
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Easy
Edzel Madriaga
Used 8+ times
FREE Resource
30 Slides • 12 Questions
1
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
GRADE 4
2
Pagkatapos ng ating aralin inaasahan ko na matututunan ninyo ang mga sumusunod:
Kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan
Mga hayop na maaaring nating alagaan sa tahanan
3
Multiple Choice
1. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa tahanan o bakuran?
4
Multiple Choice
2. Ang ____________ ay isang dulot ng pag-aalaga ng hayop na kung saan maaari mong ibenta ang mga alagang hayop.
Libangan
Napaglalaruan
Napagkakakitaan
Nagbibigay pagkain
5
Multiple Choice
3. Ang mga sumusunod ay mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop, MALIBAN sa isa.
Nakapagbibigay saya at nakaaalis ng inip o stress.
Nakapagbubuti sa kalusugan.
Nakadadagdag sa kabuhayan ng mag-anak.
Nakakapagdulot ng sakit at dagdag gastusin sa bahay.
6
Multiple Choice
4. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng aso?
Nagbibigay ito ng itlog.
Nagbibigay ito ng karne.
Magaling humuli ng daga.
Mainam na bantay sa bahay
7
Multiple Choice
5. Isang uri ng hayop na maaring alagaan na kung saan sila ay tagahuli ng mga daga?
8
AGRIKULTURA
Hindi lamang sa paghahalaman ang pag-aaralan sa yunit na ito. Gayun din ang pag-aalaga ng mga hayop.
9
Bahagi ng agrikultura ang pag-aalaga ng hayop. Ito ay isa sa mga ginugugulan ng pansin ng mga tao. Karamihan sa mga nag-aalaga ng hayop ay ang mga Pilipinong nakatira sa probinsya sa kadahilanang malapad ang ispasyo at maraming pagkukunan ng pagkain.
10
Maaring ilagay mo lamang ang iyong alagang hayop sa bakanteng lote katabi ng iyong bahay. Malayang nakakaikot ang mga alagang hayop upang maghanap ng makakain. Minsan naman ay ipinapastol ito sa mga damuhang bahagi ng lupa.
11
Gawain sa Pagkatuto 1
Bilang pasimula sa ating aralin pag-aralan ang mga larawan aking ipapakita at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.(Pagpapakita ng larawan ng mga hayop)
12
13
14
15
16
Mga Katanungan:
1. Ano ano ang mga hayop na nasa itaas?
2. Saan kalimitan inaalagaan ang mga hayop na ito? Bakit?
3. Ano ang pakinabang ng pag-aalaga ng mga hayop na ito?
4. Bakit mahalagang may alaga tayong hayop sa ating tahanan?
5. Paano nakatutulong sa atin ang mga alaga nating hayop?
17
Pag-aalaga ng hayop
Malaki ang tulong na ibinibigay sa atin ng pag-aalaga ng hayop hindi lamang sa indibidwal na tao ngunit pati na rin sa buong pamilya. Narito ang mga kabutihang maidudulot ng pag-aalaga ng hayop.
18
Narito ang mga kabuting bagay na naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan:
a. Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip.
b. Nakapagpapabuti sa kalusugan.
c. Nakakadagdag ng kita sa mag-anak.
d. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.
19
Narito ang mga kabuting bagay na naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan:
e. Nakapagbibigay pagkakataong mag-ehersisyo.
f. Nagiging mabuting kasama sa bahay.
g. Nagkakaroon ng pagkakataon para sa pakikisalamuha
sa tao.
h. Magandang kasanayan sa bata na magkaroon ng
responsibilidad sa pag-aalaga.
20
Ano ano naman mga hayop ang maaaring nating alagaan sa loob ng tahanan?
21
Aso
Ang pag-aalaga ng hayop sa bahay ay mayroong
maraming dulot na kabutihan. Tulad ng pag-aalaga ng aso sa bahay, ito ay nakakatanggal ng stress at ayon sa mga pag-aaral ito rin ay nakapagpapababa ng dugo.
22
Aso
Sila ay nakakasama sa pag-eehersisyo at ibang libangan. Ang aso ay tinatawag na pinakamatalik na kaibigan ng tao. Maraming
pagkakataon nang napatunayan ang katapatan ng aso bilang kaibigan.
23
Aso
Mainam itong alagaan. Nakatutulong ito bilang gabay sa paglalakad at maging bantay ng tahanan. Ngunit nakakatakot kapag sinasaktan dahil ito ay lumalaban.
24
Pusa
Ang pusa ay isa ring hayop na mainam alagaan. Maraming tao ang nagsasabi na ang pag-aalaga rin ng pusa ay nakakatanggal ng stress at nakapagpapababa ng dugo.
25
Pusa
Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil bukod sa ito’y taga-huli ng daga mabait din itong kalaro ng mga bata.
26
Ibon
Ang mga ibon bilang alagang hayop sa bahay ay madaling maturuan. Maraming ibon ang natututong magsalita. Sila rin ay natututong gumawa ng iba’t ibang antics kaya maraming tao ang nahuhumaling mag-alaga ng ibon. Sila ay madaling alagaan. Maliban sa nakapagdudulot ng kasiyahan sa nagaalaga, ito rin ay maaaring pagkakitaan.
27
Kuneho
Ang kuneho ay isa ring magandang alagaan sa bahay dahil sa sila ay eco-friendly animals. Isang hayop na mainam alagaan dahil mabait at nagbibigay ito ng masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng sakit.
