Search Header Logo
ESP Modyul 4

ESP Modyul 4

Assessment

Presentation

Architecture

2nd Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Teacher Meljon

Used 4+ times

FREE Resource

18 Slides • 18 Questions

1

ESP Modyul 4

Grade 2-St. Patrick Class

Slide image

2

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

Nakagagamit ng magalang na pananalita sa kapwa bata at nakatatanda. (EsP2P-IId-8)

Slide image

3

Tuklasin

Basahin natin ang pag-uusap ng magkapitbahay. Bigyang pansin ang mga magagalang na pananalita na kanilang ginamit. 

4

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan ang larawan at basahin ang kasunod na kuwento.

Slide image

5

Basahin:

Bagong lipat sa Baranggay Barretto ang mag-inang Lorna at Chary. Isang araw, binisita sila ng mag-inang Aling May at Recca.

Slide image

6

Dialogo

  • Aling May: Tao po! Magandang tanghali po! Ako si May at ito naman ang anak kong si Recca.

  • Aling Lorna: Magandang tanghali rin sa inyo! Ako naman si Lorna at ito naman ang aking anak na si Chary. Ikinagagalak namin kayong makilala. Tuloy po kayo sa aming munting bahay.

  • Aling May: Maraming salamat! Kumusta naman kayo rito sa bago ninyong bahay? Sana magustuhan ninyo ang pagtira rito sa ating baranggay. Para sa inyo itong dala naming ulam.

7

Pagpapatuloy..

  • Aling Lorna: Naku! Maraming salamat! Tiyak na magugustuhan ito ni Chary. 

  • Recca: ‘Nay, maaari po ba akong maglaro sa labas?

  • Aling May: Oo sige anak, isama mo si Chary. Ipakilala mo na rin siya sa iyong mga kaibigan

  • Recca: Opo ‘Nay. Tara na Chary, ipakikilala kita sa aking mga kaibigan

8

Pagpapatuloy...

  • Chary: Sige, tara na!

  • Recca at Chary: Paalam po Nanay!

  • Aling May at Aling Lorna: Mag-iingat kayo mga anak!

  • Recca at Chary: Opo Nanay!

  • At masayang lumabas ng bahay ang dalawang bata upang maglaro. Nagpatuloy naman sa pagkukuwentuhan sina Aling May at Aling Lorna.

9

Panuto:

Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang tamang sagot.

10

Multiple Choice

1. Paano tinanggap ng mag-inang May at Recca sina Aling Lorna at Chary?

1

a. Binisita nila sina Aling Lorna at Chary at binigyan ng bulaklak

2

b. Binisita nila sina Aling Lorna at Chary at binigyan ng ulam

3

c. Binisita nila sina Aling Lorna at Chary at binigyan ng gamit

4

d. Binisita nila sina Aling Lorna at Chary at binigyan ng pera

11

Multiple Choice

2. Ano ang sinabi ni Aling Lorna ng bigyan siya ng ulam ni Aling May?

1

a. Masarap ba ito?

2

b. Maraming salamat! Tiyak na magugustuhan ito ni Chary.

3

c. Pasensiya na pero hindi kami kumakain ng ganito.

4

d. Wow! Mukhang masarap ang niluto mong ulam.

12

Multiple Choice

3. Paano kinaibigan ni Recca si Chary?

1

a. Hindi isinama ni Recca si Chary sa paglalaro.

2

b.Hindi pinansin ni Recca si Chary.

3

c. Isinama ni Recca si Chary sa kaniyang pa

4

d. Pinahiram ni Recca ng laruan si Chary.

13

Multiple Choice

4. Alin sa sumusunod na magalang na pananalita ang hindi nabanggit sa itaas?

1

a. Magandang tanghali po!

2

b. Paalam po Nanay!

3

c. Ikinagagalak naming kayo ay makilala.

4

d. Pakiabot po!

14

Multiple Choice

5. Bakit mahalaga na gumamit tayo ng magalang na pananalita?

1

a. Upang maipakita ang paggalang sa kausap.

2

b.Upang matuwa ang guro.

3

c. Upang maging sikat.

4

d.Upang tumaas ang marka.

15

Suriin

  • Ang paggamit ng magalang na pananalita ay isang magandang kaugalian ng mga Pilipino na dapat nating panatilihin at ipamana sa mga susunod pang henerasyon.

