Search Header Logo
AP 3Q WEEK 4 LESSON

AP 3Q WEEK 4 LESSON

Assessment

Presentation

Social Studies

5th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Dominic Liquido

Used 7+ times

FREE Resource

30 Slides • 4 Questions

1

AP 3Q WEEK 4 LESSON

Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol

Slide image

2


Sa huling bahagi ng ika-16 na siglo, maraming aspeto ng pamumuhay ng

mga Pilipino ang kinakitaan ng bahid ng kulturang Espanyol. Malaki ang

impluwensya ng Kristiyanismo sa mga pagbabagong naganap sa kulturang

Pilipino. Ilan sa mga impluwensya ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino ay

ang mga sumusunod:


3

Panahanan

Bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga Pilipino ay nagtayo ng mga tirahan na malapit sa mga baybayin at sa tabing ilog. May mga nanirahan din sa mga kabundukan. Ito ay upang malapit sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan. Ang disenyo ng mga tirahan ng mga Pilipino ay kadalasang yari sa mga likas na materyales tulad ng kawayan, buho, cogon at ratan na angkop sa klima ng bansa. Ang tirahan ng mga Pilipino ay tinatawag na bahay kubo.

4


Sa pagdating ng mga Espanyol nagbago rin ang estruktura ng tirahan ng mga Pilipino. Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag nito sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy. 

5

Lutuin

Ang impluwensya ng mga Espanyol sa pagkaing Pilipino ay makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan. Natutunan ng mga Pilipino ang pagluluto ng longganisa, tocino, embutido, bistek, callos, torta, pochero, escabeche, menudo, afritada, relleno, mechado, caldereta at estofado na madalas makikita sa tuwing may pagdiriwang. Nariyan din ang arroz caldo, empanada, paella, chicharon at leche flan.

6


Natuto ang mga Pilipino na gumamit ng kutsara, tinidor at kutsilyo sa pagkain. Mga kasangkapan tulad ng tasa, baso, mangkok at plato na naging impluwensya rin ng mga Espanyol at Tsino.

7

Pananamit

Unti-unting natutunan ng mga Pilipino ang magsuot ng mga damit na may mga istilong Espanyol. Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at sapatos. Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng sumbrero, mahabang pantalon, dyaket, camisa chino, ropillaat sapatos. Ang mga kababaihan naman ay natutong magsuot ng saya (mahahabang palda) at kimona (blusang yari sa pinong tela).

8


Minsan sinasamahan nila ito ng panuelao. malaking panyo na ipinapatong sa balikat at mantillao alampay. Naimpluwensyahan din ng mga Espanyol ang pagsusuot ng payneta o panggayak na suklay sa buhok. Nakagawian din nilang magdala ng abaniko at panyolito. Ang kasuotang Maria Clara, isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela ni Jose Rizal ang isang halimbawa ng kasuotan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Espanyol.

9

Edukasyon

Walang pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon. Natuto sila sa mga turo ng kanilang mga magulang tulad ng pangingisda, pangangaso at pagtatanim. Bagama’t may baybayin ngunit wala silang pormal na edukasyon.

10


Sa panahon ng mga Espanyol, ang pormal na edukasyon sa Pilipinas ay pinasimulan. Ang mga prayle ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Layunin nito na turuan ang mga Pilipino na mamuhay sa pamamaraang Kristiyano. Dito nagsimula nang nagtayo ng iba’t ibang paaralan at kolehiyo. Ang pagtuturo ng asignaturang tulad ng katesismo o relihiyon, pagsulat, pagbasa at aritmetika ang tanging pokus ng mga paaralan. Ang mga paaralang ito ay eksklusibo lamang sa mga kalalakihan bago pa man sumapit ang ika-19 na siglo. Noong ika-19 siglo lamang sila unang tumanggap ng kababaihang Pilipino. 

11

Musika

Ang angking talento at pagkahilig ng mga Pilipino sa musika ay lalo pang umunlad noong panahon ng mga Espanyol. Natutunan ng mga Pilipino ang musikang Kanluranin. Ang paggamit ng instrumentong alpa, biyolin, gitara, piano at plauta ay nalaman din. Naipakita rin ang kanilang husay sa paglikha ng instrumentong yari sa kawayan.

12


 Halimbawa nito ay ang “Organong Kawayan” na nasa simbahan ng Las Pinas na ginawa ni Padre Diego Cera, isang rekoletong misyonero noong 1818. Naging tanyag sa larangan ng musika sina Jose Canseco, Bibiano Morales, Marcelo Adonay, Hipolito Rivera, Andres Dancel at Ladislao Bonus.

13

Sayaw

Nakilala ang mga sayaw na Jota, Surtido, Habanera, Tango, Fandango, Lanceros, Rigodon, Polk, Mazurka at Waltz. Nahaluan din ng impluwensya ng Kanluranin ang mga katutubong sayaw ng mga Pilipino. Sinayaw ang Itik-itik at Tinikling sa indayog na La Jota at Polka. Ang mga ilang galaw naman sa Cariñosa, sayaw Santa Isabel at iba pang sayaw pag-ibig at pananampalataya sa mga santo ay hango sa Waltz.

