
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikatlong Markahan
Presentation
•
Education, Life Skills
•
9th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Avegail Sanoy
Used 8+ times
FREE Resource
14 Slides • 15 Questions
1
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikatlong Markahan
2
LEKSYON 1:
Katarungang Panlipunan
3
Binabati kita!
Magandang araw sayo! Ako nga pala si Miss Ave! Ang iyong guro sa subject na ito. Gusto kong magpasalamat sa iyong nagawang tagumpay sa pangalawang markahan. Gusto kong malaman mo na ako ay labis na nasiyahan dahil nandito kana at handang-handang matuto para sa ating leksyon sa ESP 9 - Ikatlong Markahan.
4
TANDAAN:
Basahin at intindhing mabuti ang sumusunod na mga pahina:
5
Alamin
Sa Modyul 1, natutuhan mo na mahalaga
ang pagsisikap ng bawat tao sa pagkamit at
pagpananatili ng kabutihang panlahat sa lipunan. Isa sa mga nararapat pagsikapan upang makamit ito ay ang pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga na magpapatatag sa lipunan. Pangunahin sa mga moral na pagpapahalagang ito ay ang katarungang panlipunan.
Bakit mahalaga sa ating pakikibahagi sa lipunan ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan? Paano ka tutugon sa hamon ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
6
Inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan
3. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya
4. Natutugunan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon
7
Sa naunang modyul,
Napalalim mo ang iyong pag-unawa sa kahalagahan ng tunay na diwa ng pakikilahok at bolunterismo sa lipunan. Natutuhan mo na bilang kabataan, marami kang maaaring magawa tungo sa pagbabago at pag-unlad ng lipunang iyong
kinabibilangan.
8
Sa naunang modyul,
Sa modyul na ito, gagabayan ka upang maunawaan mo na bilang isang panlipunang nilalang, kailangan mo ang iyong kapuwa lalo na sa mga kritikal na sitwasiyon ng iyong buhay.
9
Sa naunang modyul,
Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na:
Paano makipag-ugnayan ang bawat mamamayan sa kaniyang kapuwa sa kanilang pagkakasamang pag-iral?
10
Handa ka na ba?
Tayo na at matuto!
11
Multiple Choice
Sigurado bang HANDA KA NA?
Oo
Hindi pa
12
PANUTO
Gumawa ng pagtatasa kung anong mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao ang taglay mo sa iyong sarili sa kasalukuyan.
Sagutin ang bawat aytem sa mga susunod na slides.
Isaalang-alang ang kasalukuyang ginagawa mo at hindi ang gusto mong gawin.
13
Mga TANONG
14
Multiple Select
1. Isinasaalang-alang ko ang mga karapatan ng mga tao sa aking paligid.
Ako ito
Hindi ako ito
15
Multiple Select
2. Inuunawa ko ang bawat sitwasiyon sa obhektibong paraan upang makakilos nang makatarungan ayon sa hiningi ng sitwasiyon.
Ako ito
Hindi ako ito
16
Multiple Select
3. Kahit alam ko kung ano ang nararapat para sa akin, maaari pa rin akong magparaya alang-alang sa mas nangangailangan nito.
Ako ito
Hindi ako ito
17
Multiple Select
4. Handa akong magbigay ng aking sarili upang makatulong sa pagpapabuti ng kapakanan o buhay ng aking kapuwa.
Ako ito
Hindi ako ito
18
Multiple Select
5. Kinikilala ko ang mga karapatan ng bawat miyembro ng aming pamilya.
Ako ito
Hindi ako ito
19
Multiple Select
6. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa paaralan, sa trabaho, sa aming baranggay o sa bansa.
Ako ito
Hindi ako ito
20
Multiple Select
7. Itinataya (commit) ko ang aking sarili sa kasunduang mayroon ako at ang aking mga kaibigan.
Ako ito
Hindi ako ito
21
Multiple Select
8. May kamalayan ako kung anong karapatan ang dapat kung igalang lalo na ang may kaugnayan sa likas na batas moral.
Ako ito
Hindi ako ito
22
Multiple Select
9. Tinutupad ko ang aking mga pangako at mga komitment sa buhay.
Ako ito
Hindi ako ito
23
Multiple Select
10. Nauunawaan ko na ang pagsalungat, pagbatikos at pagpuna sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan.
Ako ito
Hindi ako ito
24
Open Ended
Matapos mong sagutan ang mga tanong, ano ang naramdaman mo sa kinalalabasan ng iyong pagtatasa?
25
Open Ended
2. Sa kabuuan, ano-ano ang iyong mga natuklasan tungkol sa iyong sarili batay sa resulta ng pagtatasa?
26
Open Ended
3. Sa palagay mo, paano ka magiging makatarungang tao upang makabahagi sa pagpapairal ng katarungang panlipunan sa iyong pamilya, paaralan, o pamayanan? Ipaliwanag.
27
Open Ended
4. Mula sa mga palatandaang ito, ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng katarungang panlipunan?
28
GAWAIN
Isulat sa papel ang iyong kasagutan at pakipiktyuran ang iyong sagot. Isumit ang mga larawan na nakuha sa ating Google Classroom ESP 9 Quarter 3 & 4
29
Isa kang matalinong mag-aaral nang SciHi
Ako ay lubos na nasiyahan sa iyong ipinamalas na katalinuhan at katapatan sa pagsagot sa aking mga katanungan.
Binabati kita dahil natapos mo ang panimulang leksyon. Patuloy na pagbutihin mo ang iyong pag-aaral.
Maraming salamat! Hanggang sa muli. Paalam!
Love,
Miss Ave
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikatlong Markahan
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 29
SLIDE
Similar Resources on Wayground
24 questions
FIL9: Barbalan
Presentation
•
9th Grade
24 questions
Q3-Modyul2-Pambansang Kita
Presentation
•
9th Grade
20 questions
Q4_Homeroom Guidance _Week 1
Presentation
•
KG
23 questions
affirmative tú commands
Presentation
•
9th - 11th Grade
25 questions
Decoding, prefix and suffix
Presentation
•
KG
23 questions
How did Hitler come to power?
Presentation
•
9th Grade
21 questions
9th - F451 Vocab - List 1
Presentation
•
9th Grade
23 questions
French 2 Living Arrangements/Browsing and Buying
Presentation
•
9th Grade
Popular Resources on Wayground
6 questions
Secondary Safety Quiz
Presentation
•
9th - 12th Grade
10 questions
Afterschool Activities & Sports
Quiz
•
6th - 8th Grade
19 questions
ROAR Week 2026
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Lab Safety Quiz
Quiz
•
6th Grade
15 questions
Cool Tool:Chromebook
Quiz
•
6th - 8th Grade
22 questions
would you rather
Quiz
•
3rd - 11th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade