wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 5 q3 pluma kahulugan ng mga Salita

Total questions: 19

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

c)

Pang-ukol

d)

Pang-uri

2.

Ito ay batayang bilang sa pagbilang. Ito ang aktuwal na bilang ng pangngalan o panghalip. Tinatawag din itong basal na bilang.

a)

Pang-uri Pamilang – Panunuran

b)

Pang-uri Pamilang – Kardinal o Patakaran

c)

Pang-uri Pamilang – Palansak

d)

Pang-uri Pamilang – Pamahagi

3.

Ang pandiwa ay nasa pokus sa gamit o instrumental kung ang kagamitan o gamit ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”

a)

Pokus ng Pandiwa – Layon

b)

Pokus ng Pandiwa – Tagaganap

c)

Pokus ng Pandiwa – Gamit o Instrumental

d)

Pokus ng Pandiwa – Tagatanggap

4.

Pangkalahatang sangguniang mapagkukunan ng mga artikulo, lathalain, kuwento, mga larawan, at patalastas o anunsiyo.

a)

Diksyunaryo

b)

Atlas

c)

Magasin

d)

Pahayagan

5.

Nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o anumang binili, binibili, o bibilhin.

a)

Pang-uri Pamilang – Kardinal

b)

Pang-uri Pamilang – Pahalaga

c)

Pang-uri Pamilang – Patakda

d)

Pang-uri Pamilang – Pamahagi

6.

Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap o aktor kapag ang paksa ng pangungusap ang gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.

a)

Pokus ng Pandiwa – Layon

b)

Pokus ng Pandiwa – Tagatanggap

c)

Pokus ng Pandiwa – Tagaganap o Aktor

d)

Pokus ng Pandiwa – Gamit

7.

Tumutukoy sa mga tunog tulad ng musika, pagsasalita, sound effects, at iba pa. Ito ay nagdaragdag ng dimensiyon sa visual na mga elemento at nagbibigay ng mood.

a)

Teksto

b)

Video

c)

Larawan

d)

Elemento ng Multimedia – Audio

8.

Nagsasabi ng posisyon sa pagkakasunod-sunod. Nagsasabi ito kung pang-ilan ang pangngalan o panghalip.

a)

Pang-uri Pamilang – Kardinal

b)

Pang-uri Pamilang – Panunuran o Ordinal

c)

Pang-uri Pamilang – Palansak

d)

Pang-uri Pamilang – Pahalaga

9.

Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.

a)

Pangatnig

b)

Pang-ukol

c)

Pang-angkop

d)

Pang-abay

10.

Isa sa pinakakilalang pangkalahatang sanggunian ang pahayagan o diyaryo. Ito ay mapagkukunan ng pinakasariwang balita at pangyaya.

4 lines
11.

pinaggagamitan.

a)

Pangatnig

b)

Pang-ukol

c)

Pang-angkop

d)

Pang-abay

12.

Isa sa pinakakilalang pangkalahatang sanggunian ang pahayagan o diyaryo. Ito ay mapagkukunan ng pinakasariwang balita at pangyayaring nagaganap sa kapaligiran.

a)

Magasin

b)

Aklat

c)

Ensiklopedya

d)

Pangkalahatang Sanggunian – Diyaryo o Pahayagan

13.

Nagsasaad ng isang bahagi o parte ng kabuoan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na pamamahagi. Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay pare-pareho.

a)

Pang-uri Pamilang – Palansak

b)

Pang-uri Pamilang – Pamahagi

c)

Pang-uri Pamilang – Pahalaga

d)

Pang-uri Pamilang – Patakda

14.

Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon o gol kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na “ano?”

a)

Pokus ng Pandiwa – Gamit

b)

Pokus ng Pandiwa – Tagaganap

c)

Pokus ng Pandiwa – Layon o Gol

d)

Pokus ng Pandiwa – Tagatanggap

15.

Ito ay pagpapahayag na lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari, kaisipan, at damdamin. Ito ay mga pahayag na eksaherado, imposibleng mangyari o sobra-sobra ang paglalarawan.

a)

Simile

b)

Metapora

c)

Pagmamalabis o Hyperbole

d)

Personipikasyon

16.

Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.

a)

Pang-angkop

b)

Pang-uri

c)

Pangatnig

d)

Pang-ukol

17.

Nagsasaad ng pangkatan, minsanan, o maramihan ng mga pangngalan o panghalip. Tinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama.

a)

Pang-uri Pamilang – Pamahagi

b)

Pang-uri Pamilang – Palansak

c)

Pang-uri Pamilang – Kardinal

d)

Pang-uri Pamilang – Patakda

18.

Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagatanggap kung ang paksa ang nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

a)

Pokus ng Pandiwa – Tagaganap

b)

Pokus ng Pandiwa – Layon

c)

Pokus ng Pandiwa – Gamit

d)

Pokus ng Pandiwa – Tagatanggap / Benepaktibo

19.

Nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi madadagdagan o mababawasan pa.

a)

Pang-uri Pamilang – Kardinal

b)

Pang-uri Pamilang – Patakda

c)

Pang-uri Pamilang – Palansak

d)

Pang-uri Pamilang – Pahalaga