng mga kababaihan sa Pilipinas sa paghubog ng diwa ng pakikipagkapuwa?
Ipinakita nila ang kahalagahan ng edukasyon
Ipinakita nila ang mga pag-aalsa laban sa pamahalaan
Nagbigay sila ng inspirasyon sa pagpapahalaga ng pagkakaisa at malasakit
Nagpakita sila ng mga makabago at teknikal na pamamaraan
Anong hakbang ang maaari mong gawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa kalikasan bilang isang mamamayan ng Pilipinas?
Mag-organisa ng mga libangan tulad ng mga paligsahan
Magtanim ng mga puno sa iyong komunidad
Magtayo ng negosyo para sa iyong pamilya
Pumunta sa ibang bansa upang mag-aral
Ano ang pangunahing layunin ng mga bolunterismo at community outreach programs na nakabatay sa kasaysayan ng Pilipinas?
Magtulungan upang mapabuti ang kalagayan ng komunidad
Makapag-ipon ng pera para sa mga proyekto
Magkaroon ng mas maraming turista
Mag-organisa ng mga political rallies
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang aspeto ng mga educational campaigns na may kaugnayan sa Kasaysayan ng Pilipinas?
Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pambansang bayani at kanilang kontribusyon
Magturo ng mga teknikal na kasanayan sa mga kabataan
Magsagawa ng mga paligsahan sa kasaysayan
Magtayo ng mga negosyo para sa mga guro
