Search Header Logo
ESP 10: MODYUL 1_ KAHALAGAHAN NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS

ESP 10: MODYUL 1_ KAHALAGAHAN NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS

Assessment

Presentation

Other

10th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

JOAHNNA RIVERO

Used 7+ times

FREE Resource

16 Slides • 12 Questions

1

KAHALAGAHAN NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS

media

2

MGA LAYUNIN:

Matapos ang araling ito , ikaw ay inaasahan na:

1. natutukoy ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos;

2. nakapagtatala ng paraan ng paglutas ng suliranin batay sa tatlong uri ng relihiyong tinalakay;

3. nakapagbibigay ng katotohanan na nagpapakita ng kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos.

3

Hi kumusta tayo ngayon? 

  • Naging mahirap ba ang buhay para sayo nitong mga nakaraang buwan dahil sa pandemyang ating naranasan?

  • Paano mo pinatatag ang iyong sarili upang

    magpatuloy sa buhay?

  • Alam mo bang madali lang naman maging magaan ang mabibigat natin suliranin kung tayo ay may matatag na ugnayan sa ating panginoon?

  • Anuman ang relihiyon,paniniwala ng tao, ang espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan natin nakakatagpo ang Diyos.Bilang tao naghahanap tayo ng kahulugan ng ating buhay kung bakit tao umiiral, sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdaraaan.

4

Sa puntong ito kailangan mo ng

pananampalataya:

  • Pananampalataya ito ay ang personalpaniniwala at kaugnayan sa Diyos. Ito rin ang siyang kapanatagan ng mga bagay na inaasam, ito rin ang asiguraduran sa mga bagay na hindi natin nakikita.(hebreo 11:1) Ibig sabihin panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos. Ngunit ayon kay Apostol Santiago sa bagong tipan .”Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay".

5

Open Ended

Ikaw sa kabila ng ating pagkakaiba-iba ng pananampalataya sa paanong paraan ka nanampalataya?

6

Ating tuklasin ang tatlong uri ng relihiyon at ang kanilang pananampalataya:

1. Pananampalatayang Kristiyanismo. Itinuturo dito ang buhay na halimbawa ng pag-asa,pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.

Mahalagang aral ng relihiyong Kristiyanismo:

1. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.

2. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.

3. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging mapagkumbaba at ialay ang sarili sa pagtulong sa kapuwa. 

7

Open Ended

Ako bilang Kristiyano, ang isa sa ayaw ko sa panananampalatayang ito ay ang _________? At ang pinakagusto ko naman ay ang ___________?

(Para sa hindi mga Kristiyano)

Ako bilang ___________, ang isa sa ayaw ko sa panananampalatayang ito ay ang _________? At ang pinakagusto ko naman ay ang ___________?

8

Pananampalatayang Islam. Ito ay isang relihiyon monoteista (naniniwala sa iisang Diyos lamang) Isang Arabo ang nagtatag nito na si Mohammad at ang banal na aral ng Islam ay matatagpuan sa Koran. Ang kanilang pananampalataya ay aktibo sa lahat ng araw at panahon ng kaniyang buhay. Ito ay dahil sa Limang Haligi ng Islam na dapat isakatuparan.

9

Narito ang limang haligi ng Islam.

1. Ang Shahadah (Testimony of faith) ang mahalaga sa haligi ng Islam na dapat ipamalas ang pagpapahayag na “Walang ibang dapat na

sasambahin maliban kay Allah at si Mohammad ang alipin at kahulihulihang sugo ni Allah”

2. Ang Salah (Formal prayer) Ang pamumuhay ay isang balansing bagay ang pangkatawan at pang-espiritwal at ang paraan upang malayo sila sa tukso at kasalanan (limang takdang pagdarasal araw araw madaling aral, tanghali,hapon,takip silim at sa gabi) 

10

Limang Haligi ng Islam:

3. Ang Swam (fasting) Para sa mga muslim itoay isang paraan ng pagdidisiplina sa sarili upang mapaglabanan ang tukso na maaaring dumating sa kanilang buhay.

