
AP WEEK 7.1 TO 7.2
Presentation
•
Other
•
3rd Grade
•
Practice Problem
•
Hard
ZHARINA ANNE VERDIJO
Used 2+ times
FREE Resource
40 Slides • 35 Questions
1
AP WEEK 7.1
2
Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang pangungusap sa bawat bilang at malungkot na mukha kung di-wasto ang pangungusap.
3
Multiple Choice
1. Si Gregoria De Jesus ay bayani mula sa lungsod ng Malabon.
4
Multiple Choice
2. Si Marcela Marcelo ay kinatatakutan ng mga mananakop na Kastila.
5
Multiple Choice
3. Ang tinatawag na Ama ng Himagsikan at Supremo ng Katipunan ay si Andres Bonifacio.
6
Multiple Choice
4. Si Dr. Pio Valenzuela ay isang importanteng tao noong panahon ng Rebolusyong Pilipino.
7
Multiple Choice
5. Ang pagdiriwang sa mga kaarawan ng mga bayani ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga bayani.
8
Lagyan ng (/) kung nagpapakilala sa sining ng ating lungsod, at (X) kung hindi.
9
Multiple Choice
LARONG SIPA
10
Multiple Choice
SIMBAHAN NG SAN BARTOLOME
11
Multiple Choice
LARAWAN NG TABAK FESTIVAL
12
Multiple Choice
BANTAYOG NI DR.JOSE RIZAL
13
Multiple Choice
GUSALI
14
15
ANDRES BONIFACIO (MAYNILA)
Si Gat Andres Bonifacio ay ipinanganak
noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.
16
ANDRES BONIFACIO (MAYNILA)
Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at
bayani na nagtatag ng Kataas- taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan (KKK) o Katipunan,
isang lihim na samahan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas. Siya ang kinikilalang “Ama ng Himagsikan” at kilala sa tawag na Supremo ng Katipunan.
17
GREGORIA DE JESUS (CALOOCAN)
Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak sa
Caloocan noong ika-9 ng Mayo, taong 1875. Siya ay anak ng ulirang mag-asawang sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez. Siya ay
kabiyak ng dibdib ng Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio.
18
GREGORIA DE JESUS (CALOOCAN)
Siya ay kilala sa bansag na
“Ina ng Katipunan”,
“Ina ng Himagsikan”
at Lakambini ng Katipunan.
Si Gregoria de Jesus na karaniwang tinatawag ng mga manghihimagsik na “Inang Oriang” ay nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa
Katipunan. Siya ang taga-ingat ng mga mahahalagang kasulatan dito. Pinamahalaan ni Oriang ang pagpapakain at pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na nasugatan sa pakikipaglaban.
19
DR. PIO VALENZUELA (VALENZUELA)
Si Pio Valenzuela ay isang Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Noong ika-11 ng Hulyo 1869, siya ay isinilang sa Polo,Bulacan
(ngayon ay Valenzuela City).
20
DR. PIO VALENZUELA (VALENZUELA)
Si Pio Valenzuela ay isang mag-aaral sa medisina ng University of Santo Tomas nang sumali siya sa bagong tatag na Katipunan, isang sikretong samahan na itinatag ni Andres Bonifacio noong Hulyo 7, 1892 sa Tondo, Maynila. Lihim na itinatag niya ang mga sangay ng Katipunan sa maraming lugar sa Morong at Bulacan.
21
MARCELA MARCELO (PASAY)
Matapang, walang takot.
Ang katangiang ito raw ang kinakatakutan ng mga mananakop na Kastila noon kaya binansagang “Selang Bagsik”, ang Bayaning Pinay na nagmula sa Malibay Pasay City.
22
MARCELA MARCELO (PASAY)
Kabilang si “Selang Bagsik” o Marcela Marcelo sa mga tinatawag na “unsung heroes” na nakipaglaban sa mga mananakop na Kastila upang makamtan ng mga Pilipino ang hinahangad na kasarinlan.
Kakaunti lamang ang tala tungkol sa buhay ni Marcela at ang kaniyang pagiging lider ng isang hukbo na lumaban at nagbigay ng sakit ng ulo sa mga Kastila.
