Font size
WorksheetsPanahon ng Amerikano
Total questions: 100
Worksheet time: 50mins
Alin sa mga pangyayari ang nagbigay-daaan upang magdeklara ng digmaan ang Estados Unidos laban sa Espanya kahit walang matibay na ebidensya?
Paglusob sa Maynila
Pagdakip sa mga Pilipino
Pag-atras ng Espanya
Pagsabog ng barkong USS Maine
Bakit mabilis na natalo ang hukbong-dagat ng Espanya sa Look ng Maynila?
Mas marami ang sundalo ng Amerika
Mas moderno ang mga barkong Amerikano
Kulang sa pagkain ang Espanya
Wala silang pinuno
Ang pagbabalik ni Emilio Aguinaldo mula Hong Kong ay mahalaga dahil ito ay nagbunga ng ____.
agarang pagsuko ng Espanya
pagsisimula ng digmaang Pilipino-Amerikano
pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas
pagtatatag ng pamahalaang Komonwelt
Ano ang pinakamahalagang simbolikong nangyari noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite?
Pagpirma ng kasunduan
Pagkakatatag ng Kongreso
Pagdating ng mga Amerikano
Pagwawagayway ng pambansang watawat
Bakit itinuturing na makasaysayan ang Kongreso ng Malolos?
Dahil ito ang unang simbahan sa Bulacan
Dahil pinangunahan ito ng mga Amerikano
Dahil dito nilikha ang unang konstitusyon ng bansa
Dahil dito nagtapós ang digmaan
Ano ang ipinakita ng Mock Battle of Manila tungkol sa relasyon ng Amerika at Espanya?
Tapat ang kanilang kasunduan
Pantay ang kanilang kapangyarihan
May lihim silang kasunduan laban sa Pilipino
Walang interes ang Amerika sa Pilipinas
Bakit hindi pinayagang ang mga Pilipino na pumasok sa Intramuros matapos ang Mock Battle of Manila?
Dahil kulang sila sa armas
Dahil pagod na sila
Dahil ayaw ng Espanya na sumuko sa Pilipino
Dahil bawal ang sibilyan
Ang Kasunduan sa Paris ay hindi naging makatarungan sa mga Pilipino dahil ____.
walang digmaan noon
hindi isinama ang kinatawan ng Pilipinas
kulang ang pera ng Amerika
ayaw ng Espanya sa kasunduan
Ano ang pangunahing mensahe ng Benevolent Assimilation Proclamation?
Pagbibigay ng agarang kalayaan
Pagwawakas ng digmaan
Pagpapakalalang ‘kaibigan’ ang Amerika
Pagpapalaya sa mga Pilipino
Bakit maraming Pilipino ang hindi naniwala sa Benevolent Assimilation?
Dahil wala itong pirma
Dahil walang sundalo ang Amerika
Dahil ramdam nila ang planong pananakop
Dahil gusto nila ang Espanya
Ang Unang Putok sa San Juan ay naging mahalaga dahil ito ang ____.
huling labanan
pagsuko ng Amerika
opisyal na simula ng digmaang Pilipino-Amerikano
pagtatatag ng Republika
Bakit sinikap ng Amerika na makipagkasundo sa mga Muslim sa Timog?
Dahil gusto nilang tulungan ang Islam
Dahil ayaw nilang magkaroon ng dalawang digmaan
Ano ang ipinapakita ng biglaang pagwawakas ng Kasunduan Bates?
Katapatan ng Amerika
Pansariling interes ng Amerika
Paggalang sa Sultan
Kapayapaan sa bansa
Bakit naging madugo ang labanan sa Bud Dajo?
Dahil mababa ang lugar
Dahil walang armas ang Moro
Dahil ginamit itong kuta at pinilitaban ng sundalo
Dahil kusang sumuko ang Moro
Ano ang ipinahiwatig ng ginawang sakripisyo ni Gregorio del Pilar sa Pasong Tirad?
Takot siya sa Amerika
Inuna niya ang bayan kaysa sarili
Wala siyang plano
Gusto niyang sumikat
Paano nakaapekto ang pagkamatay ni Heneral Luna sa hukbong Pilipino?
