
Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
Presentation
•
Other
•
4th - 5th Grade
•
Easy
MICHELLE DE LUNA
Used 2+ times
FREE Resource
16 Slides • 25 Questions
1
KUWARTER 2
LINGGO 7
NI GNG. MICHELLE S. DE LUNA
Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
2
PAUNANG PAGSUSULIT
A. Panuto:
Ang kagandahan, kaayusan, kalinisan, at katahimikan ng kapaligiran ay mapapanatili kung ang lahat ay magsisikap. Ano ang magagawa mo upang ito ay mapalaganap? Piliin ang PUSO kapag dapat gawin at BILOG kapag hindi.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
3
Multiple Choice
______1. Itanim sa isipan na may obligasyong dapat gampanan sa
pagpapanatili ng kalinisan at katahimikan ng kapaligiran.
4
Multiple Choice
______2. Gawing panuntunan ang pagpapanatili ng kaayusan at
kalinisan ng bawat lugar maging pampubliko man o pribadong
lugar.
5
Multiple Choice
______3. Mag-iwan ng kalat saan man para may magawa ng mga
tagapaglinis ng mga pampublikong lugar sa mga kalat na
iniiwan.
6
Multiple Choice
______4. Tumulong sa pagpapaunawa sa pamilya, kaibigan, at kakilala
ng kahalagahan ng kalinisan.
7
Multiple Choice
______5. Bigyan ng tungkulin ang sarili na tiyakin na ang lugar na
pupuntahan ay mapanatiling malinis pagkatapos itong gamitin.
8
PAUNANG PAGSUSULIT
B. Panuto:
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng pagpapanatili ng malinis, maayos, tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
9
Multiple Choice
6. Ang Pagudpud ay isa sa mga magagandang pook-pasyalan dito sa
Ilocos Norte. Maraming tao ang namamasyal dito taun-taon. Sa dami ng
namamasyal dito, marami rin sa kanila ang hindi marunong mag-alaga
sa lugar at nagtatapon ng basura kung saan-saan. Bilang isa sa mga
taga-Ilocos Norte, ano ang magagawa mo?
A. Palayasin ang mga taong nagtatapon ng mga basura.
B. Gayahin ang iba na nagtatapon din ng basura kung saan-saan.
C. Damputin ang basurang makikita sa daan at sunugin ang mga
ito.
D. Isagawa ang wastong pagtatapon ng basura para pamarisan ng
iba.
10
Multiple Choice
7. Nasa parke ka kasama ang mga kaibigan. Malapit sa parke ang
palikuran. Naiihi ka at halos hindi mo na ito mapigilan. Ano ang nararapat
mong gawin?
A. Iihi na lang ako kahit saan.
B. Magtitiis ako na huwag umihi.
C. Sasakay ako pauwi para umihi.
D. Hahanapin ko ang palikuran at doon iihi.
11
Multiple Choice
8. Habang naglalakad ka, isang lalaki ang naghagis ng upos ng sigarilyo
sa harapan mo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Iiwasan ko ang upos ng sigarilyo.
B. Titingnan ko nang masama ang naghagis.
C. Pagsasabihan ko siya na itapon ito sa basurahan.
D. Dadamputin ko ito at itatapon sa ibang lugar na mas malayo
12
Multiple Choice
9. Uupo ka sa isang upuan sa Laoag City Aurora Park. Nakita mong
marumi ito. Ano ang dapat mong gawin upang mapanatiling malinis ito?
A. Kukuha ako ng panlinis at ito ay lilinisin.
B. Iiwanan ko at hahanap ng ibang upuan.
C. Sisirain ko ang upuan para hindi na magagamit.
D. Tatawagin ko ang namamahala ng lugar para ipalinis.
13
Multiple Choice
10. Pababa ka sa hagdanan ng Laoag City Public Market nang nagmamadali. Sa iyong daraanan, nakita mo ang ilang pirasong papel at plastik na nakakalat. Ano ang dapat mong gawin sa mga ito?
A. Hayaan ko na lamang na iba ang dadampot.
B. Pupulutin ko ang mga kalat at itatapon sa tamang tapunan.
C. Uutusan ang street sweeper na siyang dadampot ng kalat.
D. Kukunin lamang ang kayang maabot ng kamay, iwanan na ang
iba.