23
HEN. GREGORIO H. DEL PILAR (MAKATI)
Si Gregorio Hilario del Pilar y Sempio ay isa sa pinakabatang Heneral ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Kilala siya sa kaniyang matagumpay na pag-atake sa mga kuwartel ng Espanyol ng Cazadores sa munisipalidad ng Paombong, sa kanyang tagumpay sa unang yugto ng labanan ng Quingua at sa kanyang huling paglaban sa labanan ng Tirad Pass sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Dahil sa kanyang kabataan siya ay kilala bilang
“Boy General”.
24
Itala ang pangalan ng mga bayani ng mga lungsod sa NCR.
25
26
Lagyan ng / ang patlang kung tama ang ipinapahayag at X kung mali.
27
28
TANDAAN
Ang mga bayani ang nagbigay ng mahalagang kontribusyon para makamit ang kalayaan ng bansa. Ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa bayan. Upang makilala sila ng mga bagong henerasyon, dapat nating ibahagi ang kanilang mga kontribusyon o mabuting ginawa at pahalagahan natin ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang mabuting ginawa.
29
Tukuyin ang katangian o naging kontribusyon/ginawa ng mga bayani sa sariling rehiyon.
30
Multiple Choice
Marcela Marcelo
Bayani ng Tirad Pass
Ama ng Himagsikan
Matapang at walang
takot kilala siya bilang
“Selang Bagsik”
Siya ay
tagapag-ingat ng mahalagang
kasulatan
Isang Pilipinong
Manggagamot
31
Multiple Choice
Andres Bonifacio
Bayani ng Tirad Pass
Ama ng Himagsikan
Matapang at walang
takot kilala siya bilang
“Selang Bagsik”
Siya ay
tagapag-ingat ng mahalagang
kasulatan
Isang Pilipinong
Manggagamot
32
Multiple Choice
Hen. Gregorio Del Pilar
Bayani ng Tirad Pass
Ama ng Himagsikan
Matapang at walang
takot kilala siya bilang
“Selang Bagsik”
Siya ay
tagapag-ingat ng mahalagang
kasulatan
Isang Pilipinong
Manggagamot
33
Multiple Choice
Dr. Pio Valenzuela
Bayani ng Tirad Pass
Ama ng Himagsikan
Matapang at walang
takot kilala siya bilang
“Selang Bagsik”
Siya ay
tagapag-ingat ng mahalagang
kasulatan
Isang Pilipinong
Manggagamot
34
Multiple Choice
Gregoria De Jesus
Bayani ng Tirad Pass
Ama ng Himagsikan
Matapang at walang
takot kilala siya bilang
“Selang Bagsik”
Siya ay
tagapag-ingat ng mahalagang
kasulatan
Isang Pilipinong
Manggagamot
35
Basahin ang bawat pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot
36
Multiple Choice
1. Sinong bayaning pinay ang binansagang “Selang Bagsik” na nagmula sa Malibay Pasay City?
Gat. Andres Bonifacio
Gregoria De Jesus
Marcela Marcelo
Hen. Gregorio Del Pilar
37
Multiple Choice
2. Sinong bayani ng rehiyon ang kinikilalang “Ama ng Himagsikan” at kilala rin sa tawag na Supremo ng Katipunan?
Dr. Pio Valenzuela
Gregoria de Jesus
Gat. Andres Bonifacio
Hen.Gregorio Del Pilar
38
Multiple Choice
3. Sinong Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong Pilipino ang itinuturing na bayani sa lungsod ng Valenzuela?
Hen. Gregorio del Pilar
Gat. Andres Bonifacio
Marcela Marcelo
Dr. Pio Valenzuela
39
Multiple Choice
4.Sino ang pinakabatang Heneral ng Pilipinas na kinilalang Bayani ng Tirad Pass?
Hen. Gregorio Del Pilar
Dr. Pio Valenzuela
Gregoria De Jesus
Epifanio delos Santos
40
Multiple Choice
5. Sino ang kabiyak ni Gat. Andres Bonifacio na kilala sa bansag na “Ina ng Katipunan”, “Ina ng Himagsikan” at “Lakambini ng Katipunan”?