Mas naging organisado
Mas dumami ang sundalo
Nanghina ang pamumuno at disiplina
Naging mas matapang
Ang Masaker sa Balangiga ay nagpapakita ng ____.
kahinaan ng Pilipino
pagkakaibigan ng dalawang bansa
tapang ng mamamayan at kalupitan ng digmaan
pagsuko ng Amerika
Bakit itinuring na malupit ang pagganti ng Amerika sa Samar?
Dahil walang labanan
Dahil pati sibilyan ay pinatay
Dahil maikli ang digmaan
Dahil may kasunduan
Ano ang kahulugan ng paggamit ng kampana sa Balangiga?
Para sa relihiyon
Para sa musika
Bilang lihim na hudyat ng pagkakaisa
Para sa selebrasyon
Bakit hindi agad natapos ang paglaban kahit idineklaro nang tapos ang digmaan noong 1902?
Dahil kulang sa sundalo
Dahil may bagong Espanya
Dahil marami pa ring Pilipinong lumalaban
Dahil ayaw ng Amerika
Paano ginamit ng Amerika ang edukasyon bilang paraan ng pananakop?
Sa pagtuturo ng Kastila
Sa pagsasara ng paaralan
Sa pagtuturo ng Ingles at kulturang Amerikano
Sa pagdawal sa edukasyon
Bakit sinasabing may mabuti at masamang epekto ang malayang kalakalan?
Dahil walang buwis
Dahil umunlad ang ekonomiya ngunit naging dependent
Dahil lugi ang Amerika
Dahil walang produkto
Ano ang pangunahing layunin ng Batas Sedisyon at Brigandage?
Protektahan ang Pilipino
Pigilan ang anumang paglaban sa Amerika
Palakasin ang kalayaan
Itaguyod ang kultura
Bakit epektibo ang patakarang kooptasyon?
Dahil puro dahas
Dahil walang Pilipino
Dahil nakuha nito ang loob ng mga ilustrado
Ano ang kahalagahan ng Pamahalaang Komonwelt sa kasaysayan?
Dahil kontrolado ng Amerika
Dahil walang konstitusyon
Ito ang naghahanda sa ganap na kalayaan
Dahil may digmaan
Ano ang naging mitsa ng normal na pakikipagdigma ng Estados Unidos laban sa Espanya?
Pagsabog ng barkong USS Maine sa Havana, Cuba
Pagbaril kay Willie Grayson sa tulay ng San Juan
Paglagda sa Treaty of Paris sa bansang Pransya
Pagsulong ng Asiatic Squadron sa Look ng Maynila
Bakit itinuturing na "Mock Battle" ang labanan sa Maynila noong Agosto 13, 1898?
Dahil walang naganap na putukan sa pagitan ng dalawang panig
Dahil huli na nagkasundo ang Espanya at Amerika na magkunwaring naglalaban
Dahil umatras ang mga Pilipino bago pa man magsimula ang putukan
Dahil hindi gumamit ng totoong bala ang mga kanyon ng mga Amerikano
Sino ang kinatawan ng Pilipinas na nagtangkang pigilan ang pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris?
Cayetano Arellano
Apolinario Mabini
Sergio Osmeña
Felipe Agoncillo
Sa ilalim ng Patakarang Pasipikasyon, anong batas ang nagparusa ng kamatayan o mahabang pagkabilanggo sa mga grupong nananais ng kalayaan?
Batas sa Bandila
Batas Sedisyon
Batas Brigandage
Batas Rekonsentrasyon
Ano ang pangunahing layunin ng proklamasyon "Benevolent Assimilation" ni Pangulong McKinley?
Ibalik ang Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol
Kilalanin ang ganap na kalayaan ng Unang Republika ng Pilipinas
Sakupin ang Pilipinas sa paraang magmumukhang kaibigan at tagapagtagumpay
Pasilin ang lahat ng mga gurong Amerikano sa bansa
Sino ang namuno sa pagsalbos sa Malolos na nagresulta sa pag-aatras ng pamahalaang Aguinaldo?