14

Pagdiriwang

Malaking impluwensiya din ang mga iba’t ibang pagdiriwang panrelihiyon na dinala ng mga Espanyol. Ang mga ito ay naging bahagi na rin ng tradisyong Pilipino hanggang kasalukuyan ay ipinagdiriwang pa rin. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

15

Pista

Ang kapistahan ng patron o santo ng bayan ang pinakatanyag at nakakaaliw na pagdiriwang. Kumpleto ito sa mga banderitas sa kalsada, banda ng musiko, palaro, palabas at sayawan. Bahagi nito ang magarbo at magastos na handaan. Ang mga kamag-anakan sa ibang bayan ay dumadalaw upang makipagdiwang ng pista. Natutong mangutang ang mga Pilipino para may maihanda sa araw na ito. Mayroon din prusisyon ng mga napiling magandang kababaihan tuwing Flores de Mayo at Santacruzan.

16

Pasko

Ang pasko ay pagdiriwang ng bawat pamilya na ginugunita ang kapanganakan ni Hesus. Kumakain sila sa noche buena at nagbibigayan ng regalo katulad ng ginawa ng tatlong hari na nagbigay ng regalo kay Hesus. 

17

Mahal na Araw.

Ang kuwaresma o mahal na araw ay sinisimulan sa Linggo ng Palaspas (Palm Sunday). Nagdaraos sila ng mga gawaing pansimbahan kagaya ng misa at prusisyon. Sa panahong ito binabasa nila ang Pasyon o aklat na kung saan nakasulat ang buhay ni Hesukristo.Nakapapanood din tayo ng mga prusisyon ng mga taong sinasaktan ang kanilang mga sarili tulad ng pagpasan at pagpapako sa krus, kilala ang Cutud, San Fernando, Pampanga sa mga gawaing ito. Sila ay nagpi-Penitensya na kinapapalooban ng sariling pagpaparusa bilang pagbabalik tanaw sa hirap at sakit na dinanas ng Panginoong Hesukristo.

18

Binyag at Kasal

Ang bawat Pilipino ay dumaraan sa ritwal ng pagbibinyag. Ito ay palatandaan na bahagi na ng mga pananampalatayang Kristiyano. Ang taong binibinyagan ay kumukuha ng ninong at ninang sa paniniwalang gagabay at gaganap sila bilang pangalawang magulang niya. Gayundin ang kaugalian sa kasal mamimili ng mga ninong, ninang at abay upang maging saksi ng kanilang kasal o pag-iisang dibdib.

19

Mga Laro

Marami ring mga larong Pilipino ang naimpluwensyahan ng mga Espanyol. Ang mga larong ginagamitan ng kard ay nakuha natin sa mga Espanyol tulad ng Juego de Prenda, Pangguinggui, Kuwaho at Siete-siete. Mga larong panlabas naman ang mga Patintero, Sipa at Palosebo.

20

Panitikan

Malaki rin ang naging impluwensya ng mga Espanyol sa larangan ng panitikan. Ipinakilala ng mga Espanyol ang dasal, nobena, talambuhay ng mga santo at santa, awit, korido, tula, kuwento, moro-moro, senakulo, karilyo at sarsuwela.

21


Awit-tulang pasalaysay na binubuo ng labindalawang pantig sa bawat linya. Halimbawa nito ang “Florante at Laura: na likha ni Francisco Balagtas, ang tinaguriang “prinsipe ng Makatang Tagalog”

22

Korido. Tulang may walong pantig sa bawat taludtod. Ang “Ibong Adarna” at “Don Juan Tiñoso” ang mga halimbawa nito. 

23

Moro-moro. Dulang nagpapakita ng paglalaban ng mga Kristiyano at Muslim at ang wakas nito ay ang pagkagapi ng Muslim o pagtanggap sa relihiyong Kristiyanismo. 

24

Sarswela. Dulang may salitaan, sayawan at awitan 

25

Karilyo. Dulang gumagamit ng mga tau-tauhang karton na pinapagalaw sa harap ng ilaw

26

Senakulo. Dulang nagpapakita ng mga paghihirap at pagpaparusa sa Panginoong Hesukristo.

27

Pagpapangalan

Nagbago rin ang paraan ng pagpapangalan ng mga Pilipino. Batay sa kautusan ni Gobernador–Heneral Narciso Claveria Bautista, ang Claveria Decree noong 1849. Dahil dito, binigyan ng apelyidong Espanyol ang mga Pilipino tulad ng dela Cruz, del Rosario, de los Santos, at Santiago. Nakatala ang mga ito at mahigit 61, 000 mapagpipiliang apelyido sa Catalogo Alfabetico de Apellidos.

28

Relihiyon

Itinuro ang mga Katolikong kaugalian gaya ng pagbibinyag, pagpapakasal, pangungumpisal, pagrorosaryo, pagnonobena, pagsimba at iba pa. Kaugnay nito, dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas ang sistema ng palimbagan. Ang Doctrina Christiana ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Ito ay isang aklat tungkol sa katesismo at mga dasal at isinalin ito sa wikang Tagalog.

29

Mga Gabay na Tanong: 

30

Open Ended

Ano-ano ang mga pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol?

31

Open Ended

Alin sa mga impluwensyang Espanyol ang umiiral at ipinagpapatuloy pa sa kasalukuyan?

32

Open Ended

Paano naimpluwensiyahan ng Kristiyanismo ang kultura ng mga Pilipino?

33

Open Ended

Nakatulong ba sa mga Pilipino ang mga pagbabagong pangkultura upang maging mabuti ang kanilang pamumuhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.

34

Pananamit

Unti-unting natutunan ng mga Pilipino ang magsuot ng mga damit na may mga istilong Espanyol. Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at sapatos. Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng sumbrero, mahabang pantalon, dyaket, camisa chino, ropillaat sapatos. Ang mga kababaihan naman ay natutong magsuot ng saya (mahahabang palda) at kimona (blusang yari sa pinong tela).

AP 3Q WEEK 4 LESSON

Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 34

SLIDE