28
Meat of Rabbit Benefits
An excellent source of vitamins, minerals and trace elements: High in vitamins B3 and B12, phosphorus, potassium and selenium. It contributes to a good balance of vitamins and minerals for daily dietary requirements. A meat with an excellent balance of fatty acids (rabbit is richer in omega 3 than chicken or pork)
29
Kuneho
Ang pagkain ng kuneho ay maaaring itanim sa ating mga bakuran dahil sila ay kumakain ng halamang dahon tulad ng letsugas, kangkong at repolyo. Hindi sila maselan sa pagkain, maaari mong bigyan ng butil ng mais o giniling na munggo.
30
Kuneho
Ang dumi ng kuneho ay maaring ipunin at gawing pataba sa ornamental na halaman dahil ito ay mayaman sa nitrogen at phosphorus. Ang mga patapong bagay tulad ng old towels, mga lumang kuwaderno at iba pa ang gusting laruan ng mga kuneho.
31
Poll
Anong Uri ng Hayop ang Nais mong Alagaan?
Aso
Pusa
Ibon
Kuneho
32
Mga Hayop na Maaring Alagaan
1. Kambing - Bukod sa kanilang gatas na ibinibigay, mainam din ang kanilang karne, buhok at katad.
2. Isda - Nabubuhay ito sa tubig at tulad ng tao, kailangan din nila ng sapat na oksiheno upang mabuhay.
3. Manok - Ito ay nagbibigay ng karagdagang kita sa mag-anak dahil nagbibigay ito ng itlog at karne.
4. Bibe o Pato - Ito ay mainam na pagkukunan ng itlog na balut at penoy.
5. Kalapati - Gustong-gusto nilang tumira sa puno. Kailangang mataas ang bahay ng alagang kalapati upang ligtas sa daga at pusa.
33
TANDAAN NATIN
Maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga
ng hayop sa tahanan. Ito ay nakabubuti sa ating kalusugan
dahil naka-aalis ito ng stress at nakapagpapababa ng dugo.
Ang alagang hayop sa tahanan ay maituturing na isang
magandang kasama sa bahay. Kung ang mga alagang hayop
ay pinararami, ito ay maaaring maipagbili upang makadagdag
kita sa pamilya.
34
Gawain 1
Iguhit ang paborito mong hayop na inaalagaan sa bahay sa loob ng kahon at bigyang linaw ang sumusunod na mga tanong.
A. Ano ang pangalan ng alaga mong hayop?
B. Gaano karami ang inaalagaan mo?
C. Ano-ano ang mga kapakinabangan nito sa iyo?
35
Gawain 2
Sagutin ang tanong: Ano-anong pakinabang ang nakukuha natin sa pag-aalaga ng mga hayop?
a. ______________________________________
b. ______________________________________
c. ______________________________________
d. ______________________________________
e. ______________________________________
36
Sagutan ang karagdagang Gawain gamit ang link na nasa ibaba. Gamitin ang username at access code na ibinigay ng guro.
https://www.zipgrade.com/s/
37
Multiple Choice
1. Ito ay nagbibigay sa mag-anak ng sariwang itlog at karne.
Pusa
Aso
Kambing
Manok
38
Multiple Choice
2. Katulong natin sa pagsasaka ang alagang ito na nagbibigay sa atin ng sariwang gatas at karne.
Aso
Isda
Manok
Kambing
39
Multiple Choice
3. Nakatutulong ito sa pagtanggal ng stress at maaari ring pagkakakitaan ang alagang ito na humuhuni, umaawit, at ang iba ay nagsasalita.
Kambing
Isda
Ibon
Baboy
40
Multiple Choice
4. Ito ay kaibigan ng tao at tagabantay sa ating bahay.
Aso
Pusa
Palaka
Isda
41
Multiple Choice
5. Ang alagang ito ay nakakatanggal ng stress at tumutulong sa paghuli ng mga daga.
Aso
Pusa
Butiki
Manok
42
Open Ended
Bilang isang mag-aaral ng maikling journal tungkol sa kaniyang natutunan mula sa aralin.
(Gamitin ang Format na Ito)
Naiintindihan ko na _______________________________
Napag isipan ko na _______________________________
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
GRADE 4
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 42
SLIDE
Similar Resources on Wayground
35 questions
AP week 2
Presentation
•
4th Grade
34 questions
KAPUWA KO, IGAGALANG KO!
Presentation
•
4th Grade
33 questions
Pagsusunog ng Basura Itigil Na, Malinis na Hangin at Paligid At
Presentation
•
4th Grade
35 questions
Q4 WEEK 6 AGHAM
Presentation
•
3rd Grade
39 questions
MAPEH WEEK 7
Presentation
•
3rd Grade
36 questions
La Famille
Presentation
•
4th Grade
33 questions
EPP Week 5 Dapat Ligtas Ka!
Presentation
•
5th Grade
33 questions
ESP Q4 Week 3
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
20 questions
“What is the question asking??” Grades 6-8
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Fire Safety Quiz
Quiz
•
12th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
34 questions
STAAR Review 6th - 8th grade Reading Part 1
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
“What is the question asking??” English I-II
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
47 questions
8th Grade Reading STAAR Ultimate Review!
Quiz
•
8th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
76 questions
STAAR Mixed Review (Print Review)
Quiz
•
3rd - 7th Grade
14 questions
Revising and Editing
Quiz
•
4th Grade
23 questions
STAAR Math Review
Quiz
•
4th Grade
17 questions
Reading STAAR Review
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Measuring Angles using a Protractor
Quiz
•
4th Grade