George Dewey
Arthur MacArthur
Jacob Smith
John Bates
Paano nahanap ng mga Amerikano ang kinalalagyan ni Gregorio del Pilar sa Pasong Tirad?
Dahil sa pagtatraydor ng isang Igorot na si Januario Galut
Dahil sa mga naning mapa ng hukbong Pilipino sa kalsada
Dahil sa paggamit ng mga modernong teleskopyo ng mga Amerikano
Dahil kusang sumuko ang mga sundalo ni Del Pilar
Ano ang naging hudyat ng simula ng labanan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano noong Pebrero 4, 1899?
Ang pagsugod ng mga Amerikano sa loob ng Intramuros
Ang pagdeklarang ng kalayaan ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite
Ang pag-atake ng mga Pilipino sa barkong USS Maine
Ang pagbaril ni Willie Grayson sa isang sundalong Pilipino sa Sta. Mesa
Sino ang sumulat ng tula ng ating pambansang awit na may pamagat na "Filipinas"?
Julian Felipe
Jose Palma
Juan Luna
Ambrosio Rianzares Bautista
Ano ang tawag sa sistema ng transportasyon na ipinakilala sa Maynila na tumatakbo sa pamamagitan ng kuryente?
Aerocraft
Tren
Tranvia
Kalesa
Aling batas ang nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling lehislatura at dalawang Resident Commissioner sa US?
Batas Jones
Batas Cooper (Philippine Bill of 1902)
Batas Tydings-McDuffie
Batas Payne-Aldrich
Anong patakaran ang ginamit upang makuha ang suporta ng mga elite o mayayamang Pilipino sa pamahalaang Amerikano?
Pasipikasyon
Rekonsentrasyon
Asimilasyon
Kooptasyon
Saan pormal na nadakip si Pangulong Emilio Aguinaldo noong Marso 23, 1901?
Palanan, Isabela
Cabatuan, Nueva Ecija
Pasong Tirad, Ilocos Sur
Kawit, Cavite
Sino ang huling heneral na sumuko sa mga Amerikano na naghudyat ng pagtatapos ng organisadong paglaban?
Macario Sakay
Miguel Malvar
Antonio Luna
Vicente Lukban
Anong batas ang nagbatas ng buwis sa mga produktong Pilipino na lumalampas sa itinatakdang quota sa Amerika?
Batas Underwood-Simmons
Batas Jones
Batas Payne-Aldrich
Batas Tydings-McDuffie
Ano ang naging layunin ng plebisito noong 1937 sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt?
Upang pumili ng bagong pambansang wika
Upang pagpasiyahan ang pananatili ng base militar ng US
Upang aprubahan ang Saligang Batas ng 1935
Upang malaman kung sang-ayon ang mga babae na magkaroon ng karapatang bumoto
Sino ang Amerikanong opisyal na lumagda sa kasunduan sa Sultan ng Sulu upang iwasan ang labanan sa Mindanao?
John C. Bates
William Howard Taft
Jacob Schurman
George Dewey
Ano ang naging bunga ng Batas Underwood-Simmons noong 1913?
Pagbawas sa pagpasok ng asukal at tabako sa Amerika
Pagkakaroon ng ganap na malayang kalakalan nang walang quota
Pagpapatupad ng mataas na buwis sa lahat ng produktong Amerikano
Paghinto ng pagluwas ng mga produktong Pilipino sa ibang bansa
Sino ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa" na nagtaguyod sa Surian ng Wikang Pambansa?
Sergio Osmeña
Manuel Roxas
Manuel L. Quezon
Jose P. Laurel
Aling bansa ang kinalapitan nina Marcela Agoncillo upang tahiin ang unang pambansang watawat?
Singapore
Japan
Vietnam
Hong Kong
Ano ang tawag sa tungkulin ng mga Amerikano na gabayan at turuan ang mga "mabababang lahi" ayon sa kanilang pananaw?
White Man's Burden
Manifest Destiny
Benevolent Assimilation
Colonial Mentality
Aling komisyon ang nagrekomenda ng pagtatatag ng isang sibil na pamahalaan at sistema ng edukasyon sa bansa?
