
BATAS RIZAL lesson 1
Presentation
•
History
•
University
•
Practice Problem
•
Easy
Alyana Centeno
Used 19+ times
FREE Resource
21 Slides • 3 Questions
1
Panalangin
Dakilang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Nagpupuri at nagpapasalamat kami sa muli nanamang araw ng iyong pinagkaloobsa amin. Sa buhay at kalakasang taglay namin sa ngayon, maraming salamat po.Dalangin namin na ang lakas na taglay ay magamit sa pagtupad sa mga nakaatang na responsibilidad sa amin. Salamat sa patuloy na probisyon ng aming mga pangangailangan sa kabila ng pang yayari sa aming kapaligiran.
2
Open Ended
Ano ang pagkakakilala mo kay Dr. Jose Rizal?
3
ANG BATAS
RIZAL
BATAS RIZAL
REPUBLIC ACT 1425
4
SA PAGTATAPOS NG MODULE, INAASAHANG
MAGAGAWA MO ANG MGA SUMUSUNOD:
Nailalahad ang mga pangyayari na may kinalaman sa pagpapanukala at pagpapatibay ng batas
rizal.
Nakikilala ang mga taong nasa likod ng tunggalian ng interes bago pa ito ganap na napagtibay
bilang isang batas.
Nakapagbibigay ng sariling katwiran labag man o pagsang-ayon sa iba’t-ibang naging
argumento sa r.A 1425.
Naipapaliwanag ang mga tiyak na probisyon ng R.A. 1425
Naipapaliwanang ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagkilala kay dr. Rizal bilang isang
pambansang bayani
5
PULITIKA SA LIKOD NG BATAS RIZAL
Aralin 1
6
SA PAGTATAPOS NG ARALIN, INAASAHANG
MAGAGAWA MO ANG MGA SUMUSUNOD:
1. Nailalarawan ang kasaysayan ng batas rizal at mga kaugnay na batas nito.
2. Natatalakay ang mga isyung pulitikal na kinaharap ng batas rizal..
3. Nauunawaan ang halaga ng pag-aaral ng kursong rizal
4.Naipapaliwanag ang ilan pang batas na nagpapahalaga kay Dr. Rizal.
7
PANUKALANG BATAS BLG 438 (SENATE BILL
NO. 438)
Ika-3 ng Abril, 1956 – inihain nina Sen.
Claro M. Recto at Sen. Jose P. Laurel sa
Mataas na Kapulungan (Senate) ang
Senate Bill No. 438 (“An Act to make
Noli Me Tangere and El Filibusterismo
compulsory reading matter in all public
and private colleges and universities
and for other purposes”).
8
Hindi sumasang ayon!
Lahat ng unibersidad at kolehiyo
Decoroso Rosales, Kapatid ni Arsobispo Rosales;Mariano Cuenco, KApatid ni Arsobispo Cuenco; at Francisco "Soc" Rodrigo, dating pangulo ng Catholico Action.
Nilalabag ng naturang batas ang kalayaan sa pagpili at pananampalataya.
9
PANUKALANG BATAS BLG 5561 (HOUSE BILL
NO. 5561)
Ika-19 ng Abril, 1956 – ipinanukala ni
Kong. Jacobo Z. Gonzales ang House
Bill No. 5561 sa Mababang
Kapulungan (House of Representative)
10
Ang panukalang batas na ito sa mababang kapulungan ay nanganib na maibasura noong ika-3 ng Mayo sa simula ng deliberasyon dahil walong boto lamang ang naging lamang ng 45 na sumang ayon sa 37 na tumutol, at may isang nag abstain. Ang delibrasyon sa Mababang Kapulungan ay naging maaksyon at humantong pa sa suntukan.
11
BATAS REPUBLIKA BLG. 1425
Ika-12 ng Hunyo, 1956 – opisyal na
nalagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay ang Batas Republika Blg.
1425 o Batas Rizal.
12
BATAS REPUBLIKA BLG. 1425
Ang batas na ito ay nag aatas na isama sa umiiral na kurikulum ng bawat paaralan maging pribado pampubliko man sa lahat ng antas ng pag aaral ( Elementarya, Sekundarya, o Kolehiyo) Ang pag- aaral sa buhay, ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal, lalo na ang anyang dalawang nobelang Noli me Tangere ay El Filibusterismo, pagbibigay kapahintulutan sa paglilimbag at pamamahagi ng mga nabanggit na aklat at sa ib pang kapakipakinabangan.
13
ANG MGA PROBISYON NG BATAS REPUBLIKA
BLG. 1425 (BATAS RIZAL)
Kailangan na masama sa kurikulum ng mga mag-aaral sa elementarya hanggang kolehiyo ang
Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo ng walang anumang pagbabago.