  • Ang magalang na pananalita ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan. Sa kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng kabutihang asal.

  • Mapapanatili natin ang kapayapaan, magandang relasyon sa ating kapuwa, at pagtataguyod ng pagkatao kung gagamit ng magalang na pananalita

16

Ginabayang Gawain 1

Pag-aralan ang bawat sitwasyon na ipinapakita sa larawan at isulat ang dalawang magkaugnay na "Magagalang na Pananalita".

17

Slide image

18

Open Ended

Ano ang dalawang (2) magkaugnay na magagaling na pananalita?

19

Slide image

20

Open Ended

Ano ang dalawang (2) magkaugnay na magagaling na pananalita?

21

Slide image

22

Open Ended

Ano ang dalawang (2) magkaugnay na magagaling na pananalita?

23

Slide image

Ang nasa itaas ay ilan lamang sa mga magagalang na pananalita na ginagamit natin araw-araw sa iba’t ibang pagkakataon. Katulad ng “maraming salamat” kung ikaw ay may natanggap na anuman at “paalam po” kung ikaw ay aalis. 

24

Pagyamanin

Panuto: Anong magalang na pananalita ang sasabihin mo sa sumusunod na sitwasyon? Piliin ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. 

25

Multiple Choice

1. Naapakan mo ang paa ng iyong kamag-aral. Ano ang sasabihin mo?

1

A. Maraming salamat!

2

B. Ipagpaumanhin mo.

3

C. Aalis na po ako.

4

D. Padaan po.

26

Multiple Choice

2. Isang tanghali, nakasalubong mo ang iyong guro, ano ang sasabihin mo?

1

A. Magandang umaga po, Sir!

2

B. Magandang tanghali po, Teacher!

3

C.Magandang gabi po, Ma’am!

4

D.Magandang hapon po, Teacher!

27

Multiple Choice

3. Nag-uusap ang iyong nanay at tiyahin, gusto mo sanang dumaan. Ano ang sasabihin mo?

1

A. Makikiraan po.

2

B. Paalam po!

3

C.Pakisuyo po.

4

D.Tumabi po kayo.

28

Multiple Choice

4. Masaya kayong kumakain, nais mo sanang abutin ang ulam ngunit malayo ito sa iyo. Ano ang sasabihin mo?

1

A. Pakiabot po ang ulam.

2

B. Iabot mo nga sa akin ang ulam.

3

C. Alis, aabutin ko ang ulam.

4

D. Pahingi ako ng ulam.

29

Multiple Choice

5. May dumating kayong bisita, ano ang sasabihin mo?

1

A. Tuloy po kayo.

2

B. Maraming salamat po!

3

C.Makikiraan po.

4

D. Kumusta po kayo?

30

Panuto:

  • Panuto: Ano ang angkop na magagalang na pananalita ang gagamitin mo sa bawat sitwasyon.

Slide image

31

Multiple Choice

Question image

Dumating ang iyong tiyahin sa inyong bahay

1

Ipagpaumanhin mo.

2

Tao po!

3

Magandang gabi po, tiya!

4

Maraming salamat.

5

Hello! Sino po sila?

32

Multiple Choice

Question image

Kumakatok ka sa pinto at hinahanap mo ang may-ari ng bahay

1

Ipagpaumanhin mo.

2

Tao po!

3

Magandang gabi po, tiya!

4

Maraming salamat.

5

Hello! Sino po sila?

33

Multiple Choice

Question image

Binigyan ka ng regalo ng iyong kuya

1

Ipagpaumanhin mo.

2

Tao po!

3

Magandang gabi po, tiya!

4

Maraming salamat.

5

Hello! Sino po sila?

34

Multiple Choice

Question image

Binigyan ka ng regalo ng iyong kuya

1

Ipagpaumanhin mo.

2

Tao po!

3

Magandang gabi po, tiya!

4

Maraming salamat.

5

Hello! Sino po sila?

35

Multiple Choice

Question image

Sinagot mo ang tawag sa telepono

1

Ipagpaumanhin mo.

2

Tao po!

3

Magandang gabi po, tiya!

4

Maraming salamat.

5

Hello! Sino po sila?

36

Maraming salamat!

"Mag-aral ng tapat upang ang karununga'y maging sapat".

ESP Modyul 4

Grade 2-St. Patrick Class

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 36

SLIDE