Taft Commission
Schurman Commission
Os-Rox Mission
Wood-Forbes Mission
Sino ang pinuno ng mga "babalyanes" sa Negros na patuloy na lumaban sa mga Amerikano?
Simeon Ola
Macario Sakay
Papa Isio
Luciano San Miguel
Anong batas ang nag-utos sa pagsasama-sama ng mga tao sa isang sona upang hindi makatulong sa mga gerilya?
Batas Brigandage
Batas Sedisyon
Batas sa Bandila
Batas Rekonsentrasyon
Aling ospital ang itinayo ng mga Amerikano noong 1910 para sa publiko?
Philippine General Hospital
San Lazaro Hospital
Jose R. Reyes Memorial Medical Center
National Orthopedic Hospital
Sino ang pangulo ng Estados Unidos na nagsabing ang Pilipinas ay “regalo mula sa Diyos”?
Theodore Roosevelt
William McKinley
Woodrow Wilson
Franklin Roosevelt
Ano ang tawag sa mga Amerikanong guro na dumating sakay ng USS Thomas?
Pensionados
Thomasites
Volunteers
Missionaries
Anong uri ng pamahalaan ang itinag ni Emilio Aguinaldo noong Mayo 1898 bago ang Republika?
Pamahalaang Militar
Pamahalaang Sibil
Pamahalaang Komonwelt
Pamahalaang Diktadurya
Sino ang namuno sa Asiatic Squadron na nagwakas sa hukbong pandagat ng Espanya sa Look ng Maynila?
George Dewey
Patricio Montojo
Wesley Merritt
Arthur MacArthur
Sa ilalim ng Batas Jones (1916), ano ang pangunahing kundisyong ibinigay para sa kalayaan ng Pilipinas?
Pagbabayad ng $20 milyong dolyar sa Amerika
Pagkakaroon ng isang matatag na pamahalaan
Pagpapalit ng wikang Ingles bilang pambansang wika
Pagbuo ng sariling hukbong sandatahan
Ano ang tawag sa programang nagpapadala ng mga Pilipinong iskolar sa Amerika upang mag-aral?
Fulbright Program
Exchange Student Act
Pensionado Program
Thomasite Scholarship
Aling bundok sa Sulu ang naging saksi sa pagpaslang sa daan-daang Muslim, kabilang ang kababaihan at mga bata?
Bud Bagsak
Mount Matutum
Mount Apo
Bud Dajo
Sino ang kompositor ng himig ng pambansang awit ng Pilipinas?
Julian Felipe
Jose Palma
Juan Luna
Felipe Concepcion
Sino ang unang Pilipinong naging Punong Mahistrado ng Korte Suprema sa panahon ng mga Amerikano?
Claro M. Recto
Cayetano Arellano
Manuel L. Quezon
Sergio Osmeña
Anong batas ang pumalit sa Hare–Hawes–Cutting Act at nagtakda ng petsa ng kalayaan ng Pilipinas?
Batas Jones
Batas Tydings–McDuffie
Batas Cooper
Batas Underwood–Simmons
Sino ang paglusob sa Malolos na naging dahilan ng paglipat ng kabisera ng Republika?
Jacob Smith
George Dewey
John Bates
Arthur MacArthur
Saan lugar pormal na binuksan ang Kongreso ng Malolos?
Barasoain Church
Manila Cathedral
San Agustin Church
Quiapo Church
Bakit tinawag na “Joan of Arc ng Visayas” si Teresa Magbanua?
Dahil siya ang nagtatag ng watawat sa Visayas
Dahil sa kanyang katapangan sa pamumuno sa mga labanan laban sa mga dayuhan
Dahil siya ay nagsilbing espiya ng mga Amerikano
Dahil siya ang nagtatag ng Katipunan sa Iloilo
Ano ang tinutukoy na “sovereignty” ng Amerika sa Kasunduan ng Bates?