Gumamit ng primaryang batayan o batis.
Kailangan may sapat na bilang ng kopya ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere sa mga
silid-aklatan ng bawat paaralan.
14
Dapat ay nakasalin ang mga ito sa Filipino, Ingles at mga wikang umiiral sa Pilipinas.
Dapat maglimbag ng kopya nito sa murang halaga o di kaya’y nang walang bayad.
Kailangan ay may kopya ang mga organisasyon o himpilan ng barangay.
15
Open Ended
BAKIT MAHALAGA NA PAG ARALAN ANG BUHAY NI RIZAL?
16
BATAS
REPUBLIKA BLG.
229
Nilikha ng Senado at ng Mababang Kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas.
17
BATAS REPUBLIKA BLG. 229 (APRUBADO:
HUNYO 9, 1948
SECTION 1. Ang batas at kautusang ito ay nagbabawal sa pagsasabong,pagkakarera at jai alai sa ika-30 disyembre kada taon, ang araw ng kagitingan ng ating dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal.
SECTION 2. Magiging opisyal na gawain ng punong bayan ng bawat munisipalidad at mga siyudad na gumawa ng lupon na mangunguna sa tamang pagdiriwang ng araw ni
Rizal kada taon, at kung saan ang punong bayan, ang kanilang pinuno at sa kooperasyon ng mga ahensiya, departamento, opisina, kawanihan ng gobyerno at lokal na institusiyon. Ang ilan sa mga seremonya ay ang paglagay sa kalahati ng hagdan ng pagtaas ng bandila sa lahat ng pampublikong lugar.
18
SECTION 3. Ang sino mang sumuway sa kautusan ay pagbabayarin ng karampatang
multa na hindi hihigit sa dalawandaang piso o pagkakakulong na hindi lalagpas sa anim na buwan o parehong parusa sa paghatol ng hukuman. At kung ang nagkasala ay ang punong bayan karagdagang parusa na ipapataw ay ang pagkasuspendi sa kanyang termino ng isang buwan. Kung may paglabag ang isang korporasyon, ay mayroong
pananagutang kriminal ang presidente nito, direktor o ibang opisyales nito.
19
SECTION 4. Ang batas na ito ay epektibo matapos ito ay aprubahan.
20
ANG KAUTUSAN BLG. 247 S. 1994
Sa kautusan ito ng malacañang ay inaatasan ang kalihim ng edukasyon, kultura, at
sports, at ang tagapangasiwa ng CHED na ipatupad ang batas republika blg. 1425 na
nag-uutos na isama sa pag-aaral ng mga pampubliko at pribadong paaralan, mga
kolehiyo at unibersidad ang buhay, mga nagawa, at naisulat ni jose rizal, lalo na ang
mga nobelang noli me tangere at el filibusterismo, at ang paglimbag at isa-publiko
ang mga nasabing nobela.
21
Poll
SA INYONG OPINYON DAPAT BANG IPATUPAD ANG BATAS RIZAL?
SANG AYON
HINDI SANG AYON
22
HINDI SA TAAS NG EDUKASYON NASUSUKAT ANG PAGKATAO MABABA MAN ANG PINAG ARALAN KUNG MARUNONG KANG RUMESPETO DAIG MO PA ANG EDUKADO.
23
ASSIGNMENT
GUMAWA NG POSTER NA NAG LALARAWAN SA KALAYAAN NG PILIPINAS. IPASA ITO SA ATING GOOGLE CLASSROOM.
24
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG.
Panalangin
Dakilang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Nagpupuri at nagpapasalamat kami sa muli nanamang araw ng iyong pinagkaloobsa amin. Sa buhay at kalakasang taglay namin sa ngayon, maraming salamat po.Dalangin namin na ang lakas na taglay ay magamit sa pagtupad sa mga nakaatang na responsibilidad sa amin. Salamat sa patuloy na probisyon ng aming mga pangangailangan sa kabila ng pang yayari sa aming kapaligiran.
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 24
SLIDE
Similar Resources on Wayground
19 questions
Product and Process-oriented Assessment
Presentation
•
University
17 questions
Św. Faustyna
Presentation
•
University
17 questions
Enlace Covalente
Presentation
•
University
17 questions
Estequiometría
Presentation
•
University
19 questions
PLANÉTA ZEM
Presentation
•
KG
20 questions
Organic Chemistry - Types of Reaction
Presentation
•
University
15 questions
TTHCM
Presentation
•
University
18 questions
X - BAB 3. B. Gotong Royong sebagai Perwujudan Ekonomi Pancasila
Presentation
•
University - Professi...
Popular Resources on Wayground
10 questions
Factors 4th grade
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade