

Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
Flashcard
•
World Languages
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Mharvie Mangila
Used 2+ times
FREE Resource
Student preview

30 questions
Show all answers
1.
FLASHCARD QUESTION
Front
Naglalaman ng pagpapakilala sa paksa ng pananaliksik.
Back
Dito ipinapakita ang konteksto ng problema, kahalagahan ng pag-aaral, at batayang impormasyon tungkol sa paksang sinisiyasat. Dapat malinaw, makatwag-pansin, at nagbibigay ng pangkalahatang ideya sa mambabasa.
2.
FLASHCARD QUESTION
Front
Itinatala rito ang pangunahing tanong o mga suliranin na gustong sagutin ng mananaliksik.
Back
Nahahati ito sa: Pangunahing Suliranin (Main Problem) at Maliit na Suliranin (Sub-problems). Ang mga tanong ay dapat tugma sa layunin at masusukat sa pamamagitan ng datos.
3.
FLASHCARD QUESTION
Front
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Back
Ito nakasaad kung bakit mahalaga ang pananaliksik. Sinusuri kung kanino makikinabang (estudyante, guro, komunidad, institusyon, atbp.). Dito rin ipinapakita ang ambag ng pag-aaral sa larangan ng kaalaman o praktikal na aplikasyon.
4.
FLASHCARD QUESTION
Front
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Back
Saklaw – hanggang saan ang nilalaman o lawak ng pag-aaral. Delimitasyon – mga hangganan o limitasyon na sinadyang itinakda ng mananaliksik. Layunin nitong ipakita kung ano lamang ang tatalakayin at kung ano ang hindi sakop.
5.
FLASHCARD QUESTION
Front
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Back
Ito ang bahagi ng pag-aaral na nagbibigay ng mga mahahalagang terminong teknikal na ginamit sa pag-aaral. Maaaring: Konseptuwal – batay sa diksyunaryo o teorya; Operasyonal – batay sa paggamit nito sa pag-aaral.
6.
FLASHCARD QUESTION
Front
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Back
Mga naunang pananaliksik na may parehong tema o metodolohiya. Dapat ipakita: layunin ng bawat pag-aaral, ginamit na pamamaraan, resulta, at pagkakatulad at pagkakaiba sa kasalukuyang pananaliksik.
7.
FLASHCARD QUESTION
Front
Sintesis ng mga Pag-aaral at Literatura
Back
Pagbubuod ng lahat ng nakalap na impormasyon. Ipinapakita kung paano nauugnay ang mga naunang pag-aaral sa kasalukuyang pananaliksik. Dito rin makikita ang pundasyon ng teorya o framework na gagamitin sa Kabanata 3.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?