Search Header Logo
PAGPAPAHALAGA SA KATOTOHANAN

PAGPAPAHALAGA SA KATOTOHANAN

Assessment

Presentation

Religious Studies

5th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

LORAINNE SAWAY

Used 8+ times

FREE Resource

12 Slides • 14 Questions

1

PAGPAPAHALAGA SA KATOTOHANAN

ESP Q1WK1

Slide image

2

Open Ended

Question image

Ano sa palagay mo ang ginagawa ng mga bata?

3

Open Ended

Pinaniniwalaan mo ba ang lahat ng nababasa o naririnig sa mga balita? Kailan mo masasabing nagsusuri kang mabuti ng iyong mga gawain?

4

MGA HALIMBAWA NG FAKE NEWS

Slide image

5

Mag-ingat sa Pakikipag-usap

Basahin ang kwento at pansin kung paano nag-isip nang mabuti si Victor bago magpasiya.

6

"Yong telepono, Victor! Ikaw na ang sumagot" Ang sabi ni Ate Becky.

"Hello? Opo, dito nga po. Bakit po?" Ang tanong ni Victor sa kausap.

7

May ilang saglit na lumipas. "Po? Naaksidente at kailangang dalhin agad sa ospital? Nagkakamali po yata kayo. Kani kanina lang po ay tumawag dito sina mommy at sabi ay pauwi na sila."

8

"Ano daw iyon?" ang tanong ni Ate Becky nang ibinaba na ni Victor 'yong telepono.

"Sabi ng kausap ko, naaksidente daw sina Mommy kanina. Kailangan daw puntahan agad sa ospital at tuturuan niya ako ng dapat gawin. 

9

"Ha? Paanong mangyayari iyon?" ang tanong ng kaniyang Ate Becky. "Hindi nga ako naninwala at naisip kong manloloko iyon kaya agad-agad kong ibinaba ang telepono," ang pahayag ni Victor.

10

Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Nang buksan nila ito, bumungad ang kanilang Mommy at Daddy na maraming dalang pinamili sa palengke.

11

"Mukhang masinsinan yata ang pinag-uusapan ninyong magkakapatid?" ang bungad ng mag-asawa.

12

Ikinuwento ni Victor ang tungkol sa tawag sa telepono.

"Naku, mabuti na lang, Anak at hindi ka naniwala. Marami talagang manloloko sa panahon ngayon. Ang galing talaga ng anak ko!" ang sabi ng Mommy niya sabay halik sa kaniya.

13

Open Ended

Ano kaya ang maaaring nangyari kung hindi gumamit ng mapanuring pag-iisip si Victor? Ipaliwanag.

14

Open Ended

Kung mahaharap ka sa sitwasyong tulad ng kay Victor, gagawin mo rin ba ang ginagawa niya? Bakit ?

15

Paano nga ba maging mapanuri? Narito ang ilang palatandaan ng isang taong mapanuri.

  • Masusing binabasa, pinakikinggan o pinanonood ang ulat o

    impormasyon.

  • Inuunawa ang mga nakalap na impormasyon.

  • Naghahanap ng iba pang panggagalingan ng impormasyon upang

    maihambing kung pareho at tama ang isinasaad.

  • Inaalam kung ang source o pinagmulan ay kapani-paniwala.

  • Nagtatanong sa marunong, eksperto o kinauukulan.

16

Tukuyin kung nagpapahayag ng paggamit ng mapanuring pag-iisip

Piliin ang OO at HINDI

17

Multiple Choice

Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan

1

oo

2

Hindi

18

Multiple Choice

Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin

1

oo

2

hindi

19

Multiple Choice

Pagbabasa ng diyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa

1

oo

2

Hindi

20

Multiple Choice

Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela o kdrama kaysa sa mga balita.

1

oo

2

hindi

21

Multiple Choice

Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng paggawa ng makabuluhang bagay.

1

oo

2

hindi

22

Multiple Choice

Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain

1

oo

2

hindi

23

Multiple Choice

Paniniwala at patalastas na napanood o narinig

1

oo

2

hindi

24

Multiple Choice

Pagkalap sa iba't ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing pinagagawa ka ng pag-uulat sa klase

1

oo

2

hindi

25

Multiple Choice

Pagtimbang nang magkabilang panig ng isang isyu bago ka gumawa ng pagpapasiya

1

oo

2

hindi

26

Multiple Choice

Pagpapahalaga sa opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa opinyon mo

1

oo

2

hindi

PAGPAPAHALAGA SA KATOTOHANAN

ESP Q1WK1

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 26

SLIDE