4. Ang Zakkah (Charity) ito ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah. Ito ay paglalayon ng pagtulong sa sa kapuwa kundi paglilinis sa mga kinita o kabuhayan upang ibahagi sa kanilang kapuwa muslim.(2.5 ng kaniyang kinita sa buong taon ang kaniyang itutulong sa kaniyang kapuwa).

5. Ang hajj (Pagdalaw sa Meca) Ang bawat Muslim,lalaki at babae,na may sapat na gulang mabuting kalusugan at may kakayahan(ikalabing dalawang buwan sa islamic calendar ) Pagbibigay pugay sa ginawang pagsasakrispisyo ni Abraham na pag alay sa kaniyang panganay na anak.sa Lahat ng may kakayahang maglakbay pisikal.

11

Open Ended

Ibigay ang 5 haligi ng Panananampalatayang Islam:

12

Open Ended

May pagkakatulad ba ang mga paniniwala ng Islam sa ibang relihiyon? Patunayan.

13

Pananampalatayang Buddismo- ito ay nakatuon sa aral ni Sidhartha Gautama

o ang Budha. Si Gautama ay kinikilala ng mga budhista na isang naliwanagan at

kanilang panginoon.

14

May apat na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta Gautama.

1. Ang buhay ay dukha (kahirapan,pagdurusa)

2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’)

3. Ang pagnanasa ay malulunasan.

4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 fold path)

1) tamang pananaw

2) tamang intensiyon

3) tamang pananalita

4) tamang kilos

5) tamang kabuhayan

6) tamang pagsisikap

7) tamang kaisipan

8) tamang atensiyon

15

Open Ended

Magbigay ng 4 na landas mula sa 8 Fold Path ni Sidharta Gautama na makalulunas sa paghihirap ng tao:

16

Open Ended

May pagkakatulad ba ang mga aral ng Budismo sa ibang panananampalataya? Patunayan.

17

Nirvana ay tumutukoy sa pagkamit ng pinakamataas na kaligayahan. Ang pagkamit ng pinakamataas na kaligayahan ang nagbibigay ng kahulugan sa kanilang buhay.

18

Open Ended

Naniniwala ka ba na ang Nirvana ay makakamit mo lang kapag ikaw ay nasa langit na? Ipaliwanag.

19

Gintong Aral (Golden Rule) “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”. Ito ay nangangahulugang anuman ang gawin mo sa iyong kapuwa,ginagawa mo

rin sayong sarili.

20

Open Ended

Magbigay ng 1 halimbawa mula sa sariling karanasan na naisasabuhay mo ang Gintong Aral.

21

Maaring iba’t ibang relihiyon at ang pamamaraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya, mag kakaiba man ang turo ng bawat isa, ang mahalaga ay nagkakaisa sa iisang layunin, magkakaroon nang malalim na ugnayan ang tao sa Diyos at kapuwa.

22

PAGLALAHAT

23

Open Ended

Sa kasalukuyan, paano ipinakikita ng mga kabataan ang iba’t ibang aral ng pananampalataya saan mang panig ng mundo.

Magbigay ng patunay.

24

Open Ended

Bakit mahalaga ang pananampalataya ng tao sa ating panginoon?

25

Open Ended

Paano mo mapapaunlad ang iyong pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay na iyong nararanasan?

26

PAGPAPAHALAGA/PAGSASAPUSO

27

Open Ended

Magbigay ng patunay na sitwasyon na sumasalamin sa nilalaman ng winika ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan na”Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay” at ipaliwanag ang inyong kasagutan

28

MARAMING SALAMAT SA IYONG KOOPERASYON SA ARAW NA ITO.

TIYAK AKONG MARAMI KANG NATUTUNAN MULA SA ATING ARALIN.

(Huwag kalimutan balikan ang inyong hyperdocs para sa panapos na pagtataya at takda.​)

KAHALAGAHAN NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 28

SLIDE