Search Header Logo
KAHULUGAN, KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO

KAHULUGAN, KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO

Assessment

Presentation

World Languages

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Louie Adrian Tanucan

Used 25+ times

FREE Resource

24 Slides • 17 Questions

1

KAHULUGAN, KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO

IMPORMATIBO, DESKRIPTIBO, ARGUMENTATIBO, NARATIBO,

PERSUWEYSIB, PROSIDYURAL


Slide image

2

Mga Inaasahan

  • nakikilala ang kahulugan, katangian at kalikasan ng iba’t ibang teksto;


  • natutukoy ang mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng teksto; at


  • napapahalagahan ang mga susuing salita sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng tekto.

3

Tekstong Impormatibo

  • Ito ay tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.


  • Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.


  • Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

4

HALIMBAWA NG MGA BABASAHING MAY TEKSTONG IMPORMATIBO

  • Biyograpiya

  • Mga Balita sa Radyo

  • Papel-Pananaliksik

  • Siyentipikong-ulat

  • Diksyunaryo

  • Encyclopedia

  • Almanac

5

Tekstong Impormatibo

Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri, at pagpapakahulugan ng impormasyon

6

Tekstong Impormatibo

Upang mas madaling maunawaan ang ano mang tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon. Kabilang dito ang talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo, mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan, graph, at talahanayan.

7

HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Ngayong 4PM, Marso 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 10,016 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 78 na gumaling at 16 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 15.8% (115,495) ang aktibong kaso, 82.4% (603,213) na ang gumaling, at 1.80% (13,186) ang namatay. 

- Department of Health- Facebook Page



8

Multiple Choice

Question image

Ito ba ay tekstong impormatibo?

1

Oo.

2

Hindi.

3

Hindi sigurado.

4

Hindi ko po alam.

9

Multiple Choice

Upang mas madaling maunawaan ang ano mang tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon.

1

Tama

2

Mali

10

Multiple Choice

Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang___________sa mga mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

1

maglarawan

2

mang-usisa

3

magpaliwanag

4

magtanong

11

TEKSTONG DESKRIPTIBO

  • Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa.


  • Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. 

  • Sa isang tekstong deskriptibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar kung saan nangyayari ang kuwento. 

  • Ipinakikilala nito ang hitsura, ugali, at disposisyon ng mga tauhan. 

12

TEKSTONG DESKRIPTIBO

  • Pinatatatag ng paglalarawan ang ano mang porma ng sulatin kung mahusay at angkop ang pagkagamit nito. 

  • Samakatuwid, mahalagang gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa atensyon ng mambabasa upang maipaliwanag ang oryentasyon ng isang malikhaing akda.

13

HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Paskong-pasko na sa bahay ng mga Alonzo dahil sa makukulay na palamuting nakasabit sa kanilang malaking gate.

Slide image

14

Multiple Choice

Pinatatatag ng paglalarawan ang ano mang porma ng sulatin kung mahusay at_____ ang pagkagamit nito.

1

malabo

2

malawak

3

angkop

4

polido

15

Multiple Choice

Pinatatatag ng paglalarawan ang ano mang porma ng sulatin kung mahusay at_____ ang pagkagamit nito.

1

malabo

2

malawak

3

angkop

4

polido

16

Multiple Choice

Sa isang tekstong deskriptibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar kung saan nangyayari ang kuwento.

1

Tama

2

Mali

17

Multiple Choice

Sa tekstong diskriptibo, gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon.

1

Tama

2

Mali

18

Multiple Choice

Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.


Ito ba ay tekstong deskriptibo?

1

Oo.

2

Hindi.

19

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

  • Ito ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

20

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

  • Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.

  • Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan.

  • Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensiya.

21

HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Dapat lamang ipatupad ang programang K-12 dahli ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang ang panahon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon ng pagkakataon ang mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang magtrabaho matapos sumailalim sa K-12 kung sakaling wala na silang pera upang tumuloy sa pag-aaral; at kahit pa hindi sila nakapag-aral ng kolehiyo, magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na kikilalanin maging sa ibang bansa.


22

Multiple Choice

Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing __________ kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.

1

paglalarawan

2

imbestigasyon

3

pagsasalaysay

4

pagtatanong

23

Multiple Choice

Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na_____________.