Dr. Pio Valenzuela
Gregoria De Jesus
Gat. Andres Bonifacio
Marcela Marcelo
41
42
Lagyan ng (/) kung wasto ang pangungusap sa bawat bilang at (X) kung di-wasto ang pangungusap.
43
Multiple Choice
1.Si Epifanio Delos Santos ay tinawag na “Genius” o henyo dahil sa pambihirang talino at kakayahan.
44
Multiple Choice
2.Si Gregorio Sanciangco ay isang bantog na manananggol sa lungsod ng Malabon.
45
Multiple Choice
3. Si Rafael Perez de Tagle Crame ay pumasok sa hanay ng kapulisan, kinakitaan siya ng di-matatawarang galing at dedikasyon sa kanyang tungkulin at kalauna’y itinalaga bilang “First Filipino Constabulary Chief”.
46
Multiple Choice
4. Ang pag-aaral sa talambuhay ng mga bayani ay hindi nagpapahalaga sa kanilang ginawa sa bayan.
47
Multiple Choice
5. Makibahagi tayo sa mga pagdiriwang sa araw ng ating mga bayani sa sariling lungsod.
48
Kilalanin ang mga bayani na ating napag-aralan sa nakaraang aralin. Isulat sa patlang ang pangalan ng mga bayani na nasa larawan.
49
Fill in the Blanks
Type answer...
50
Fill in the Blanks
Type answer...
51
Fill in the Blanks
Type answer...
52
Fill in the Blanks
Type answer...
53
Fill in the Blanks
Type answer...
54
55
EPIFANIO DE LOS SANTOS
Siya ay tanging anak na lalaki nina Don Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal. Isinilang siya sa Malabon, Rizal
noong ika-7 ng Abril, 1871.
56
EPIFANIO DE LOS SANTOS
Siya ay mahilig sa sining, panitikan, musika at mahusay maging sa iba’t ibang larangan.Dahil siya ay
nagmula sa kilala at mayamang pamilya,
nakapag-aral siya sa iba’t
ibang kilalang paaralan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Tunay na pambihira ang kanyang talino at kakayahan kaya’t hindi kataka-taka na siya ay tinawag na “Genius” o henyo.
57
GREGORIO SANCIANGCO
Isa pa sa ipinagkakapuring anak ng
Malabon ay si Gregorio Sanciangco. Siya’y ipinanganak noong Marso 7,1852.
Tubong Tonsuya, Malabon, Rizal. Siya ay isang bantog na manananggol at naging doktor sa batas sa “Universidad Central de Madrid”
sa Espanya. Siya ang unang Pilipinong nagkamit ng gayong karangalan sa nasabing
pamantasan.
58
GREGORIO SANCIANGCO
Naging katulong siya ni Dr. Rizal sa pagsusulat ng mga pahayagan sa Espanya na naglalayon na imulat at ipagtanggol ang kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng Espanya.
Isa sa pinakatanyag niyang akda ay ang “El Progreso de Filipinas” kauna-unahang akdang Pilipino na tumatalakay sa pagkakasulong ng ating bayan na inilimbag sa Madrid noong 1881. Siya ay itinuturing na
unang ekonomistang Pilipino.
59
RAFAEL PEREZ DE TAGLE CRAME
Siya ay ipinanganak sa Malabon, Rizal noong Oktubre 2, 1863.
Nag-aral siya sa Ateneo Municipal Manila at sa
Spanish Military Academy mula 1879 hanggang 1881.
60
RAFAEL PEREZ DE TAGLE CRAME
Marami siyang pinagdaanang posisyon at nagsimula sa pinakamababang ranggo.
Nagsilbi siya bilang Private Corporal, hanggang sa maging Sergeant. Taong 1899, umalis siya sa serbisyo bilang isang Lieutenant. Pumasok siya sa hanay ng kapulisan, kinakitaan siya ng di- matatawarang galing at dedikasyon sa kanyang tungkulin at kalauna’y itinalaga siya bilang “First Filipino Constabulary Chief”.
61
RAFAEL PEREZ DE TAGLE CRAME
Dahil sa kaniyang katapangan at kabayanihan, siya ay Pinarangalan ng “American Medal of Valor”,
ito ang pinakamataas na parangal militar ngunit ito ay kaniyang tinanggihan sapagkat para sa kaniya, ginagawa lamang niya ang kaniyang tungkulin.