14
Panuto: Pag-aralan ang larawan. Tukuyin ang pangalan ng pasilidad na ito. Isulat sa iyong sagutang papel kung paano mo ito gagamitin nang maayos.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
BALIKAN
15
TUKLASIN
Pangarap ng bawat isa ang tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Ang ideyal na paligid ay makakamtam kung ang lahat ay magtutulong-tulong. Makakamit mo ito kung magiging bahagi ka sa pagpapanatili ng kalinisan, katahimikan at kagandahan nito.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
16
PANUTO:
Basahin ang tula. Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang
papel.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
17
DISIPLINA ANG KAILANGAN
Isang magandang tanawin, matatagpuan sa hardin
Paruparo’y umaaligid, sumasayaw sa hangin
Sa isang iglap ay napawi magandang tanawin
Walang awang sinira ng batang kay hirap disiplinahin.
Isang hating-gabing payapa, banayad ang hangin
Sa higaa’y nakalagak ang katawang nahihimbing
Pamamahinga’y natigil, natutulog na diwa’y nagising
Ingay ng mga tao at sasakyan sa labas ang gumising.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
18
DISIPLINA ANG KAILANGAN
Paligid na tahimik, payapa, at paraiso
Sa isang iglap naglaho gandang taglay nito
Nasaan ang disiplina, bakit ganito ang tao?
Kailan kaya matututong alagaan ang paligid na
noo’y isang kaaya-ayang paraiso?
Pipiip! Pipiip!, busina ng trak ng basura
Hahakutin ang naipong kalat ng pamilya
Pero teka muna, tila ang iba’y walang nakikita!
Sa kanal at ilog pa rin itinatapon ang basura.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
19
Mga Tanong:
1. Bigyang pansin ang iyong damdamin matapos basahin ang tula.
Ano ang mensahe ng binasang tula?
2. Paano mo itutuwid ang mga maling gawain ng mga tao sa
kapaligiran?
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
20
Mga Tanong:
3. Paano mo tutugunan ang panawagan sa dalawang huling linya ng
tula?
4. Bakit mahalaga na mapanatili ang malinis, tahimik, at kaaya-ayang
kapaligiran?
5. Kung ikaw ay itatalaga upang pangunahan ang pagpapanatili ng
katahimikan at kalinisan ng inyong paaralan at lugar, anu-ano ang
gagawin mong hakbang?
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
21
SURIIN
Pakinggan at suriin ang awiting "Masdan Mo ang Kapaligiran" (Asin)
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
22
Multiple Choice
1. Tungkol saan ang awitin?
A. Kapaligiran
B. Kasiyahan
C. Kayamanan
D. Pangarap
23
Multiple Choice
2. Ano ang pagbabagong nangyayari sa kapaligiran natin ayon sa
awitin?
A. Higit pang gumanda ang ating kapaligiran.
B. Kay dumi na ng hangin pati na ang ilog natin.
C. Malinis na ang hangin natin dahil sa pag-unlad.
D. Maraming puno ang nadadapuan ng mga ibon.
24
Multiple Choice
3. Ano ang pinangangambahan ng mang-aawit para sa mga batang
ngayon lang isinilang?
A. Tatanda pa ba sila?
B. Matutupad pa ba nila mga pangarap nila?
C. Makapaglalaro pa ba ang mga bata sa malawak na lupa?
D. May hangin pa kayang matitikman, punong aakyatin at ilog na
lalanguyan?
25
Multiple Choice
4. Kaninong biyaya nanggaling ang lahat ng bagay na narito sa lupa?
A. Sa Diyos
B. Sa hayop
C. Sa paligid
D. Sa tao
26
Open Ended
5. Dapat ba nating ingatan at huwag sirain ang kapaligiran na biyaya ng
Diyos? Bakit?
