Search Header Logo
AP8: Panahong Prehistoric

AP8: Panahong Prehistoric

Assessment

Presentation

Social Studies, History

8th Grade

Easy

Created by

Arman Mangilinan

Used 5+ times

FREE Resource

16 Slides • 5 Questions

1

Panahong Prehistoric

Araling Panlipunan 8

Happy Homeschool

Teacher Arman

Slide image

2

Open Ended

Question image

Naniniwala ba kayong nabuhay ang mga dinosours?

3

Open Ended

Question image

Paano natin nalalaman ang kasaysayan (history)? Sa pamamagitan ng ano?

4

Prehistory

Bago nagkaroon ng sistematikong paraan ng pagsulat

5

Pokus na Tanong:

  • Ano ang panahong prehistoric?

  • Paano natuklasan ang panahong prehistoric?

  • Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng panahong prehistoric

6

Ano ang Prehistory?

Nahahati sa dalawang bahagi ang kasaysayan—ang panahong prehistoriko at ang panahong historiko.

Prehistory - bago ang pagkakaroon ng sistema ng pagsulat

Slide image

7

Ating Alamin!

Ang pag-aaral ng Prehistoric sa pamamagitan ng mga larawang ito

8

Open Ended

Question image

Saan kaya ginagamit ang mga ito?

9

Paleolitiko: Kagamitang Bato

  • Mula sa tinapyas na piraso ng bato at pinatulis

  • Pangangaso at pangkatay ng hayop

  • Artifact: mga sinaunang kagamitang gawa ng sinaunang tao

Slide image

10

Open Ended

Question image

Ano naman ang tawag dito?

11

Fossil

  • Labi ng sinaunang nilalang, hayop o tao

  • Maaaring buto ng mga tao o hayop

  • Maaaring marka ng mga labi sa lupa, bato o amber

Slide image

12

Pag-aaral ng Prehistoric

  • Naganap ang panahong prehistoriko daang libong taon na ang nakalilipas.

  • Gamit sa pagtuklas ng kasaysayan ang artifact at fossil

  • Upang matukoy kung sa aling panahon nabibilang ang natuklasang fosil o artifact, isinasagawa ang dalawang paraan ng pagpapanahon— ang radiocarbon dating at potassium-argon dating

Slide image

13

Radiocarbon Dating o Carbon-14 Dating

Sa prosesong ito, sinusukat ang natitirang radioactive  carbon  14  (C-14) mula sa fosil. Ang isang nilalang ay tumatanggap ng C-14 habang ito ay nabubuhay.

Sa pagkamatay naman nito, tumitigil ang pagtanggap ng  C-14  at nagsisimula itong mabulok. Sa pamamagitan ng pagsukat ng natitirang C-14, nalalaman ang edad ng labi. Maaari nitong mataya ang tanda ng fosil nang hanggang 50 000 taon

14

Potassium-Argon Dating o K-Ar Dating

Sa prosesong ito, sinusukat ang natitirang potassium at argon mula sa volcanic rock. Sa paglipas ng panahon, nabubulok ang radioactive na potassium, K-40, sa gas na argon-40 (Ar-40). Sa pagsukat ng dami ng K-40 kaugnay sa Ar-40 nasusukat ang panahong nakalipas mula nang mabuo ang volcanic rock. Natataya ang tanda ng bato mula 50,000 hanggang 4.5 bilyong taon.

15

Open Ended

Question image

Para saan kaya ang mga ipininta sa kuweba ng mga sinaunang tao sa prehistoric?

16

Slide image

17

Slide image

18

Prehistory

  • Paleolitiko: Lumang bato (old stone age)

  • Neolitiko: Bagong bato (new stone age)

  • Panahon ng metal

Slide image

19

Bakit mahalagang pag-aralan ang prehistory?

  • Upang lubusang maunawaan ang kasalukuyan, mahalagang balikan natin ang salaysay ng nakaraan.

  • Nalalaman ang mga unang anyo ng mga nilalang na may buhay sa panahong prehistoric.

  • Malaman ang sinaunang pamumuhay ng mga tao at paano nakaapekto ang kanilang kapaligiran sa kanila.

20

Tandaan Natin!

  • Ang prehistory ay mga tala ng kasaysayan bago ang sistema ng pagsulat

  • Natutuklasan ang prehistory sa pamamagitan ng mga fossils at artifacts

  • Mahalagang pag-aralan ng prehistory upang malaman ang pag-unlad ng tao sa kanyang paligid.

Slide image

21

Maraming Salamat!

Basahin (in advance) ang "Panahong Prehistoriko"

sa Acad Book 8, pahina 290 - 303

Panahong Prehistoric

Araling Panlipunan 8

Happy Homeschool

Teacher Arman

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 21

SLIDE