62
GAWAIN 1
Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang pangungusap sa bawat bilang at malungkot na mukha kung di-wasto ang pangungusap.
63
____ 1. Ang pagiging bayani ay hindi lamang sa pagbubuwis ng buhay kundi pati na rin sa paggawa ng mabuti para sa bayan.
____ 2. Dahil sa pambihirang talino at kakayahan kaya tinawag na “genius” o henyo si Epifanio delos Santos.
____ 3. Tinanggap ni Rafael Perez de Tagle Crame ang parangal na “American Medal of Valor”.
____ 4. Si Gregorio Sanciangco ang may akda ng “El Progreso de Filipinas”.
____ 5. Dapat nating ipagmalaki at pahalagahan ang mabuting ginawa ng ating mga bayani.
64
Gawain 2
Pumili ng isang bayani na nais mong tularan. Isulat ang iyong sagot gamit ang Semantic Web
(SA ANSWER SHEET PO SASAGUTAN)
65
Pumili ng isang bayani na nais mong tularan. Isulat ang iyong sagot gamit ang Semantic Web
66
TANDAAN
Ang mga bayani ng sariling lungsod ay dapat nating kilalanin at ipagmalaki. Ang kanilang kahanga-hangang katangian sa pagsisilbi sa ating bayan ay hindi matatawaran. Makibahagi tayo sa mga pagdiriwang ng mga bayani sa sariling lungsod upang maipakita ang ating pagpapahalaga sa kanila sapagkat malaki ang naiambag nila sa ating bayan.
67
Kilalanin ang mga bayani na nasa larawan. Iguhit ang hugis puso kung ang bayani ay nagmula sa sariling lungsod.
68
69
Basahin ang pangungusap at Isulat ang letra ng tamang sagot.
70
Multiple Choice
1. Saang lungsod sa rehiyon nagmula ang
bayaning tinawag na “Genius” o Henyo dahil sa pambihirang talino at kakayahan?
MALABON
CALOOCAN
MAYNILA
PASAY
71
Multiple Choice
2. Sinong bayani ng sariling lungsod ang
tumanggap ng parangal na “American Medal of Valor”?
Gregorio Sanciangco
Rafael Perez de Tagle Crame
Marcela Marcelo
Andres Bonifacio
72
Multiple Choice
3. Sino ang may akda ng pinakatanyag na pahayagang
“El Progreso de Filipinas”?
Epifanio delos Santos
Gregorio Sanciangco
Rafael Perez de Tagle Crame
Gregoria de Jesus
73
Multiple Choice
4. Isa sa ipinagkakapuring anak ng Malabon si Gregorio Sanciangco. Kailan siya ipinanganak?
Oktubre 2, 1863
Pebrero 7, 1878
Abril 7, 1871
Marso 7, 1852
74
Multiple Choice
5. Sinong bayani ng Malabon ang itinalaga bilang "First Filipino Constabulary Chief”.
Gregorio Sanciangco
Epifanio delos Santos
Pio Valenzuela
Rafael Perez Tagle Crame
75
AP WEEK 7.1
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 75
SLIDE
Similar Resources on Wayground
58 questions
Physical Education and Health 2 Weeks 1&2
Presentation
•
2nd Grade
58 questions
Filipino/English
Presentation
•
3rd Grade
65 questions
WEEK 5 ARALING PANLIPUNAN LESSON
Presentation
•
3rd Grade
68 questions
MATH 3 QUARTER 1 WEEK 3
Presentation
•
3rd Grade
69 questions
Sosyo-kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Presentation
•
5th Grade
69 questions
Jaxtina - S - Activity Book - Lesson 7
Presentation
•
5th Grade
63 questions
Math Q2 W1
Presentation
•
2nd Grade
72 questions
Pag-usbong ng Damdaming Pilipino
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
STAAR Review Quiz #3
Quiz
•
8th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Marshmallow Farm Quiz
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Marshmallow Farm Quiz
Quiz
•
2nd - 5th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Day 1: 3rd Grade Reading STAAR Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
fractions
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Rounding to the Nearest Ten and Hundreds
Quiz
•
3rd Grade