Pagkilala sa Sultan bilang nag-iisang pinuno ng Sulu
Pagkilala sa Amerika bilang may pinakamaataas na kapangyarihan sa Sulu
Pagpayag ng Amerika na maging malayang bansa ang Mindanao
Pagbawal sa mga Amerikano na pumasok sa Jolo
Anong sementadong kalsada ang itinayo ng mga Amerikano patungo sa Baguio?
Kennon Road
Session Road
Wright Park Road
Loakan Road
Sino ang kilalang “Utak ng Himagsikan” na nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo?
Apolinario Mabini
Antonio Luna
Felipe Agoncillo
Jose Rizal
Anong pangyayari noong Setyembre 28, 1901 ang nagresulta sa pagkamatay ng maraming sundalong Amerikano?
Labanan sa Balangiga
Masaker sa Balangiga
Labanan sa Pasong Tirad
Paglusob sa Malolos
Aling batas ang nagbawal sa pagpapakita ng anumang simbolo ng pagka-Pilipino, kabilang ang watawat?
Batas Sedisyon
Batas Brigandage
Batas sa Bandila
Batas Rekonsentrasyon
Sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt, ano ang pangunahing wikang ituturo sa mga paaralan?
Ingles at Kastila
Tagalog lamang
Ingles at Nihongo
Ingles at Wikang Pambansa
Anong institusyon ang itinatag noong 1936 upang pumili ng pambansang wika?
Surian ng Wikang Pambansa
Komisyon sa Wikang Filipino
Kagawaran ng Wika
Akademya ng Pilipinas
Sino ang nagtayo ng Republika ng Tagalog sa Tanay at itinuring na bandido ng mga Amerikano?
Miguel Malvar
Macario Sakay
Simeon Ola
Vicente Lukban
Ano ang kahulugan ng “Manifest Destiny” para sa Estados Unidos?
Paniniwala na dapat manatili ang Amerika sa loob ng kanilang bansa
Pagtulong sa mga bansa sa Asya na maging komunista
Paniniwala na itinalaga sila ng Diyos na palawakin ang kanilang kapangyarihan
Pagpapatalsik sa lahat ng mga dayuhan sa Amerika
Sino ang namuno sa Unang Philippine Commission noong 1899?
Jacob Schurman
William Howard Taft
Henry Cooper
William Jones
Ano ang naging epekto ng “Colonial Mentality” sa mga Pilipino noong panahon ng Amerikano?
Mas pinahalagahan ang kultura at produkto ng mga Amerikano
Nagkaroon ng matinding galit ang lahat ng Pilipino sa mga produktong dayuhan
Naging masigasig ang paggamit ng wikang Tagalog
Tumigil ang pag-aaral ng mga Pilipino sa mga pampublikong paaralan
Saan inilipat ni Aguinaldo ang kabisera ng Republika matapos bumagsak ang Malolos?
Palanan, Isabela
Cabanatuan, Nueva Ecija
Kawit, Cavite
Biak-na-Bato
Gaano katagal ang itinakdang transisyon bago ang kalayaan sa ilalim ng Batas Tydings–McDuffie?
10 taon
5 taon
20 taon
15 taon
Sino ang Amerikanong heneral na tinaguriang “Butcher” dahil sa malupit na kampanya sa Samar?
Arthur MacArthur
Jacob Smith
John Bates
George Dewey
Ano ang tawag sa sistemang pamahalaan na itinatag noong Hulyo 4, 1901 na pinamunuan ni William Howard Taft?
Pamahalaang Militar
Pamahalaang Komonwelt
Pamahalaang Sibil
Pamahalaang Diktadurya
Sino ang naging Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
Sergio Osmeña
Manuel Roxas
Manuel L. Quezon
Elpidio Quirino
Anong sakit ang sinubukang puksain ng mga Amerikano sa pamamagitan ng pagbabakuna at kampanya sa kalinisan?
Kolera at Smallpox
COVID-19 at Influenza
Malaria at Dengue
Kanser at Tuberculosis
Aling misyon ang nag-uwi ng batas sa kalayaan na tinanggihan ni Quezon?