27
ISAISIP
Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga alituntunin sa pagpapanatili ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa, napangangalagahan nito ang kapaligiran tulad ng sistema ng pangongolekta ng basura, pagtatalaga ng mga pulis na tumitiyak sa katahimikan at kaayusan ng lugar, pulis-trapiko na nagsasaayos ng daloy ng trapiko, at mga programa na nangangalaga sa kalikasan.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
28
ISAISIP
Nagtatakda rin ang mga lokal na pamahalaan ng mga ordinansa sa oras ng paggamit ng videoke, maayos na pangangalaga sa mga alagang hayop, pagbabawal sa paggamit ng plastik, at tamang lugar na tawiran, babaan at sakayan. May mga nakalaan ding pampublikong palikuran na maaaring magamit ng kahit na sinong mamamayan.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
29
ISAISIP
May mga hakbang din na ginagawa ang paaralan upang mapanatili ang kaayusan ng paligid nito. May mga basurahan na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. Nagkakaroon din ng kampanya para sa wastong pangangalaga ng kapaligiran.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
30
ISAISIP
Malaki ang kontribusyon ng malinis na kapaligiran sa pagkakaroon ng malusog na katawan at isipan ng mga mamamayan. Dahil dito, ang disiplina at pakikiisa ng mga tao sa lahat ng programang ipinatutupad ay kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
31
TAYAHIN
A. Panuto:
Piliin ang MABUTI kung ang pahayag ay makakatulong sa pangangalaga sa ating kapaligiran at DI-MABUTI kung hindi ito makakatulong.
Kuwarter 2 Linggo 8: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
32
Multiple Choice
1. Panatilihing malinis ang inyong palikuran sa bahay at sa palikuran
sa pampublikong lugar.
MABUTI
DI-MABUTI
33
Multiple Choice
2. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig.
MABUTI
DI-MABUTI
34
Multiple Choice
3. Ang mga pook-pasyalan ay hindi naman atin kaya hindi na
dapat pag-ingatan kung ito ay gagamitin.
MABUTI
DI-MABUTI
35
Multiple Choice
4. Tungkulin ng bawat mamamayan na panatilihin ang katahimikan
ng ating kapaligiran.
MABUTI
DI-MABUTI
36
Multiple Choice
5. Iwasan ang pagkakalat upang laging malinis ang kapaligiran.
MABUTI
DI-MABUTI
37
Multiple Choice
6. Hindi na kailangang sundin ang mga ginawang patakaran para sa
katahimikan at kalinisan ng pamahalaan.
MABUTI
DI-MABUTI
38
Multiple Choice
7. Sundin at igalang ang mga nagpapatupad ng programa at
sistemang nagpapatupad ng pangangalaga ng kapaligiran.
MABUTI
DI-MABUTI
39
Multiple Choice
8. Maglinis ng kapaligiran dahil hatid nito’y kaligayahan,
kapayapaan, at kaginhawaan.
MABUTI
DI-MABUTI
40
Multiple Choice
9. Bawat tao ay dapat sumali sa pagdadampot ng duming makikita
sa lansangan o kahit saan mang sulok ng bansa upang tiyak na
lilinis ang kapaligiran.
MABUTI
DI-MABUTI
41
Multiple Choice
10. Ipakita sa kapuwa ang wastong pagtatapon ng basura at pag-iwas
sa pagkakalat upang ito’y tularan nila.
MABUTI
DI-MABUTI
KUWARTER 2
LINGGO 7
NI GNG. MICHELLE S. DE LUNA
Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 41
SLIDE
Similar Resources on Wayground
37 questions
Filipino Q4 Week 2
Presentation
•
5th Grade
38 questions
Filipino Quarter 3 Week 5
Presentation
•
5th Grade
38 questions
Q1W5 Filipino
Presentation
•
5th Grade
41 questions
FILIPINO REVIEWER
Presentation
•
5th Grade
33 questions
The fraternity between the immigrants and the helpers.
Presentation
•
5th Grade
34 questions
Panghalip Panao
Presentation
•
4th - 5th Grade
35 questions
FILIPINO 5QUIZ 2
Presentation
•
5th Grade
33 questions
Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
28 questions
US History Regents Review
Quiz
•
11th Grade
36 questions
Biology Regents Review
Quiz
•
9th - 10th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
38 questions
Regents Life Science General Review
Quiz
•
9th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
21 questions
EOY Grade 6 Benchmark Assessment - Content Skills
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
16 questions
Summer school Trivia
Quiz
•
5th - 8th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
5th Grade
100 questions
100 Multiplication Facts - Multiple Choice
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Order Of Operations
Quiz
•
5th Grade
30 questions
Multiplication Facts 1-12
Quiz
•
2nd - 5th Grade
15 questions
Character Analysis
Quiz
•
4th Grade