1

ebidensiya

2

pundasyon

3

paglalarawan

24

Multiple Choice

Mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa mga tekstong argumentatibo sa pagtatrabaho kung saan karaniwan na ang iba’t ibang manuwal upang panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung paanong pagaganahin ang isang kasangkapan, at pagpapanatili ng maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng mga protokol.

1

Tama

2

Mali

25

Multiple Choice

Maaring gamitin ang imahinasyon sa pagtatanggol ng posisyon kung wala ng iba pang makalap na ebidensiya.

1

Maari.

2

Hindi maari.

26

Tekstong Prosidyural

  • Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay. Nagagamit ang pang-unawa sa mga tekstong prosidyural sa halos lahat ng larang ng pagkatuto. 

27

Tekstong Prosidyural

  • Mahalaga ang mahusay na pang-unawa sa mga tekstong prosidyural sa pagtatrabaho kung saan karaniwan na ang iba’t ibang manuwal upang panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung paanong pagaganahin ang isang kasangkapan, at pagpapanatili ng maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng mga protokol. 

28

Tekstong Prosidyural

  • Ang protokol ay isang uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng gabay at mga paalala na maaaring hindi nakaayos nang magkakasunod.

29

Tekstong Prosidyural

  • Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto. 

  • Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang empleyado o mag-aaral kung susundin ang mga gabay.

30

HALIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL (Pagsasaing)

  • Magtakal ng bigas at ilagay sa kaldero ayon sa tamang dami. 

  • Hugasan ang bigas ng dalawang ulit. 

  • Dagdagan ng tubig na naayon sa dami ng bigas.

  • Isalang sa kalan ang kaldero at hintaying maluto. 

  • Ihain habang mainit.


31

Multiple Choice

Nagagamit ang_______ sa mga tekstong prosidyural sa halos lahat ng larang ng pagkatuto.

1

bokabularyo

2

pag-unawa

3

panuto

32

Multiple Choice

Ang tekstong prosidyural ay nagbibigay impormasyon kung paano gawin ang isang bagay. Kaya, maari din itong tawaging tekstong ekspositori.

1

TAMA

2

MALI

33

TEKSTONG NARATIBO

  • Ito ay mahalaga upang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.

  • Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.

  • Maaaring ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.

34

TEKSTONG NARATIBO

  • Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay).

  • Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging malikhain ang katha.


35

HALIMBAWA NG TEKSTONG NARATIBO

Ang mga tekstong pinamagatang “Talambuhay ni Rizal” at “Ang Alamat ng Lanzones”

36

Multiple Choice

Maaaring ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.

1

Tama

2

Mali

37

Multiple Choice

Si Mohandas Karamchand Gandhi, mas kilala bilang si Mahatma Gandhi, ay nanguna sa kilusan sa pagpapalaya sa India mula sa pananakop ng Britanya. Ito ba ay tekstong Naratibo?

1

OO

2

HINDI

38

TEKSTONG PERSUWEYSIB

  • Ito ay isang uri ng di-piksiyon na pasulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. 

  • Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. 

39

TEKSTONG PERSUWEYSIB

  • Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal na at walang batayang opinyon ang isang manunulat.

  • Sa halip ay gumagamit ang manunulat ng mga patunay mula sa batayang ito upang mapaniwala ang mga mambabasa sa talas at katumpakan ng panghihikayat ng manunulat.

40

HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB (PATALASTAS)

Araw-araw ka bang tinutuksong naligo sa uling? Nais mo bang pumuti ang iyong balat ngunit hindi gumastos ng malaki? Narito na ang solusyon ng inyong problema - ang calasoap. Ang calasoap ay sabon sa katawan na pinag-aralan at ginawa ng mga eksperto upang magpaputi. Ito ay pinaghalong ingredients ng papaya at calamansi na kilala sa pagpaputi. Binibenta ito sa mga grocery at mga botika. Ano pang hinihintay n’yo? Putian time na!

41

Multiple Choice

Ang tekstong argumentatibo ay naglalatag ng mga katotohanan at ebidensiya sa layuning matanggap ng mambabasa ang kanyang pananaw hinggil sa isang bagay habang ang tekstong persuweysib naman ay gumagamit ng mga katotohanan para hikayatin ang mambabasa.

1

TAMA

2

MALI

KAHULUGAN, KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO

IMPORMATIBO, DESKRIPTIBO, ARGUMENTATIBO, NARATIBO,

PERSUWEYSIB, PROSIDYURAL


Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 41

SLIDE