Misyon Quezon
Misyon Os–Rox
Misyon Roxas–Osmeña
Misyon Schurman
Anong taon binigyan ng karapatang bumoto ang mga kababaihan sa Pilipinas?
1937
1935
1941
1934
Bakit tinuring na “ladrones” o magnanakaw ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng Batas Brigandage?
Dahil nananira sila sa mga sakahan ng mga Amerikano
Dahil ito ay utos ng Simbahang Katoliko
Upang alisin ang katayuan nilang bilang mga sundalong lumalaban para sa kalayaan
Dahil ayaw nilang magbayad ng buwis sa pamahalaan
Sino ang nagbasa ng deklarasyon ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898?
Ambrosio Rianzares Bautista
Julian Felipe
Jose Palma
Apolinario Mabini
Ano ang tawag sa mga sundalong Amerikano na nagsilbing unang mga guro bago dumating ang mga Thomasites?
Pensionados
Rangers
Volunteers
US Army Teachers
Sa ilalim ng Konstitusyon ng 1935, sino ang may kapangyarihan sa ehekutibong sangay?
Pangulo
Ispiker ng Kapulungan
Punong Mahistrado
Gobernador-Heneral
Anong relihiyon ang pormal na ipinakilala at pinalaganap ng mga Amerikano sa bansa?
Katolisismo
Protestantismo
Islam
Budismo
Kailan pormal na pinasinaya ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos?
Enero 23, 1899
Hunyo 12, 1898
Setyembre 15, 1898
Marso 23, 1901
Sino ang huling heneral na sumuko sa Bicol noong 1903?
Macario Sakay
Miguel Malvar
Vicente Lukban
Simeon Ola
Ano ang pangunahing nilalaman ng Batas Jones?
Kasarinlan kapag may matatag na gobyerno
Agarang kalayaan sa loob ng 2 taon
Pagiging estado ng Amerika
Pamamahala ng mga militar
Bakit tinawag na "Summer Capital" ng Pilipinas ang lungsod ng Baguio?
Dahil doon nagtitipon ang mga gerilya tuwing tag-init
Dahil doon lumilipat ang pamahalaang Amerikano upang umiwas sa tindi ng init sa Maynila
Dahil doon natatagpuan ang pinakamalaking taniman ng palay
Dahil doon idineklarang ang pagtatapos ng digmaan
Anong aspeto ng kultura ang higit na naapektuhan ng wikang Ingles noong panahon ng Amerikano?
Sining at Literatura
Pagsasaka at Pangingisda
Pangangaraso
Paggimina
Sino ang heneral na pinatay ng kanyang mga kapwa Pilipino sa Cabanatuan?
Gregorio del Pilar
Antonio Luna
Emilio Aguinaldo
Miguel Malvar
Anong sangay ng pamahalaan ang may kapangyarihang magpaliwanag ng mga batas?
Hudikatura
Ehekutibo
Lehislatura
Militar
Ano ang naging epekto ng pagpapadala ng mga Pensionado sa Estados Unidos?
Sila ay naging mga sundalong lumaban sa Amerika
Sila ay nanatili sa Amerika at hindi na bumalik
Sila ay naging mga pari sa Pilipinas
Sila ay naging mga pinuno at propesyonal na tagataguyod ng sistemang Amerikano
Ano ang proklamasyong inilabas ni McKinley noong Disyembre 21, 1898?
Benevolent Assimilation
Manifest Destiny
White Man's Burden
Pacification Policy
Sino ang pinuno ng Asiatic Squadron ng US Navy?
Arthur MacArthur
George Dewey
Jacob Smith
Wesley Merritt
Saan naganap ang labanan kung saan namatay si Gregorio del Pilar?
Pasong Tirad
Bud Dajo
Balangiga
Palanan
Anong uri ng paaralan ang binuksan para sa mga nais matuto ng teknikal na kasanayan?
Kolehiyo
Elementarya
Mataas na Paaralan
Bokasyonal
Ano ang itinuturing na unang demokratikong konstitusyon sa Asya?
Saligang Batas ng Malolos
Konstitusyon ng 1935
Biak-na-Bato Constitution
Jones Law
