Search Header Logo
AGHAM Q2 WEEK 3

AGHAM Q2 WEEK 3

Assessment

Presentation

Science

3rd Grade

Practice Problem

Easy

Created by

ZHARINA ANNE VERDIJO

Used 4+ times

FREE Resource

33 Slides • 24 Questions

1

AGHAM Q2 WEEK 3

MGA BAHAGI NG KATAWAN NG HAYOP NA MAKIKITA SA LUPA AT ANG TUNGKULIN NG BAWAT BAHAGI NITO

Slide image

2

Slide image

3

Multiple Choice

SUBUKIN NATIN


1. Ginagamit ng ahas ang kanyang ______________ upang lingkisin ang kanyang kakainin.

1

dila

2

katawan

3

ngipin

4

ulo

4

Multiple Choice

SUBUKIN NATIN


2. Alin sa mga sumusunod na hayop ang dalawa lamang ang paa?

1

aso

2

daga

3

manok

4

kalabaw

5

Multiple Choice

SUBUKIN NATIN


3. Anong bahagi ng katawan ng manok ang ginagamit nila sa pagkuha ng pagkain?

1

BIBIG

2

KAMAY

3

TUKA

4

PAKPAK

6

Multiple Choice

SUBUKIN NATIN


5. Ang buntot ng kambing ay ginagamit upang ________?

1

Makahanap sila ng makakain

2

Lumapit ang mga tao sa kanila

3

Upang akitin ang mga mababangis na hayop

4

Maproteksyunan ang sarili at maitaboy ang mga insekto

7

Slide image

8


Ang mga hayop na nakatira nasa lupa ay mayroong mahalagang gampanin sa ating kalikasan at sa ating pang araw-araw na buhay. Madalas, hindi natin ito nabibigyang pansin, ngunit sila ay may mahalagang papel o kontribusyon sa ating pang araw-araw na pamumuhay lalo’t higit sa ating kalikasan.

Slide image

9

Slide image

10

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Ang mga hayop ay isa sa mga organismo na nilikha ng Diyos na nabubuhay sa mundo kung saan malaya silang nakakagalaw. Ang mga hayop ay nabubuhay maging sa lupa at sa tubig. Sila ay nabubuhay din katulad ng tao kaya kailangan natin silang alagaaan at mahalin.


11


Mayroong mga hayop na naglalakad gamit ang kanilang apat na paa at kadalasan sila ay may buntot. Halimbawa, ang mga aso at pusa, na makikita natin sa ating komunidad. Kadalasan sila ay ating ginagawang mga alaga

Slide image

12

Maging ang daga, butiki, at iba pa ay madalas nating nakikita na umaaligid sa atin kabukiran

Slide image

13

Mayroon din naman tayong makikitang mga hayop sa bukid gaya ng baboy, manok, baka, kalabaw, at kambing.


Slide image

14


Ang kambing, baka at kalabaw ay mayroong mga sungay na kanilang ginagamit upang mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga sarili.

Slide image

15

Mayroon ding mga hayop na mapanganib gaya ng leon at tigre. Sila ay may matatalas na ngipin at kuko.

Slide image

16

Mayroon ding mga hayop sa zoo na hindi likas na makikita sa ating bansa gaya ng giraffe na may mahabang leeg at elepante na may mahabang ilong.

Slide image

17

Ang bulate, uod, at ahas ay walang mga paa. Ginagamit nila ang kanilang katawan upang makagalaw,

gaya ng ahas, pinupuluputan niya ng kanyang katawan ang hayop na gusto nyang kainin, nang sa gayon ay madali na lang niya ito lunukin. Ito ay lubhang mapanganib sapagkat mayroon kamandag ito na nanggagaling sa kanyang dalawang ngipin.

Slide image

18

Slide image

GAWAIN 1

GAWAIN 2

GAWAIN 3

SA ANSWER SHEET PO GAGAWIN

19

TANDAAN

Terrestrial Animals ang tawag sa mga hayop na nakatira sa lupa.


Ang mga hayop sa lupa ay maraming naitutulong sa atin tulad ng kalabaw sila ay tumutulong sa mga magsasaka.


Maraming mga endangered species o hayop na nanganganib ng maubos gaya ng unggoy, elepante, at iba pa.

Slide image

20

Slide image

21

Multiple Choice

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang nakapaglalakad?


I. aso

II. baboy

III. ahas

IV. tigre

V. bulate

1

A. I, IV at V

2

B. II,III at IV

3

C. I,II, at IV

4

D. III,IV, at V

22

Multiple Choice

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.


2. May isang kuneho, nais niyang lumundag patungo sa kanyang mga kaibigan. Anong bahagi ng kaniyang katawan ang dapat gamitin upang lumundag?

1

A. buntot

2

B. tainga

3

C. paa

4

D. dila

23

Multiple Choice

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.


3. Nagtataka ang isang kalabaw kung para saan ang kanyang sungay. Sa iyong palagay ano ang gamit ng kaniyang sungay?

1

A. Ginagamit nila ito upang makakain.

2

B. Ito ay gamit upang sila ay makakita.

3

C. Ito ay ginagamit upang sila ay kapitan ng mga tao.

4

D. Gamit ito upang proteksyunan ang kanilang sarili sa mababangis na hayop

24

Multiple Choice

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.


4. Anong mga hayop ang walang paa ngunit ginagamit nila ang kanilang katawan upang makagapang?

1

A. manok at suso

2

B. uod at ipis

3

C. daga at butiki

4

D. bulate at ahas

25

Multiple Choice

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.


5. Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na naibibigay ng mga hayop sa mga tao. Ano ang hindi kasali?

1

A. nakatutulong sa kabuhayan

2

B. pinagkukunan natin ito pagkain

3

C. tumutulong sila sa gawaing bahay

4

D. nakapagbibigay ng saya at aliw

26

Q2 WEEK 3 LESSON 3.2

ANG BAWAT NILALANG AY MAHALAGA


27

Slide image

28

Multiple Choice

PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT


1. Ano ang hayop na pangunahing pinagkukunan ng itlog na karaniwang kinakain?

1

A. buwaya

2

B. pagong

3

C. kalapati

4

D. manok

29

Multiple Choice

PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT


2. Alin sa mga hayop sa ibaba ang nagsisilbing katuwang ng magsasaka sa gawaing bukid gaya ng pag-aararo ng lupang sakahan?

1

A. aso

2

B.kalabaw

3

C.kambing

4

D. manok

30

Multiple Choice

PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT


3. Ano ang hayop na tinaguriang Matalik na Kaibigan ng Tao?

Sila rin ang nagsisilbing bantay sa tahanan.

1

A. aso

2

B. daga

3

C. ibon

4

D. pusa

31

Multiple Choice

PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT


4. Bukod sa pagbibigay ng karne bilang pagkain, Ano ang hayop na pangunahing pinagkukunan ng gatas upang inumin o gawing ibang produkto gaya ng keso?

1

A. baboy

2

B. baka

3

C. isda

4

D. kabayo

32

Multiple Choice

PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT


5. Alin sa mga grupo ng hayop ang nakapagbibigay ng balat upang gawing sapatos o sinturon at lana o sinulid upang gawing tela at damit?

1

A.aso,kuneho at pusa

2

B.baboy,isda at manok

3

C. baka, kabayo at tupa

4

D. butiki,pagong at palaka

33

Slide image

34

Multiple Choice

BALIK-TANAW

Piliin ang Tama kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at Mali naman kung hindi


1. Ang palaka ay maaaring naninirahan sa tubig at lupa.

1

TAMA

2

MALI

35

Multiple Choice

BALIK-TANAW

Piliin ang Tama kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at Mali naman kung hindi


2. Naninirahan ang mga isda sa tubig at lupa.

1

TAMA

2

MALI

36

Multiple Choice

BALIK-TANAW

Piliin ang Tama kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at Mali naman kung hindi


3. Ang mababangis na hayop gaya ng leon at tigre ay maaaring alagaan at dalhin ng tao sa kaniyang tahanan.

1

TAMA

2

MALI

37

Multiple Choice

BALIK-TANAW

Piliin ang Tama kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at Mali naman kung hindi


4. Ang kuneho ay naninirahan sa kalupaan.

1

TAMA

2

MALI

38

Multiple Choice

BALIK-TANAW

Piliin ang Tama kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at Mali naman kung hindi


5. Sa karagatan naninirahan ang balyena.

1

TAMA

2

MALI

39

Slide image

40

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Ang mga hayop ay kabilang sa mga nilikha ng Panginoon. Mula pa noong unang panahon ay kasama nang namumuhay ng tao ang mga hayop.


Sa katunayan malaki ang pakinabang ng mga tao sa mga hayop.



41


May mga hayop na nakatutulong sa gawain ng mga tao. Isa na nga riyan ang kabayo at kalabaw na nakagagaan sa gawaing bukid. Ang kalabaw ay nakatutulong sa pag-aararo ng lupa sa mga taniman dahil sa angkin nitong lakas. Ang kabayo naman ay katulong sa pagbuhat ng mabibigat na bagay at nagsisilbing transportasyon sa kabukiran

Slide image

42

Ang baboy at manok naman ay pangunahing pinagkukunan ng karne bilang pagkain ng tao. Ang manok ang pangunahing pinagkukunan natin ng itlog at ang bibe at itik ay nagbibigay din nito. Bukod sa karne ang baka naman ay napagkukunan ng masustansiyang gatas upang ating inumin at maaari itong makalikha ng iba pang produkto gaya ng keso.


Slide image

43

May mga hayop naman na nakapagbibigay produkto sa tao. Isang halimbawa ay ang tupa na may makapal na balahibo na ginagawang lana o sinulid upang maging tela at tahiin upang maging iba’t ibang uri ng kasuotan ng tao. Ang baka at kabayo naman ay pinagkukunan ng balat o leather na may likas na tibay na akma upang gawing sapatos, bag, sinturon, at marami pang iba.


Slide image

44

May mga hayop din na inaalagaan ng tao. Ang aso ay tinaguriang matalik na kaibigan ng tao. Ito ay nagsisilbing bantay sa tahanan ng tagapangalaga nito. Ang pusa naman ay magaling manghuli ng daga na nakapipinsala na maaring pagmulan ng iba’t ibang uri ng sakit. Higit sa lahat ang mga hayop na ito ay nagbibigay saya, nakapagpapasaya ng damdamin at nakapagpapagaan ng pakiramdam ng tao

Slide image

45

Slide image

46

Gawain 1. Tukoy at Kulay

Panuto: Sa iyong sagutang papel, kulayan ng Dilaw ang mga hayop na nagbibigay ng pagkain, Asul naman para sa mga hayop na nakatutulong sa gawain ng tao at Pula para sa mga hayop na nakapagbibigay ng kagamitan sa tao.


(SA ANSWER SHEET PO GAGAWIN)

Slide image

47

Gawain 2 – Hanap-Salita

Panuto: Sa iyong sagutang papel, hanapin at bilugan ang mga salita para sa mga hayop na nakalista sa ibaba. Ang mga salita ay nakasulat ng pahiga at patayo. Isulat sa loob ng bilog ang mga hayop na nagbibigay ng pagkain, sa parisukat naman ang mga hayop na nagbibigay kagamitan at sa puso naman ang mga hayop na nakatutulong sa gawain ng tao.


(SA ANSWER SHEET PO GAGAWIN)

Slide image

48

TANDAAN

Nagbibigay Pagkain - May mga hayop na nakapagbibigay ng karne bilang pagkain ng tao.


Nagpapagaan sa Gawain - May mga hayop na nakatutulong sa paggawa ng mga mabibigat na bagay gaya ng pagbubuhat at pag-aararo sa bukid at nakatutulong sa transportasyon.



Slide image

49

TANDAAN

Nagbibigay Bagay - May mga hayop na ginagamit ang balat,balahibo at iba pa upang gawing kapaki-pakinabang na bagay sa tao.


Nagbibigay Kasiyahan – May mga hayop na nakakatulong sa aspetong emosyonal ng tao.

Slide image

50

Slide image

51

Multiple Choice

Question image

Tukuyin ang mga hayop kung ito ba ay


Nagbibigay Pagkain,

Nagpapagaan sa Gawain

Nagibibigay Bagay,

o Nagbibigay kasiyahan.

1

Nagbibigay Pagkain

2

Nagpapagaan sa Gawain

3

Nagbibigay Bagay

4

Nagbibigay kasiyahan

52

Multiple Choice

Question image

Tukuyin ang mga hayop kung ito ba ay


Nagbibigay Pagkain,

Nagpapagaan sa Gawain

Nagibibigay Bagay,

o Nagbibigay kasiyahan.

1

Nagbibigay Pagkain

2

Nagpapagaan sa Gawain

3

Nagbibigay Bagay

4

Nagbibigay kasiyahan

53

Multiple Choice

Question image

Tukuyin ang mga hayop kung ito ba ay


Nagbibigay Pagkain,

Nagpapagaan sa Gawain

Nagibibigay Bagay,

o Nagbibigay kasiyahan.

1

Nagbibigay Pagkain

2

Nagpapagaan sa Gawain

3

Nagbibigay Bagay

4

Nagbibigay kasiyahan

54

Multiple Choice

Question image

Tukuyin ang mga hayop kung ito ba ay


Nagbibigay Pagkain,

Nagpapagaan sa Gawain

Nagibibigay Bagay,

o Nagbibigay kasiyahan.

1

Nagbibigay Pagkain

2

Nagpapagaan sa Gawain

3

Nagbibigay Bagay

4

Nagbibigay kasiyahan

55

Multiple Choice

Question image

Tukuyin ang mga hayop kung ito ba ay


Nagbibigay Pagkain,

Nagpapagaan sa Gawain

Nagibibigay Bagay,

o Nagbibigay kasiyahan.

1

Nagbibigay Pagkain

2

Nagpapagaan sa Gawain

3

Nagibibigay Bagay

4

Nagbibigay kasiyahan

56

Slide image

57

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Uriin ang mga hayop sa ibaba ayon sa naibibigay o naitutulong sa tao. Ang ibang hayop ay nauuri din sa ibang grupo Isulat ito sa talahanayan sa iyong sagutang papel.


(SA ANSWER SHEET PO ITO SASAGUTAN)

AGHAM Q2 WEEK 3

MGA BAHAGI NG KATAWAN NG HAYOP NA MAKIKITA SA LUPA AT ANG TUNGKULIN NG BAWAT BAHAGI NITO

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 57

SLIDE